KABANATA 25

1233 Words
"Huy," Pasimpleng siko at bulong ni Amanda kay Abby. "Anong nangyari sa iyo?" "Huh?" Nagtatakang baling nito sa kaibigan. "Anong huh ka d'yan. Ang weird mo ngayon." Anito habang patingin-tingin sa mga bisita nila. Ilang saglit na tila ba natigilan si Abby, makara'ay tumawa nang mahina. "See?! Ang weird mo. Kailan ka pa tumatawa na parang lukaret eh wala namang nakakatawa sa sinabi ko. May sapi ka ba? Bilog ba ang buwan ngayong gabi?" Ismid nito sa kanya. "Umaandar na naman ang pagka- over thinker mo Amanda." "Talaga ba? Eh ano ang nangyari sa inyo ni Rony doon sa may kusina? Medyo nagtagal kayo doon ah. Feeling mo walang nakapansin? Friend, I bet hindi lang ako ang nakapansin nu'n uy! Tapos ngayon ganyan ka kung umarte? Obvious ka hija." Salubong ang kilay na litanya nito kaya napipilan siya. Halata nga ba talaga siya? O, sadya lang talaga na malakas ang radar ni Amanda. Sa yuko niyang ulo ay sinilip niya si Rony, ngunit gayon na lang ang lalim ng hugot niya sa kanyang pag-hinga nang makitang parang walang anuman ang nangyari sa kanila kani-kanina lang. Malungkot siyang napangiti bago napa-iling. "W-walang nangyari. Tinulungan lang niya akong alisin sa pagkasalansan ang mga upuan. Iyon lang." Mataman na minasdan at halos paka-titigan na ni Amanda si Abby bago lumipad ang paningin kay Rony. "Okay.." Nang akmang aabutin ni Amanda ang bote ng beer ay kaagad na nailayo iyon sa kanya ni Joey. Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Walang iinom sa inyo ni Abby. Mag-Pepsi ka nalang." Singhal ni Joey sabay lapag ng dalawang bote ng softdrinks sa tapat nila. "Eh wala naman kami sa club ah!" "Kahit na! Sakit kayo sa ulo kapag nalalasing." "Nai-kwento nga ni Erick ang nangyari sa inyo sa club, mabuti at-" "Hun.." Bago pa matapos ni Bianca ang sinasabi ay kinabig na ito ni Joseph at binulungan. Matapos ay gulat na napatitig ka Abby na ikinataka ng dalaga. "Yeah..They're wasted at that time." Nakangiting salo ni Erick nang mapansin ang nagtatakang mukha ni Abby. "And I heard, you two had fun with a hang over." Nakangiwi at napapahiyang inabot na lang ni Amanda ang bote ng softdrinks at saka tumungga doon, habang naging sentro na sila ng katatawanan ng mga ito. Tuwang-tuwa si Joey na ibinibida ang paghihirap nila sa kasagsagan ng *hangover* na iyon. Mula sa pananahimik ni Abby ay ang maliit na kamay na iyon sa kanyang mukha ang nagpabalik sa kanyang naglalayag na utak. Napangiti siya nang makitang inaabot siya ng anak ni Bianca na tila gustong magpakandong sa kanya. "Sorry Abegail, sadyang malikot lang talaga si Brent." Hinging paumanhin ni Bianca na muling inilalayo ang anak na nangungunyapit na sa kanya. "No problem. Pwede ko bang buhatin? Amoy nanay siguro ako kaya gustong magpakarga sa akin." Natatawa niyang saad na ikinatawa din ni Bianca. Hinayaan nitong makagapang sa kandungan niya si Brent na kaagad niyang inalalayan upang hindi mahulog. "Mukhang gusto ka ng pamangkin ko. Buti nalang hindi nag-mana sa daddy niyang may attitude." Ngisi ni Sarah sabay lingon at irap kay Joseph. "Excuse me?!" Bakas ang pagprotesta sa boses ni Joseph. "Ilang taon na itong anak mo Bianca?" Baling ni Abby kay Bianca. "Mag-two years old na siya. Tamang-tama, uuwi kami sa Mindoro para doon i-celebrate ang birthday ni Brent, punta kayo. Joey said nagbabakasyon kayo ni Amanda right?" "Huh?" Nabibiglang anas niya at saka hinanap ng mga mata si Amanda na abala naman sa pakikipag-usap kay Christina. Hindi man lang niya namalayan na nakalipat na ito ng pwesto. "Hun! They can join us sa Mindoro naman diba?" Lalong gulat na napaharap si Abby kay Bianca. Parang sa palengke lang nagyaya eh. "Yeah, why not. Maluwang naman iyong loteng nabili ko doon. Pwede silang magpagulong-gulong kung trip nila. Right Rony?" "Why are you asking me?" Tila napipikon kaagad na sabi nito. "Oh and before I forget. Single ka pa Abegail right?" Bigla ang kabig nito at nanliliit ang mga mata sa pagkakangiting pumaling kay Abby. "Ahuh! If I'm not mistaken, may kapatid si Bianca na binata pa. Liam..ugh Leo?" Ani Gibson. "It's Ellie!" Pagtatama ni Bianca sa pangalan ng kapatid. "Drop it!" Bigla ay pagtaas ng boses ni Rony. Sabay-sabay na natigilan at napatingin sa kanya ang lahat ngunit lalo lamang tila nag-init ang punong-tenga niya nang sabay-sabay ding ngumisi ang tatlong itlog niyang mga kaibigan. "What's with you? Alangan namang sa iyo namin ireto si Abegail eh engage ka na." Pagtuya ni Gibson. Naningkit ang mga mata niya sa umuusbong na inis. "Ellie is still a kid." Halos magdikit ang mga nginpi na aniya. Erick is amusely staring at him while Joseph chuckles evenmore. "As far as I know, Ellie is already a grown-up boy. He can certainly make a baby. Right hun?" Tumaas-baba ang kilay na tanong nito kay Bianca. "Shut up." Naiiling na lang na sabi nito. Alam na alam ni Bianca ang ganitong tuksuhan sa magkakaibigan. Hindi rin malayo na mauwi sa pikunan. Ngunit sa kabila niyon ay mayroon lang gustong patunayan ang tatlo, at batid niya na iyon din ang dahilan kung bakit nagkayayaan ang mga ito na magtungo sa bahay ni Joey. At ngayon nga malapitan na niyang nakikita si Abegail at Rony ay mukhang tama ang hinala nilang lahat. " Are y'all serious? How old is Ellie? Twenty, twenty-two? Y'all matching a twenty-something kid to a thirty' ish woman here?" Nagpapanting ang tenga at tila puputukan ng ugat sa leeg na napatayo si Rony. Iginala niya ang mga mata sa bawat taong naroroon, at lumanding kay Abby na pulang-pula na ang mukha, kung sa hiya o kilig ay hindi niya sigurado. Umasim lalo ang timplada niya sa pag-aakalang kinikilig pa ito sa takbo ng usapan. "Are you that hopeless Abegail? Hindi ba't may Glenn ka na?" "Hey, watch your words Rony! " Babala ni Joey, bagaman mahinahon nito iyong sinabi. Napapakamot sa ulo na napatayo si Gibson at saka hinawakan si Rony sa magkabilang balikat upang i-upo. "What!?" Angil ni Rony. "You're such a baby, Rony." "Piss off Gibson! Oh, yeah bakit nga naman hindi, she flirted in the dance floor with a bunch of wussy, lame-ass pre-mature adults. I'm sure she won't mind being paired up with a -s**t!!" "Leave! And make sure to wash your filthy mouth. " Tigagal na tiningala ni Rony si Amanda matapos siya nitong sabuyan ng tubig na may sabon. Kung saan at paano nito iyon nakuha ay hindi niya pa maisip. Humahangos ang dibdib niya sa galit, o galit nga ba iyon? Was he jealous? Of course he wasn't..he wasn't. Tiim bagang na hinablot niya ang jacket sa armrest, padarag na tumayo at muntikan pa na mabangga ang mga tuhod sa mesita. Kung pwede lang na mahati sa dalawa ang mesita sa talim ng tingin niya ay baka hindi lamang iyon ang maperwisyo niya. Bago humakbang patungo sa pintuan palabas ay pahapyaw pa niyang nakita si Abby na inaalo ng mga kaibigan nito. Inaasahan niya na lilingunin siya ng dalaga pero nakalabas na siya at lahat ay hindi na siya nito hinarap pa. Sa sobrang inis sa sarili ay sinipa niya ang gulong ng kanyang sasakyan, itinukod ang mga kamay sa bubungan at saka sunud-sunod ang malalalim na hininga ang pinawalanan. He's becoming different everytime he saw her, everytime she's near him..to the point that he can't even recognize himself. And the more that he tried to suppress it, the more it is difficult to handle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD