"May possible date na tayo ng concert mo. Hihintayin na lang natin ang go signal ng mga producers at management para makapag-schedule ka na ng practice. Also, may naka-line up kang modeling gig, tatlo ngayong buwan..pictorial para sa product indorsement and..Rony?"
Tawag pansin ni Marvin nang makitang walang kibo at tahimik lang itong nakapikit sa pagkakasandal sa sofa. Kung hindi siya nito sinenyasan na magpatuloy ay iisipin niya na tutulog lang ito.
Itinuwid niya ang likod mula sa pagkakayuko, inilapag ang mga nire-review na itinerary ni Rony sa loob ng isang buwan bago sinuri nang mabuti ang kaharap.
"Spill it."
Hindi nagmumulat ng mata na ani Rony.
"Dapat yata ay ako ang magsabi niyan sa iyo Rony."
"There's nothing to spill Marvin."
"Yeah? Obviously, that's not how I see it. I don't know what's going on inside that head of yours. Wala kang pinagsasabihan ng kahit na ano, sa kahit na sino, even Illana was clueless. Hindi naman kami manghuhula, at lalong hindi kami bulag para hindi mapansin ang pagbabago mo. "
Mabilis na nagmulat ng mga mata at umayos ng upo si Rony pagkarinig sa pangalan ng kasintahan.
" She talks to you? "
" We just happen to cross path, went to the resto, eat, and have a small talk. Syempre ikaw ang topic, "
Malamyang sagot ni Marvin. Bahagyang umangat ang kilay niya sa huling sinabi nito.
"Sinabi din niya na nagyaya ka na ng kasal. How surprising, na ikaw ang unang nag-initiate ng tungkol doon. Pero, bakit parang hindi masaya si Illana? What's really going on with you Rony?"
Buong kaseryosohan na tanong nito sa kanya. Kumibot-kibot ang sulok ng labi niya sa pag-pipigil ng umaahong inis sa kanyang dibdib.
" My relationship with her, is none of your business Marvin. "
" It is my business Rony! I can't stand to see her like that!"
Angil nito.
"Why? Because you wish that it was you..who can make her happy, right Marvin?"
Hindi nakakibo si Marvin sa tinuran niyang iyon. Nagbaba ito ng tingin, habang mariing kuyom ang mga kamay. Hindi naman na sikreto sa kanya na may pagtingin ito kay Illana, matagal na niyang alam ngunit hindi niya binibigyan ng pansin sapagkat alam naman niyang walang gagawin si Marvin para masira ang samahan nila. Isa pa ay, wala rin itong lakas ng loob na aminin iyon sa kanya.
"The question is..do you make her happy Rony? Why can't you just let her go? Why keep her when deep inside of you.., you knew that you're not inlove with her."
Malungkot na hayag ni Marvin na hindi man ipahalata ni Rony ay tinamaan siya. Sinamsam nito ang mga papel sa mesa.
" I'll email your schedules later today. And please..don't, just don't hurt Illana. "
Pakiusap nito bago siya iwan.
Nakalabas na at lahat si Marvin sa opisina nito ay nanatili siyang hindi nakahuma sa kinauupuan. She love Illana, that's what he wanted to say, pero wala ni isa man sa salitang iyon ang lumabas sa bibig niya, hindi dahil ayaw niya kundi dahil sa katotohanan sa sinabing iyon ni Marvin.
He's not inlove with her, but he is totally fine to be with her. Everything a man can dream of, when it comes to a wife..Illana has them all. Grace, beauty, character, she's the kindest and loving woman that he ever knew. But even with all of that, he can't make himself love her. Hindi niya maramdam ang sinasabi sa bawat libro na nababasa niya, sa mga tula, kanta o kahit na sa pelikula na nagbibigay kahulugan sa pag-ibig.
Hindi naman mahalaga sa kanya iyon dahil nagkakaunawaan sila ng dalaga. *Compatible* ika nga, kaya kahit wala siyang pag-ibig na maisusukli dito ay hindi malaking usapin sa kanila. Kaya panatag ang loob niya kapag dumating na sila sa punto na mag-asawa na at nagsasalo sa lahat ng bagay. Iyon lang ang naman ang mahalaga sa kanya.
Pero ni sa hinagap ay hindi niya naisip na magugulo ang lahat ng iyon dahil lang sa may na-kilala siya at nakasama niya sa loob lang ng iilang araw. Hindi naman iyon espesyal, lalong hindi katangi-tangi sa lahat ng mga nagawa niya. *Dahil hindi naman ang nagawa ninyo ang espesyal at katangi-tangi, kundi ang nakasama mo mismo*. Tuya ng boses na iyon sa isipan niya.
Abegail is making a havoc inside of him. Dito, nagsisimula siyang magising at makaramdam ng mga bagay na estranghero sa kanya at iyon ang labis na gumugulo sa tahimik na takbo ng buhay niya. Nahahati ang isip maging ang puso niya. At ngayon na mas naaapektuhan siya nito, hindi na niya alam kung tama pa nga ba na ipagpatuloy nila ng kasintahan ang relasyon nila.
Sa malalim na pag-iisip ay hindi niya napansin ang cellphone na ilang ulit nang nag-ring. Nang tingnan niya iyon ay nakarehistro ang pangalan ni Illana na naka- limang missed calls na. Kaagad siyang nag-return call, at hindi pa man nagtatagal ay nasagot na nito iyon. She sounds so happy, she didn't even asked him as to why he didn't answer her calls, or what was he doing that he didn't hear it? In the end, she just wished for him to meet her at a well-known couture shop to choose and plan for her wedding gown.
Kaagad siyang umalis sa opisina ni Marvin upang puntahan si Illana. Nang makarating siya sa couture shop na sinabi nito ay nasa bungad lang ng salaming pintuan ang dalaga at naghihintay sa kanya. Nakangiting hinalikan siya nito sa labi bago umabrisyete at nagsimulang magkwento ng naging araw nito. Napansin niyang tulalang nakamata sa kanila ang dalawang assistant doon na marahil ay na-kilala siya, at marahil ay na-shock ang mga ito na makita siyang may kasamang babae sa isang lugar kung saan nagkalat ang wedding gowns.
"May mga napili na akong design at tela para sa wedding gown babe, I just wanted you to see it."
"We can also create a new design perfectly just for her taste, kung malapit naman na ang wedding we can rush it."
Anang designer at may-ari ng shop. Kilala niya ang designer na iyon, who wouldn't eh isa ito sa mga gumagawa ng gowns ng mga sikat na personalidad mapa-evening dress o wedding dress man iyon. He can clearly see the admiration and curiosity in her eyes.
"My, I didn't know na ikakasal ka na pala Rony Lucas."
Hindi na nakatiis ay sambit nito.
"My relationship is private. Please don't spread rumors."
Simpleng sagot niya.
"Ahaha, of course darling. So, should we make a new design? I'll just get my sketch pad. "
Nag-mamadali itong tumayo upang iwasan ang mga titig niya dito.
"Pwede tayong magpunta sa ibang shop.."
Ani Illana.
"Anywhere is fine, as long as you like it."
Nakangiting gagap niya sa kamay nito. Matagal siyang tinitigan ng dalaga, napailing at nagyuko ng ulo.
"But I wanna know your opinion too. Lagi ka nalang sumasang-ayon sa gusto at hindi ko gusto."
"Isn't that a good thing? To avoid an unnecessary argument?"
Sa unang pagkakataon ay tila ba hindi siya nito maintindihan. Natatawa, naiiling..hindi makapaniwala sa kanya.
"Knowing different sides and opinions isn't necessarily an argument Rony..thats how healthy relationships grow,"
"Babe, are we seriously arguing right now? It's your dress. Paanong kailangang pati opinion ko ay mahalaga?"
"It's my dress, but it's going to be our *wedding * Rony. And yes, your opinion matters to me. Alot!"
Madalang na madalang niyang makita na magalit si Illana, pero sa pagkakataon na iyon ay tila ba naubos niya ang pasensya nito dahil lang sa hindi niya pagbigay ng opinion kung pupunta pa ba sila sa ibang couture shop o hindi na. And he seriously didn't understand why she get mad over it.
"Illana!"
Tawag niya dito nang dire-diretso lang itong lumabas sa nasabing shop. Muli niya itong tinawag nang hindi siya nito pansinin. Nang lingunin siya nito ay hindi siya makapaniwalang nag-uunahan nang dumaloy ang masaganang luha sa mga pisngi nito.
" I'm trying to understand you Rony! But Marvin is right! I'm right! There's something going on that you're not telling me! I won't throw tantrums or attitude with you over a gown, or a shop. Hell, I can even wear a dress from ukay-ukay and won't hesitate to walk on the aisle with that. That's how far I can go to marry you, that's how much I love you! Why..can't you be honest, and open up with me? "
Gumaralgal ang boses na sabi nito. It pains him to see her like that, but all he did was stand there and watch her cry.
" Illana.."
He tried to reach her hand but she shakes her head and steps away.
" No, Rony. Talk to me if you are ready to tell me everything. Until then, just leave me alone."