KABANATA 27

1119 Words
Abby plopped her body to the soft mattress before her eyes fall to the newspaper on the bedside. Headlines doon si Rony at ang rumored *wedding *nito. Although blurred ang larawan ng babae doon ay alam naman niyang si Illana iyon. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muling nanakit ang dibdib niya at nanubig ang mga mata. How can he be so mean? Daing ng puso niya. Hindi niya maiwaglit sa ala-ala ang mga sinabi nito at ang akusasyon nitong desperada siya para sa isang relasyon. Bagaman may mga pagkakataon na nagiging desperada nga siya..hindi naman niya lubos akalain na mas masakit pakinggan iyon sa bibig mismo ng binata. "Nagmu-mukmok ka na naman.." Sita sa kanya ni Amanda. "Hindi ko lang kase maintindihan..bakit bigla ay naging ganoon si Ron sa akin?" Tila wala sa sariling usal niya. "Baka naman talagang magaspang lang ang ugali ng taong iyon. Alam mo na, publicity stunt lang na pa-good boy, gentleman, the boy next door na dating." "Hindi niya pine-peke ang pakikisalumuha niya Amanda, I saw it first hand, and as far as I know, hindi siya ang tipo ng tao na mas bibigyan ng priority ang sasabihin ng iba para pagtakpan lang ang totoong ugali niya." Depensa niya sa binata. Hindi niya gusto ang mga naririnig sa kaibigan. Dati rati'y ito pa ang taga-build up ng images ni Rony sa kanya, ngayon naman ay mapait na mapait bigla ang imahe nito sa kaibigan. "Paano mo naman nasabi aber? Iilang beses palang kayo nagkita, nagkausap, nagkasama. For all we knew baka sinasakyan ka lang niyan." "He's not like that!" Napalakas ang boses na aniya dito. Gulat na napatitig sa kanya ang kaibigan, iyon ang unang beses na nagtaas siya ng boses, at umangil kung kaya maging siya ay nabigla din sa outburst na niyang iyon. Maluha-luhang nagbaba siya ng tingin, nahihiya, nagi-guilty. "I.. I'm so sorry Amanda." Kagat-labing aniya. Nang silipin niya ito mula sa pagkakayuko ay naiiling na humakbang palapit sa kanya ang kaibigan. "Alam ko na gusto mo siya Abegail, pero hindi ko kayang palampasin na lang ng ganoon ang pang-iinsulto niya sa iyo. Binastos ka niya, fan o hindi, hindi ko iyon matatanggap. Ano man ang dahilan niya, sinaktan ka niya. Tapos eto ka..pinagtatakpan at dini-depensahan pa ang lalaking iyon?You are in love, but you're not an idiot Abby. " Pagdidiin nito sa kanya. Bumuka ang bibig niya upang magsalita. Gusto niyang sabihin na..baka may problema lang si Rony? Sa relasyon? Sa trabaho? O kahit na anong pinagkaka-abalahan nito. Pero wala ni isa man sa mga iyon ang naisatinig niya. Bakit nga ba niya ipinagtatanggol ang lalaking harap-harapan siyang pinag-mukhang desperada at gaga? Hindi nga ba't ipinamukha na rin nitong wala itong interes sa kanya? "Nasa labas si Glenn." Walang anu-ano ay sambit ni Amanda. "Ano?" Nabibigla niyang tanong. Ilang araw na ding hindi nagpapakita ang binata sa kanya, subalit magkagayunan ay walang patid ang pagpapadala nito ng kung anu-ano sa kanya. "Mukhang may balak na magpatanan sa iyo. May bitbit na bag." Nakangising, nanunuksong ani Amanda na tila ba walang tensyon na namagitan sa pagitan nila kani-kanina lang. "Bag?" Naguguluhang ulit niya. Pabalikwas na napabangon siya sa kama at saka sinilip ang sarili sa salamin. Mukha siyang bagong gising, at mukhang walang ligo. Nakangiwing inabot niya ang lastiko at saka inipon pa-itaas ang buhaghag niyang buhok. "Labasin mo na. Ang sabi nila, kapag nakita ka ng manliligaw mo sa mala-bruha mong itsura sa umaga at nanatili siyang nakangiti sa iyo nang may pag-suyo, for keeps iyon." Pagtulak-tulak pa nito sa kanya patungong pintuan. "Saan mo naman nalaman iyan?" "Importante pa ba iyon?" Tanong ni Amanda matapos siyang maitulak palabas, makara'ay muli rin pagsarhan. Pagkalabas sa silid ay kaagad nahagip ng mga mata ni Abby si Glenn. Para bang may ESP ito na kaagad lumingon sa gawi nila. Saglit na nakamata, sisimangutan na sana niya kundi lamang ito ngumiti ng maluwang. Nakakahawa ang mga ngiting iyon ni Glenn dahil kasabay niyong nabubuhay ang mga mata nitong bahagyang lumiliit. Tumayo si Glenn, nanatiling nakapako ang mata sa kanya. Fresh na fresh itong tingnan, samantalang siya ay animo nakipag-wrestling sa mga unan. "Glenn.." Tawag niya dito nang mapatapat siya sa likuran ng sofa kung saan ito nakatayo. "Na-miss mo ako?" Kagat-labing tanong nito na dumukwang pa paharap sa kanya. "By the way, you look.." Pinasadahan siya into ng mata mula ulo, pababa. "hot.." Buong akala niya ay hahalikan siya nito kaya otomatiko siyang napa-urong. Ngunit gayon nalang ang gulat niya nang ipitan siya nito ng dilaw na Rananculus sa kanyang tenga. "I miss you..a lot." Bahagyang nawala ang pagiging pilyo nito nang sabihin iyon at muli lang nag balik nang mag-init ang buong mukha niya. "Puro ka talaga-" "Kalokohan?" Taas kilay na inunahan siya nito pagkatapos ay iniabot ang bouquet ng bulaklak sa kanya. "Tsh, maybe..but when it comes to you everything that I've said..and will be saying is all true. Galing lahat iyon dito." Madamdamin nitong tapik sa dibdib. Tatawa-tawang sinamyo ni Abby ang mga bulaklak bago nagtaas ng paningin sa binata. "Thank you Glenn." Buong puso niya iyong sinabi. Sa mga sandaling iyon ay nawala pansumandali sa alalahanin at isipan niya si Rony. Nanliit lalo ang mga mata nito pagkasabi niyon. "Can I ask you a favor Abegail?" "Ano naman iyon?" Hindi pa man ay binigyan na niya ito nagdu-dudang tingin. "Say yes first," "Ayoko nga. Mamaya niyan kung ano palang favor yan." Todo tanggi niya dito. Hindi mabura ang ngiti nitong inabot ang kamay niya at saka siya inalalayan paikot, upang magkaharap sila nang maayos. Nang makarating siya sa harapan ni Glenn ay doon niya napansin ang bag na sinasabi ni Amanda. Isa iyong hiking bag. Di yata at may planong mag-hiking si Glenn, katunayan ay naka-hiking boots din ito. Nang marahang hilahin ni Glenn ang kamay niya papalapit lalo dito ay halos manigas na siya mula sa pagkakatayo. Langhap niya ang bango, kumpara sa bango ni Rony ay mas matapang ang pag-alingasaw ng kung anumang ginamit nitong Cologne o perfume nitong tila didikit na rin sa katawan niya sa sobrang lapit nila. "Do you like being close to nature?" Tanong nito habang nilalaro ang mga daliri niya at inihuhulma sa pagitan ng mga daliri nito. Napalunok siya habang pinapanuod ang ginagawa nito. What he is doing is kind of intimate and she can't deny that Rony looks so cute when he is so engrossed playing with their entwined fingers. "Y-yeah?" She almost squeaks. "That's great. Then, will you come with me?" Seryoso nang tanong nito matapos siyang tingalain. "H-huh? Saan?" "Somewhere, kung saan ang langit ay maaliwalas at tila ba abot kamay mo nalang." *But I like the night sky, where I  can get lost with the stars..* Malungkot na hayag ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD