"Tito Josh, kuha tayo ng juice." Naputol ang pagtititigan ni Silvestre at ni Thyrese dahil doon. Ngumiti si Josh at tumango. Ngumiti na rin pabalik si Thyrese. "Let's go, Rese." Hinabol ko ng tingin ang dalawa na makapunta sa buffet table. Nagulat ako na naroon pa rin si Sil sa aking harapan ngunit si Gert ay naglalakad na pabalik sa kanilang table. Muling sumibol ang aking galit. Ganoon na ganoon pa rin ang hitsura niya. Ang kanyang pananamit, ang kanyang mga mata na tagos kung tumingin. Napapiksi ako ng nagising ako sa pagtitig niya. Hindi ko mabasa ang kanyang mukha. Para siyang walang nararamdaman. Natigil iyon ng huminga siya ng malalim. "Is she mine?" Tanong niya at sumulyap kay Thyrese na nakikipagusap kay Josh. "She's mine. She's my daughter." Mab

