"Ang init naman dito!" Sabi ng anak kong nakasuot pa ng pink na shades. Sumusunod siya sa tauhan naming busy sa pagkakarga ng aming gamit. "Ang arte talaga. Akala mo naman nag-isnow sa Thailand. Eh ganitong ganito rin doon." Irap ni Thyrene bago inilagay ang kanyang black na headphone. Napailing ako sa kambal. Kahit na unang pagkakataon lang nila makapunta sa Pilipinas ay nakuha pa nilang mag-away kaysa mamangha. Sa bagay sino nga ba namang mamamangha sa sobrang siksikang lugar? Tinagtag ko iyong shades at sinipat ang walang pagbabagong airport. Mukhang di umuunlad. "Grabe, it's been ten years!" Sigaw naman ng kalalabas lang sa pintuan na si Josh. Oo, sumama siya at gusto raw niyang makaakyat sa isang bundok sa Pilipinas. Gusto raw niyang kumonekta sa bayang tinubu

