Natapos ko ang lahat ng revisions dahil tinulungan ako ni Jet at Glecelle roon. Tumunog ang aking cellphone at aking binasa ang text na naroon. Sil: I'll drive you home. Let's meet on the parking lot. I love you. Napangiti ako roon at mabilis na nagtipa sa aking cellphone. Sa wakas! Bago man matapos ang araw na ito ay magkakasama na rin kami. Palagi kaming sa opisina lamang o sa telepono. Minsan ay di pa masyadong matagal ang usap namin dahil busy kami sa kanya kanyang trabaho. 'Okay. I love you too. I miss you.' Niligpit ko iyong mga papel at nilagay sa isang sliding paper. May tatlumpung minuto pa bago mag-alas siyete. Tumango si Glecelle ng sinabi kong ako na ang mag-aakyat sa opisina ni Von. Para na rin diretso na ako sa opisina ni Sil. Nakita ko ang kanyan

