"What?" Bakas ang gulat sa kanyang boses. Ni di niya inalintana na natapunan siya ng kape sa kanyang pantalon. Nakatingin ako sa mga nagkalat na basag na piraso ng tasa. Mabilis akong gumalaw para linisin iyon ng hablutin niya ang aking kamay. Napangiwi ako sa lakas ng pwersang iyon ay bumaon ang maliit na piraso sa aking daliri. "Answer me, Therese! Are you serious?" Matiim ang kanyang bagang at mabilis ang kanyang hinga. Natakot ako sa kanyang reaksyon. Sinalubong ko ang kanyang tingin. Bumuka ang aking bibig ngunit wala akong mahagilap na salita. Ramdam ko ang paghigpit ng kanyang kamay sa aking braso. "I-I'm not sure, Sil." Nagtubig ang aking mga mata habang nakatitig sa blanko niyang mukha. Marahas na binitiwan niya ako at sinuntok ang pader. "Fix yours

