Inalis ni Von ang kanyang yakap sa aking katawan at mabilis na tinaas ang aking mukha para matitigan ang aking mata. Nakakunot ang kanyang noo na pinunasan ang aking luha. "Ano ba naman bang ginawa mo habang wala ako at umiiyak ka?" Tanong niya. Inayos ko ang aking damit at umiling sa kanya. "Ah, napressure lang ako sa trabaho. Dito ka na ba dumiretso galing airport?" Tanong ko pabalik dahil napansin ko ang dalawang maleta sa tabi ng center table. "Hindi. Dumaan na ako sa bahay bago pumunta rito." Masayang sabi niya at nilagay ang kanyang kamay sa gilid ng aking bewang at mariing siniil ng halik ang gilid ng aking noo. Nilapitan ko iyon at binuksan. Nakatingin lamang siya sa reaksyon ko ng makitang isang maleta iyon na punong puno ng tsokolate at mga mamahalin

