Nakarating na sila sa apartment ni Art. Hindi pinababa ni Art si Cindy ng kotse. Kaya dali dali siyang lumabas ng kotse at pumunta sa pinto kung saan nakaupo si Cindy. Pinagbuksan niya ang asawa at binuhat niya ito palabas sa kotse.
"Ayy, ano ba!" nagugulat na sabi ni Cindy. Natatawa naman si Art sa reaksiyon ng asawa.
"Asawa na kita at first night natin ito bilang mag asawa" sagot ng nakangiting si Art. Walang pagsidlan ang saya sa puso ni Cindy habang buhat siya ni Art na pabridal at naglakad para pumasok sa loob ng apartment nito.
Sana lang hindi na matapos ang gabi na ito para sa bagong mag asawa na sina Art at Cindy. At sana ay kasama ni Art ang asawa sa apartment niya dahil siya na ang higit na mas may karapatan kay Cindy. Dahil asawa na niya ito. Pero hindi pa din puwede.
"Alam ko na ang iniisip mo, Love. Kaya puwede bang maging masaya na lang tayo. Just for tonight and for our new life as husband and wife" sabi ni Cindy. Tumango ng ulo si Art at pilit na ngumiti. Doon pa lamang naipasok ni Art ang asawa sa loob ng apartment niya.
Dumiretso na siya sa kuwarto nila habang buhat ang asawa niya. Ngayon na asawa na niya si Cindy ay kung anong meron siya ay kanya na din. Pero kung anong meron si Cindy ay hindi pa din magiging kanya. Dahil sapat na si Cindy ang maging kanya. Mas importante ang asawa niya bilang kayamanan. Cindy is so precious to him. And she is everything that he needs more than anything in this world.
Nakakatawang isipin na ikinasal sila na suot ang suot ni Cindy ay isang casual dress habang si Art ay nakapolo na blue at nakaslack na itim. Walang bulaklak pero may singsing. Walang reception, walang bisita at walang Ninong at Ninang.
Unang gabi nila Art at Cindy bilang mag asawa kaya lulubos lubusin na nila ang pagkakataong ito na mas maging masaya na magkasama. Bukas ay balik sila sa normal na magkakilala sa harap ng ibang tao.
Nakangiting inihiga ni Art si Cindy sa kama niya. At humiga ito sa tabi ni Cindy.
"Hindi pa din ako makapaniwalang asawa na kita, Love. Ang daming pumapasok sa isip ko na sana nabigyan kita ng magarbong kasal. Kasi deserved mo at dahil mahal kita" wika ni Art.
Humarap si Cindy sa asawa.
"Hindi importante kung ano ang ibinigay mo sa akin, Love ngayong kasal natin. Ang importante ay tayong dalawa. Kaya wala ka nang kawala pa sa akin" sagot ni Cindy na may nakakalokong ngisi.
"Ahh, pinikot mo ako!" birong sabi ni Art. Hinampas naman ni Cindy si Art sa balikat ng asawa.
"Ang sama nito. Pinikot ka diyan! Puwede ka namang tumanggi dahil tinanong kita. Saka puwede ka ding tumakbo pero hindi mo ginawa" nagtatampo na tumalikod si Cindy kay Art.
Napatawa ng mahina si Art. Mukhang nagtampo ang asawa niya sa sinabi niya.
Iniharap ni Art ang asawa niya sa kanya at nakita ang mga luha ni Cindy sa mata nito. Napabalikwas ng bangon si Art at naupo. Iniupo niya ang asawa at hinawakan ito sa pisngi.
"Love, I'm sorry. Huwag ka namang umiyak, oh" ani Art na pinupunasan ang mga luha ni Cindy sa pisngi.
"Okay lang naman na ayaw mong magpakasal sa akin. Huwag mo naman akong pagsalitaan ng ganon. Pakiramdam ko pinilit lang kita na pakasalan ako " umiiyak na sabi ni Cindy.
Kinabig ng yakap ni Art ang asawa. At hinalikan ito sa puno ng tenga nito. Kumalas si Cindy sa pagkakayakap ni Art. Pagkatapos ay humarap ito sa asawa niya.
"Tahan na. I'm really sorry kung mali ang salitang binitawan ko. At nagbibiro lang naman talaga ako. Kahit hindi mo naman ako pinakasalan ngayong gabi ay may plano naman akong pakasalan ka in the future. Dahil ikaw ang babaeng nakikita kong makakasama ko habang buhay. At ihaharap sa dambana"
"Totoo ba 'yun? Baka nagbibiro ka na naman?"
"Remember this, Love. Mahal na mahal kita. At kahit na saan at kahit kailan papakasalan pa din kita. Sorry din kasi ikaw pa ang gumawa ng paraan para makasal tayo. Dapat ako ang gumawa niyon para sayo" mahabang litanya ni Art. Ngumiti si Cindy sa asawa.
"Let's enjoy this night. It's our first night being husband and wife. Kaya let me do the honour to pleasure you, my wife" dagdag na sabi ni Art at inihiga na si Cindy sa kama.
"Wait, Love. Hindi ka ba natatakot na mabuntis ako?" tanong ni Cindy.
"Why should I? Asawa naman kita at natural na mabubuntis kita" nakangiting sagot ni Art.
"Okay. I'm ready!" malakas na sigaw ni Cindy. Excited na siya na magkaroon sila ng anak ni Art. Tawa naman ng tawa si Art sa asawa.
Sana lagi na lang silang ganito. Masaya at halos walang pakialam sa mundo. Sa sasabihin ng ibang tao at ng mga taong nakapaligid kay Cindy. Walang naghuhusga sa kanilang dalawa. At walang nanghahamak sa relasyon nila bilang mag asawa.
Nakarating na si Cindy ng University na masaya. Naalala pa din niya ang asawa. Hindi niya maiaalis ang pag iisip sa asawa niya. Ang pinakamamahal niyang si Arthur Len Vidal.
"Good morning, Ilona" magiliw na bati ni Cindy. Tiningnan ng maigi ni Ilona ang kaibigan. Nang umupo ito sa tni niya.
"Wow, Cindy ha. Ang saya mo ngayon?"
"Let's say mas masaya pa ako sa inaakala mo" sagot ni Cindy.
"Really? Are you inlove?" nagtatakang tanong ni Ilona. Ngumiti si Cindy.
"Kailangan bang inlove para maging masaya"
"Sometimes being inlove makes us happy. Especially when you get the same love that you give to a person" sagot ni Ilona.
"Hmm. Ang ganda ng quote mo. Maybe ikaw ang inlove" panunukso ni Cindy sa kaibigan.
"Bakit sa akin napunta ang usapan?"
"Iniinis lang kita or baka meron ka na nang boyfriend na hindi mo sinasabi sa akin Ilona?" tudyo pa ni Cindy sa kaibigan.
"Wala, Cindy kaya huwag kang ano diyan. Wala ako dapat ilihim sayo. Kahit pakiramdam ko may inililihim ka sa akin" sagot ni Ilona. May pagtatampo ito kay Cindy dahil ramdam niya na may inililihim ang kaibigan niya sa kanya.
"Malapit na ang grand ball. May date kana ba?" pa iiba sa usapan ni Cindy. Baka makapag open up pa siya kay Ilona at malaman nitong kasal na siya.
"Naku wala yata akong date sa grand ball. Ikaw ba meron na?" balik na tanong nito kay Cindy. Napaisip si Cindy. Hind din niya sigurado si Art. Dahil siyempre nag iingat sila. Baka mahalata pa na may relasyon sila.
"Maybe tayo na lang ang magkadate sa Grand Ball" sagot ni Cindy. Tiningnan lang siya ng masama ni Ilona.
"Ano ka ba, Cindy! Pareho tayong babae" turan ni Ilona sa kaibigan.
"Hoy! Ano bang iniisip mo? Magkaibigan tayo at pareho tayong walang date eh di tayo na lang ang magsama sa Grand Ball" paliwanag ni Cindy. Natatawang napatango ng ulo si Ilona.
Huminto ng pagdadaldalan sina Ilona at Cindy ng dumating ang kanilang professor. Mataman nang nakikinig si Cindy.
"Guys, ready na ba kayo sa Grand Ball?" tanong ng professor nila.
"Yes, Ma'am" excited na sabay sabay nilang sagot. Pero si Cindy ay hindi excited dahil mas gusto niyang makasama ang asawa kesa umattend ng Grand Ball. Sa Friday na iyon at dalawang araw na lamang at Grand Ball na ng graduating student.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ng uwi si Cindy. Hindi sila magkikita ng asawa niya ngayon.
Pagkapasok niya sa loob ng bahay nila ay napansin niya ang lalaking nakaupo sa sopa sa sala nila. Naglakad ito papalapit doon para makita kung sino iyon.
Siyang dating ng Mommy niya dala ang tray ng pagkain. Meryenda ng bisita nila.
"Hija, come here" utos ng Mommy niya sa kanya. Sumunod naman ito at lumapot sa Mommy niya.
"Cindy, bumisita si Elt para ayain kang maging date sa Grand Ball niyo sa Friday" sabi ng Mommy niya. Napatingin si Cindy kay Ely.
Tumayo ito at ibinigay ang bulaklak na dala para sa kanya. Napilitang tanggapin niya ang bulaklak mula kay Ely.
"Maiwan ko na kayo para makapag usap kayo" paalam ng nakangiting si Carmen kina Cindy at Ely.
"Thank you Ma'am" sabi naman ni Ely. Napiling naman si Mrs. Morales.
"Call me Tita" sabi ni Carmen sa binata. Ngumiti naman ito at tumango ng ulo. Saka umalis na si Carmen para makapag usap ang dalawa.
Binalingan ni Cindy si Ely.
"Maupo ka" ani Cindy at umupo si Ely.
"Ah Cindy, gusto ko sanang maging date mo sa nalalapit na Grand Ball. Iyon ay kung wala ka pang date" sabi ng nahihiyang si Ely.
"I really don't know kung pupunta ako, Ely sa Grand Ball" sagot ni Cindy.
"Bakit naman hindi ka pupunta?"
"Mabobore lang ako doon. Alam mo na" sagot ni Cindy.
"Ako naman ang kasama mo. Tiyak mag eenjoy ka sa Grand Ball" pilit na ngumiti si Cindy. Hindi niya pa alam kung anong idadahilan kay Ely para lamang makatanggi siya sa binata.
"Please, Cindy be my date?" pagmamakaawa ni Ely. Nakita pa ni Cindy ang malungkot na mukha ni Ely. Alanganin siyang tumango ng ulo.
Lumawak ang ngiti ni Ely na umabot sa mata nito.
"Thank you. I will bring your gown tomorrow. I insist. Huwag ka nang tanggi." masayang sabi pa ni Ely. Hinid na nga nakatanggi pa si Cindy. At nagpaalam na si Ely sa kanya na uuwi na. Inimbitahan pa ito ng Mommy niya na sa kanila maghapunan. Pero tumanggi ang binata.
"Mabait na bata iyan si Ely, Cindy" wika ni Carmen sa anak. Napatingin lang si Cindy sa ina at hindi umimik.
Iniisip lang niya si Art. Ang mararamdaman ng asawa niya. Lalo pa at ibang lalaki ang sasamahan na maging kadate sa grand ball nila.
Nakahiga na si Cindy sa kama niya at iniisip pa din si Art. Kinuha niya ang phone niya at nagtipa ng mensahe para sa asawa. Mas maganda na sa kanya manggaling kesa sa iba pa malaman ng asawa niya ang tungkol sa grand ball nila.
To: Unknown Number
Love, gising ka pa?
From: Cindy
Maya maya ay narimig niya ang tunog ng phone niya. Binuksan niya iyon at nakitang asawa niya ang nagmensahe.
To: Cindy
Hindi pa. Iniisip kita, Love
From: Unknown Number
Napangiti si Cindy.
To: Unknown Number
Me too, Love. By way we have a grand ball party. And how I wish you are my date, Love
From:Cindy
Naghihintay siya ng sagot mula kay Art.
To: Cindy
I would loved to be your date. Pero alam mong hindi puwede. But whoever your date is I will not get jealous coz I trust you, my love
From: Unknown Number
This is why she loves Art so much. Napaka understanding, may tiwala sa kanya at mahal na mahal siya. Biglang tumunog ang phone niya. Tumatawag na ang asawa niya.
Pero bago niya sagutin iyon ay bumangon siya at tumayo para pumunta ng pintuan. To make sure na sarado ang pintuan at walang makakarinig sa kanya.
"Hello" masiglang sagot ni Cindy.
"Hi, Love. Tumawag ako. Just want to say I love you. Pangit kapag sa text diba? Hindi mo dama 'yun" sabi ni Art mula sa puso. Kinilig naman si Cindy sa sinabi ng asawa.
"I love you, too" malambing na sagot ni Cindy sa asawa.