Chapter 2

1841 Words
Nakauwi na si Cindy at iniisip pa din ang sitwasyon nila ni Art. Ayaw din tumanggap ni Art ng pera para makapagsimula si Art ng pagpapatayo ng sariling negosyo. Mataas ang tiwala ni Cindy na mapapalago ni Art iyon. Pero hindi gusto ni Art ang ideyang iyon. Mas gusto daw nitong pinaghihirapan ang kung anong gusto niyang marating. At ayaw niyang humingi ng pera kay Cindy dahil baka sabihin lang ng iba na pera lang ang habol ni Art kay Cindy. Si Cindy ay hindi niya gagamitin sa sariling interes. Tunay na mahal niya ang dalaga at ito palang ang babaeng minahal niya sa buong buhay niya. Kinabukasan ay maagang pumasok si Cindy sa University hindi na siya nakapag almusal at matamlay na nagpaalam aalis. Ramdam ni Carmen ang bigat ng dibdib ng anak. Masyado itong malihim at hindi nagsasabi kung anong nangyayari sa buhay nito sa University o sa labas ng bahay. Hinahayaan nila ang anak na magkaroon ng privacy. Pero lagi silang maasahan ni Cindy na makikinig sa kahit na anong problema nito. "Hi, Cindy" bati ni Ilona sa kaibigan. Ngumiti ng pilit si Cindy dito. "Parang sangbakol ang mukha mo. May problema ka ba?" punang tanong ni Ilona sa kaibigan. "Wala. Tayo na sa klase natin" aya na lamang ni Cindy sa kaibigan. Wala pang nakakaalam ng lihim na relasyon nila ni Art. At kahit sa pinakamalapit na nitong kaibigan na si Ilona ay hindi niya sinasabi. Nag iingat lang sila na malaman iyon ng mga magulang niya. Hindi sa wala siyang tiwala sa kaibigan niya. Sumapit ang uwian at dumiretso na si Cindy sa kompanya ng Daddy niya para makita si Art. Mamaya pa uuwi si Art hanggat hindi siya nakikita nitong pumunta sa opisina ng Daddy nito na pinagsisilbihan niya. Dala ang pagkain na pasalubong ni Cindy para kay Art ay pumunta na ito sa harap ng elevator. Nang bumukas iyon ay pumasok na agad si Cindy sa loob ng elevator. Pinindot ang 25. Ito ang floor kung saan ang opisina ng Daddy ni Cindy. Inayos muna ni Cindy ang sarili bago lumabas na ng elevator. At naglakad na para pumunta sa opisina ng ama. Nadaanan niya ang desk ni Art at matamis na ngumiti sa binata. Inilapag ni Cindy ang dalang pagkain para kay Art. "Hindi ka na sana nag abala pa" sabi ni Art. Kumindat lang si Cindy sa nobyo. At pumasok na sa loob ng opisina ng Ama. Ayaw ni Art na tumatanggap ng kahit na ano galing kay Cindy. Ayaw niya na kapag dumating ang araw na malaman ng lahat ang relasyon nila ng anak ng Boss niya ay malinis pa din ang konsensiya niya. Sapat na ang pagmamahal ni Cindy sa kanya. Kaya sinusuklian din niya ito ng sobra sobrang pagmamahal. Ilang minuto pa ang nagdaan ay lumabas ng opisina si Mr. Harold at ang anak nitong si Cindy. Nakaakbay pa ang ama ni Cindy sa kanya.. Nakangiting bumaling naman si Cindy kay Art. "Ah Arthur, puwede mo bang samahan ang unica hija ko sa bar? Pupunta daw siya ng bar and gusto ko na ikaw ng magbantay sa dalaga ko" ani Mr. Harold kay Arthur. "Okay lang po, Sir" agad na sagot ni Arthur. Pero nang bumaling si Arthur kay Cindy ay tinapunan siya nito ng nakakalokong ngiti. "Dad, okay lang po ba na hintayin ko na si Arthur dito?" sabat na tanong ni Cindy. "It's okay, Hija. Maigi nga na dito mo na hintayin si Arthur. Isa pa may sasakyan ka namang dala siguro. Pero hindi ka ba uuwi muna sa bahay?" "Hindi na po ako uuwi. Just tell Mom na lang po na lumabas ako kasama ang barkada ko" sagot ni Cindy. "Okay. I better go, Cindy" paalam ni Mr. Harold sa anak. Humalik naman si Cindy sa pisngi ng ama. "Take care Dad. I love you" pahabol na sabi ni Cindy sa ama. "I love you too, Anak" sagot ni Mr. Harold. At umalis na ito para umuwi sa bahay nila. Sinusundan pa ng tingin ni Cindy ang ama na papalayo sa kanya. Hanggang sa pumasok na ito sa loob ng elevator. "Love, ano naman itong palabas mo?" tanong ni Art nang bumaling ito kay Cindy. "Gusto pa kitang makasama. Alam mo naman na ikaw lang ang laman ng isip ko." "Pero sa ginagawa mo baka mahuli tayo. Alam mong kailangan nating mag ingat" ani Art. "I really just want to be with you. 'Yung mas matagal pa. Pero inaaway mo ako" "Hindi iyon, Cindy. Ayoko lang mawala ka sa akin. I know nahihirapan ka na. Kahit ako hirap na hirap na. Gusto kong hawakan ang kamay mo sa labas at maglalakad tayo sa harap ng mga tao na hawak kamay. Pero hindi puwede. Kasi malalaman nila na pumatol ang nag iisang anak ng may ari ng HM Group sa isang hamak na mahirap" puno ng hinagpis na sabi ni Art. "Cindy, mahal na mahal kita. Sobrang mahal. Pero alam mo bang natatapakan ang pagkakalalaki ko kapag nakikita kang ganyan. Kasi wala akong magawa. Wala akong kayang gawin para ipagsigawan sa buong mundo na mahal kita" dagdag pa ni Art. Napaluha na siya. Ang sakit lng sa kanya na ganito ang sitwasyon nila ng mahal niya. Kung mayaman lang sana siya. Kung mayroon siya nang lahat ng mayroon si Cindy ay hindi siya mag aatubiling yayain ng kasal ito. Gusto niyang makitang masaya si Cindy. Nakikita man niya itong masaya pero panandalian lamang. Laging may takot sa puso at may kaba. Mabubulilyaso pa ang plano ni Cindy. Maigi na lamang at pumayag si Art na sumama sa kanya. Lulan sila ng kotse ni Cindy. At papunta sa kung saan. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Art. "Basta. Just wait and see. At kapag nandoon na tayo, please calm" sagot ni Cindy. Nagulat si Art sa sinagot ni Cindy. Mukhang may pakiramdam siya na may pinaplano ang katipan na hindi niya alam. Umabot ang halos trenta minutos ay naramdaman ni Art na inihinto ni Cindy ang kotse niya sa gilid ng kalsada. Napansin ni Art ang isang bahay. "Love, akala ko ba sa bar tayo pupunta. Anong ginagawa natin dito?" naguguluhang tanong ni Art. Natanggal na ni Cindy ang seatbelt niya at humarap kay Art. "Sumunod ka na lang sa akin" may awtoridad na utos ni Cindy at lumabas na ito ng kotse niya. Napilitan na din na lumabas ng kotse si Art at sumunod kay Cindy. Pagkapasok nila sa loob ng bahay ay inilinga ni Art ang kanyang mga mata sa buong bahay. Maganda ang bahay ay moderno ang mga kasangkapan. Siyang lapit naman ni Cindy sa kanya at ikinawit ang kamay sa braso ni Art. Saka iginiya siya sa harap ng isang lamesa. Doon lang niya napansin ang dalawang tao na andoon. Ang isa ay may hawak na libro at ang isang lalaki na andoon ay nakatayo lamang. "Sandali, Love. Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Parker at tinitingnan ng makahulugan si Cindy. "Love, this is Judge Clementio. He is my professor in the University. Sir, this is my husband to be Arthur Ken Vidal" pakilala ni Cindy sa isat isa nina Judge Clementio at Art. Nanlaki ang mga mata ni Art. Tila hindi rumerehistro sa utak niya ang sinabi ni Cindy. Husband to be? Meaning ikakasal sila ngayong gabi. "Nice to meet you, Mr. Vidal. You're lucky to have Cindy in your life" anang Judge Clementio. At inilahad ang kamay para makipagkamay kay Art. Napilitang tanggapin iyon ni Art. "It's my pleasure to meet you too, Sir Clementio" sagot n Art saka pilit ma ngumiti dito. "Cindy, do you have your ring?" baling na tanong ni Judge Clementio. "Yes, Sir" sagot ni Cindy. "Okay, shall we start?" tanong ulit ni Judge. Tumango ng ulo si Cindy. At si Art ay halos walang reaksiyon. "Can I talk to my soon to be wife for a moment, Sir?" may diing tanong ni Art saka hinila si Cindy sa gilid para makausap ng sarilinan. "Ano ito?" mahinang tanong ni Art. Kay Cindy. "I want to marry you and be with you forever" may pinal na sagot ni Cindy. "Pero hindi sa ganito. Gusto kong maikasal sayo. Sana alam ng parents mo at ng parents ko. Mas masaya tayo kung lahat tayo magkakasundo na ikakasal tayong dalawa" "Kailan iyon, Art? Kapag umabot na mareliased natin na hindi tayo para sa isat isa. Hindi na ako makapaghintay na dumating iyon" Natahimik si Art. "Kung hindi ka papayag sa gusto kong mangyari. We better end this" saka napapikit sa binitiwang salita. Nanlaki ang mga mata ni Art. "Are you blackmailing me?" "Kung iyon ang tanging paraan. Yes! And now you decide. Magpapakasal tayo o we should break up?" tanong ni Cindy. Ilang minuto pang hindi nakasagot si Art. Tinititigan lang nito ang mukha ni Cindy. Matapang na nakatingin lang din ito sa kanya. At ipinapabatid na hindi ito aatras sa gusto nitong mangyari. Napabuga ng hangin si Art. At napilitang tumango ng ulo kay Cindy. Napakalaki ng ngiti nito na kinabig ng yakap si Art. "I know you dont want to lose me. I love you, Love" sabi ni Cindy sa tenga ni Art. "I love you too" sagot ni Art. Muling iniharap ni Art si Cindy. Saka hinawakan ni Cindy ang kamay ni Art. Hawak kamay silang pumunta sa harap ng judge na magkakasal sa kanila. "Let's start, Judge" sabi ni Art kay Judge Clementio. Ngumiti ito kay Art at tumango ng ulo si Cindy nang balingan nito. Halos lutang si Art habang ikinakasal sila ni Cindy. Sumagot lang si ng "I do" nuong tinanong siya at maya maya ay narinig na niya ang Judge ulit na nagsalita. "By the power vested in me. I pronounced you husband and wife. You may now kiss your bride" ani ng Judge at ngumiti kay Art. Humarap si Art kay Cindy at hinawakan ang panga ng asawa. Saka inilapat ang mukha nito sa kanya. Naglapat ang labi nila na ngayon lang nila ginawa sa harap ng nag iisang witness at judge. Humiwalay silang dalawa sa isat isa at muling humarap kay Judge Clementio. "Congratulation to both of you. May your relationship will bless by God" bati ng nakangiting si Judge. "Salamat po, Sir" sabi naman ni Cindy at nakipagkamay si Art kay Judge. Habang ang witness nila na hindi nila kilala at binati din silang dalawa. Driver ito ni Judge. Wala silang kasama kaya ito na ang ginawang witness ni Jidge. Pinirmahan na nila ang certificate of marriage. Pagkatapos ay niyaya nilang kumain sa labas si Judge. Pero tumanggi ito. Kaya itutuloy nila ang celebration ng kasal nila sa apartment ni Art. Sakay ng kotse ni Cindy ay si Art ang nagdrive ng kotse. Mayroong drivers license si Art at marunong din itong magdrive. Wala lang talaga itong sasakyan. "Are you happy now, Mrs. Cindy Morales Vidal?" baling na tanong ni Art sa asawa. "Yes! I'm very happy. Co'z I am now your wife, Mr. Arthur Ken Vidal" masayang sagot ni Cindy kay Art. Hinawakan ni Art ang kamay ni Cindy at hinalikan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD