Tumatakbo na papasok ng emergency ang mag asawang Morales. Binuksan nila ang kurtina at nakita ang nakahigang apo nila na si Kenken.
"Mommy, Daddy" tawag ni Cindy sa magulang niya. Nilapitan nman nila ang anak na nakaupo sa tabi ng nakahigang si Kenken.
"Cindy" sabi din ng umiiyak na si Carmen. Niyakap ni Carmen ang anak na umiiyak. Pati na din si Harold ay yumakap na din sa mag ina niya.
"Tahan na, Anak. May awa ang Diyos. Hindi niya pababayaan si Kenken" alo ni Carmen sa anak. Iniharap ni Carmen si Cindy sa kanya.
"Ano ang lagay ni Kenken ngayon?" tanong ni Carmen.
"Okay na po si Kenken ngayon. Wala naman daw pong tubig ang pumasok sa baga niya. At puwede na siyang makalabas bukas" sagot ni Cindy sa kanyang ina.
"Mabuti pala at andoon si Ely. Hindi niya pinapabayaan ang anak mo, Cindy" may diing sabat ni Harold. Napayuko si Cindy. Kasalanan niya napabayaan niya ang anak niya. Iniaasa niya sa Yaya nito ang pag aalaga kay Kenken.
"Nasaan pala si Ely?" hanap na tanong ni Carmen.
"Bumili lang po ng makakain. Gusto ko nga po muna siyang umuwi sa hotel. Mapilit po. Gusto daw niyang andito para bantayan si Kenken. Hinayaan ko na lang po" sagot ni Cindy. Hinaplos haplos ni Carmen ang buhok ng anak.
"Alam mo Cindy, napakaswerte niyo ni Kenken na andiyan siya para sa inyong mag ina. At kahit na hindi niya anak si Kenken ay kung ituring niya ito ay parang tunay na anak niya. Wala na ba talagang pag asa sayo si Ely?" tanong ni Carmen.
"Huwag po muna nating pag usapan ang tungkol sa bagay na iyan, Mommy. Saka nakikita ko naman po at nararamdaman ang lahat ng iyon" sagot ni Cindy. At tingnan ang anak na natutulog saka hinawakan ang anak.
Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman ang lahat ng ipinapakita ni Ely sa kanilang mag ina. Masaya ang anak niya kapag andiyan at nakikita si Ely. At kahit na hindi pa masyadong nakakapagsalita ng maayos si Kenken ay alam niyang gusto din ng anak niya si Ely.
Pumasok si Ely sa loob ng kuwarto ni Kenken. May dala itong pagkain at tubig, juice at mga prutas. Nakipagkamay ito sa Daddy ni Cindy at tumango ng ulo sa Mommy ni Cindy bilang paggalang. Inilapag nito ang mga iyon sa isang mesa na maliit.
"Kumain ka muna, Cindy. Ako na ang bahala kay Kenken" sabi ni Ely at bumaling naman ang mag asawa sa binata saka ngumiti sila dito.
"Sige na, Cindy. Kumain ka na muna" kumbinsi pa ni Harold sa anak. Malungkot na tumingin si Cindy sa ama.
"Kayo po?"
"Huwag mo kaming intindihin ng Mommy mo. Mas kailangan mong maging malakas para sa anak mo" sagot ng Daddy niya sa kanya.
"Aalis na din kami, Anak. Titingnan pa namin ang ating mga tauhan na nasa resort. Papuntahin na din namin si Yaya Sita dito para kapalitan magbantay kay Kenken" paalam na sabat ng Mommy niya. Tumango ng ulo si Cindy. At bumaling ang mag asawa kay Ely.
"Ikaw na muna ang bahala sa anak ko at apo namin, Ely" bilin na sabi ni Harold at nagpaalam.
"Hindi ko po sila pababayaan, Tito" sagot ni Ely. At ngumiti ang mag asawa sa kanya. Saka humalik sa noo ng kanilang apo at umalis.
Nilapitan ni Cindy ang pagkain na nakahain sa mesa. Tiningnan niya si Ely. Halos wala kang makikitang pagod sa mukha nito. Bagkus ay pag aalala lang ang makikita mo sa mga mata niya.
"Sabayan mo naman ako kumain. Pangit naman kung ako lang mag isa ang kumakain" aya ni Cindy kay Ely. Ngumiti naman si Ely dito at hinila ang mesa sa may maliit na sopa. Magkatabi sila ngayon na kumakain.
"Kulang pa ang pasasalamat sa pagligtas mo sa buhay ng anak ko, Ely. Kung nawala ang anak ko, siguro habang buhay mo iyong pagsisihan" sabat ni Cindy habang kumakain sila ni Ely. Napahinto sa pagsubo si Ely.
"Huwag kang magpasalamat dahil kahit sino naman ang andoon ay gagawin din ang ginawa ko"
"Pero siyempre iba pa din ang pagligtas mo kay Kenken. Ang swerte nang babaeng mamahalin mo. Kasi gwapo kana saka napabuti mong tao" sabi ni Cindy. Medyo natawa naman si Ely sa tinuran ni Cindy sa kanya.
"Alam ko ng gwapo ako" pagmamayabang na saad ni Ely. Napatawa ng mahina si Cindy.
"Tumawa ka na din sa wakas" masayang dagdag na sabi ni Ely. Tumingin si Cindy kay Ely. At hinawakan nito ang kamay niya.
"Ikaw lang naman ang hinihintay ko, Cindy. Wala naman akong babaeng nais kung pag alayan ng pag ibig ko kundi ikaw. Mahal na mahal kita, Cindy" sinserong sabi ni Ely.
"Nakakahiya sayo, Ely. Kung siguro hindi ko nakilala si Arthur. Siguro ikaw ang lalaking minahal ko" ani Cindy.
"Maghihintay pa din ako Cindy. Hanggang sa matutunan mo din akong mahalin" sabi pa ni Ely. Napaiyak si Cindy. Sa sitwasyon niyang ito ay mayroon pa ding lalaking handang mahalin siya sa kabila ng nangyari sa buhay niya.
Kinabig ng yakap ni Ely si Cindy.
"Huwag kang umiyak. Nadudurog ang puso ko kapag nakikita kitang umiiyak" alo ni Ely dito.
Kumalas sa pagkakayakap si Cindy at humarap kay Ely.
"Gusto ko sana na..." pambibitin ni Cindy sa sinasabi.
"Na?
"Gusto ko sanang bigyan ka ng chance na mahalin ko. Alam ko na matutunan din kitang mahalin—" hindi na natapos ni Cindy ang sinasabi niya ng halikan siya ni Ely sa labi. Napapikit si Cindy. At tinugon ang mga halik ni Ely.
Tumigil silang dalawa na hingal na hingal. Pinagdikit nila ang kanilang noo at tungki ng ilong.
"I love you, Cindy" umiiyak na sabi ni Ely. Niyakap ulit ni Cindy si Ely. Alam niyang wala siyang tugon pero kahit paano ay mayroon ng puwang sa puso niya si Ely.
Nakauwi na sila Cindy ng Manila. Kailangan siya ng anak niya ngayon. Kaya hindi na muna siya pumasok sa opisina. Ang Daddy na muna niya ang namamahala sa HMG.
"Kenken, drink your milk muna. Mamaya mo na ituloy yang paglalaro mo" utos ni Cindy sa anak. Bumaling ng tingin si Kenken. At kinuha ang baso. Inalalayan naman ni Cindy ang anak uminom sa baso.
Pagkatapos maubos ay hinayaan niyang maglaro muna ang anak. Nakabantay si Yaya Sita sa anak.
Bumababa na siya sa kusina at nadatnan ang ina na abalang nagluluto ng tanghalian nila. Nilapitan niya ito.
"Wow, Mommy mukhang masarap iyang niluluto mo, ah" medyo natatakam na sabi ni Cindy. Nakangiting tumingin siCarkenr sa anak. Maaliwalas na mukha ng anak niya. At mukhang masaya ito.
"Alam mo maybe you should tell Ely to come here often" komentong sabi ni Carmen.
"Mommy, may trabaho po 'yung tao. Saka masyado na po naming naistorbo si Ely nitong mga nakaraang araw" sagot ni Cindy sa anak. Hinawakan ni Carmen ang kamay ng anak.
"Masaya ako para sayo. Kasi nakikita kong masaya ka dahil kay Ely" sabi ni Carmen.
"Sa totoo lang po. Sinusubukan ko pong mahalin siya. Kahit na alam kong si Arthur pa din po ang laman ng puso ko."
"Anak, huwag mong subukan. Gawin mo. Magdadalawang taon na din na wala na kayo ni Arthur. Think about yourself and Kenken"
"Pero iniisip ko pong kasal pa din po kami ni Arthur"
"Hindi problema iyan. Kung kasal kayo o hindi. Ang intindihin mo ay kung sino ang andiyan para sayo sa tuwing may kailangan ka at si Kenken. Mahal ka ni Ely. At hindi lang ikaw pati na din si Kenken" ani ng Mommy niya. Ngumiti si Cindy.
"Mommy, kami na po ni Ely" aming sabi ni Cindy. Nagulat naman si Carmen sa inamin ng anak.
"Talaga?"
"Opo. Sinagot ko siya nuong nasa ospital kami"
"I'm very happy for you, Anak. Tatawagan ko ang Daddy mo mamaya. At ipapaalam ko iyan. And invite Ely tonight. Maghahanda ako ng special dinner natin mamaya" masayang masaya na sabi ni Carmen sa anak. At niyakap ang anak.
Masayang masaya si Carmen. Pero alam niya na mahal pa din ng anak niya si Arthur. At si Arthur pa din ang asawa ni Cindy. Hindi pa ito alam ni Cindy na hindi pinirmahan ni Arthur ang annualment paper nilang dalawa.
Tarlac
"Kuya Arthur, naayos na ang delivery ng mga karne. Inayos ko na din ang mga shipment sa pag export ng mga produkto natin" imporma ni Aries. Ito ay kapatid ni Arthur, sumunod sa kanya.
Nakaupo si Arthur sa kanyang swivel chair at tinitingnan ang mga sales nila. Lumaki na ang kanyang negosyo. At nag eexport na din sila ng mga karne ng baboy at manok sa labas ng bansa.
Tumingin siya kay Aries.
"Ah okay, Aries. Sige na umuwi kana. Baka hinihintay ka na ng asawa mo" sagot ni Arthur sa kapatid. May asawa na din ito at may isang anak. Maigi pa ang kapatid niya may anak na sila ng asawa niya. Kung magkasama siguro sila ni Cindy baka dalawa na ang anak nilang dalawa.
"Salamat Kuya. Medyo nga nagtatampo na si Misis. Nagkasunod sunod ang pag aasikaso ko sa shipment natin dito sa Tarlac at sa labas" saad ni Aries.
"Naiintindihan ko, Aries" may lungkot na sabi ni Arthur. Naalala niya ang asawa niya. Matagal na din nuong huli silang nagkita.
"Kamusta na kaya siya? Miss ko na siya" nasabi ni Arthur sa sarili.
"Puntahan mo na kasi ang asawa mo. Alam naming mahal mo naman si Ate Ate Cindy, Kuya. Siguro naman mahaba na ang isang taon ninyong naghiwalay. Saka may karapatan ka pa din sa kanya kasi siya ang asawa mo"
"Pero hindi ko alam kung mahal pa din ba niya ako hanggang ngayon. Ako ang nakipaghiwalay sa kanya. Iniwan ko siya. Hindi ako nagtiis. Ngayon aaminin ko na mali ako. Maling mali ako sa mga ginawa ko kay Cindy" may pagsisising sabi ni Arthur. Nilapitan ni Aries ang kapatid at tinapik sa balikat.
"Kuya, magdesisyon ka na. Mawawala ang asawa mo sayo o pupuntahan mo siya at hihingi ka ng tawad sa kanya. Mamili ka na, Kuya"
Napasabunot si Arthur sa kanyang buhok sa ulo at isinandal ang likod sa headrest ng upuan niya.
"Alin man diyan ay ang hirap na para sa akin, Aries. Ayokong mawala ang asawa ko sa akin. Pero paano ako hihingi ng tawad sa kanya?"
"Lumuwas ka na ng Manila. Huwag mo munang isipin ang negosyo mo. This time isipin mo ang asawa mo. Siguro kung nagkaanak kayo ni Ate Cindy. Baka hindi mo siya iniwan nuon"
Tumango tango ng ulo si Arthur. Iyon ang isa sa pangarap nilang mag asawa. Ang magkaroon ng anak.
Pero, paano nga kaya kung nagkaanak sila ni Cindy? Dahil hindi naman siya gumagamit ng proteksiyon kapag nagniniig sila. Umiinom nuon si Cindy ng pills. Pero tumigil ito nuong ikasal na silang dalawa. Biglang kinutuban si Arthur. At napahawak sa dibdib niya.
"What if tama ang kutob ko?" tanong ni Arthur sa isip.
"Sh*t! I need to pack my things. Sabay na tayo umuwi, Aries" sabi ni Arthur. Pailing iling naman ng ulo si Aries.