Chapter 12

2255 Words
Puno ng pag asa si Arthur na magkakausap sila ni Cindy. Handa na siyang humingi ng tawad sa kanya. At handa din siyang marinig ang lahat ng masasakit na salitang sasabihin nito sa kanya. Hindi niya talaga kayang malayo kay Cindy. Pero tiniis niya ang magdadalawang taon na hindi kapiling ang mahal na asawa. Dahil sa kagustuhang patunayan niya sa asawa niya na aangat siya na walang ibinibigay na tulong si Cindy sa kanya. "Hi. Good morning. I called this morning to book a room" sabi ni Arthur sa receptionist. Sa hotel siya pansamantalang titigil. Habang inaasikaso ang bahay na balak niyang bilhin. "Good morning too, Sir. Can you give me your fullname, Sir?" tanong nito sa kanya. "Arthur Ken Vidal" sagot niya. Tiningnan naman ng receptionist ang kanyang computer. At kinuha ang susi. "Here's your key, Sir. Room 102" sabi ng receptionist at inabot ang susi kay Arthur. Kinuha naman niya iyon. "Thank you" sabi niya at ngumiti ang receptionist kay Arthur. Saka tumango ng ulo. Tumalikod na si Arthur dito at pumunta ng elevator. Pinindot ang 25. Last floor ito at isang penthouse ang nirentahan niya. Pagkapasok sa loob ng kuwarto ay ibinagsak ni Arthur ang sarili sa kama. Hindi na muna siya nag abalang magbihis. Pagod na pagod na talaga siya dahil sa walang pahinga dahil sa mahabang biyahe. At kaunting oras ng tulog. Ipinikit na ni Arthur ang kanyang mga mata. Nagising si Arthur nang may narinig siyang nagdodoorbell sa labas. Agad na bumangon si Arthur at binuksan ang pinto. "Sir, room service. Ipasok ko lang po ang pagkain niyo" sabi ng room attendant. Niluwagan ni Arthur ang pagkakabukas ng pintuan. Ang penthouse na nirentahan ni Arthur ay parang presidential suite. May dalawang kuwarto. Malawak na sala. May separate na kusina. At ang mga nuwebles ay mukhang mamahalin. May mini library din siya sa loob ng kuwarto. Pumasok na ang room attendant at itinulak ang tray na may lamang pagkain. It's a free meal na kasama sa package na kinuha ni Arthur. Pagkalagay ng pagkain ay umalis na din ang room attendant. Pumunta na muna ng banyo si Arthur para maligo. Ngayon siya nakaramdam ng panlalagkit ng katawan. Nang makatapos maligo at makapagbihis ay pumunta na siya ng sala para kumain. Tiningnan ni Arthur ang relo niya. Ala una na ng hapon. Nang matapos kumain ay kaagad siyang umalis. Ngayon na niya balak makita si Cindy. Sakay ng kanyang kotse ay pupuntahan niya ang asawa niya sa bahay nila. Magmamasid na lamang muna siya. At sana ay makita niya ito. "I missed you, Love. Andito na ako. Ipaglalaban kita para mabuo tayo ulit" usal ni Arthur sa isip niya. Nang makarating siya sa bahay nila Cindy ay napansin niya ang maraming sasakyan sa labas. Nagtatakang naihinto niya ang kotse niya sa kabilang kalsada. Pero kita niya ang nangyayari sa malaking garden ng bahay nila Cindy. "Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you!" malakas na kanta ng mga bisita para kay Kenken. Ito ang ikalawang kaarawan ng anak ni Cindy. "Blow your candle, Kenken" utos ni Cindy sa anak. Napapagitnaan nila ito ni Ely. Hinipan nga ni Kenken ang kandila pero tinulungan ito ni Cindy. Pagkatapos ay nagpalakpakan ang mga bisita. Tuwang tuwa ang batang si Kenken. Maraming lobo at may mascot na nilalaro ng mga bata. "Magsikain na po kayong lahat" sabi ni Cindy sa mga bisita. Ang Mommy at Daddy niya ay todo asikaso sa mga bisita. Saka siya bumaling sa anak niya. "Are you happy, Anak?" tanong ni Cindy dito. "Yes, Mommy. Thank you" sagot ng nabubulol na si Kenken. Matinis na itong magsalita kahit na dalawang taong gulang pa lamang. "Happy birthday, Kenken ko!" masayang bati ni Cindy at hinalikan ang anak sa pisngi. Saka niyakap. "Hindi ba ako kasama diyan?" kunwaring nagtatampong tanong ni Ely. Ngumiti si Cindy. Yumakap na din si Ely sa mag ina. Tiningnan ni Cindy sa mga mata nito si Ely. Ilang araw pa lamang sila pero masaya siya. Dahil sa laging pagpapakita nito kung gaano siya kamahal ni Ely. Pati na din sa anak niya. Kumalas sa pagkakayakap si Ely. At kinuha ang regalo nito para kay Kenken. "Happy birthday, Kenken. For you, my boy" masayang bati ni Ely at inabot ang malaking box. "Sana magustuhan mo" dagdag na sabi ni Ely at ginulo ang buhok ni Kenken. Akma ng sisirain ni Kenken ang balot ng regalo. Nang tulungan ito ni Cindy. Nanlaki ang mga mata ni Kenken ng makita ang regalo ni Ely sa kanya. Kahit si Cindy ay natuwa. "Thank you" sabi ni Cindy at kinuha ang isang kamay ni Ely. Isa itong malaking robot na halos kasing taas ni Kenken. "Welcome, Babe. You know naman I will do anything for you and Kenken" sagot ni Ely. At yumakap si Cindy kay Ely. Habang nasa unahan nila si Kenken hawak ang laruan niya. They are a picture of a happy family. "Picture po muna tayo, Ma'am with the birthday celebrant" sabi ng photographer. Umayos naman silang tatlo. At nakangiting kinuhaan ng litrato. Habang si Arthur ay kitang kita ang lahat ng iyon. Napahawak siya ng mahigpit sa manibela ng kotse niya. Tumulo ang mga luha niya. Huli na siya. Masaya na ang asawa niya sa piling ni Ely at may anak na sila. Paano pa niya mababawi ang asawa niya kay Ely? May pamilya na ito. Sobra sobrang pagsisisi ang nararamdaman niya ngayon. Sana hindi niya iniwan si Cindy. Ang daming sana na dapat hindi niya ginawa. Muli siyang tumingin sa asawa. Walang nagbago dito. Parang walang anak kung titingnan ito. Napakaganda pa din ni Cindy. Napapangiti si Arthur sa naiisip kahit na umaagos ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Napahampas ng malakas sa busina si Arthur saka binuhay ang makina ng sasakyan niya. Agad na pinaharurot ni Arthur ang sasakyan paalis. Lalo lang madudurog ang puso niya sa mga nakikita niya kapag nagtagal pa siya doon. Napatingin si Cindy sa labas. Dahil sa narinig na malakas na busina. Sinusundan niya ng tingin ang isang sasakyan na humaharurot. "Babe, may problema ba?" tanong ni Ely kay Cindy dahil sa malayong tingin nito at pagtahimik. "Huh? Ah wala.. Wala naman" sagot ni Cindy na parang kinakabahan nang makita ang sasakyan na iyon. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Nilapitan ni Ely si Cindy at ipinulupot ang kamay sa bewang nito. "Puntahan na natin si Kenken" nakangiting aya ni Ely sa natitigilang si Cindy. Napilitang tumango ng ulo si Cindy kay Ely. Nakarating na si Arthur sa penthouse. Hawak niya ang annualment paper nila ni Cindy habang nakaupo sa kama. Pirmado na ito ni Cindy at ang pirma na lamang niya ang kulang. Inihiga ni Arthur ang kanyang katawan at itinaas ang hawak na papel. Habang ang isang kamay niya ay nasa noo niya nakalapat. "Hanggang ito na lamang ba tayo, Cindy? Hindi pa natin nabubuo ang pangarap nating pamilya. Pero masaya kana sa piling ng bago mong pamilya" tumulo na naman ang luha niya at ibinagsak ang kamay sa kama na hawak ang isang papel. Pinunasan niya ang mga luha niya. At bumangon. Ibinalik niya ang papel sa loob ng drawer. Umalis siya at papunta sa bahay na bibilhin niya para sana sa kanila ni Cindy. 700 square meter ang kabuuan ng lupang kinatatayuan ng magiging bahay nila ni Cindy. Para sa kanilang bubuoing isang masayang pamilya. Kasama ang kanyang broker at agent ay sinamahan siya na puntahan iyon. Saka siya iniwan sandali para matingnan ang loob. Puting puti ang kulay ng pintura sa loob. Iginala niya ang tingin sa buong sala. Malaking sala na may chandelier sa taas ng kisame. May mini bar din dito sa loob. Pumunta siya ng kusina. Black and white ang pintura doon. At may malaking dining set. Sa gilid ang kitchen sink na may malaking bintana. Pero may inilagay siya na separate na lutuan na napapagitnaan ng dining. Dito sana sa kusina na ito makikita ang masayang asawa na nagluluto ng pagkain nila. Yakap niya si Cindy sa likod habang sumasayaw sila ng nakapikit. Pero hindi na mangyayari iyon. Bumalik siya sa sala para pumunta sa mga kuwarto. May four bedrooms doon. Guest room, may dalawang kuwarto para sa magiging anak nila ni Cindy at ang master's bedroom na kuwarto nilang mag asawa. Pinihit niya ang pinto niyon papasok sa master's bedroom. May isang mini library siya doon para puwede siyang magtrabaho habang binabantayan ang asawa niyang natutulog. Lumapit siya sa kama at naupo. Itinakip ni Arthur ang dalawang kamay sa mukha niya. "Cindy, bumalik na ako! Bumalik na ako..." sigaw ni Arthur at tuluyan ng umiyak. Pinunasan niya ang mga luha niya. Lumabas na siya ng master's bedroom at sinilip ang tatlong kuwarto. Maganda ang kuwarto ng mga magiging anak nila ni Cindy. At ang guest room ay maaliwalas ang buong kuwarto. Pero kung kailan kaya na niyang mabili ang lahat ng ito para sa sarili niyang pamilya niya ay wala naman na ang pamilyang pinapangarap niya. Mahirap isipin na kung kailan handa na siya ay saka pa nawala ang asawang babalikan niya. Bumaba na siya sa sala at andoon na ang agent at broker ng bahay. Nilapitan niya ang mga ito. "Sir, when you want to finalize to buy this property?" tanong ng agent niya sa kanya. "As soon as possible. Ready all the papers and send it to me in the Penthouse. And I will ready the payment" sagot ni Arthur. "Okay Sir" nakangiting sabi ng agent at nakipagkamay kay Arthur. Umalis na ang dalawang kausap ni Arthur. Naglagi pa siya ng ilang oras sa bahay. Saka nagpasya na umalis. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Pero may nadaanan siyang isang bar. Kaya inihinto niya ang sasakyan niya parking area sa harap ng bar. Lumabas siya ng kotse niya at pumasok sa loob niyon. Madilim sa loob ng bar. Maingay at amoy na amoy ang usok. Hindi siya nagsisigarilyo. Umiinom siya ng alak pero paminsan minsan lang. Puro kasi trabaho at si Cindy lamang ang inaatupag niya. Umupo siya sa isang upuan na may bakanteng lamesa. Tinawag na kaagad niya ang waiter at nag order ng maiinom na alak at pulutan. Mayamaya ay dumating na kaagad ang waiter. Inilapag nito mula sa tray niya ang isang bote ng brandy at ice pack. May sisig, nuts at may tubig ding kasama. "Salamat" sabi niya sa waiter. Tumango naman ito ng ulo at umalis na. May live band na acoustic ang kinakanta ng babaeng lead singer. Napapailing si Arthur ng ulo. Saka naglagay ng yelo sa baso at sinalinan ng alak. Agad na tinungga niya iyon. At nagsalin pa ulit sa baso saka ininom. Gumuguhit ang pait ng brandy sa lalamunan niya. Pero hindi niya iyon alintana. Inom lang siya ng inom ng brandy hanggang sa mangalahati iyon. Naiirita na din siya sa kumakanta. Puro panay pang malungkot ang mga kinakanta nito. Talagang lasing na si Arthur. Madali lang siyang tamaan dahil sa hindi siya sanay uminom. "Hey, Miss Singer!" malakas na sigaw ni Arthur. Napatingin naman sa kanya ang lahat ng mga naroon sa bar. "Yes, Sir?" huminto ito sa pagkanta at nagtatakang nagtanong. "What's your name?" tanong ni Arthur. "Cory po" "Miss Cory, can you stop singing? Nakakakrita sa tenga ko ang mga kinakanta mo. Imbes na kalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko. Kaya ako umiinom dito sa bar. Pero lalo lang lumalala ang sakit ng dito sa puso" ani ng lasing na si Arthur. Nagsigawan naman ang mga tao sa loob ng bar. Napayuko si Cory. Napahiya siya sa harap ng maraming tao. Nilapitan ng dalawang bouncer si Arthur. At hinawakan sa mag kabilang braso. Nakalikha na ng eksena si Arthur. "Sir, hindi po tamang maging bastos ka" sita ng isa sa bouncer. "Ako? Nambabastos?" pilosopong tanong ni Arthur. "Maigi pa po eh umuwi na kayo" ani ng pangalawang bouncer. Nagpupumiglas si Arthur sa pagkakahawak sa kanya ng dalawang lalaki. "No! I will not go home! Gusto ko pang uminom!" galit na tanggi ni Arthur. Pilit nitong gustong kumawala sa dalawang lalaking may hawak sa braso niya. Lumapit ang isa pang bouncer at binulungan ang isang kasama. "Dalhin natin ito sa opisina ni Amo" sabi ng bouncer. Kinaladkad na nila si Arthur papunta sa opisina ng may ari ng bar. Nagpupumiglas pa si Arthur pero dahil sa lasing ay hindi niya kaya ang dalawang lalaki. Sobrang lalaki ng katawan kaya paano siya mananalo. Pagkadating ng opisina ay isinalya ng dalawang bouncer si Arthur sa upuan. Pumasok naman doon ang isang lalaki. "Mr. Arthur Ken Vidal" bigkas sa buong pangalan niya na ipinagtaka ni Arthur. "Kilala mo ako?" "Yes. Vitto San Marcos. Do you remember now?" Nanlaki ang mga mata ni Arthur at biglang nilapitan si Vitto. "Ito! Hindi kita nakilala" bulalas ni Arthur. "Ang dali mong makalimot, Arthur. Samantalang nuon lagi tayong nangbubully ng mga kaklase natin" "Ang tagal mong nawala?" nahimasmasan si Arthur ng makita ang kaibigan. "Nag aral kasi ako abroad. And nawalan ako ng oras na makapag paalam sayo" sagot ni Vitto at inakbayan ang kaibigan. Vitto San Marcos ay bestfriend ni Arthur sa Tarlac. Magkaklase at magkababata. "And you, problemado ka ano? Gawan mo ba naman ng eksena ang singer dito sa bar ko. Hindi kapa din nagbabago, Arthur. Bully kapa din hanggang ngayon" dagdag ng naiiling na si Vitto. "Yeah. May problema nga ako. Available kaba? Baka puwede mo akong samahan?" pakiusap ni Arthur sa kaibigan. "Anytime, Pare. Let's go" sagot ni Vitto at niyaya na si Arthur na umalis ng bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD