Addison's POV "Condolence Addison." Bati sa akin ng mga katrabaho at kaibigan ni Papa ng makalapit ang mga ito sa akin. Tinanguan ko lamang ang mga ito. Pagkatapos sabihin ng mga ito ang katagang iyon ay naglakad na sila palapit puntod ng mga magulang ko puntod ng mga magulang ko... Muli na namang naglandas ang mga luha ko na akala ko naubos na kakaiyak ng maisip ko na naman ang bagay na hindi ko kayang tanggapin... Nasa magkabilang gilid ko sina Jane at Ashley at pilit ulit akong pinapatahan ng magsimula na naman akong umiyak. Hinahagod ni Ash ang likod ko habang si Jane naman sa braso ko. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Karl pero bigla na lang siya umalis ng mag umpisa na naman akong umiyak. Ilang minuto lamang ay bumalik na ulit ito at may dala ng tubig. Umalis si Ash sa gilid

