Addison's POV No! No! No! Hindi totoo ito! HINDI PWEDE! Agad agad akong lumabas ng kotse at nagmadaling tumakbo papalapit sa bahay namin pero bago pa ako tuluyan makalapit ay may dalawang bisig na ang yumakap sa akin mula sa likod. "No! Kuya Axel, let me go! Kailangan kong puntahan sila Mama! Kailangan nila ako! Pleaseee! Let me go!" Pinipilit kong alisin ang braso niyang nakapulupot at pumipigil sa aking tuluyan makapasok sa bahay pero kahit anong gawin ko ay bindi ko mapantayan ang lakas niya at hindi ako makawala sa yakap niya. Hinawakan niya ako sa mga balikat ko at pinaharap ako sa kanya, "Addison! Addison, Look at me! Hindi ka pwedeng pumasok doon! Mapapahamak ka lang. Hayaan mo nang ang mga bumbero ang gumawa non. Ililigtas nila sila Tito't Tita. Okay?" Pagpapakalma sa akin ni

