MIS 32 part 2

1184 Words
(Alaina) (Still a Flashback) I airplane mode my cellphone. Ayaw kong marinig ang boses ni Haven. Ayaw ko syang makausap, o mabasa ang sweet messages nya na alam ko naman na kaplastikan lang. Nakadapa ako ngayon sa aking kama habang nakasubsob ang aking mukha sa malaking unan. Umiiyak parin ako hanggang ngayon. Sumasakit na ang mga mata ko. Pati narin ang ilong ko. Napaangat ako ng mukha, at kinuha ko ang cellphone ko. Dinilete ko lahat ng picture namin ni Haven sa cellphone ko. Habang ginagawa ko 'to, ay umiiyak parin ako. Kasabay ng luha ko ay ang pag- agos ng sipon ko. Parang nagpaligsahan pa ang aking luha at sipon sa kung sino ang unang makarating sa bibig ko, at dahil mas malapit ang ilong ko kaysa sa mga mata ko, sa aking bibig.....kaya alam nyo na kung sino ang nanalo. *** *** "Kanina kapa tahimik, may problema kaba?"tanong sa akin ni Haven. Kasalukuyan nang nakapark ang kanyang kotse sa labas ng gate ng mansyon ng pamilya ko. Binisita nya ako sa mansyon kanina. Niyaya nya akong mamasyal at sumama naman ako. Kahit galit ako sa kanya, pero, gusto ko parin syang makasama sa huling pagkakataon. Bukas na ang alis namin ni mommy papunta sa New York. Hindi ko pa nasabi sa kanya na napaaga ang alis namin. Sasabihin ko sana sa kanya kahapon, pero ako na nasorprisa sa nadatnan ko sa kanyang pad kaya hindi ko nasabi. At wala na sa plano ko ang ipaalam pa sa kanya ang pag- alis namin ni mommy bukas. Gusto ko na naman maiyak ng pumapasok na naman sa gunita ko ang paghahalikan nila ni Celestine. The lips that always kissing me is kissing other lips. At mukhang sarap na sarap pa si Haven na kahalikan si Celestine. Buong akala ko akin sya ng buo. Pero may Celestine pala akong kahati. Hindi ako sumagot. Tumitig ako sa kanya. Ngayon araw na 'to, gagawin ko ang napagpasyahan kong desisyon. Buong magdamag kong pinag- iisipan ang desisyon ito. I can't save my heart but I can save my pride. I know may kasalanan ako sa kanya kaya sya gumanti siguro sa akin ngayon. Pero, karapat- dapat ba talaga na gantihan nya ako? Ibinaba ko naman ang sarili ko. Ako naman ang humingi ng tawad sa kanya. Hindi sapat ang nagawa kong pagkakamali sa kanya para ganituhin nya ako. Parang pinatay na nya ako. Dapat ibangon ko ang aking sarili. "Hey, galit kaba sa akin?" May pagkabahala sa kanyang mukha. Ang galing nyang umakting. Oo. Galit na galit ako sayo. Pero, mas galit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko ito na maniwala sayo. Gusto ko na itong isangtinig pero pinigilan ko ang aking sarili. Ayaw kong malaman nya na nahuli ko ang kanyang panluluko sa akin. "Hindi ako galit sayo Haven. Gusto nga kitang pasalamatan." Napangiti sya sa aking sinabi. "For what babe?" "For everything."napatulo ang luha ko. Totoo naman ito. Nagpapasalamat ako sa kanya sa mga panahon nandito sya para sa akin. Kahit kalahati dun ay pagkukunwari lang naman. "Oh babe!"pinunasan nya ang aking munting luha gamit ang hintuturo nya. "Salamat din da----" "I'm breaking up with you!" Napatigil sya sa kanyang ginagawa. Napalis ang kanyang ngiti. At mariin syang napatitig sa akin. "Anong sabi mo?"tanong nya sa mahinang boses. Napalanghap ako ng hangin, bago nagsalita uli. Nilakasan ko masyado ang aking loob. Ayaw kong sabihin sa kanya ang sasabihin ko ngayon pero ito lang ang tanging naisip kong paraan. Dahil pag ipagpatuloy ko ang relasyon namin. Baka matulad lang kami sa sinapit ng parents ko. "I said I breaking up with you." His lips parted for a while. I heard him sighed. "Please, tell me that this is just a joke."nagsumamo ang kanyang boses. "No Haven!"matigas kong sabi sa kanya. Nakipagtitigan ako sa kanya. Ipinapakita ko sa kanya ang katotohanan sa sinabi ko. "Makikipaghiwalay na talaga ako sayo!"binuo ko aking boses. "B-Bakit?"nanghina nyang tanong. "Wala lang." Shit! Bakit ito pa ang lumabas sa labi ko. "Wala lang?"napalakas ang kanyang boses. "You said you want to break up with me, tapos wala ka man lang matinong rason." Nabanaag ko ang galit sa kanyang boses. Napalanghap sya ng hangin. Ramdam ko ang pagkalma nya sa kanyang sarili. "P- please tell me, did I done wrong? Ano bang kasalanan ko sayo? You cheated on me! 'Yan ang kasalanan mo. "Is it because that you are leaving. Sabi ko naman sayo, I can wait for you. I love you, Alaina. Please don't do this to me." Hinawakan nya ang aking kamay. Pero, agad ko din hinila ang aking kamay. Nabigla sya sa aking ginawa. Pinatigas ko ang ekspresyong ng aking mukha. Sana masabi ko sa kanya ng maayos ang sasabihin ko ngayon. Sana hindi pumiyot ang aking boses. "Thats not the reason Haven. At wala ka din nagawang kasalanan. The problem is in me, not in you. I'm sorry but I don't love you. I just trying to make Ethan jealous. Gusto ko kasi e-test kung wala ba talaga syang gusto sa akin. And I am so broken hearted now because of him. I'm sorry! I am really sorry. Pero ginamit lang kita." Natigilan sya sa aking sinabi, saka nagbago ang ekspresyong sa kanyang mukha. Halos patayin na nya ako sa kanyang titig sa akin ngayon. "What did you say? You're just using me? How could you, Alaina! Pinaibig- ibig mo lang ako. You're worst than I expected." Marahas syang napalanghap ng hangin. "So, how is it? Did you enjoyed it? Did you enjoyed making me fool again and again?" Galit ang nagdaramdam nyang boses. Pinigilan ko ang aking sarili na mapaluha kahit pa gusto ko ng umiyak. Nasimulan ko na 'to at kailangan ko itong tapusin. Bahala na kung magalit sya ng sobra sa akin. Mas makakabuti iyon para sa akin. At para narin sa kanya. Sigurado naman ako na hindi mahirap sa kanya ang magmove on, dahil nandyan naman si Celestine. Nandyan na nga si Celestine kahit nandito pa ako. Mukhang halik lang ni Celestine ang gamot sa sinasabi nyang masamang ang pakiramdam nya. "Yes Haven, I enjoyed it."sa mga mata nya ako nakatingin."You shouldn't trust me. Were enemy, remember? A lesson for you to learn, you shouldn't trust your enemy." "f**k you!"galit nyang sabi sa akin. Nasaktan ako pero hindi ko ipinahalata sa kanya. "You should do that when you have the chance and now you lost your chance."mapang- uyam kong sabi. Para na akong susunugin sa mga titig nya. "Get out!" Galit nyang sabi na ginawa ko naman. Kabababa ko lang sa kotse nya nang agad nya itong pinaharurot. Nabigla ako sa ginawa nya. Mukhang galit na galit sya sa akin. Napatulo ang luha ko na nasundan ng tingin ang papalayo nyang kotse. Goodbye Haven! Sana magiging masaya ka. Hindi tayo para sa isa't- isa. Siguro nga mahal mo ako pero hindi mo naman kayang iwasan ang tukso. Tulad nalang kay dad. Mahal nya si mom pero natutukso sya. At alam ko na kung ipagpapatuloy natin ito. Mauuwi lang sa wala ang pag- iibigan natin. Kaya tapusin na natin ito habang maaga pa. (End of Flashback)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD