"Bist du in Ordnung?"napalingon ako kay Daddy.
"Yes Dad."mahinang saad ko.
"It's bad for a pregnant woman to always be sad."
Almost a week na umalis kami sa Pilipinas.Hindi na rin ako nag-attend ng graduation ko.
Hinawakan ni Daddy ang aking kamay.Matanda na si Daddy, at ang gusto niya nasa mansion niya kaming magkakapatid habang buhay pa ito.
"You are so beautiful Tamara. I love you so much. Hopefully before I die, I can see you and your brothers are happy already."
Malungkot naman akong ngumiti kay Daddy.Niyakap ko itong mahigpit.
"I love you so much Daddy, thank you for everything."malambing na saad ko.
Nagpaalam na si Daddy na magpapahinga na ito.
"Putang-ina mo talaga Tiger! Ikaw naka virgin doon sa babae tapos ako ngayon pinipilit na pakasalan siya!"galit na saad ni kuya Timothy.
Humalakhak naman si Kuya Tiger.
"Pakasalan mo na."nakangising saad ni Kuya Tie.
"f**k you!"inis na saad ni kuya Tim.
Tumayo na ako at pumunta sa kusina.Naabutan ko si Kuya Terrence na nagluluto ito.
"Hello baby Tam."aniya ni kuya Terrence.
Napanguso naman ako.Si Kuya Tobby naman, busy ito sa paghahalo ng niluluto ni Kuya Terrence.
Si Kuya Dos nasa Pilipinas sila.Hindi kase nito maiwanan ang negosyo.
"Hey Bro, pupunta pala ako sa Spain, ikaw muna sumama kay Daddy sa hospital."aniya ni Kuya Tie kay Kuya Tobby.Every month kase need ni Daddy ng therapy.
"Sure.Tamara, magpacheck up ka na rin."aniya sa akin ni Kuya Tobby.
"Bakit ang laki na agad ng tummy mo baby Tamtam?"asar sa akin ni Kuya Tie.
Hinawakan ko naman ang tiyan ko.Magdadalawang buwan na ito, at kita na ang umbok kapag fit na damit ang aking suot.
Lumapit si Kuya Tie sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Nandito kami para sa iyo."nakangiting saad niya.
Niyakap ko naman ito.
"Danke schön."malambing na saad ko.
"Ihre willkommene Prinzessin."sagot naman ni Kuya Tie.
Aaminin ko.May kulang pa rin sa buhay ko.Kahit pilitin ko maging masaya, hindi ko pa rin magawa.Mahal ko si Kenjie, araw-araw namimiss ko siya.Lalo naglilihi na ako at hinahanap ang kan'yang amoy.
Lumipas ang araw, lalo akong nahirapan sa paglilihi.Sobrang nahihirapan ako kapag inaatake ako ng morning sickness.
"Baby?"panay naman ang haplos ni Kuya Tobby ang aking likod.
"Drink it."aniya ni Kuya Tiger na binigyan ako ng tubig.
"Putang-ina, baka si Alcantara ang gamot!"saad naman ni Kuya Terrence.
"Naglilihi lang siya!"sigaw naman ni Kuya Timothy.
Nanghihina naman akong napaupo.
"Magpacheck up ka na kase Tam!"inis na saad ni Kuya Tobby sa akin.
Hindi kasi ako nakasama noong nakaraan sa kanila ni Daddy, dahil sobrang masama ang aking pakiramdam noon.
"Mawawala din iyan kapag apat or limang buwan na ang pagbubuntis mo."aniya ni Kuya Dos.
Nasa Pilipinas naman ang kaniyang mag-ina.
Napatingin ako sa limang lalaki na nakatayo sa harap ko.
Iisang kulay ng mga mata namin.Magkahawig din kaming anim.Magkasing tangkad at magkasing katawan din silang lima.Many women admire my brothers.Bukod sa sobrang guwapo ay mga bilyonaryo pa ang mga ito.
Napabuntong hininga ako.
"Ganito pala kapag naglilihi."wala sariling saad ni Kuya Terrence.
"Si Kath, ganyan din."aniya naman ni Kuya Dos.
"Gumayak ka na Tam, pupunta tayo sa hospital ngayon."seryosong saad ni Kuya Tiger.
"Kasama pa ba kami?"tanong naman ni Kuya Timothy.
"Alangan!"sagot naman ni Kuya Tie.
"I-salvage ko talaga si Alcantara!"inis na saad ni Kuya Tobby.
Tumayo na ako at pumunta sa aking silid.Dahil nakaligo naman ako, nagpalit na lang ako ng isang simpleng dress at flat sandals.
Si Kuya Timothy ang nagmamaneho papunta sa hospital.
Pagbaba namin sa sasakyan halos sa amin na ang tingin.Nahihiya tuloy ako.
"Oh damn! Ang ganda ng mga nurse dito."nakangising saad ni Kuya Terrence.
"Yeah.Big butt, big boobs and curvy body."aniya naman ni Kuya Tobby.
Humawak naman ako kay Kuya Tiger.
"Dito tayo bro, Doctor ng mga buntis."aniya ni Kuya Dos kay Kuya Tie.
"Good morning mga Sir,"malambing na saad ng pinay na Nurse.
"Hi Miss, ah pacheck namin ang aming kapatid."aniya ni Kuya Terrence.
"Sige Sir, pahiram po ng ID."agad ko naman kinuha ang aking ID sa aking sling bag.
May mga Filipino na Doctors at Nurses sa Britain.
Agad naman ako tinawag ng Doctor, pumasok na ako sa loob.Sumama na rin sa loob sila Kuya.
"Guten Morgen."nakangiting saad ni Doktora.
"Good morning po."aniya ko naman.
"Ay, marunong pala kayo mag tagalog! Kaloka!"
Napangiti naman ako sa sinabi ni Doktora.
"Haisst, ang ganda mo.Mga kapatid mo?"bulong sa akin ni Doktora habang inaalalayan ako pahiga.
"Opo."nakangiting sagot ko naman.
Agad naman ako sinuri ni Doktora.Nakaupo naman ang mga Kuya ko habang naghihintay sa akin.
"Malakas naman ang kapit ng twins mo."nakangiting saad ni Doktora.
"Twins! How come? Eh na miscarriage na nga iyong isa!"saad ni Kuya Tobby na tumayo ito at lumapit sa hinihigaan ko.
"Doctor po ako, alangan sasabihin ko na hindi twins ito.Haler! Dalawang heartbeat po ang nakikita ko."
No! Ibig sabihin nagsinungaling ang Doctor na tumingin sa akin dati?
"Putang-ina! Sino Ang Doctor tumingin kay Tamara?"galit na saad ni Kuya Dos.
"Kaibigan ni Samara."sagot ni Kuya Tiger.
"So ayun na nga, twins ang baby ko Mrs.... Geller?"nagtatakang tanong ni Doktora.
"M-Miss Geller, Mia Geller po."mahinang saad ko.
"Ah Mia Geller, ay ako naman pala si Dra.Lenlyn Alvero."
Nakakatuwa si Dra.pero panay naman ang irap ng mga Kuya ko sa kaniya.
"Doctor ko ba talaga? Eh mas lamang pa ang daldal mo kay'sa sa trabaho!"aniya ni Kuya Timothy.
"Ay ganun? Gusto mo turukan kita ng syringe diyan eh!"
Nakanganga naman ako na nakatingin sa kanila.
"Oh? Iba naman ang ituturok ko sa iyo, nakakabuntis."nakangising saad ni Kuya Tim.
Nakangisi naman ang mga Kuya ko.
Napapailing na lang ako.
"Ay ang bastos mo! Halika ka na Mia, tuturukan muna kita para sa pampakapit."
Tawanan naman ang limang Kuya ko.
After bigyan ako ng injection at i-check ang heartbeat ng baby's, inulit ulit ni Dra.Lenlyn ang pag ultrasound sa akin.
"Grabe Mia, ang kikisig ng twins mo, okay naman ang heartbeat nila, at wala namang problema, siguro nagka bleeding ka lang dahil minsan hindi rin maiwasan ang stressed."mahabang paliwanag ni Dra.Lenlyn.
"Doc, anong gamot sa matagal nilalabasan?"nakangising tanong ni Kuya Tim.
Humarap naman si Dra.
"Matagal ka bang labasan kamo? Ay baka maliit ang sa iyo, syempre hindi mo maramdaman ang sarap."
"Are you kidding me? Baka pati atay mo wawasakin nito."nakangising saad ni Kuya Tim.
Tumayo na ako at inayos ang aking dress.
"Manyakis ka!"
Napuno naman ng halakhak ang silid ni Doktora.
Basta sa kalokohan, magkakampi ang limang Kuya ko, at lalo na sa mga babae.Kaya laging galit si Daddy sa mga ito, puwera lang kay Kuya Dos, dahil malilintikan talaga siya kay Ate Kath kapag nambabae ito.
Nagpasalamat na ako kay Dra.Lenlyn.Nagulat pa nga si Dra.na bigla lang siya hinalikan ng mapusok ni Kuya Tim.Lumabas kami na nakatulala pa rin si Dra.
"Gago ka talaga Timothy! Pati Dra.hindi mo pinalampas."natatawang saad ni Kuya Terrence.
Nakikinig lang ako sa kanilang lima.Napangiti naman ako.Dalawang buhay ang nasa sinapupunan ko.Akala ko nawala na ang isa, hindi pala.
God! Sobrang saya ko.Kumpleto ang twins ko.
Hinaplos ko ang aking tiyan.
"Happy?"nakangiting tanong ni Kuya Tiger.
Maluha-luha akong tumango.
"So much."