Chapter 15

1104 Words
Halos hindi ko na namalayan ang buwan, dahil nasa anim na buwan na ang tiyan ko. Halos hindi na ako makatayo. "Mag exercise ka Tam, ikaw rin ang mahihirapan kapag manganak ka na."sermon naman ni Kuya Tobby sa akin. "Nahirapan po ako ako maglakad."nakasimangot na sagot ko. "Hola!" Napalingon naman kami ni kuya. "Josh!"sigaw ko naman. Noong nakaraang buwan, pabalik-balik si Josh dito.Okay naman sa mga Kuya ko lalo na kay Kuya Tiger, magkasundo talaga silang dalawa. "s**t baby Tam, nakalunok ka ba ng bola?"natatawang saad nito sa akin. Hinawakan ko naman ang malaking tiyan ko.Malapit na itong mag pitong buwan. "Uuwi ka ba sa pinas Bro?"tanong ni Josh kay Kuya Tobby. "Hindi muna siguro, malapit na manganak si Tamara, saka mahina n si Daddy,"sagot naman ni Kuya. "Babalik ulit ako dito kapag malapit na manganak si Tamtam,"nakangiting saad ni Josh. "Feeling Tatay,"ani naman ni Kuya Terrence na may dala-dala itong merienda. "Puwede naman ako ang magiging Daddy ng kambal,"nakangising saad ni Josh. "Tumigil ka Jordan! Kahit galit kami kay Alcantara, may karapatan pa rin siya sa mga bata! At gumawa ka ng sariling anak mo, huwag mo angkinin ang hindi iyo." Humalakhak naman si Josh. Naikuwento sa akin ni Kuya Tiger na si Kenjie ay matalik nilang kaibigan.Dati nilang kasamahan sa underground, na hindi ko naman maintindihan kung ano ang underground na iyon. Lumuhod naman si Josh sa harap ko at hinawakan ang aking tiyan. "Why not.Mahal ko si Tamara, kahit hindi ito akin, mamahalim ko sila katulad nang pagmamahal ko sa Mommy nila."nakangiting saad ni Josh sa akin. Umiwas naman ako ng tingin. "Mother fucker!"sigaw naman ni Kuya Terrence. Nakangisi naman si Josh. Hinawakan naman ni Josh ang aking tiyan. "Malikot na sila."nakangiting saad niya sa akin. "Yeah, sobrang likot."natatawang saad ko naman. "Bahala ka Johnson!"inis na saad ni Kuya Terrence at tumalikod na ito. Sumunod na rin si Kuya Tobby Kay Kuya Terrence. "Anong gender ng twins mo?"tanong ni Josh. "Sa isang buwan pa ako magpa ultrasound." Niyaya ko si Josh pumasok sa loob.Pumunta kami sa kusina at pinaghanda ko siya ng meryenda. "Ako na, baka mapaanak ka."malambing saad ni Josh sa akin. After namin kumain ng meryenda nagpaalam muna ako na magpahinga.Dumaan muna ako sa room ni Daddy. "Dad?" Nakatingin lang ito sa akin.Malungkot akong pumasok sa silid nito at umupo sa tabi ng hinihigaan ni Daddy. Hindi na siya makapagsalita.Matanda na talaga si Daddy. Kinuha ko ang kanang kamay ni Daddy at hinalikan ito. "Dad, malapit na ako manganganak.Please, huwag niyo muna akong iwan."maluha-luhang saad ko. Parang naintindihan niya ito.Nakita ko ang luha sa mga mata niya. Hinalikan ko ito sa noo. "I love you Daddy, I wish maabutan mo pa ang twins ko, kahit mayakap mo lang ng sandali."humihikbing saad ko. May komplikasyon na ang sakit ni Daddy.Kaya naman bumagsak na rin ang katawan nito.Si Kuya Dos pabalik-balik na rin dito, si Kuya Tobby at Terrence, hindi na sila masyadong umaalis.Si Kuya Tiger naman, naging abala na rin sa negosyo nito.Si Timothy, nasa Canada siya ngayon dahil sa negosyo. Napatingin ako sa pinto nang may pumasok. "Check ko lang po Ma'am si Senyor."nakangiting saad ng personal Nurse ni Dad.Pinay ang kinuha namin na mag-alaga kay Daddy. Ngumiti lang ako at lumabas na. "Tam?" "Yes?"aniya ko kay Josh. Lumapit ito sa akin. "Uuwi pala ako sa Pilipinas, ikakasal kase si Belle." Ikakasal? "Ikakasal siya kay Gab ulit."saad ni Josh. Nang sinabi ni Josh na ikasal sa ibang lalaki si Belle, parang biglang lumuwag ang aking pakiramdam. "Ah i-ingat ka sa biyahe."mahinang saad ko rito. "Thank you.Pero babalik ako dito kapag malapit ka na manganak." Ngumiti lamang ako kay Josh.Hinawakan nito ang mukha ko at mariin akong hinalikan sa labi. "Tam, m-mahal kita."mahinang saad nito. Napalunok naman ako. "M-mahal ko pa rin si K-Kenjie.Josh, ayoko na umasa ka, s-simula pa lang sinabi ko na sa iyo." Ngumiti ito sa akin. "I'm willing to wait."malungkot na saad nito. Itinaas ko ang aking kamay at hinaplos ang kan'yang mukha. "Thank you, hindi mo ako iniwan at hanggang ngayon nandito ka pa rin sa tabi ko."mahinang saad ko sa kan'ya. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. "Binago mo ako Tam.Nagbago ang pananaw ko sa babae dahil sa'yo.Aminado akong napakababaero ko, pero nang nakilala kita nawala na ang interest ko sa mga babae." Kinurot ko naman ang tagiliran niya. "Pero nakita ka ni Kuya Tiger na nakipag s*x ka sa parking lot." Tumawa naman ito. "Hindi ako iyon.Sinisiraan lang ako ng mga kapatid mo." Huminga ito ng malalim."Tam, handa ako tumira dito sa Britain para sa'yo." "Sige nga Johnson, buhatin mo ang mansion mo dito at dalhin dito sa Britain, ako mismo magpapakasal sa inyo ni Tamara." "Kuya Tim!" Agad ako lumapit kay Kuya Timothy at yumakap rito. "Careful Tam,"malambing na saad ni Kuya Tim. "Nandito ka na naman.Hindi ka ba nanghihinayang sa pamasahe?"aniya ni Kuya Tim kay Josh. "I'm f*****g Billionaire Bro, at para kay Tamara gagawin ko iyon."nakangising saad naman ni Josh. "Yabang putang-ina!"irap naman ni Kuya Tim. Humalakhak naman si Josh.Kumindat naman si Josh sa akin. Mahina naman akong napatawa. Nagpaalam na si Josh na aalis na ito.Si Kuya Tim naman, nasa kuwarto ito ni Daddy.Buti na lang may asawa na ang Nurse na kinuha ni Kuya Dos para kay Daddy, kung nagkataon na Dalaga ito baka nadali na ito ng babaero kong mga Kuya. Nakahiga lang ako sa kama ko habang malalim na nag-iisip. Kamusta na kaya siya? Halos anim na buwan na wala na akong balita sa kan'ya.Huling nabalitaan ko nasa Germany daw ito.Siguro may girlfriend na ito. Gusto ko sabihin sa kan'ya na may anak siya.Pero natatakot ako. Napabuntong hininga ako. Bakit si Josh, madali lang sa kan'ya na mahalin ako? Bakit si Kenjie, bakit hirap itong mahalin ako?Naiinggit ako kay Belle.Alam kong nauna niyang nakilala si Belle, at si Belle ang unang babaeng minahal ni Kenjie. Mamahalin kaya niya ako kapag malaman niya na may anak kami? Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ang aking social media.Matagal na rin na hindi ko na ginagamit ang aking f*******:. Hinanap ko ang f*******: ni Belle Mondragon. Nakita ko ang masayang litrato ng babae na kasama ang guwapong anak at ang lalaking sobrang guwapo din ito.Baka ito ang lalaking papakasalan ni Belle. Masayang pamilya.Iyon ang nakikita ko.Nakaramdam naman ako ng sakit sa aking dibdib. Nakita ko nag comment si Kenjie.He just sent a heart. Pinindot ko ang pangalan nito at tiningnan ko mga post nito sa timeline.Lahat ang post nito about sa business. Nanginginig ang kamay ko na pinindot ang friend request.Agad ko naman binitawan ang aking cellphone. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. "Gosh!"mahinang sambit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD