SIYAM

1182 Words
Continuation of Tristan's PoV....... Dahil sa aking mga kakilala at koneksyon sa paaralang ito ay kaagad ko na nalaman na may pinsan pala ito na si Cassandra Gonzaga kumukuha ng Nursing Nang malaman ko ito ay kaagad akong pumunta para kausapin ito Nang makita ko ang sinasabi na nga nilang pinsan ni Chloe ay kinuhit ko ito "Miss, Are you Cassandra Gonzaga?" Pagtatanong ko rito "I am Cassandra Gonzaga, Why are you looking for me?" Pabebeng sagot nito sabay pagsingit ng buhok nito sa kanyang kanang tenga "Buti na lamang, tama kaagad ang nahanap kong tao. Pero sa tono pa lamang ng boses nya ay parang interasado ito sa akin" Kaya naisip ko na mag panggap na may kailangan sa mga magulang nya upang mapalapit sa mga ito "Are you the daughter of Mister and Mrs. Gonzaga?" Pagpapanggap na kilala ko ang kanyang mga magulang pwera na lamang kung walang common sense ang babaeng ito dahil kaya nalaman ko ang apelyido ng kanyang mga magulang ay dahil sa apelyido nya "Sana naman ay kumagat ito sa aking bitag" wika ko sa aking sarili "I need to talk to your parents right away, May pinapasabi kasi ang aking mga magulang sa inyong mga magulang" dagdag na wika ko rito at mukhang naniwala naman ito "Nasa bahay ba ang mga magulang mo ngayon?" Dagdag uli na pagtatanong ko "Sa tingin ko naman nasa bahay na sila kasi maaga silang umalis ng bahay" Pag-sagot nito at pagkagat sa aking bitag "Mabuti naman kung ganon kasi importante talaga ang pinapasabi ng aking mga magulang" wika ko rito "Kung ganon eh, pwede mo ba akong samahan sa inyo at pagkatapos ay babalik tayo sa paaralang ito" "Kung nag-aalala ka na may papasukan ka pang mga klase, wag ka mag-alala napagalam na kita sa mga guro mo" dagdag na sambit ko kay Cassandra  Pagkatapos ng mahaba habang pagtatanungan ay niyaya ko na ito papunta sa parking lot kung saan naroroon si RUSHY, aking aking sasakyan 1959 Cadillac  "Sumakay ka na" bigkas ko rito Pumasok na nga ito ng sasakyan at sinimulan ko ng paganahin ang makina ng aking kotse "Mag-seatbelt ka at medyo mabilis ito, nagmamadali kasi tayo" maikling bilin ko sa babaeng ito ........ Nagsimula na akong paandarin ang aking sasakyan ng medyo mabilis lamang na pagtakbo. Habang itinuturo sa akin ni Cassandra ang daan patungo sa kanilang tahanan ay hindi ko na nagugustuhan ang mga titig nito sa akin na tila ba ako ay pinagnanasaan ....... Di kinatagalan ay nakarating na nga kami sa aming paroroonan, ang bahay ni Cassandra Tiningnan ako nito ng masama "Nandito na tayo, maari mo nang ihinto ang iyong sasakyan" wika nito na tila nagagalit sakin  "Masasabi kong magpinsan nga talaga silang dalawa makatingin kala mo napakasama kong tao" Umirap "Ang sabi mo medyo mabilis, nasisiraan ka na ba eh napakabilis ng pagpapatakbo mo" pagrereklamo nito "Alam mo wag ka magreklamo, sa tingin mo ba gusto kong gawin toh" pagpapanggap ko  "Kung hindi lang ako inutusan ng mga magulang ko ay hindi ako pupunta rito" dagdag na panggap ko na may kailangan talagang ipasabi ang aking mga magulang kahit na wala naman talaga "Sige na nga" maikling sagot ni Cassandra  "Pumasok na kaya tayo sa bahay nyo nang malaman ko kung nariyan nga ang mga magulang nyo" pang-aanyaya ni Tristan rito Pagpapanggap nitong masaya "Oo na, eto na oh, papasok na nga eh" wika nito na tila ba galit napipilitan lamang  Lumabas na nga ako sa aking sasakyan  Sumunod na lumabas si Cassandra at tila ba nagdadabog itong nang sinara ang pintuan ng aking sasakyan Tumingin ako sa kanya at tumaas ang isa sa aking mga kilay "Galit ka ba?" Malikling tanong ko "Ayy hindi, hindi naman" "Hindi naman ako galit, napakasaya ko nga actually" dagdag nito "Sorry talaga kung nagalit kita, nagmamadali lang kasi ako, kasi ilang oras nalang......." panghihingi ko ng paumanhin kay Cassandra  "Ilang oras nalang tanghalian na at kasabay ko pang kakain si Chloe" wika ko sa aking isipan Pagtingin nito sa akin at umirap ito "Ano bakit hindi mo ituloy ang sinasabi mo?" Pang-kwekwestyon nito sa akin "Ahh, wala basta importante" pagtatago ko ng isang sikreto o maituturing ko syang hindi sikreto, kundi isang magandang kaganapan na mangyayari mamaya pag-mamaldita nito sa akin "Pagkatapos mo kung tanungin kung bakit ako nagagalit?!.....Hindi ba dapat alam mo na ang kasagutan sa sarili mong tanong!!!" Sigaw nito na tila ba mabingi na ako sa subrang lakas "Naka-megaphone ba ang babaeng ito, daig pa nyang serena ng ambulansya sa lakas ng boses nya" Pagtatanong ko saking isipan ********** Nagtaka at napatingin sa pintuan "Si Chloe ba yung sumisigaw sa labas?" Pagtatanong ng tatay sa Nanay ni Cassandra sa loob ng kanilang bahay Nagtaka rin ang Nanay nito na si Shara "Bakit naman mapupunta dito yun, eh diba may klase pa sila ni Chloe" sagot nito sa kanyang asawa "Sabagay, may punto ka naman" "Pero diba boses yun ng anak natin" dagdag ni Felix kay Shara Lumapit si Shara kay Felix at pinakinggan nga ito ng maayos dahil hindi sya naniniwala sa sinabi ng kanyang asawa sa kanya  "Teka, oo nga..... Si Cassandra nga yun" wika ni Shara kay Felix Tumingin ito sa kanyang asawa "At sino naman ang kausap nya?" Pagtatanong ni Felix rito Kaagad na lumabas ang mag-asawa upang tingnan ang nangyayari "Pagkatapos mong guluhin ang buhok ko, na inayos ko lang naman ng isang oras!!!--" Napatigil si Cassandra sa pagsasalita ng makita nya ang kanyang mga magulang na lumabas sa kanilang gate Dahil sa kaganapan ay napansin rin ni Tristan na iyon na nga ata ang mga magulang ni Cassandra  Napatingin ito sa mga magulang nito, at ang kanilang emosyon ay tila nagulat sa pangyayari "Umagang umaga Chloe, bakit ka naman nasigaw sa labas ng ating bahay Anak?" Pagtatanong ng Ina ni Cassandra kay Cass "Ito na nga ang mga magulang ni Cassandra" wika ko sa aking isipan Napatingin na lamang si Cassandra sa katanungan ng kanyang Nanay sa kanya "At sino naman itong kausap mong lalaki, manliligaw mo?" Pagsabat ng Tatay nito sa usapan "Naku Daddy, nagkakamali po kayo..... Nagpasama po sya sa akin para makausap kayo, ni hindi ko nga po kilala ang lalaking yan" Pagpapaliwanag ni Cassandra sa kanyang mga magulang "Ako nga po pala si Tristan Javier, anak ni Christine at Gian Javier" sabat na pagpapakilala ko "Anak ka nina......Christine at Gian, tama ba ang narinig ko?" Pagtatanong ng Tatay nya sa akin "Opo, tama po ang narinig nyo" "May pinapasabi po pala ang mga magulang ko kaya po ako naririto sa harapang ninyo" dagdag na wika ko rito "Kung ganon ay pumasok ka muna Iho ng mapagusapan natin ang pinapasabi ng iyong mga magulang" pag-sabat ng pagaalok ng Nanay ni Cassandra sakin "Ipasok mo na rin ang kotse mo" wika sa akin ng Tatay ng babaeng daig pa ang serena sa lakas ng boses Ngumiti ako "Salamat po, pero hindi na po kailangan, hindi rin naman po ako magtatagal" pagtanggi ko sa alok nito Pinapasok na nga nila ako sa kanilang tahanan pero ang aking sasakyan ay naiwan sa labas ng kanilang tahanan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD