DALAWA

1577 Words
-April 1, 1960 Biyernes Ang mabangong aroma na naamoy ko, mula sa kalderong punong-puno ng masasarap at masusustansiyang rekado. Ninanamnam nito ang mabangong hangin habang niluluto ito. Dahil nga malapit na mag alas-dose naisipan ng magkakapatid na maghain ng pagkain dahil magtatanghalian na, at sakto nakaluto nanaman si Chloe ng kanilang maka-kain. Habang abala si Chloe sa paghahanda ng mga pagkain sa hapag ay nag-alok naman si Arwen ng kanyang pagtulong. 'Ate tulungan na kita jan' masayang pag-aalok ni Arwen 'Sige, maari ka ng magsandok ng kanin sa kaldero upang lumamig ang kanin' masayang pagtanggap ni Chloe sa alok nito habang inutusan din niya ito ng maari nyang gawin upang makatulong sa kaniya. Habang nagha-handa ang dalawa ay naglinis naman ng bahay ang kanilang bunsong kapatid na si Kenneth "Ate baka biglang dumating si na Nanay at Tatay" ang biglaang pag-sabt ni Kenneth. Ngumiti ito sa kay Kenneth 'Wag kang mag-alala at nakapag-hain na kami intayin nalang siguro nating dumating sina Mama at Papa' wika ni Chloe sa nakababata nyang kapatid na si Kenneth. ........ Ilang minuto na ang lumipas pero nakakapagtaka, hindi pa rin dumadating ang mag-asawang Castroverde. 'Tirik na tirik na ang araw Ate ngunit wala pa rin si Inay at Itay' Bigkas na may pag-aalinlangan ni Ken Nilapitan ni Chloe ang kaniyang kapatid 'Wag ka mag-alala dadating lang sila siguro masyado lang silang maraming ginawa ngayon, intayin nalang muna natin sila' sambit ni Chloe rito habang inalalayan nito ang kapatid papunta sa hapag-kainan "Bakit nga kaya wala pa rin sina Inay?" Pagtatanong nito sa kaniyang sarili, na maski sya ang nababahala na rin sa nangyayari 'Oo nga naman Kenneth, mas maganda pag sabay-sabay tayong kakain lahat at para sabay-sabay din nating matanggap ang grasya ng panginoon' pag-sabat ni Arwen na nagpagaan na naman ng loob ni Chloe ............ Maya-maya ay dumating na nga ang kanilang mga magulang at kaagad nilang inalalayaan sa mga dala nito. Umupo na ang buong mag-anak at na nila ang pag-kain. Habang abala ang lahat na ngumunguya sa kanilang pagkain ay nagpasimula si Arwen ng mapapagusapan 'Ma, Pa, Kamusta naman po ang ating mga pananim' pagtatanong ni Arwen tungkol sa kalagayan ng palayang kanilang pinag-sasakahan. Nginuya ng kanilang amang si Franco ng mabilis ang kanyang bibig ay kaagad na nilunok ito 'Ok naman mga anak at ilang buwan na lamang ay maari na natin anihin ang ating mga pananim' sagot ng kanilang ama 'Mabuti naman kung ganon pa' sabat na pagpuri ko Nagpakita ang kanilang ina ng malungkot na emosyon 'Ngunit sa aking palagay ay hindi ganon karami ang ating ma-aani dahil sa ngayon ay tag-tuyot at marami sa ating mga pananim ay natuyo, isa pang dahilan ay kulang na kulang ang tubig sa irrigasiyon' pag kalungkot na sagot kanyang ina. Habang abalang nag-uusap ang kanilang pamilya ay bigla na lamang may bumubusina. *peep, peep, peep, peeeeep* Hindi na nasabi ni Chloe ang kaniyang nais sabihin, dahil nagulat ang lahat at natigilan sa kanilang mga gawain ng biglang tumunog ang bagay hindi nila ikinakalang dadating. "Ano bayan! Saan naman kaya nanggagaling ang tunog na yun?! Nakakairitang pakinggan" 'San ba nanggagaling ang tunog na yun?' Mistulang parehas sila ng sinasaloob ng pinaka-bata niyang kapatid na si Kenneth Tiningan nito ng masama ang pinakabatang kapatid 'Natural sa sasakyan' pang-pipilosopo sagot ni Arwen kay Kenneth Ngumunot ang noo ni Kenneth'Nakakatawa yun Ate?' Pagtatanong nito ng may pagkabugnot. 'Depende sayo kung gusto mong tumawa, hindi naman kita inuobliga na tumawa diba' lalong pang-iinis ni Arwen sa kanyang nakababatang kapatid. Pinipigilan na lamang ni Chloe ang kaniyang pagtawa, ganun din ang mga magulang nito. Dahil baka pag-simulan pa ng away ng magkapatid *peep, peep* Muli itong nairita 'Kanina pa may bumubusina ahh' bigkas ni Ken Dahil nga naiirita na si Kenneth sa kaka-busina, sya ay lumabas ng kanilang bahay at tiningnan kung saan ng gagaling ang tunog, nang sya ay lumabas nakita nyang may lumabas sa sasakyan kung saan nanggagaling ang nakakairitang tunog. 'Iho, dito ba nakatira si Sharon at Franco Castroverde?' pagtatanong ng isang babae sa bata. Nagtaka ito 'Opo, Bakit po?, Kaano-ano nyo po sila?, Bakit nyo po kilala ang aking mga magulang?' Pabalik na pagtatanong ni Ken. "Sino naman kaya ang medyo matandang babaeng ito?" Pagtatanong ni Kenneth sa kaniyang isipan. Hinawakan nito ang itaas ng ulo ni Kenneth 'Anak ka na pala nila, ikaw na ba ang kanilang bunso?, huling kita ko pa kasi sayo bata ka, eh nasa sinapupunan ka pa ng aking Ate' sagot ng babaeng kausap ni Ken. 'Kapatid po kayo ni Mama?!' Ang mad lalong pagtataka ni Kenneth. 'Oo, Kapatid ako ng iyong Mama, ako ang iyong Tita Shara at sya naman ang iyong Tito Felix ang aking asawa' pagpapa-kilala sa kanyang sarili at sa kaniyang asawa. Kaagad na tumakbo si Kenneth pabalik sa kanilang bahay. "Ngayon ko lamang nalaman na may kapatid pala si Mama" ani ni Kenneth sa kaniyang isipan 'MAMA, PAPA, MAMA!!!' Ang malakas na pag sigaw ni Kenneth. Dahil sa pag-sigaw nito ay napahinto ang mag-anak sa kanilang pagkain. 'MAMA, Nandito si Tita Sharon, kapatid mo daw, Hinahanap ka nila!!' Habang tumatakbo papunta sa kanilang bahay si Ken ay agad nyang tinawag ang atensyon ng kanyang ina. Dahil sa sigaw ng kanyang anak ay kaagad na napahinto sa pagkain at lumabas ang kanilang nanay, at nang ito ay lumabas ay kaagad nya ngang nakita ang kanyang kapatid na matagal na nyang hindi nakikita. 'Oh, bat naparito kayong mag-asawa?' Pagtatanong ni Sharon sa mga ito. 'Naparito lang kami ate para bumista, kay tagal din kasi nating hindi nagkita' sagot ni Shara sa kaniyang Ate. Niyakap nito ng mahigpit ang kaniyang makababatang kapatid 'Miss na miss na kita Shara' wika ni Sharon rito na kay tagal nyang hindi nakita. Ginantihan din nito ng mas lalong mahigpit na yakap ang kaniyan ate 'Ganun din ako Ate, kaya nga kami naparito' pag-sagot nito sa sinabi ng kanyang Ate. Sabik na sabik ang dalawa sa kanilang muling pagkikita. 'Bat di mo nga pala kasama si Cassandra?' Pagtatanong ni Sharon kay Shara. 'Ahhh, ayaw sumama may lakad kasi lalo na't bakasyon' sagot nito sa kanyang nakakatandang kapatid 'Sabagay kabataan nga naman' sambit ni Sharon 'Pagkatapos naman ng bakasyon ay pag-aaral na ng maigi ang kailangan kaya pinayagan ko na' wika ni Shara sa kanyang ate 'Tanghalian na ba't di nyo pa kami sabayan sa pagkain' sabat na pagya-yaya ni Franco sa mga ito 'Oo nga naman mahal gutom narin ako kasi wala pa tayong kinakain' sabat ni Felix 'Tamang-tama marami naman kaming pagkain na hinain, kaso baka hindi kayo sanay sa pagkain lalo na at may-kaya na kayo sa buhay HAHAHA' pagbibiro ni Sharon 'Di pa ba ako sanay Ate eh ganyan naman ang lagi nating kinakain dati' sagot ni Shara 'Sabagay' sambit ni Sharon 'Chloe, hainan mo na na nga ang mga tito at tita mo ng makakain na' utos ng kanyang ina 'Opo Mama' bigkas ni Chloe Hinainan na nga ni Chloe ang mag-asawang Gonzaga 'Ito na ba ang iyong panganay Ate?' pagtatanong ni Shara 'Sya na nga ang panganay ko, at ito naman ang sumunod (tinuro si Arwen) at ito naman ang aming bunso' habang sinabi ito ay pagkatapos niyakap si Kenneth 'Ang lalaki na pala nila, parang kailan lang' pag-gunita ni Shara 'Oo nga eh, mga bata pa sila ng huli mong makita' pag-sagot ni Sharon 'Ilang taon na nga pala ang panganay mo Ate?' Tanong ni Shara 'Dise-otśo na yan ngayon' pag-sagot naman ni Sharon 'Abay kung ganun eh kasing edad pala sila ng unika Iha kong si Cassandra, parehas na pala silang mag-kokolehiyo' pag-kwekwento nito 'Anong balak mong kuning kurso iha?' Pagtatanong ng kanyang tita Shara sa kanya 'Hindi ko pa po alam Tita, saka wala po kaming sapat na pera pang matrikula at pag-papaaral po sakin kaya hindi ko po alam kung itutuloy ko pa po ang aking pag-aaral' sagot nya sa kanyang Tiya 'Bat hindi ka nalang maging iskolar ng bayan, sa tingin ko naman ay matalino kang bata' opinyon ng kanyang Tita 'Kahit po ganun Tita Sharon ay hindi po namin kakayanin ang mga bayarin sa eskwela' pag-kalungkot sa kanyang mukha 'Bakit hindi ka nalang mag-aral sa Maynila, kami na ang mag-papaaral sa iyo at kami narin ang bahala sa lahat ng bayarin mo, Kung papayag ka lamang' sabat ng kanyang Tito Felix 'Para na rin naman may kasama nang papasok ang pinsan mong si Cassandra, payag ka ba na mag aral sa Maynila?' Pagmamagandang loob ng mag-asawa Agad na pumunta si Chloe sa kanyang Nanay at Tatay 'Mama, Papa papayag po ba kayo?' Pagtatanong sa dalawa 'Abay desisyon mo iyan ang samin lang ay kahit anong maging desisyon mo ay susuportahan ka namin, at saka sayang ang oportunidad' sagot ng kanyang mga magulang 'Talaga ma, pa salamat po' pasasalamat ni Chloe Niyakap ni Chloe ang kanyang mga magulang na may kasamang saya at tuwa sa kanyang mukha 'Ano papayag ka ba iha?' Tanong ng kayang Tita Shara 'Opo, payag po ako, maraming maraming salamat po' pag-sagot ni Chloe rito na tila ba abot langit ang kanyang tuwa Niyakap ni Chloe ang kanyang tita sa subrang tuwa at pasasalamat rito 'Siguro sa isang linggo ay susunduin ka namin papuntang Maynila, para habang mas maaga ay makapag-handa ka sa iyong pag-pasok at para may kasama narin ang pinsan mo hahaha' wika ng tita nya sa kanya Natapos na silang lahat kumain at hindi parin maalis sa isipan ni Chloe ang tuwa, saya, enganyo, at marami pang hindi maipaliwanag na nararamdaman sa kadahilanang ngayon pa lamang sya makakapunta sa Maynila "Ano kaya ang itsura ng Maynila, maganda kaya doon, pero mas ikinakatuwa ko ay makakapagaral na ako, at higit sa lahat ay muli ko ng makikita ang aking kaibigan na si Cassandra na akin ding pinsan" * Please continue reading Thank you very much Please share the story also Don't forget to follow me and leave a comment -Riese_C
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD