KABANATA 3 - HURT

2860 Words
NAPAIYAK SI JOE dahil wala siyang Drake na naabutan sa paggising niya. Bakit ba tuwing gigising siya sa pagtatalik nila ay lagi siyang naiiwan mag-isa sa kama? Ngayon ay mas napag-isip niya na katawan nga lang ang habol nito at hindi siya. Bumangon siya sa kama at nagtungo ng banyo upang mag-shower dahil medyo naglalagkit siya buhat ng nangyari kagabi. Nanakit ang parte ng hita niya pero hindi na tulad ng dati na sobrang hapdi. Tila nasobrahan lang ata sa pag-angkin si Drake sa kanya kaya hindi parin niya kaya. Habang nasa ilalim ng tubig ay naisip niya na maglinis na lang ng pad nito, tiyak na hindi naman siya palalabasin nito muli, at baka angkinin na naman siya nito 'pag sinuway niya ito. Pagkatapos niyang maglinis at magbihis ay tinungo niya ang sala. Pero napahinto siya ng may nag-text sa cellphone niya. Kinuha niya iyon sa bulsa ng short niya at tinignan kung sino ang nag-text. Hon, two days akong mawawala. Kaya 'yung bilin ko, 'wag mong susuwayin. Uuwian na lang kita. -Drake. Text na galing kay Drake. Gusto niyang i-text ito kung saan ito pupunta at bakit mawawala ng ganung katagal? Pero bigla ay nakadama siya ng hiya. Pero bakit tila tumalon ang puso niya ng magpaalam ito sa kanya? Nag-text muli ito kaya agad niyang binasa. Te amo. Text muli nito sa ibang lenggwahe na kinakunot ng noo niya. Ano 'yun? Anong ibig sabihin ng text nito? Minumura ba siya? Napailing na lang siya at binulsa ang cellphone at tinungo niya ang kusina nito upang kumain. Hindi siya marunong magluto. Maski itlog ay hindi siya marunong. Kaya parang nagningning ang mga mata niya ng makita niya sa lamesa na may lutong napakasarap na almusal. Ham, egg, hotdog, tapos meron ding tapa na may mayonaise na favorite niya, at take note! May fried rice pa. Pero may letter na iniwan doon kaya binasa nya. Nagluto na ako, kaya kainin mo ito lahat. At sa lunch and dinner mo ay nasabihan ko na ang restaurant sa baba ng pad ko na dalhan ka ng food. 'Wag kang magpagutom. -Drake. Hindi niya maintindihan kung anong sumapi sa lalakeng iyon? Bakit biglang bait nito? Parang ito na talaga ang Drake na minahal niya. Ang Drake na lagi siyang dinadalhan ng pagkain noon. Napangiti siya dahil alam na niya na kahit iba ang trato nito ngayon ay naroon parin sa pagkatao nito ang dating Drake na malaki ang concern sa kanya. Siguro ay kailangan niya talagang gawin ang lahat para mapatawad siya nito. Siya rin naman ang may kasalanan kung bakit ito galit sa kanya. Ganado siyang kumain at palihim na napadighay sa kabusugan. Kahit anong dami ng kainin niya ay hindi naman siya tumataba. Siguro ay dahil ang lola niya noon ay petite. Ang sabi-sabi ng Tita niya at Papa niya ay doon daw siya nagmana. Niligpit niya ang pinagkain at naisip niya na maglinis ng pad nito, para pagdating nito ay malinis ang pad nito. Nang matapos siya ay sa sala naman ang inumpisahan niyang linisin.. Pinalitan niya ng punda ng mga unan at ang kurtina ay pinalitan niya ng maliwanag na kulay. Nag-vaccum din siya at nagpunas siya ng table, tv, dvd, at pinalitan niya ng tubig ang flower vase. Nang matapos siya ay pabagsak siyang napaupo sa sofa sa sobrang pagod. "Hay! Ngayon ko lang muling nagawa ito, at nakakapagod talaga 'pag malaki ang lilinisan." sabi niya sarili habang napapailing. Mabuti at may aircon kaya hindi siya masyadong pinagpawisan. Tinignan niya ang oras at napansin niya na magla-lunch na pala. Dinial niya ang numero ng Tita Edit niya at tinawagan ito. Ilang ring lang ay sinagot na nito. "Oh, Joe, napatawag ka?" bungad nito. "Tita, si Papa po ba nakauwi na? Kamusta na po siya?" Tanong niya rito. "Oo, maayos na ang lagay ng Papa mo. Ewan ko kung ano ang napag-usapan nila nung asawa mo at biglang lumakas." sabi nito na kinangiti niya. "Ganun po ba. Mabuti naman po at ayos na si Papa. Hindi na ako masyadong mag-aalala, lalo't wala po ako sa tabi niya." sabi niya rito. "Nasabi ko na rin naman sa Papa mo na baka hindi ka pa makadalaw dahil may lagnat ka pa. At naiintindihan naman daw iyon ng Papa mo." sabi nito na kinahinga niya ng maluwag. "Mabuti naman po. Pakisabi na lang po kay Papa na dadalaw din po ako, baka hindi nga lang po ngayon." tugon niya. "Sige, ako na ang bahalang magsabi." sabi nito kaya tumango siya kahit hindi naman nito nakikita. Nagpaalam na siya rito at binaba ang tawag. Tumayo siya at naisipan na mag-exercise. Siguro naman meron rito na mga gym? At siguro pwede siyang lumabas kung dito lang naman sa condominium. Nagpalit siya ng damit na pang exercise niya. Isang nike cotton short na black at double strap-bra sando na black at pink ang kulay. At sinunod niya na isuot ang puma shoes niya na red. Pinusod niya ang buhok na hanggang kili-kili niya lang ang haba. Blond ang buhok niya dahil namana niya ito sa kanyang Mama, may lahi kasi itong amerikan. Medyo may katangkaran siya, nasa 5'5 ang height niya. Nagdala lang siya ng towel at inumin niya bago lumabas. At tama siya dahil nakabantay ang mga bodyguard ni Drake sa harap ng pinto. "Mag-g-gym ako sa baba.. Kung ayaw niyong maniwala ay samahan niyo ako." sabi niya at hindi pinagsalita ang mga ito at sinara na ang pinto. Merong bodyguard sa harap at likod niya kaya halos pagtinginan siya ng mga tao ng makita siya na halos bantay sarado. Alam ng mga bodyguard kung saan ang gym rito sa condo kaya sumunod na lang siya. Pagkakita niya sa gym ay pumasok siya habang ang mga bodyguard ay nasa labas ng gym. Nilibot niya ang paningin at medyo marami ang nag-g-gym. Meron pang mga ilang sikat na celebrity na narito sa gym. "Good afternoon, Ma'am. May G-Card kayo?" tanong ng babae na tila isang trainor ng gym. "Hmm.. Wala, e. Pero kilala ko si Drake Ford, asawa ko siya." sabi niya rito na kinalaki ng mata nito. "Ah, ganun po ba. Pasensya na po at hindi ko kaagad kayo naasikaso." Paumanhin nito na tinanguan niya at nginitian. "Dito po kayo.. Heto ho kasi ang pwesto ni Sir Drake." sabi nito sa pwestong malayo sa mga nag-g-gym. At malaki ang space. "Ganun ba. Salamat." sabi niya rito. Nagpaalam ito at nginitian siya bago tumalikod. Nilapag niya sa gilid ang bottled water at sinabit niya ang towel sa leeg niya. Tumapak siya sa treadmill at pinaandar sa tamang set up ng takbo nito. Para lang siyang naglalakad sa set up na ginawa niya. At nang ma-tempuhan na niya ay pinindot niya ulit at medyo binilisan na niya kaya halos patakbo na siya, parang jogging kumbaga. Makalipas ng ilang minuto ay pinagpapawisan na siya. Napatingin siya sa paligid at napansin niya na nakatingin pala ang mga lalake sa kanya. Hindi na lang niya pinansin dahil sanay na siya. Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko ay sexy at maganda siya. 34-23-35 ang sukat ng katawan niya at kahawig niya yung babae sa twilight na si Bella. Pinatay niya ang treadmill at nagpunas ng pawis. Bumaba siya at lumapit sa tubig niyang dala. Naupo muna siya at uminom. Hingal na hingal siya dahil halos naka-fourty minutes siya sa pagte-treadmill. Naisip niya na meron sigurong bar rito. Hindi naman siguro puro units lang ng condominium ito. Gaya ng sabi ni Drake ay may restaurant din rito, kaya tiyak na may bar rin na kina-excite niya dahil hindi siya mabo-boring habang wala pa si Drake. Tumayo na siya at naisipan na magpahinga na lang muna bago mapuntahan mamayang gabi 'yung bar. - TWO DAYS NA halos ang nakalipas. Sobrang enjoy siya sa condo nito. Marami palang mapupuntahan rito na kahit 'wag nang mag-abala pa na lumabas. May restaurant, coffee shop, book store, bar, gym, basketball court, at meron ding swimming pool na gusto niya, lalo sa gabi. Ngayon ay nakaupo siya sa sofa at naisipan niya na mag-social media. Nag-f*******: siya at nakita niya na maraming post 'yung mga dating schoolmate niya nung college. Binuksan niya 'yung mga post ni Desiree at bigla ay para siyang nakalunok ng bato sa nabasang chat nito sa ibang kakilala nito. Oh my gosh! He's the best in bed. I can't imagine that he agree to have s*x with me. -Desiree Wow! You are so lucky, Girl. Is that Drake Ford? Gosh! Nakakainggit ka. Kayo na ba? -Pia Not yet, Pia. But I'm with him right now in singapore. We enjoy each other company... Of course, I enjoy our hot blowing s*x. -Desiree Hindi niya mapigilan na mapaiyak habang binabasa iyon. Lalo pa't may litrato na kasama nga nito si Drake sa litrato. Parang nadurog ang konti niyang pag-asa na magkakaayos sila. Akala niya ay pag-uwi nito ay magiging okay na ang lahat. Pero bakit may babae ito? At sa klase ng chat ni Desiree ay tiyak na ilang beses na may nangyari sa mga ito. Mayaman si Desiree dahil nagmo-model ito at anak ng isang businessman. Kaya hindi makakapagtaka na kumalat ito sa mga kaibigan niya at ilang mga nakakakilala kay Desiree. Agad niyang ni-log out ang f*******: at binitawan ang cellphone. Tulala siya habang patuloy sa pagpatak ang mga luha niya. Nasasaktan siya na isipin na merong ibang babae na kasiping ni Drake. Pero sabagay, baka nga nung mga panahon na hindi niya ito nakita ay baka iba't-ibang babae na ang nakasiping nito, tapos siya ay pure na pure at ito ang nakauna sa kanya. Pero 'pag naiisip niya na baka ang pinalasap sa kanya ni Drake na sarap ay tiyak na ganun din ang pinapalasap nito kay Desiree at sa ibang babae. Agad niyang pinunasan ang luha at tumayo. Gusto niyang magwala pero ano bang karapatan niya? Oo, kasal sila pero sa kontrata lang. Siguro nga wala ng pag-asa pa para maibalik ang dating sila. Tila hindi na siya mahal nito at parausan lang. Ang sakit isipin nung word na 'parausan'. Siguro ay hindi ito satisfied sa kanya kaya naghanap ito ng iba. Ang dating Drake na ilap sa babae ay biglang naging womanizer. Tutal ay gabi na rin ay naisipan niyang mag-bar muli. Sinuot niya ang revealing dress niya na isang backless dress na pula. Nag-lipstick siya na napakapula sa labi at pa-messy buns lang ang ayos niya sa buhok niya. Nagsuot din siya ng red killer heels. Itotodo na niya, baka hindi na siya makapag-bar oras na bumalik si Drake. DA Bar ang pangalan mismo ng bar. Naguguluhan siya kung bakit puro 'DA' ang lahat ng mapuntahan niya? Ano 'yun, isa lang ba ang may-ari? Aba! Grabe sa yaman siguro nung may-ari. Napailing na lang siya habang pumapasok na sa bar. Mabuti naman at dumistansya ang mga bodyguard ni Drake. Mas nakakailang ang mga pagsunod ng mga ito. Baka imbes na mag-enjoy siya ay pagtinginan pa siya ng mga tao sa bar. Dumeretso siya sa bar counter at naupo. Agad lumapit ang barista sa harap niya kaya um-order siya ng cocktail drink. Tumingin siya sa buong paligid at halos mga nag-e-enjoy ang mga taong narito.. Napatingin siya sa isang table na medyo malapit sa kanya. At nakita niya na merong isang lalake na nakatingin sa kanya. Tumayo ito at lumapit. Naupo ito sa tabing high chair niya at hinarap siya. "Hi, Miss Gorgeous.  I'm Rick, you are?" bati at pakilala nito. Mukha naman itong mabait. "Just call me JL." tugon niya rito na kinangiti at tango nito. Gwapo naman ito pero hindi nga lang kasing lakas ng appeal ni Drake ang kagwapuhan nito. "Short name but so hot just like you." puri nito na kinailing lang niya at kinuha ang baso ng cocktail na in-order niya. "Matanong ko lang, matagal ka na ba rito? Parang hindi kita napapansin." tanong nito kaya binaba niya ang baso sa lamesa at in-alog-alog ng mahina.. "No, I'm new here." tugon niya na kinatango nito. Um-order din ito ng alak at habang tumatagal ang pag-uusap nila ay naging komportable na ang loob niya rito. At nalaman niya na naninirahan din pala ito sa isa sa mga units rito. "Let's dance?" aya nito. Medyo tipsy na siya pero kaya niya pa at may pag-iisip pa siya. Tumingin siya sa dance floor at nakita niya na isang sweet song pala ang tugtog. Umiling siya rito. "C'mon, JL." pagpipilit nito at hinawakan siya sa kamay kaya natawa na lang siya at nagpahila rito. Inakay siya nito sa dance floor at pinahawak siya sa leeg nito. "Alam mo, dapat ine-enjoy mo ang life. Once lang tayo mabubuhay sa mundo, kaya habang may oras ay dapat na sinusulit." sabi nito habang sumasayaw sila ng mabagal. "Yeah. Tama ka. I-enjoy na lang natin." natatawa niyang sabi dahil sa kalasingan. Hindi pa man sila nagtatagal sa pagsasayaw ay bigla na lang nawala si Rick at parang biglang nawala ang kalasingan niya na makita si Drake na madilim ang mukha habang nakatingin kay Rick na bulagta sa sahig dahil sinuntok ito ni Drake. Nahinto din ang mga tao sa nangyari kaya halos nasa kanila na ang attention ng mga tao. "Ang lakas ng loob mo na hawakan ang asawa ko, Assh*le!" mariin at galit na wika ni Drake kay Rick at tinayo ito sa pamamagitan ng paghaklit nito sa kwelyo. Pinigilan niya si Drake sa braso pero hindi ito nagpaawat. Napatakip siya ng bibig ng sinikmuraan nito si Rick sa tiyan na kinaubo nito. "Drake, stop!" pigil niya rito pero hindi niya mahawakan dahil baka siya ang masapak. Hindi nagpaawat ito at halos dumugo na ang bibig ni Rick. Panay ang pigil niya kay Drake para tumigil at tinawag niya ang tulong ng mga bodyguard nito pero mga nakatayo lang ang mga ito tila ayaw sumali sa gulo. Binigyan pa ni Drake si Rick ng isang suntok sa mukha bago ito bitawan na walang malay. "Get this Assh*le out of my sight! Now!" utos ni Drake sa mga bodyguard nito na agad ding sinunod. Pagkalayo ng mga ito ay nabigla siya nang siya na ang harapin nito. "pinagtaksilan mo ako, babae." mariin nitong sabi na kinabigla niya. "'Wag mo nga akong pagsalitaan ng ganyan! Nakikipagsayaw lang ako pero hindi nakikipag-s*x! Hindi tulad mo na nambabae kaya nawala ng dalawang araw! Kung ganitong pagbibintangan mo lang din ako ay mabuti pa na nakipag-s*x na lang talaga ako sa ibang lalake para--" "Anong sabi mo, huh?!" galit nitong sabi na napapatiim-bagang. Lumapit ito sa kanya at hinaklit ang braso niya na kinaaray niya. "Subukan mong gawin 'yan, baka masubukan mo ang tunay kong galit." banta nito at hinaklit siya sa baywang na kinasinghap niya. Kinaladkad siya nito palabas na kinaiyak niya dahil halos wala itong pag-iingat. "D'yan ka magaling! Bitawan mo nga ako!" sigaw niya rito at inalis ang kamay nito sa baywang niya. "Palagi mong sinisisi na nanlalake ako. Bakit ikaw ba hindi? Iba ka na, Drake! Hindi na ikaw ang dating minahal ko! Ang mabuti pa ay 'wag mo na lang akong pakialaman!" galit niyang sabi rito at tinalikuran ito. Pero hindi pa siya nakakalayo ng pigilan siya nito sa braso at iniharap. "Papakialaman kita dahil asawa kita, naiintindihan mo? Simula ngayon ay hindi ka lalabas ng pad ko ng hindi ako kasama." maawtoridad nitong sabi at pinangko siya. "Nawala lang ako ng dalawang araw, pero alam ko kung saan ka nagpupunta. Subukan mong ulitin na makipag-flirt sa mga kalalakihan, baka maubos mo na talaga ang pasensya ko.." sabi nito na hindi parin tumitigil sa pagbubunganga. Lihim siyang napaiyak dahil sa sinasabi nito. "Please, Drake. Ayoko na. Babayaran ko na lang ang naging utang ko at mag-sariling buhay na lang tayo." sabi niya rito na kinahigpit ng hawak nito. Hindi ito sumagot at lumabas ng elevator. Dere-deretso ito sa paglalakad palapit sa pad nito. Binuksan ng bodyguard nito ang pinto kaya pumasok na sila. Pero bago iyon ay hinarap muna ni Drake ang mga bodyguard nito. "Leave." utos nito na agad namang kinatango ng mga ito at sinara na ang pinto. Humarap muli si Drake para pumasok. Lumakad ito palapit sa kwarto nila at sinipa lang ang pinto na bukas pala. Lumakad ito palapit sa kama at binaba siya. Napayuko siya ng maupo ito sa harap nkya. Hinaplos nito ang mukha niya at pinahidan ang luha niya. "Sorry for making you cry, but it's your fault.." sabi nito kaya napaangat siya ng mukha. "Ano naman ang kasalanan ko? Uminom lang ako at nagsayaw lang kami--" "That's it! 'Yan ba ang tamang gawin ng babaeng may asawa na, huh?" pigil nito sa kanya. "Bakit ikaw, 'di ba may ka-s*x ka nung mawala ka ng dalawang araw?" balik niyang paninisi rito na kinataka nito. "Anong pinagsasabi mo? Nasa meeting lang ako palagi kasama ng client ko. At kahit kailan ay hindi ako nakipag-s*x sa ibang babae. Ikaw lang naman ang inangkin ko." sabi nito. Kinuha ni Joe ang cellphone niya at binuksan ang f*******:. At binuksan ang conversation ni Desiree sa mga kaibigan nito. Pinakita niya kay Drake ang litrato. "'Yan! Itatanggi mo pa, ha?! Kitang-kita ang larawan mo na nakakapit pa sa 'yo si Desiree." sabi niya rito at galit niyang tinignan ito. Nabigla siya ng mapangiti ito at mapailing. Tumayo ito at ginulo ang buhok niya. "Matulog ka na." 'yun lang ang sinabi nito at lumabas na ng kwarto. Nasaktan siya dahil hindi nito tinanggi o pinagkaila ang larawan na pinost ni Desiree. Tila balewala rito ang larawan at nagawa pa nitong ngumiti. Ngumiti ito habang siya ay nasasaktan dahil alam niya na totoo nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD