NAPABUNTONG-HININGA SI Joe habang nakatingin sa cellphone niya. Pang ilang buntong-hininga na ba niya iyon? Nakatingin kasi siya sa numero ni Drake sa cellphone niya at minsan ay hinahawakan niya upang subukan na tawagan ito.
Hindi pa kasi ito umuwi ngayon mula ng mag-komprontahan sila at syempre nag-aalala rin siya para rito.
"Hay! Bahala ka nga!" inis niyang sabi sa cellphone at inis na kinuha na lang ang remote. Hindi man lang kasi ito nag-text o tumawag kung nasaan ito. Bakit nung two days itong wala ay nag-text ito sa kanya? Bakit ngayon ay hindi?
Isang cartoons ang palabas kaya nilipat niya sa iba. At isang showbiz report ang lumabas. Tungkol sa isang babae na tila sikat sa bansa na hindi naman niya kilala. Pinagkakaguluhan kasi ito ng mga reporters.
"Hi, Miss Shanelle! Totoo ba na kaya kayo umuwi ng bansa dahil bibisitahin niyo ang long time crush at kababata niyo na isa na ngayong businessman at attorney?" tanong ng paparazzi.
Ngumiti 'yung Shanelle na napakaganda at tila isang anghel.
"Yes and he's here now." sabi nito at nakatingin sa likod ng mga paparazzi. Biglang naglingunan ang mga paparazzi at cameraman kaya napatapat ang camera sa lalakeng malamig at seryoso ang reaksyon habang palapit kay Shanelle. Parang nahirapan siyang huminga ng makita lang naman niya ang asawa niya na lalakeng tinutukoy ni Shanelle. Suot nito ang long sleeve na itim habang nakatupi hanggang siko. Habang naka-tuck in sa maong pants na may brown na belt ang dulo ng long sleeve nito. Napakagwapo nito sa suot nito at nang tumabi ito sa babae ay bagay ang mga ito na kinaiyak niya sa selos. Inaamin niya na nagseselos siya. Mas bagay kasi ang mga ito at tila sila ni Drake ang hindi. Anong laban niya sa babaeng mukhang anghel at halata mo na mayaman din ito. Ang kinis ng kutis habang suot ang white floral dress habang may sumbrero sa ulo. At ang bag ay LV pa ang tatak.
Para itong leading lady habang leading man nito ay si Drake.
"Miss Shanelle, ano ba ang tunay na namamagitan sa inyong dalawa? Kayo na ba?" tanong ng lalakeng reporter na kinahagikhik nung Shanelle na kinainis niya.. Lalo pa ng bulungan nito si Drake sa tenga na kinatango naman ni Drake rito. Humarap muli 'yung Shanelle sa camera.
"Ayokong sagutin 'yan. Masyado din kasing pribado ang namamagitan sa amin, kaya ayaw kong sagutin kayo. Pasensya na." nakangiti nitong paumanhin at tumingin kay Drake na wala man lang reaksyon.
"Kung gano'n ay isang kiss naman d'yan!" kantyaw ng isang reporter na kinangiti ni Shanelle. Nakita ni Joe na ilalapit na Shanelle ang labi nito kay Drake kaya agad niyang pinatay ang t.v at natulala siya habang bumubuhos ang luha niya.
Napailing siya dahil ang taong hinihintay niya na umuwi o tumawag ay may iba palang pinagkakaabalahan. Habang siya ay nag-aalala kung napano na ito, pero ito ay tila sabik na masundo ang kababata daw nito kaya hindi man lang siya maisipan na tawagan o i-text para magpaalam.
Nagtungo siya sa kwarto at naisipan na matulog na lang. Sayang lang kung magpupuyat siya dahil sa kakahintay sa taong tila hindi man lang siya naalala na nag-aalala para rito.
-
NAALIMPUNGATAN SI JOE ng may mainit at basang bagay na humahalik sa kanyang leeg. Gumalaw siya pero dahil may mabigat na nakadagan sa katawan niya ay hindi siya masyadong makagalaw, kaya naman ay dahan-dahan siyang dumilat. At nakita niya na nasa tabi niya pala si Drake na hinahalikan siya habang nakadagan ang binti nito sa mga binti niya habang ang braso nito ay nakapulupot sa baywang niya. Dahil naalala niya ang ginawa nito ay tinulak niya ito na kinatigil at layo nito. Kinuha niya ang kumot at tinalikuran ito. Pumikit siya at hindi na pinansin ito.
Pero lumapit muli ito at muli siyang niyakap mula sa likod. Hinalikan siya nito sa pisngi kaya inis na hinarap niya ito at tinulak.
"'Wag mo nga akong halikan! Kita mong natutulog pa ako!" inis niyang sabi rito at tinalikuran itong muli. Pero ang walang hiya ay inalis ang kumot niya at tinihaya siya. Niyakap siya nito at agad na sinunggaban ang labi niya. Hinawakan niya ito sa dibdib at tinulak, pero agad siya nitong niyakap sa baywang at dinaganan muli ang mga binti niya.
"Hindi ko alam ang problema mo at nagsusungit ka." bulong nito habang hinahalikan siya sa pisngi. Pilit siyang umiiwas pero makulit ito.. Sinunggaban siya nito muli sa labi at dahil ayaw niyang ibuka ang bibig ay gumapang ang kamay nito na nakayakap sa tiyan niya paakyat sa dibdib niya. Pinisil nito ng mariin ang dibdib niya kaya napabuka siya ng bibig na agad na sinamantala nito.
Umungol siya ng pasukin ng dila nito ang bibig niya. Napakapit siya sa braso nito na pumipisil sa dibdib niya. Pinigilan niya ang kamay nito lalo pa ng huminto ito sa pagpisil at bumaba naman ang kamay nito sa tiyan niya. Nakasuot lang siya ng manipis na spaghetti strap na silk dress na kalahating hita niya lang ang haba. Dahil sa paglilikot niya ay umangat ng tuluyan ang dress niya na kinalitaw ng victoria secret panty niya na kulay pula. Napahawak siya sa braso ni Drake ng bumaba ang kamay nito sa pagitan ng hita niya. Patuloy ito sa paghalik sa labi niya habang wala ring tigil sa paghaplos nito sa pagitan ng hita niya.
Bumitaw ito ng halik na kinasinghap niya, lalo pa nang pumasok ang mahaba nitong kamay sa loob panty niya.
"s**t! You are f*****g wet, Hon." paos nitong sabi habang dinadama ang kaangkinan niya. Tila siya namula sa sinabi nito. Hindi niya kasi mapigilan na makaramdam agad dahil ewan niya kung anong ginawa nito sa katawan niya at agad na nagre-react kapag ito na ang um-angkin sa kanya.
Napahalinghing sya at halos naiipit na ng hita niya ang kamay nito at parang hindi niya makayanan ang ginagawa nito. Habang gumagalaw ang daliri nito ay humalik-halik ito sa leeg niya habang sinisipsip ang balat niya. Binaba nito ang strap ng dress niya at strap ng bra niya. Tinanggal muna nito ang kamay niya na nakahawak sa braso nito. Binaba nito ang strap ng dress at ang strap ng bra niya sa kaliwang kamay. Kaya bumulaga rito ang kanang dibdib niya. Agad nitong hinalikan ang dibdib niya habang patuloy ang kamay nito sa paghaplos sa kaangkinan niya.
Nakaangat ang kamay niya habang nakayakap sa ulo ni Drake. Habang ito ay nakatunghay sa dibdib niya habang humahalik.
Napasabunot siya sa buhok nito ng agad siyang magdeliryo na hindi niya mapigilan. Inalis ni Drake ang kamay nito sa pagitan ng hita niya at nabigla siya ng isubo nito daliri tila nang-aakit. Pagkatapos mang-akit ay kinubabawan na siya nito at doon niya lang napansin na naka-boxer short na lang ito. Lumuhod ito at pinaghiwalay ang mga binti niya. Binaba nito ang boxer kaya lumitaw sa kanyang paningin ang kahabaan nito Napaiwas siya ng tingin pero nabigla siya ng kunin ni Drake ang kamay niya at ipahawak sa kahabaan nito na agad niyang kinabitaw dahil bigla ay kinilabutan siya. Humalakhak si Drake at kinubabawan siya ng tuluyan.
"Maamo sa amo, Hon. Nananabik na siya sa 'yo." mapanuksong sabi nito habang mabilis na binaba ang panty niya na iniwan lang sa isang binti niya. Nilapit nito ang labi sa labi niya at hinalikan siya. Napakapit siya balikat nito lalo pa ng unti-unti niyang maramdaman ito. Kinagat ni Drake ang labi niya at tsaka siya muling hinalikan. Napabuka pa ng husto ang hita niya ng tuluyan na nitong na-angkin siya. Napayakap siya sa ulo ni Drake ng magsimula na itong umindayog. Tumugon siya sa halik nito habang pinupulupot niya ang mga binti sa pang-upo nito. Wala na, bumigay na siya muli rito at halos magustuhan pa niya ang pag-angkin nito muli. Sa tulad ni Drake ay kahit sino ay walang makakatanggi.
Niyakap siya ni Drake habang mapusok siyang hinahalikan at patuloy ito sa pang-indayog sa ibabaw niya. Halos magpalitan na sila ng laway sa sobrang sabik mahalikan ang isa't-isa.
Bumitaw sila ng labi at nagkatinginan. Hinalikan siya nito sa noo kaya napapikit siya. Bumaba pa ang labi nito sa tenga niya na dinilaan pa nito na kinakiliti niya. Bumaba pa muli ang labi nito sa panga niya habang sinisipsip nito ang balat niya.
"Uhhh.." Mahina niyang ungol sa kiliti ng halik nito. Bumaba pa ang labi nito sa leeg niya kaya napatingala siya at napasabunot sa buhok nito. "Ohhh.." ungol niya muli ng kagat-kagatin nito ang balat niya. Huminto ito sa pag-indayog ng bumaba ang labi nito sa dibdib niya. Inalis nito ang isa niya pang strap ng dress at yung strap ng bra niya sa kaliwang balikat na hindi pa naibababa. Binaba nito hanggang baywang niya ang dress niya kaya bunyag na bunyag na sa paningin nito ang dibdib niya. Sabik nitong hinawakan at binaba ang mukha at hinalikan ang dibdib niya. Dinig na dinig ang labi nito sa tindi ng paghalik nito sa dibdib niya. Habang siya ay halos tumirik na ang mata at halos mapaos na sa paghalinghing. Halinlinan na pinagsawaan nito ang dibdib niya na halos napakapula na ng kanyang balat ng iwanan ng labi nito. Nagpatuloy na muli ito sa indayog sa ibabaw niya habang pinisil-pisil ng mariin ang dibdib niya na masakit pero mas lalong nakadagdag ng sensasyong nararamdaman niya ngayon.
"Uuhhh! I-I'm coming!" ungol niya at halos hindi niya masabi iyon at para siyang malalagutan ng hininga sa tuwing panggigigilan ni Drake ang mga dibdib niya at isabay pa ng matindi nitong pagbayo sa kanya.
Napakapit siya sa kumot na maramdaman na malapit na siya at tila ramdam iyon ni Drake. Pero agad siyang napadilat at halos mabaliw siya sa inis ng biglang alisin ni Drake ang kahabaan nito. Ngumisi ito ng makita ang reaksyon niya. Napahawak siya sa puson dahil sa sakit ng pagkabitin.
"D-drake.." pakiusap niya rito lalo na ng umalis na ito sa kama.
"Later, Hon. Male-late na ako sa meeting ko." tuwang-tuwa nitong sabi tila tuwang-tuwa na nabitin siya. Naglakad ito patungo sa banyo na hubo't-hubad, habang siya ay parang hindi makayanan ang nangyayari sa katawan niya. Sumasakit ang puson niya kaya pinagdikit niya ang binti niya mula sa pagkakaparte. Napatagilid siya ng higa at napayakap sa kumot.
"Lintik kang lalake ka! Gaganti ako sa 'yo, makita mo." ani niya habang namimilipit ng higa.
Ilang minuto rin bago humupa ang nararamdaman niya, at bumukas ang pinto at alam niya na tapos na itong maligo. Ayaw niyang pansinin ito dahil naiinis siya rito. Hindi niya nakita kung saan ito nagpunta dahil nakatalikod siya sa gawing banyo.
Pumikit siya at nagtulog-tulugan. Kinumutan niya muna ang katawan dahil expose nga pala ang pang-upo niya at likod, pero bago pa niya itaas ang kumot ay pigilan iyon ni Drake.
Hinarap siya nito at hinalikan sa labi at naramdaman niya ang kamay nito na gumapang sa pagitan ng hita niya. Pinigilan niya ito pero hindi niya napigilan ng haplos nito. Bumitaw ito ng halik at pilyong ngumiti. Napansin niya na nakabihis na ito ng business suit nito at medyo tiyo na ang buhok.
"Mamayang gabi magbihis ka ng evening dress dahil may pupuntahan tayong welcome party. Susunduin kita kaya dapat ay nakagayak ka na." sabi nito at muli siyang hinalikan ng malalim sa labi sandali at bumitaw na rin ng halik at tinigil na rin ang paghaplos nito sa p********e niya..
Kumindat muna ito bago siya talikuran at lumabas ng kwarto. Natulala lang siya sa pinaggagawa nito, at inaamin niya na hinahanap na niya ito, baliw na ata siya sa haplos nito. Napailing siya at sinabunutan ang buhok.
"Ang tanga-tanga mo, Joe! Bumigay ka agad! Dapat galit ka, dahil may iba siyang babae! Isang haplos lang ay natanggay ka na agad. Isang halik ay tumugon ka agad. At ngayon hinahanap-hanap mo pa. Argh! Kinindatan ka lang ay para ka nang tanga na natulala." kausap niya sa sarili habang sinasabunutan ang buhok niya. Napaupo siya at inayos ang suot. Para siyang na-losyang sa itsura niya. Nakababa lang ang bra at dress na pantulog habang ang panty niya ay nakababa sa isang binti niya.
Sinuot niya ang panty at tsaka bumaba ng higaan. Hindi niya alam kung kaninong party ang dadaluhan nila, pero titiyakin niya na sa kanya lang matutuon ang atensyon ni Drake. Gaganti siya at gusto niya na magselos ito oras na pagtinginan siya ng ibang kalalakihan sa kakaiba niyang alindog.
Kung ito ay iba magalit. Pwes! Siya, kakaiba kung mang-akit, at ito naman ang gagalitin niya.
Napangisi siya sa naisip. Tinungo niya ang walk-in closet at binuksan ang closet niya na nilaan nito para sa kanya. Puro mga branded ang binili nitong damit sa kanya. Ito 'yung sinasabi na uwi daw nito sa kanya. Puro mamahaling dress, gown, mga pants, t-shirt, blouse, skirt (na kay haba naman), at mga branded na shoes and heels na mababa naman ang takong.
Pumili siya ng tamang gown na isusuot niya at napahinto siya ng tumapat paningin niya sa gold na gown. Napangisi siya at kinuha iyon.
"Tignan natin kung hindi ka mataranta ngayon, Drake." sabi niya sa sarili at lihim na napahalakhak habang hinahaplos-haplos ang gown.
-
SEVEN FIFTY FIVE in the evening. Sa office niya na nagpalit si Drake ng isusuot para sa party ni Shanelle. Naka-black tuxedo siya at may bow tie na black. All black at naka-wax din ang buhok niya. Tumingin siya sa wrist watch niya at mag-aalas otso na pala.
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Joe. Hindi niya mapigilan na mapangiti sa tuwing naalala niya ang pagkabitin nito. Gusto niyang ipagpatuloy pero mas gusto niya na magdusa ito. Napakatigas ng ulo nito at hindi niya nagugustuhan iyon. Pakiramdaman niya 'pag nagpatuloy ang pagsuway nito ay makaalis na naman ito sa kanya. Gusto niya na mabaliw ito, hindi sa masamang pag-iisip, kundi gusto niya mabaliw ito upang siya lang ang hanap-hanapin nito. Na-markahan niya ang buong katawan nito at gusto niya pati isip, puso, at kaluluwa nito ay makuha niya. He's crazy and he's so obsess. Yes, he can't deny that. Tahimik siyang tao pero iba ang ingay ng kalooban at isip niya. Kung akala noon ni Joe ay mabait ang dating siya ay nagkakamali ito, dahil may tinatago din siyang demonyo sa katawan niya. Kaya nga ang dali niyang magselos at hindi niya alam bakit ganun ang pagkabaliw niya kay Joe. Sa dami ng babae na lumalapit sa kanya ay hindi parin mapantayan ng mga ito ang ano mang nararamdaman niya para kay Joe. Kaya nga kung sino man ang lalaking sinasabi nito na minahal nito noon ay magtago na ito. Kapag nagkataon na natuklasan niya kung sino, papatikim niya ito ng hirap gaya ng paghihirap niya ng mawala sa kanya si Joe.
Hindi niya mahanap kung sino ba 'yung sinasabi ni Joe. Iniisip niya na baka niloloko lang siya noon ni Joe para hiwalayan. Kaya nga balak niya na ayusin noon ang sa kanila pero pagdating niya sa bahay ng babae ay nakita niya na may kayakap itong lalake sa harap mismo ng bahay nito. Kaya ang plano niyang pagkikipag-ayos kay Joe ay napurnada at lumayo na lang siya upang magpalakas ng pangalan upang magawa niya ang gusto niyang magawa kay Joe oras na makuha niya ito.
At hindi siya nabigo, pero hindi parin siya matatahimik hangga't hindi niya malalaman kung sino ang lalaking iyon.
"Hello.." sabi ng mapang-akit na tinig ni joe na kinagising niya mula sa pag-iisip. Napakunot siya ng noo dahil sa tinig nito.
Tumikim muna siya at inayos ang tuxedo bago sagutin ang Hon niya.
"Hon, patungo na ako para sunduin ka. Kaya dapat nakabihis ka na kundi ako mismo ang magbibihis sa 'yo." sabi niya rito na kinahalakhak nito na may pang-aakit.
"Sure, My Drake. Naka-ready na ako. Bilisan mo baka mainip ako." mapang-akit na tinig nito na kinalunok niya at lihim siyang napamura dahil tumugon agad ang alaga niya. Iba kasi ang dating ng sinabi nito at kung hindi ito titigil ay baka hindi pa sila matuloy sa party.
"Okay." wala sa sarili niyang tugon.
"Bye." paalam nito at binaba na ang tawag. Napakuyom siya ng kamay at tumingin sa pagitan ng hita niya. Pinakalma niya ito at binura sa isip at pandinig ang tinig ni Joe.
"Bullshit! Ano kaya nakain no'n?" sabi niya at dali-daling tinungo ang banyo para magsarili habang may oras pa. Nagalit na ng husto at yari sa kanya ang asawa niya mamaya...