TUMINGIN SI JOE sa harap ng salamin ng tukador habang bukas ang mga ilaw upang mas makita ang kanyang mukha. Isang babae na nakakaakit na malayo sa Joe na 'pag simple lang ang make up. Nude lipstick lang ang ginamit niya habang makapal ang pagkakalagay ng eyeliner sa kilay niya na tamang-tama ang hugis. Ang mata niya ay nabunyag lalo dahil sa eyeliner at liquid eyeliner na nilagay niya sa talukap ng mga mata niya upang mas bumunyag pa ang hugis ng kanyang bilog na kay konting singkit niyang mata.
Habang ang buhok niya ay kinulot lang ang dulo. Tumayo siya at lumipat ang tingin sa mahabang salamin upang makita ang suot niyang gown.
Gold na gown ang suot niya na mahaba. Naka-v-line shape ang neckline na kitang-kita ang namumutok niyang cleavage kahit wala siyang suot na bra. Habang mahahaba ang manggas nito na ang tela ay kumikinang sa ganda ng uri ng tela, hanggang sa pinakapalda nito na may slit sa kaliwa niyang paa kaya kitang-kita ang mahaba niyang legs. At suot din niya ang five inches high heels na kulay ginto rin.

Ewan niya lang kung hindi magsisi si Drake sa pambibitin nito. Ngumisi siya at nanabik siyang makita ang reaksyon nito.
Tumunog ang cellphone niya kaya lumapit siya sa kama kung saan niya nilapag. At nang makita niya kung sino ang tumatawag ay napangiti siya at sinagot iyon.
"Yes, hello." mapang-akit niyang sagot. Sa totoo lang ay hindi siya ganito, pero dahil gusto niyang magpursige na maakit si Drake ay ginawa niya.
"Bumaba ka na rito sa parking lot. Narito na ako." sabi nito.
"Okay." sagot niya at binaba na ang tawag. Kinuha niya ang pouch at nilagay roon ang cellphone niya. Nakalagay na rin siya ng mga pang-retouch niya. Nang tumingin siyang muli sa salamin ay napakindat pa siya at ngumiti.
Lumabas na siya at nakita niya ang mga bodyguard nito. Nakasunod ang mga ito habang siya ay confident sa paglalakad palapit sa elevator.
Humugot siya ng malalim dahil may halong kaba at pagnanabik ang nararamdaman niya. Kaya naman ng bumukas na ang pinto ng elevator ay lumabas na siya. Napapatingin ang mga tao sa lobby habang dumadaan siya. Pati ang mga kalalakihan na halos mapanganga na nakatitig sa alindog niya. Ngumisi siya at hindi na pinansin ang mga ito.
Paglabas nila ay inakay siya ng isang bodyguard palapit sa sasakyan ni Drake na nakaabang na pala sa mismong tapat ng condo.
Naguluhan siya kung bakit sa backseat binuksan ng bodyguard niya ang pinto? Pero hindi na niya pinansin at pumasok na siya. Pag-ayos niya ng upo ay tumingin siya kay Drake na nakatingin sa kanya mula sa salamin.
"Napakatagal mo naman, Miss. Mahuhuli na ako sa mismong party ko." maarteng sabi ng isang babae. At hindi niya alam na may ibang kasama pa pala si Drake.
Kaya ba hindi siya pinaupo sa unahan dahil meron na palang nakaupo? Mas gusto nito na sa harap umupo ang babaeng iyon?
"Enough, Shanelle. Kung bakit kasi hindi ka pa sumabay sa Papa mo." pagpapatigil sa pagbubunga ni Shanelle.
Yes. Ito lang naman ang nakaupo sa harapan at sa tabi ni Drake. Tumingin siya sa bintana dahil parang biglang nanubig ang gilid ng kanyang mata. Ang excitement at planong pang-aakit niya ay biglang nawala dahil lang sa babaeng iyon. Kaya naman pala hindi siya magawang sunduin ni Drake sa pad nito dahil ayaw nitong iwan si shanelle sa kotse nito. Mas importante pa pala ito kesa sa kanya. Sabagay, magkababata, anong laban niya, 'di ba?
"Are you okay, Joe?" tanong sa kanya ni Drake. Inayos niya ang mata at tumingin rito. Tumango lang siya at muling binalik ang mata sa bintana. Kapag nagsalita siya ay tiyak na mapipiyok siya.
"Let's go na, Drake. Tiyak na naiinip na sila Mom. Dapat kasi hindi na ikaw ang nagsundo sa friend mo. Meron ka namang bodyguard, dapat pinahatid mo na lang." sabi ni Shanelle.
Napakuyom siya ng kamay.
Friend lang ba ang pakilala ni Drake sa kanya? Talaga?
"Ikaw nga ang dapat na nagpahatid na lang. Hindi ko naman obligasyon na ihatid ka." sagot ni Drake rito.
"Bakit naman ganyan ka magsalita? Ikaw ang partner ko sa welcome party ko, kaya obligasyon mo na ihatid ako." maarte nitong sabi na lihim na kinairap niya. "Wait! Hey, Miss. Bakit ka nga pala doon sa pad ni Drake tumutuloy? Wala ka bang sariling bahay at si Drake pa ang in-istorbo mo? Ano mo ba talaga siya, Drake? Baka naman hindi lang friend mo ito, magtatampo ako sa 'yo." pagpapatuloy ni Shanelle na kinasabog na talaga niya.
"Hoy, 'wag mo ako pagsasalitaan ng ganyan kung hindi mo ako lubusang kilala. Hindi porket--"
"Enought, Joe." pigil sa kanya ni Drake kaya tumingin siya rito na hindi makapaniwala. Nasaktan siya dahil tila mas kinakampihan pa nito 'yung maarteng Shanelle na iyon na ngayon ay nakangisi.
Umiwas siya ng tingin at sa bintana na lang muling tumingin. Napahigpit ang kapit niya sa palda ng dress niya habang pinipigilan ang sakit na nararamdaman.
Tumahimik siya habang ang dalawa ay nagkukwentuhan. Parang mga may sariling mundo.
Magsama sila! Argh!
Tumunog ang ringtone niya kaya napatingin siya sa pouch niya at kinuha doon ang cellphone. Nakita niya na hindi nakarehistro ang number pero sinagot parin niya ito baka importante. Habang nasa tengga niya ay napatingin siya kay Drake mula sa salamin na panaka-nakang nakatingin pala sa kanya. Inirapan niya ito lalo na ng hindi man lang nito alisin ang kamay ng Shanelle na iyon na nakayakap sa braso nito.
"Yes, hello?" sabi niya sa kabilang linya.
"Lin...." sabi ng isang pamilyar na tinig na kinatuwid niya ng upo. Hindi siya makapaniwala na tumawag ang matagal ng taong nawala sa kanya. Ang boyfriend niya at protektor niya.
"L-Leo?" hindi niya makapaniwalang bigkas sa pangalan nito.
"Yes, Lin. Ako ito si Leo.." sabi nito na kinatuwa niya.
"Bakit ngayon ka lang nagparamdam? Ibig sabihin ay narito ka na sa bansa?" nangingiti niyang tanong rito. Pero hindi pa nakakasagot si Leo sa kanya ng magpreno si Drake kaya napasubsob siya sa upuan nito kaya nabitawan niya ang cellphone...
"Ouch! Bakit ka huminto?!" Inis niyang sabi rito at umayos ng upo. Pinulot niya ang cellphone at nakita niya na namatay na ang tawag ni Leo.
"'Wag mong pagtaasan ng boses si Drake. Narito na kasi tayo, busy ka kasi sa kalandian mo sa cellphone." sabi ni Shanelle na ito ang sumagot sa tanong niya kay Drake.
Tumingin siya sa paligid at nakita niya na nasa isang sofitel manila grand plaza pala gaganapin ang party ni Shanelle. Napakalaki at tiyak na mahal ang bayad sa pagpapa-book ng event.
"Mauna ka nang bumaba, Shanelle. May sasabihin lang ako kay Joe." sabi ni Drake kaya napalingon siya rito at kinabahan siya ng makita na galit na nakatingin ito sa kanya mula sa salamin.
Umirap muna sa kanya si Shanelle bago nagdadabog na bumaba. Habang siya ay sinilid sa pouch niya ang cellphone at hindi makatingin kay Drake.. Sa sobrang saya niya na malaman na si Leo ang tumawag ay nakalimutan niya na nakikinig ang mga ito... Lalo na si Drake.
"Who's that f*****g Leo, Huh?" mariin nitong tanong.
"It's not your business. Hindi mo siya kilala kaya 'wag mo na akong tanungin." sabi niya rito at inirapan.. Binuksan niya ang pinto para makababa. Naiinis pa rin siya rito kaya bastos na kung bastos.
Isasara palang sana niya ang pinto ng makarating na agad sa harap niya si Drake. Sinara nito ang pinto at sinandal siya doon. Tinukod nito ang mga kamay sa pagitan niya at tinignan siya ng masama sa mga mata niya.
"Wrong answer, Hon.. Oras na makita kong kasama o kausap mo ang lintik na Leo'ng 'yan, sisiguraduhin kong hindi mo na makikita pa kahit kailan ang pagmumukha no'n. Asawa mo na ako at may karapatan ako sa lahat ng gagawin mo. Kaya kung ako sa 'yo ay 'wag na 'wag mo akong gagalitin." banta nito at hinaplos ng mukha niya. Tumingin ito sa suot niya at napatiim-bagang ito sa nakita. "At nagsuot ka pa talaga ng ganitong uri ng gown para magpakita ng balat, ha? Are you seducing me?" sabi nito at hinapit siya sa baywang kaya napalapit siya rito. "Answer me, Hon." bulong nito habang hinahaplos-haplos ang baywang niya. .
"What are you guys doing?" tanong ng isang tinig kaya tinulak niya palayo si Drake. Si Shanelle iyon na nasa malayo kaya nakahinga siya ng maluwag ng hindi nito nakita ang magkalapit nilang katawan. Hinawakan niya ang dulo ng gown at lumakad siya upang mauna kay Drake.
Pero sumabay ito sa kanya at hinawakan siya sa baywang.
"'Wag na 'wag kang lalayo sa tabi ko. Baka may lumapit pa sa 'yo." sabi nito.
"Akala ko ba partner kayo ni Shanelle? Kaya dapat doon ka." sabi niya rito habang lumalakad sila paakyat kung nasaan si Shanelle. .
"Tsss. . . Kahit na. Maupo ka lang sa table pagpasok natin. 'Wag na 'wag kang mag-e-entertain ng lalake." banas nitong sabi na lihim niyang kinangiti. Nang maisip ata nito na mawawala ito sa tabi niya ay bigla itong nabanas.
Pagkalapit nila kay Shanelle ay nakasimangot ito at masamang nakatingin sa kanya.
"Tara na, Drake. Kailangan na nating pumunta sa backstage." aya nito kay Drake. Tumingin sa kanya si Drake kaya tumango siya rito. Huminto sila sa mismong entrance at binilinan siyang muli bago siya iwanan ng dalawa at sa iba dumaan.
Napahinga siya ng malalim at inayos ang gown.. Taas noo siyang lumakad patungo sa entrance. Huminto siya dahil may kuhanan pa muna ng litrato bago pumasok. Ngumiti siya sa harap ng camera.
"Napakaganda mo, lady. Isa ka ring bang modelo na kasamahan ni Miss Shanelle?" Tanong ng photographer sa kanya na inilingan niya.
"Naku, hindi po." tugon niya rito.
"Kung gano'n ay gusto mo bang maging modelo? Isa akong photographer ni Shanelle. Humahanap kami ng bago sa paningin ng aming gagawing magazine. At sa ganda at modelo mong awra ay pu-pwede ka." sabi nito na napaisip siya. Gusto niyang tanggapin pero baka hindi siya payagan ni Drake. Wala siyang work at ayaw niyang umasa kay Drake.
May kinuha ang photographer sa bag nito at may inabot sa kanya na card kaya kinuha niya.
"Ako si Louie. Puntahan mo ako sa lugar na 'yan kung gusto mo ang inaalok ko. Malaki din ang magiging sahod mo at isang malaking big break sa 'yo oras na maraming magkagusto sa 'yong mga magazine producer at kunin ka rin ng international agency model." sabi nito kaya hindi niya mapigilan na matuwa sa sinabi nito.
"Sige po. Pag-iisipan ko po." Sabi niya rito na kinangiti nito.
"Sige, hihintayin ko ang pagpayag mo. Pumasok ka na at baka nagsisimula na." sabi nito kaya nagpaalam na siya rito at pumasok. Pagpasok niya ay napakalaking function hall ang bumungad na may maraming lamesa sa gilid. At marami na ring bisita ang nakaupo kaya naging sentro pa siya ng atensyon ng mga bisita.
"Miss Joe Lin, right?" sabi ng waitres kaya tumango siya. "Follow me, Miss. This way to your reserved table." sabi nito kaya tumango siya at sumunod rito ng magsimula na itong maglakad. Confident lang siyang lumalakad kahit na nahiya siya bigla dahil ang dami palang bisita ng babaeng iyon..
"This is your table, Miss." sabi ng waitres kaya nagpasalamat siya at naupo na.
May nag-reserved sa kanya ng wine kaya nagpasalamat siya. Inamoy niya at nalaman niya na imported iyon. Tumango-tango siya at sumimsim.
"Good Evening, Ladies and Gentlemen. This night is a welcome party for a lady of beauty. And this is it.. Let's give a loud of applause for Miss Shanelle and his partner Mister Drake Ashton Ford." sabi ng announcer at tumutok na ang ilaw sa dalawa.
What a perfect partners for a perfect welcome party.
Hindi makapaniwala ni Joe na para lang sa welcome party ay gagastos ng ganitong kalaking venue para kay Shanelle. Oo, dati ay mayaman sila. Pero hindi siya makakatikim ng ganitong bongga. Oo, dati nung debut niya ay bongga din pero hindi gaya ng ganito. Ngayon ay 23 na siya ay hindi na siguro siya makaka-experience ng ganito.
Gumitna ang dalawa sa harap ng microphone. Nakangiti si Shanelle habang si Drake ay seryoso lang ang mababakas sa mukha nito habang sa pwesto niya agad natungo ang tingin nito.
"Thank you for coming to my welcome party. Actually this day is also my special day. I'll announce later but now, let's cheer!" sabi ni Shanelle at kinuha ang wine na dinala ng waitres rito. Tinaas ni Shanelle at maging ni Drake ang wine. Kaya lahat ng bisita ay nagtaas din. Napatingin siya sa baso niya at bigla siyang nahiya ng maubos na niya. Ia-announce pala muna bago inumin? Kaso naubos na niya. Kaya kahit nakakahiya ay tinaas niya ng kaunti ang baso niya.
"Wine, Mam?" alok ng waiter kaya napatingin siya rito..
"Yes, please." sabi niya rito. Nagpasalamat siya rito at sumimsim din ng mag-inuman ang lahat. Binaba niya ang baso sa lamesa dahil naramdaman niya na nag-vibrate ang cellphonephone niya.
Kinuha niya sa pouch at tinignan ang nag-text. At palihim muna siyang napatingin kay Drake at nang makita na inaalalayan nito si Shanelle na maupo ay agad niyang binasa ang text ni Leo.
Leo:
Joe, narito ka rin pala welcome party ni Shanelle. Tingin ka sa harap mo. I'm here.
Dahil sa text nito kaya agad siyang napaangat ng tingin. At halos magliwanag ang mukha niya na narito nga ito. Kumaway ito at nakangiti na nakatingin sa kanya.
May tinype ito sa cellphone nito at pagkatapos ay tumingin sa kanya. Nag-vibrate muli ang cellphone niya kaya binasa niya ang text muli nito.
Leo:
Sa lobby. Usap tayo.
"Who's that?" tanong ng biglang sulpot na si Drake. Kaya agad niyang in-exit ang text at sinilid sa loob ng pouch ang cellphone niya.
Ramdam niya ang kabog ng dibdib niya dahil sa gulat.
"Huh? Ah.. Si Tita Edit 'yung nag-text. Sinabi na gusto na daw ako makita ni papa." palusot niya. Tumango ito kaya napahinga siya ng malalim. Naupo ito sa tabi niya. Lumilibot ang mata nito tila may hinahanap. Lihim na napa-cross finger siya. Sana ay hindi magkita ito at si Leo. Baka ano pang mangyari at totohanin ni Drake ang banta nito kanina.
Humawak sa expose niyang legs si Drake habang sumisimsim ito ng wine. Nag-iisip siya kung paano siya makakaalis sa table ng hindi nito nahahalata na may pupuntahan siyang iba?
"Drake, powder room lang ako." paalam niya rito. Binaba nito ang baso ng wine at tumingin sa kanya.
"Okay. Samahan na kita." sabi nito at ambang tatayo ng pigilan niya ito sa braso.
"A-ah, hindi na. Kaya ko na. Baka hanapin ka ni Shanelle. Promise, sandali lang ako." sabi niya rito. Tinignan siya nito ng malalim sa mata tila binasa ang isip niya. Tinatagan niya ang loob upang makayanan ang tingin nito.
"Okay. Pero 'pag nagtagal ka ay susundan na kita." sabi nito kaya tumango siya. Tumayo na siya at naglakad. Ramdam niya ang tingin nito kaya sinenyasan niya si Leo gamit ang nguso. Nakita niya ang pagtayo nito kaya binilisan na niya ang paglakad.
Pagdating sa labas ng grand ball ay nagtago siya sa isang pader. Sinilip niya ang labasan at nakita niya na palinga-linga si Leo.
"Leo!" tawag niya kaya napalingon ito. Agad itong lumapit at pagtapat nito ay hinatak niya ito.
"Bakit ka nagtatago d'yan?" tanong nito.
"'Wag kang maingay." suway niya rito at sinenyasan ito na 'wag mag-ingay. "Gosh! Na-miss kita. Ang tagal mong umuwi." nakangiti niyang sabi rito at hinawakan ito sa kamay.
"Syempre, nahirapan akong matakasan si Papa." sabi nito.
"Okay na 'yun, At least ngayon ay nagkita na tayong muli. Grabe, na-miss kita." natutuwa niyang sabi at niyakap ito at nagtatalon silang magkayakap. Ganito talaga ang saya niya dahil halos pitong taon itong nawala. Akala nga niya ay hindi na siya nito naalala kaya hindi na bumabalik pero nagkamali siya.
"What's the meaning of this, Hon?!" galit na sabi ng isang baritong boses na kinatigil nila ni Leo. Nanlaki ang mata niya ng makita si Drake na madilim ang awra at handa ng pumatay ang itsura nito.
Hindi siya makasagot kaya agad nitong tinanggal ang yakapan nila ni Leo. At nabigla siya ng suntukin nito si Leo sa mukha ng malakas.
"Ouch! Papa! Don't punch my beautiful face!" tili at nasasaktang sabi ni Leo na kinatigil ni Drake sa pagsuntok sa kaibigan niya.
Agad niyang tinayo si Leo na nakahawak sa pisngi at umaaray.
"Bes, ang sakit, ah! Sino ba itong Papa na ito at nananapak na lang?" sabi ni Leo.
"What the! Are gay?!" banas na sabi ni Drake kaya nagkatinginan sila ni Leo.