KABANATA 6 - MEET THE FAMILY

3725 Words
PANAY ANG HALIK ni Drake kay Joe upang lambingin ito. Inaamin niya na nagkamali siya, pero lalaki lang din siya na nagseselos lalo pa't niyakap ng kaibigan nito si Joe. Ngayon ay inis sa kanya ang babae dahil sa ginawa niya. Kaya nga tuloy suyo siya ngayon. Narito na sila sa pad niya at nakahiga sa kama. Simula kasi ng umuwi sila ay hindi na siya nito inimikan, kaya naman ay kailangan niya ng matinding pagsuyo upang pansinin nito. Sinilip niya ang mukha nito at napansin niya na tulog na pala. Inayos niya ang higa nito at nilagay niya ang braso sa ulunan nito upang gawing unan nito. Hinalikan niya ang noo nito at tumingin sa kisame habang hinahaplos-haplos ang buhok nito. "Sorry for hurting your friend, Hon. Nagseselos lang naman ako nung mga oras na 'yon." aniya at napahinga ng malalim. Tumingin siya sa mukha nito habang binababa niya ang mukha upang dampian niya ng halik ang labi nito. Pagkatapos ay hinapit niya ang baywang nito palapit sa kanya at saka niya niyakap ito ng mahigpit. Nag-ring ang cellphone niya kaya nilingon niya iyon na nakapatong sa side table. Kinuha niya ito at nakita niya na Mommy niya ang tumatawag kaya agad niyang sinagot. "Hello, My." aniya. "Mabuti at gising ka pa. Kelan ka ba uuwi rito sa atin, ha? Hindi mo ba namimiss si Mommy? Nagtatampo na ako sa 'yo." nagtatampo nitong sabi at tiyak niya na nakanguso ito ngayon. "Sorry, My. Medyo naging busy lang po sa business. Soon uuwi na po ako." nakangiti niyang sabi rito. "Ay! Oo nga pala, 'wag ka na palang umuwi. Nand'yan nga pala ang Kuya mo. Bukas ay magpunta ka sa bahay ng Kuya mo, may ise-celebrate tayo." Ani nito. "Bakit naman po? Anong meron?" curious niyang tanong. "Buntis na kasi si Nestle, kaya kailangan na pumunta ka man lang." sabi nito. "Okay po. Pero My, baka ma-late lang po ako ng konti, may gagawin pa kasi ako sa company." tugon niya rito. "Okay. . . Basta lang naman ay makapunta ka. Sige, matulog ka na. I love you, Anak." bilin nito at napangiti siya sa huling sinabi nito. "I love you too, My." tugon niya at binaba na nila ang tawag. Nilapag niya na muli sa side table ang cellphone at bumaling muli siya kay Joe. Nakita niya na nakadilat na ito at gising pala. Hinawakan niya ito sa mukha pero hinawi lang nito at tinalikuran siya. Napahinga siya ng malalim at umusog siya palapit rito at niyakap ang baywang nito. "Bukas ay pupunta tayo sa kapatid ko. Ipapakilala na kita sa parents ko." bulong niya rito. Humarap ang ulo nito pero hindi ang katawan nito. "Huh? Pero baka--" Napangiti siya ng sa wakas ay kumibo na ito. Pinigilan niya ito sa pagsasalita gamit ang isang daliri niya at hinarang sa gitna ng labi nito. "Not more buts, Hon. Nangako ako kay My na pupunta ako at sasama ka sa akin." sabi niya rito habang hinahaplos-haplos ang labi nito. Tinalikuran siya nitong muli kaya naalis ang daliri niya sa labi nito. Yumakap siyang muli at pumikit. Hinaplos-haplos niya ang tiyan nito at nag-e-expect siya na magkakaroon na ito ng laman. Gumapang ang kamay niya pataas at nahawakan niya ang mayaman nitong hinaharap. Hinawi ni Joe ang kamay niya pero dahil makulit siya ay gumapang naman ang kamay niya pababa sa pagitan ng hita nito. Pinasok niya ang kamay sa loob ng panjama nito at pinasok niya ang kamay sa loob ng panty nito. Nakapa niya ang bagong shave nitong p********e na kinainit niya. Agad na tumugon ang bataan niya na galit na galit na agad at nakatutok sa pang-upo ni Joe. Hinaplos-haplos niya ang kaangkinan nito kahit na todo pigil nito sa kamay niya, pero hindi na siya maaawat dahil 'pag nasimulan na niya ay hindi na niya nais pang tapusin. Habang dinadama niya ang kaangkinan nito ay hinahalikan niya ang leeg nito. Habang ang isa niyang kamay na nakayakap sa balikat nito ay binaba niya upang mahawakan ang dibdib nito. Napangisi siya dahil naaapektuhan na ito. Tila nagbunga ang plano niya na baliwin ito sa haplos niya at ang kanya lang ang hanap-hanapin nito. Agad na naghubad sila ng kanilang saplot at sa tindi ng pananabik ay hindi na niya agad pinatagal ang pag-romansa niya sa asawa. Agad na niyakap niya si Joe mula sa likod nito habang nagsisimulang bumigat ang kanilang hininga ng mag-isa ang kanilang katawan. Nakaharap sila salamin kaya kitang-kita kung gaano sila kaakit-akit sa posisyon nila. Dahan-dahan siyang gumagalaw habang nakatingin siya sa salamin. Nakapikit si Joe kaya tinignan niya ang mukha nito. "Open your eyes, Hon. I want you to see that yours is perfectly fit to mine." bulong niya rito. Dumilat nga ito at napatingin sa kanya. "At the mirror." dagdag niya kaya napatingin ito sa salamin. Tumingin siya sa salamin at nakita niya ang pagkabagay nila. Kitang-kita nila kung paano mag-isa ang kaangkinan nila. Hinawakan niya muli ang isang dibdib ni Joe at hinalikan niya ang leeg nito. Tahimik sila pero parehong napapahalinghing sa sarap ng pagtatalik nila. Pinaling niya ang ulo ni Joe at siniil niya ang labi nito ng halik na may kasamang pananabik. Agad na nagtama ang kanilang dila at minsan ay kinakagat niya ang labi nito. Lumalim ang halikan nila at kahit dahan-dahan ang galaw ay napapahalinghing sila sa diin ng kanyang galaw. His size is not joke---9 and 1/2---kaya alam niya na masakit ng makuha niya ang virginity ni Joe. Kaya halos maulol siya dahil nakayanan ni Joe ang kanya. Well, he and his brothers are mixed pinoy, europian, amerikan and spanish blood from their lolo and lola, and lolo Miguel. Kaya hindi nakakapagtaka kung pinagpala na malalaki ang kanya at sa mga utol niya. Lihim siyang natawa dahil nung bata sila ay may kalokohan silang anim na magkakapatid noon pwera kay Benj. Mga nagpalalakihan pa sila at ang the best doon ay nahuli sila ng Mommy nila na kumukulo ang dugo ng makita ang ginagawa nila. Imagine binata na sila pero naparusahan pa sila. Pinalo sila sa pang-upo, pero ang nakakatawa doon ay hindi malakas ang palo ng Mommy nila dahil ayaw pa rin nito na masaktan sila. Kaya nga, sobra ang pagmamahal nila rito at syempre sa Dad nila na boto sa kalokohan nila. Bigla ay na-miss niya tuloy ang mga magulang nila. Pero siguro ay kailangan na rin niya na makita ito. At gusto niya na maipakilala ang babaeng ngayon ay ina-angkin niya. Alam niya na magagalit ang Dad niya, lalo na ang Mom niya, dahil bigla siyang nagkaroon ng asawa, pero iyon lang ang naisip niya upang maging legal sila Joe sa mga magulang niya. Hindi naman niya ibig na paghigantihan ito pero gusto niya lang na bumalik muli ito sa buhay niya. Napangiti siya ng magbitaw sila ng halik. Tumigil siya sa paggalaw at inalis muna niya saglit ang kahabaan niya sa loob ng p********e nito. Inayos niya ng higa si Joe at pinagparte niya ang mga binti nito. Muli niyang sinunggaban ang labi nito at muli niyang ina-angkin ito. Hindi siya magsasawa na angkinin ito. Sa babaeng ito lang siya nabaliw ng husto. Ewan ba niya pero simula ng makita niya ito noon na sumasayaw sa classroom mag-isa ng isang sexy dance ay doon nagising ang natutulog niyang pagnanasa. Nung una ay akala niya ay pagnanasa lang pero ng makita niya na minsan ay umiiyak ito ay nakaramdam siya ng pighati sa kanyang dibdib, hanggang sa ngiti naman nito ang palagi niyang nakikita. At hindi naglaon ay lihim na niyang tinatangi ito. At natuwa siya nung isang araw na lapitan siya nito. Iba ang t***k ng puso niya na makita at makausap ito ng malapitan. Hanggang sa maging kasintahan niya ito. Hindi siya nakakalimot na bigyan ito ng bulaklak sa special na okasyon nila. Dahil ang turo ng Mommy niya ay dapat na kahit na magkasintahan na daw ay dapat daw na lagi parin nililigawan at syempre hindi sinasaktan ang minamahal, at doon ay nagkamali siya. Nitong araw ay alam niya na naging mahigpit siya sa babae at nasaktan sa salita niya, pero babawi siya. Gusto niya na mag-work ang relationship nila bilang mag-asawa. At plano niya na kapag napakilala na niya ito sa pamilya niya ay papakasalan na niya ito sa mismong simbahan sa isla kung saan talaga naka-based ang family niya. "s**t! I'm coming, Hon!" sambit niya habang mabilis na gumagalaw sa ibabaw nito habang magkasiklop na ang kanilang kamay na nakapako sa kama. "A-ako man! S-sige pa.." tugon nito. Halos mayanig ang dingding sa tuwing gagalaw ang kama sa tindi ng galaw niya. Hindi na niya kaya ang nararamdaman. Isang madiing ulos at niyakap niya si Joe ng mahigpit. Natigilan sila at parehong dinala sa tuktok ng kaligayahan. Ewan na lang niya lang kung hindi pa ito mabuntis. "That was great.." aniya at umalis sa ibabaw ni Joe at tumabi rito. Niyakap niya ito kaya sumandal ang ulo nito sa dibdib niya. . "Alam ko naman na katawan lang ang habol mo sa akin." mahinang sabi nito na kinawala ng ngiti niya. "Ano bang pinagsasabi mo? 'Wag mong isipin na 'yon lang ang habol ko sa 'yo, okay?" sabi niya rito pero hindi na ito umimik. Lihim siyang napamura dahil iyon ba ang dating kay Joe sa tuwing a-angkin niya ito? Napahinga siya ng malalim at kinuha niya ang ulo nito at sa braso niya pinaunan ito. Ngayon ay magkaharap na sila ng mukha. "Hey, hindi gano'n. 'Wag mong isipin iyon." suyo niya rito. "Kung hindi gano'n ay dahil mahal mo ako? Ganun ba?" tanong nito at kita niya nasasaktan ito base sa nakikita niya sa mata nito. Magsasalita sana siya upang sabihin rito na 'oo, mahal kita. . . mahal na mahal', pero tinalikuran siya nito. "matulog na tayo. 'Wag mo nang isipan pa ang sinabi ko." sabi nito. Napahilot siya sa sentido at tumingin sa likod nito. Kinuha niya ang kumot nila at kinumot niya sa hubad nilang katawan. Niyakap niya ito at binulungan niya ito ng 'I love you'. Siguro ay kailangan niyang ipadama pa rito ang tunay niyang nararamdaman.. - NAKATINGIN SI JOE sa bintana habang lulan sila ng sasakyan. Patungo kasi sila ngayon sa bahay ng kapatid ni Drake na narito din daw sa maynila. Kinakabahan siya dahil ipapakilala siya ni Drake sa parents at kapatid nito. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito oras na malaman ng mga ito na asawa siya ni Drake. Baka hindi siya magustuhan at baka magalit ang mga ito oras na malaman na isang contract civil wedding lang ang kasal nila. Napatingin siya sa kamay niya na nasa kandungan niya. Hinawakan kasi ito ni Drake kaya lumingon siya rito. Tumingin ito sa kanya at binalik din agad ang mga mata sa daan. "Relax, Hon." sabi nito kaya napahinga siya ng malalim. "Natatakot lang ako baka masungit ang parents mo." aniya rito pero ang totoo ay kinakabahan siya dahil baka hindi siya magustuhan ng mga ito para kay Drake. "Hindi naman nangangain ng buhay si My. She's a cool Mom and very understanding. At si Dad naman ay parang tropa namin at hindi masungit, sa ibang tao lang. At 'wag kang mag-alala, narito lang ako sa tabi mo." wika nito kaya tumango siya at tumingin sa bintana. "Paano kung malaman nila na isang kontrata lang ang lahat? Lalo na 'pag nag-divorce na tayo." sabi niya rito. Naramdaman niya na humigpit ang hawak nito at binitawan rin ang kamay niya. Hindi ito umimik at binilisan ang pagmamaneho. Hindi na rin niya ito inimikan at tumahimik na lang siya. NASA CAVITE NAKATIRA ang kapatid ni Drake, at sabi nito ay narito na daw sila sa lupain nito. Nakatingin siya sa paligid. Nasa pinakataas sila na lupain dahil sa baba ay kita niya ang mismong bayan at pansin niya na walang ni ano mang kabahayan sa lupaing tinatahak nila. Tila isang private property ang lupaing tinatahak nila. Napatingin siya kay Drake ng ihinto  nito ang sasakyan. Ang hinintuan pala  ay isang napaka-laking gate at napaka-taas nito na tiyak na walang makakapasok sa sobrang taas. Bumusina si Drake at ilang saglit lang ay bumukas ng kusa ang gate. Pinasok na ni Drake ang kotse at may lumapit na isang lalake habang ang ilang armadong lalake ay nakaupo sa sasakyan tila pang army ang itsura. Binaba ni Drake ang bintana sa side nito ng makalapit ang lalake na maskulado at tila batak sa gym sa laki ng mga muscle sa braso. "Oscar, sila Dad nand'yan na ba?" tanong ni Drake rito. "Oo, kanina-kanina lang din dumating." tugon nung Oscar na tinanguan ni Drake. Sinara na ni Drake ang bintana at pinaandar na papasok. Namangha siya sa ganda ng paligid. Akala niya ay nasa bungad lang ang bahay na pinasok nila pero nagkakamali pala siya doon. May nakita siyang malaking playground, Basketball court, billiard room, at gym. Napatingin siya sa unahan at nakita na niya ang bahay na malaki. White and gray ang kulay ng bahay. Hugis pabilog ito na parang hugis singsing, at up and down din ito na tingin niya ay may rooftop din. Tapos may malinis na fish pond at sa gitna no'n ay meron ding bridge na gawa sa wood na kinulayan ng dark brown na konektado sa mismong balkonahe ng bahay. Gawa sa makapal na glass ang mga wall ng bahay habang ang sumusuporta sa bahay ay gawa sa bato. As in. Wow! Napanganga na lang siya dahil walang-wala ito sa bahay nila. Hininto na ni Drake ang sasakyan sa katabing sasakyan na isang limousine. Hindi niya mawari kung gaano nga ba kayaman sila Drake? Ni hindi niya maisip na sobrang yaman pala ng pamilya nito. Pinatay na ni Drake ang makina at nag-alis ito ng seatbelt, kaya inalis na rin niya ang kanya. "Let's go." aya nito at binuksan na ang pinto sa side nito kaya binuksan na rin niya ang pinto sa side niya at hindi na hinintay ito na pagbuksan pa siya. Pagbaba niya ay lumakad siya at lumapit naman sa kanya si Drake at hinawakan siya sa baywang upang sabayan. Lumakad sila palapit sa bahay at nang makatungtong sila sa terrace ay nakarinig agad sila ng mga boses na tila galing din sa labas. "Tila nasa garden sila." ani ni Drake at binuksan ang main door ng bahay. Nauna siyang pinapasok nito at sumunod ito. Pagpasok nila sa loob ng bahay ay bumungad agad sa kanyang paningin ang mga naggagandahang paintings. Meron din na malaking painting na ang pinta ay ang mag-asawa na suot ang pangkasal na kasuotan. Kita niya na napaka-gwapo nung lalake sa suot nitong white tuxedo at 'yung babae naman ay singkit at napaka-ganda sa suot nitong gown na kinainggit niya. Halata sa litrato palang na in love na in love ang mga ito at bagay na bagay sa isa't-isa. "Hey, are you okay?" pukaw sa kanya ni Drake kaya tumango siya at ngumiti upang ipakita na ayos lang siya. Tumango ito pero base sa mukha nito ay hindi ito naniniwala sa kanya. "Kapatid mo ba at asawa nito ang mga nasa paintings?" Tanong niya rito. Tumingin ito doon at tumango. "Oo, si Kuya Duke at Si Ate Nestle." sabi nito kaya tumango-tango siya. Inakay siya nito sa isang likuan na may glass sliding door. At hindi pa sila nakakalapit ng makita na nila ang mga nagkakasiyahan na tila ito na ang pamilya ni Drake. Nanlamig siya sa kaba at napahawak sa kamay ni Drake na nakahawak sa baywang niya. "Relax." sabi sa kanya ni Drake kaya tumango siya at tinatagan ang loob. "Nandito na si Kuya Drake!" tili ng isang dalaga na kinamangha niya. Para itong isang manika sa ganda ng mukha. At ang cute pa nito sa outfit na may halong pink and white. Kulot ang dulo ng mahaba at itim na itim nitong buhok. Basta, parang ang sarap nitong i-uwi at pisilin ang pisngi. Ang gaganda ng lahi ni Drake. Bigla tuloy siyang na-conscious sa itsura niya. Napatingin na sa kanila ang lahat. Nakita niya ang mag-asawa na nasa painting na nakita niya kanina. Nakaakbay pa 'yung Kuya Duke ni Drake sa mukhang japanese na babae pero mukha siyang pinoy at tiyak na ito si Nestle na may kalong na bata--- cute at gwapo 'yung bata---at nakanguso ito habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Sa tabi ng mga ito ay 'yung isang lalake at dalaga na parang may sariling mundo. Nakatitig lang kasi 'yung lalake sa babae na nakangiti habang nakatingin sa kanila. Kapatid siguro nung Nestle itong babae tapos 'yung lalake ay kapatid ni Drake dahil hindi naman nalalayo ang mga itsura ng mga ito. Tapos sa tabi nito ay 'yung mukha manika na tumili kanina nung dumating sila. At sa kabilang side ay bigla siyang kinabahan. Nakaupo na parang hari at natitiyak niya na ito na ang Daddy ni Drake dahil kamukha nito ito. At mas natakot siya sa nakatayong babae na kilalang-kilala niya. Ito 'yung sikat na modelo at painter na si Miss Aurora. Omg! Hindi niya inaasahan ito. Mommy ni Drake ang sikat na painter! "Son Drake, sino itong magandang kasama mo? Girlfriend mo ba?" nakangiting tanong ni Miss Aurora kay Drake. Tama nga siya, mommy nga ito ni Drake. "Ah. . . My, actually she's my wife; Joe lin Ramos Ford." tugon ni Drake na kinagulat ng mga ito na kinayuko naman niya. Napapisil siya sa kamay niya at napakagat-labi dahil sabi na nga niya, e, magugulat ang mga ito. "Ano? Nagpapatawa ka ba, huh?" galit na sabi ng Mommy nito. "Paano kayo kinasal kung hindi naman namin nasaksihan?" pagpapatuloy nito na pinapakalma ng Dad ni Drake. "Mom, civil wedding po ang naging kasal namin." sagot ni Drake na kalmado lang. "Civil wedding? At hindi mo man lang pinaalam sa amin bata ka!" nanggagalaiti nitong sabi. "Misis ko, relax. Hayaan mo muna ang anak mo. Alam na niya ang ginagawa niya." mahinahong sabi ng Daddy ni Drake na lalakeng-lalake ang boses. Hinawi ng Mom ni Drake ang Dad nito at ito naman ang hinarap. "Ikaw! Alam mo itong kalokohan ng anak mo, pero hindi mo man lang sinabi sa akin, ha? Tapos ngayon gusto mong kumalma ako?!" inis nitong baling sa dad ni Drake. Napapailing ang Mom ni Drake ng hindi makasagot ang asawa nito. Napahilot ito ng sentido at lumapit sa upuan nito kanina. "Pasensya na, Duke at Nestle, kung aalis na ako ngayon. Sumasakit ang ulo ko sa kapatid mo." dinig niyang sabi ng Mom ni Drake sa mag-asawa na dapat magse-celebrate ngayon ay nasira pa dahil sa kanila. Bigla siyang nakaramdam ng hiya dahil sa nangyari. Galit tiyak ang Mom ni Drake sa kanya. Lalo na ng mag-walk out ito at sumunod naman ang Dad ni Drake. Pero bago mag-walk out 'yung mga kapatid ni Drake ay lumapit sa kanya 'yung mukhang barbie. "Hello, Ate Joe. I'm Bettina but you can call me Tina. I like your hair color and hot body." sabi nito. "Bettina!" suway ni Drake rito na kinahagikhik nito kaya napangiti na rin siya. Humalik ito sa pisngi niya at may binulong na kinalaki ng mata niya. "Manyak 'yang si Kuya Drake, kaya nakakapit sa 'yo dahil kinachansingan ka niya." bulong nito at bumelat muna kay Drake bago tumakbo. "Hay! Napaka-brat talaga no'n. Anong sinabi ni Tina sa 'yo?" bulong sa kanya ni Drake na kinailing na lang niya. Masyado siyang nabigla sa sinabi ni Bettina. As in. Sinabi talaga sa kanya iyon? "Bye po, Kuya Drake at Ate Joe." sabi nung maganda at mahinhin na babae na tingin niya ay kapatid nga siguro nung Nestle. Ngumiti siya rito at tumango. Napatingin siya sa lalakeng kapatid naman tiyak ito ni Drake. Bakit ba ang ga-gwapo? Feeling niya ay mas gwapo ito kay Drake pero mukhang pilyo. "Kuya Drake, may asawa ka na pala. Naunahan mo ako." sabi nito at umakbay doon sa mahinhin na babae na kinapula ng mukha nito. Napangiti siya dahil tila may gusto ang mga ito sa isa't-isa. At tila puro palipad hangin lang naman itong kapatid ni Drake at pasimple. "Bakit, sino ba ang gusto mo? Si Mag--" "Sige, aalis na kami." biglang sabi nito at pinandilatan si Drake ng mata na kinahalakhak ni Drake. "Hey, hawakan mo ang kamay ko." utos nito sa babae. "Ayoko nga. Nilagyan mo 'yan ng pandikit kanina." mahinhin na sabi nung babae habang naglalakad na ang mga ito paalis. "Sabing hawakan mo, eh. Magnolia, isa!" utos nito at hinabol ang babae na tinawag nitong Magnolia. "Bro," tawag ng baritong tinig kaya napalingon sila ni Drake sa Kuya nito. "usap tayo. Tayo lang." pagpapatuloy nito. "Okay." tugon ni Drake rito at inakay siya ni Drake na maupo. "Makipag-usap ka muna kay Ate Nestle. Mag-uusap lang kami ni Kuya." bulong sa kanya nito kaya tumango siya. Sumunod ito sa Kuya nito kaya sila na lang naiwan nung Ate Nestle nito. Lumapit si Nestle sa kanya at naupo sa tabi niya. "Hi, Joe. I'm nestle. Asawa ko 'yung kasama ni Drake ngayon." sabi nito kaya ngumiti siya rito. "Hindi talaga ako makapaniwala na may asawa na pala si Drake. Pero bakit naisip niyo na civil wedding ang kasal niyo?" tanong nito. Huminga siya ng malalim at sinabi niya rito kung bakit. Magaan ang loob niya rito dahil napakabait pala nito. Natawa pa siya na galit din ito ng sabihin niya na may ibang babae si Drake kahit kasal sila. Parang apektadong-apektado ito at kung 'yung asawa daw nito ang nambabae ay baka daw maputulan niya ito ng pagkalalake. Pagkatapos ng pag-uusap nila at ni Drake at Kuya nito ay naisipan na lang nilang umuwi dahil wala na rin naman ang parents at mga kapatid ng mga ito. Tahimik lang sila habang bumibyahe pauwi dahil sa naging reaksyon ng Mom ni Drake. Tingin niya ay hindi na siya nito magugustuhan. Tila nagtampo na ito kay Drake dahil sa secret wedding nila. Tumunog ang cellphone ni Drake kaya kinuha nito iyon at nilapag sa kandungan niya na kinatingin niya rito. "Pakisagot, Hon." pakiusap nito kaya tumango siya at tumingin sa tumatawag. Napakunot-noo siya ng makita na 'My first woman' ang nakalagay. 'Isa ba ito sa babae ni Drake?' tanong ng isip niya. Kaya naman ay inis niyang sinagot iyon. Bubuka sana ang bibig niya ng manlamig siya sa bumungad na tinig sa kanya. "Dito na kayo tumira sa isla, Drake. No more buts. Ayoko na ipagpabukas niyo, kung hindi, mas lalo akong magtatampo." sabi ng tumawag at binaba agad ang tawag habang siya ay hindi man lang nakapagsalita. Ang tumawag lang naman ay walang iba kundi ang Mom nito. At buti na lang ay nauna itong nagsalita kundi madadagdagan ang pangit na impression nito sa kanya 'pag nagkataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD