SINABI NI JOE kay Drake ang sinabi ng Mommy nito, pero ito na daw ang magsasabi na hindi sila pu-puwede na agad na lumipat, lalo pa't may negosyo nga si Drake rito sa maynila at siya? Syempre wala.
"Hon.." gising sa kanya ni Drake kaya nanlalata siyang naupo sa kama. Nagkusot siya ng mata at napahagod ng buhok bago tumingin rito.
"Bakit?" inaantok pa niyang tanong.
"Papasok na ako. Nagluto na rin ako ng kakainin mo. 'Yung pang tanghalian ay nilagay ko sa ref at initin mo na lang." bilin nito kaya pikit-mata siyang tumango. Antok na antok siya at hinihila na naman siya ng kama..
Napailing sa kanya si Drake ng mahiga siyang muli at nakatulog agad. Kinumutan siya nito at hinaplos ang mukha niya bago siya dampian ng halik sa labi.
Siguro ay nagising siya na halos sikat na sikat na ang araw. Kumulo na kasi ang tiyan niya kaya kahit medyo inaantok pa ay bumangon siya at ginawa ang morning ritual. Naka-pekpek short at suot niya ang damit ni Drake. Nagpupusod siya ng buhok habang palabas ng kwarto.
Tinungo niya ang kusina at lumapit sa lamesa. Napangiti siya dahil talagang hindi nakakalimutan ni Drake na ipagluto muna siya bago umalis. At lalo siyang napangiti dahil isang sinigang na bangus ang niluto nito. Favorite niya itong sinigang dahil mahilig siya sa maasim-asim.
Nagsandok siya ng kanin sa rice cooker at excited siyang naupo at agad na humigop ng sabaw. Napangiti siya sa sarap.
"The best! Ang sarap talagang magluto ni Drake." komento niya at sinimulang lantakan ang pagkain niya. Siguro sa tuloy-tuloy niyang pagkain dahil sa sobrang sarap na tama lang ang asim at nilamlam ng sabaw ay agad siyang nabusog. Napadighay siya na wala sa oras kaya napatawa siya. Napailing siya at binitbit ang plato't mangkok at nilagay muna iyon sa lababo. Sumandal siya sa pader ng lababo habang umiinom ng tubig. Pagkatapos ay nilapag lang rin muna niya iyon sa lababo.
Naisip niya na manood muna ng t.v at tsaka na lang niya huhugasan ang pinagkainan, pero bago lumabas ng kusina ay tumingin siya sa ref.
Napangiti siya dahil meron palang dessert. Isang chocolate marshmallow na nakalagay sa isang malapad na box. Kinuha niya iyon at binitbit palabas.
Naupo siya sa sofa at pinatong ang paa sa table na nasa harap niya. Binuhay niya ang T.V. at isang koreanovela ang palabas. Enjoy na enjoy siya habang nilalantakan ang marshmallow chocolate.
"Hmm.. Kakaiba ang sarap nitong dessert. Pure na pure ang pagka-chocolate. Saan kaya binili ni Drake ito?" tanong niya sa sarili. Nakibat-balikat na lang siya at tumutok sa pinanonood.
Nasa kalagitnaan na siya ng palabas ay biglang may nag-doorbell na kinataka niya. Kasi, kung si Drake iyon ay hindi na magdo-doorbell ito dahil alam nito ang password ng pad nito. Kaya naman kahit may pagtataka man kung sino iyon ay tumayo siya at binaba ang chocolate marshmallow sa table.
Paglapit niya sa pinto ay binuksan niya ito at nagulat siya na bumungad sa kanya ang magandang mukha ng Mommy ni Drake. Naka-floral dress ito, high heels na mga two inches lang ang taas, naka-shades na black at isang bag na tingin niya ay ito ang may gawa dahil may pinta ito na mga paru-paro. Napababa siya ng tingin dahil may kasama ito. 'Yung cute na batang lalaki na kalong-kalong ni Ate Nestle ni Drake nung bumisita sila kahapon sa bahay nito.
Napalunok siya at biglang nahiya. Inalis ni Beatrice ang shades at tumingin ito sa kanya na seryoso ang mukha.
"Pwede ba kaming pumasok, hija?" tanong nito na kinataranta at hiya niya.
Shit! Makalat pa ang bahay at tiyak na lalo siyang mapapahiya dahil hindi pa siya nakakapaglinis.
"A-ah opo. Pasok po kayo." magalang na sabi niya rito at binuksan ng maluwang ang pinto.
Pumasok ang mga ito kaya humugot siya ng malalim na hininga habang sinasara ang pinto.
"Napakatigas ng ulo ng asawa mo. Sinabi ko na sa isla na kayo tumira pero ayaw niyo pa. At tila hindi ka pa ata nakakapaglinis ng bahay niyo, Hija?" sermon nito kaya napa-cross finger siya na nasa likod niya ang kamay.
"Maglilinis palang po sana ako." tugon niya rito.
"Bakit tila nanonood ka lang naman ng T.V? Paano 'pag umuwi ang anak ko rito sa bahay ay ganito rin ba ang maaabutan niya?" sermon nito kaya napayuko siya. Napakagat-labi siya dahil meron na naman siyang bad shot sa Mommy ni Drake. Dapat pala naglinis muna siya bago nanood kung alam lang niya na darating ito.
Nilahad nito ang dalang bag kaya agad niyang kinuha iyon at maingat na nilapag sa table sa harap ng sofa. Nagtungo ito sa kusina kaya agad niyang sinundan.
"Oh! Pati hugasin ay hindi mo pa nagagawa," napapikit siya dahil inaasahan na niya ang sermom nito. "sige nga, hugasan mo ito. Tignan ko kung marunong ka." sabi nito kaya tumango siya at lumapit sa sabitan ng apron at sinuot.. Kinuha rin niya ang pink dishwasher gloves at sinuot niya sa kamay. Nagsimula na siyang maghugas ng mga plato at nagpapasalamat siya na marunong siya. Nang matapos niyang ilagay sa patuyuan ng mga plato ang lahat ng hinugasan niya ay hinubad na niya ang gloves at hinarap ito. Tumango-tango ito at lumapit naman sa lamesa.
Tinignan nito ang ulam at napatango ito sa nakita. Napakagat siya muli ng labi dahil kinakabahan siya na baka tanungin siya nito kung sino ang nagluto.
"Ikaw ba ang nagluto nito? Hmm.. Masarap ah." komento nito ng matikman ang sinigang.
"S-si Drake po." pag-amin niya.
"What? Anak ko ang nagluto? Bakit siya? Hindi ka ba marunong?" tanong nito kaya napatango siya na kinahilot nito sa sentido.
"God! Baka magutom kayo dahil hindi ka marunong. Paano pag-uwi ng anak ko? Baka siya pa ang magluluto pag-uwi niya. Dapat ay pinag-aaralan mo ang pagluluto. Hala, sige, kumuha ka ng ingredients sa ref at tuturuan kita. Sa mga prito marunong ka ba?"
Hindi siya makasagot na kinailing nito kaya hiyang-hiya na siya. Lumapit siya sa ref para kumuha ng ingredients.
"Ma'am--"
"Just call me Mom. Okay, continue." sabi nito kaya lihim siyang napangiti.
"Ah, Mom, ano po bang lulutuin at kukunin kong ingredients?" Tanong niya. Napaisip naman ito at tumingin sa kanya.
"Syempre, kumuha ka ng mga karne muna at ibabad mo sa tubig para maalis ang pagka-frozen." sabi nito kaya napatango siya at kumuha ng mga sinabi nito.
SAMANTALA, habang busy sa pagkuha ng ingredients si Joe ay agad namang lumabas ng kusina si Beatrice at agad na kinuha ang bag niya. Kinuha niya ang mga recipe na sinearch pa niya. Hindi niya akalain na sa asawa ni Drake niya magagamit ang kunwarian niyang pagkataray. Si Duke palang kasi ang may asawa, pero si Nestle ay marunong magluto. Kaya ganadong-ganado siya dahil meron siyang masasampulan ng pagiging byenan niya.
"Mom, bakit niyo po sinesermunan ang asawa ni Kuya Drake? At narinig ko na gusto niyo siyang turuang magluto? Pero hindi din naman po kayo marunong magluto." sabi ng anak niyang si Benj na nilalantakan na ang kinakain kanina ni Joe na marshmallow chocolate habang prenteng-prente na nakaupo sa sofa habang nanonood.
"Naku, Anak, quiet ka lang. Saka mo na ilabas ang pagkamadaldal mo, kailangan ko ito dahil sa wakas mararanasan ko na ang pagiging byenan ko kay Joe." sabi niya rito habang hawak ang recipe niya.
"Ah, Mom, okay na po 'yung mga karne." tawag sa kanya ni Joe.
"Good." sabi niya rito at naglakad na.
Habang patungong kusina ay sinilip muna niya ang mga ingredients na lulutuin. Adobong manok ang nabasa niya na una.
Pagdating sa kusina ay hinihintay siya nito kaya agad niyang tinago ang recipe sa likod niya.
"Kumuha ka ng toyo, suka, sibuyas, bawang, paminta, asin, ano pa nga ba? . . .Ah! kumuha ka rin ng oil, water, at bay leaf." sabi niya rito na nakaharap sa ref at sa mga lalagyan ng mga oil. Habang busy ito sa pagkuha ng mga sinasabi niya ay mabilis niyang binasa ang recipe ng adobong manok.
"Mom, okay na po." napaayos siya ng tayo at agad na tinago ang recipe sa likod niya.
"Haha.. Sige, sige. . . 'Di ba hiwa na ang manok?" tanong niya rito na kinatango nito. "Good. Ngayon ay ibabad mo 'yung manok sa asin at himas-himasin mo sa asin 'yung manok. Tapos pagkatapos mo nang lagyan ng asin ay ibabad mo na sa toyo, suka, paminta." sabi niya rito at agad nitong sinunod ang sinabi niya. At habang busy ito ay muli niyang binasa ang recipe.
"Mom, okay na po." sabi nito muli kaya tinago niya ulit ang recipe.
"Okay, gayatin mo ang bawang at sibuyas para maluto na natin." sabi niya rito.
"Eh, Mom, hindi po ako marunong maghiwa." nahihiya nitong sabi na kinanganga niya.
Jusmiyo! Buti na lang ay medyo marunong siya roon.
"Okay. Tignan mo ako at tapos ikaw na ang magpatuloy." sabi niya rito.
Tumango ito kaya kumuha siya ng apron at tinuruan ito. At nang ibigay niya ang kutsilyo rito ay pinanood niya kung kaya na nitong maghiwa. Mabilis naman itong natuto kaya napangiti siya.
"Yan! Okay. Ngayon ay tapos mo nang hiwain. Kumuha ka naman ngayon ng kawali or anything na pangluto ng ulam niyo. Tapos maglagay ka ng mantika. Good, ganyan lang karami," sabi niya rito na sinusunod ang sinabi niya. "Tapos 'di ba mainit na ang mantika mo?" tumango ito, "igisa mo 'yung bawang at sibuyas." instructions niya rito. Napatili ito at agad hinarangan ang takip ng kaldero sa mukha nito. Napailing siya at kinuha rito ang spatula. "ganito kasi, kung gusto mong matutong magluto ay dapat hindi ka takot sa mantika." paalalanan niya rito. Tumango-tango ito at pinanood siya. "'Yung bawang, akin na." sabi niya at agad nitong inabot. "Yan! Kapag medyo ma-brown na ang bawang ay ilagay mo na rin ang sibuyas. Tapos isunod mo 'yung binabad mong manok at ibuhos mo na. Tapos 'yung pinaglagyan ng binabad, lagyan mo ng tubig upang mailagay pa rin 'yung natirang pinagbabaran rito sa niluluto natin." pagpapatuloy niya.
"Okay po." sagot nito kaya lihim siyang napangiti dahil okay pala itong asawa ng anak niya. Nakikita niya ang sarili niya rito.
"Tapos takpan na natin ito at hintayin kumulo. Tapos pagkumukulo na ay ilagay mo na rin 'yung bay leaf para mabango ang adobo. Tapos 'pag bawat kulo ay hahaluin mo at tikman mo rin kung ayos na ang lasa. Kapag tingin mo ay kulang pa ang lasa niya ay dagdagan mo lang ng kaunting asin. Tapos haluin mo lang ng haluin 'pag panay ang kulo nito hanggang sa matiyo. Tapos iyon na." paliwanag niya.
Nakahinga siya ng maluwag dahil sa wakas ay natapos din ang pagtuturo niya rito sa pagluluto. Grabe, kailangan niya atang aralin pa ang ibang recipe dahil kailangan pa niya itong turuan para naman malutuan na nito ang Baby Drake niya.
NAGSANDOK SI JOE ng adobo upang tikman. Napatango siya dahil ayos ang luto niya. Mabuti at tinuruan siya ng Mommy ni Drake. Iniisip niya, 'siguro expert ito at ito ang nagturo kay Drake magluto', nagtungo sa sala ang Mom ni Drake kaya tinakpan na niya adobo. Pero habang nagpupunas siya ng kamay dahil naghugas siya ng mga pinaggamitan ay napatingin siya sa papel na nahulog sa sahig. Nilapag niya ang pamunas sa kamay sa lababo at lumapit sa papel at pinulot iyon. Binuklat niya ito na kinangiti at iling niya.
Lumakad na siya palabas ng kusina at tinungo ang Mom ni Drake na pinapagana ang vaccum.
"Mom, may nahulog po kayo." sabi niya rito.
"Huh? Ano 'yun?" tanong nito at lumingon sa inabot niya. Nanlaki ang mata nito at agad na hinablot ang papel. "nakita mo ba ang loob nito?" tanong nito.
Umiling siya upang hindi na ito mahiya sa nakita niya. Tinuruan siya nito at alam niya na ginawa nito ang lahat ng makakaya upang turuan siya.
Tila nakahinga naman ito ng maluwag kaya napangiti siya at agad na tinungo ang mga sofa upang linisin na ang sala. Nakakahiya rito kung ito pa ang maglilinis. Natutuwa siya na kahit nasermunan siya ay alam naman niya na para rin iyon sa kanya. At natuwa rin siya dahil gusto nito na tawagin niya ito na Mom. Na-miss niya bigla ang Mama niya, at tingin niya kung buhay pa ang Mama niya ay tiyak na magkakasundo agad ang mga ito. Pero ngayon ay may pangalawang ina na siya na kinasaya talaga niya. At gusto niyang maging maganda sa paningin nito upang magustuhan siya para kay Drake.
"Bye po, Mom and Benjamin. Ingat po kayo sa pag-uwi." paalam niya sa mga ito na nakasakay na sa sasakyan ng Dad ni Drake. Kumaway ang mga ito kaya kumaway din siya at tinanaw ang sasakyan nito na umalis na.
Bigla ay napahawak siya sa mga braso at likod dahil kanina pa nanakit ang mga iyon sa tindi ng maghapong ginawa niya upang mapa-impress lang ang Mom ni Drake.
Kaya naman ay pagkatapos niyang maglinis ng katawan ay nanlalata ang katawan niya na nahiga sa kama at sa tindi ng pagod ay kinain na siya ng kadiliman.
SAMANTALA, PAGBUKAS NG pinto ni Drake ng Pad niya ay tahimik na napalibot siya ng tingin sa paligid dahil sobrang linis ata ng pad nila. Tinatawagan niya si Joe pero hindi nito sinasagot ang tawag niya.
Sinara niya ang pinto at lumakad habang tinatawag ang asawa niya.
"Hon!" tawag niya rito at nagtungo siya sa kusina baka naroon ito, pero wala rin. Kunot-noo na tinungo niya ang lutuan dahil may nakita siyang kaldero na pinaglutuan.. Binuksan niya ang takip at napakunot-noo siya dahil paano naluto ni Joe ito? Hindi marunong iyon. Kumuha siya ng platito't tinidor at sinandok ang adobong manok. Tinikman niya ito na kinatango niya. Napangiti siya dahil marunong na itong magluto.
Tinakpan niya ulit ang kaldero at hinugasan ang platito at tinidor. Pagkatapos niya sa kusina ay pinuntahan niya ang kwarto dahil tiyak na naroon iyon. Alas syete na, at nagtataka siya kung bakit maaga ata itong nakatulog ngayon?
Pagbukas niya ng pinto ay napatingin siya sa kama nila. At nakita niya ito na tulog na tulog. Lumapit siya rito at naupo sa gilid nito. Hinaplos niya ang mukha nito at tinaas ang kumot dahil naka-spaghetti strap sando lang ito kaya baka nalamigan ito.
"Bakit kaya tila napagod ka, hmm?" kausap niya sa asawa kahit tulog ito.
Napatigil siya sa pagtitig sa asawa ng mag-ring ang phone niya.
Kinapa niya ang bulsa upang kunin ang cellphone niya. Pagkakuha ay tinignan niya kung sino ang tumatawag at nakita niya na Mommy niya iyon kaya sinagot niya at tumayo siya upang lumayo ng kaunti para hindi ito ma-istorbo sa pagkakatulog si Joe.
"Hello, My?" Bungad niya rito.
"Anak, nakalimutan kong sabihin sa 'yo na nagpunta ako sa pad mo. Naku, tiyak na pagod si Joe dahil tinuruan ko siya sa pagluluto para naman ay meron ng magluluto sa 'yo. Naglinis din 'yan ng buong pad mo." sabi ng My niya kaya napalingon siya kay Joe. Kaya pala pagod na pagod ito at agad na nakatulog.
"My, ayos lang po na kahit hindi siya marunong sa gawaing bahay. Okay lang sa akin na ako ang nagluluto." sabi niya sa My niya.
"Hay! Ano ka ba! Okay lang 'yan at alam ko na gusto rin ni Joe na tinuruan ko siya." sabi nito kaya napahinga siya ng malalim.
"Okay po. Salamat, My." sabi niya rito.
"Wala 'yun, Anak. Gusto ko 'yang asawa mo. Sa wakas nagamit ko rin ang pagiging byenan ko sa kagaya niya. Madali namang natuto ang asawa mo at mabait na bata dahil masunurin at hindi nagrereklamo." pagkukwento ng My niya na kinangiti niya.
Kaya nga ito ang kinabaliwan at minahal niya, dahil narito ang katangian ng babae na gusto niya sa isang asawa. Kahit hindi ito marunong sa ibang bagay ay wala sa kanya iyon. Para sa kanya ay perfect na ito sa paningin niya.
Pagkatapos ng tawag ay nag-shower siya at pagkatapos ay nagbihis na siya ng pantulog at agad na tumabi sa asawa. Niyakap niya ito at hinalikan sa noo at sa labi.
"Thank you, hon." sabi niya rito at nakangiti na natulog na din. Iidlip muna siya dahil hindi rin naman siya makakain ng mag-isa. Gusto niyang kasabay ito na kainin ang niluto nito at pinaghirapan nito.