KABANATA 8 - EPAL

4399 Words
UMUNGOL SI JOE nang meron siyang maramdaman na humahalik sa kanya. Dumilat siya at nakita niya na si Drake iyon. "Bangon na, Hon. Kainin na natin 'yung niluto mo." sabi nito sa kanya kaya naupo siya sa kama at tinignan ang oras. Alas otso trenta na pala. "Okay." tugon niya na napahikab pa siya. Tumayo ito at inalalayan siyang umalis ng kama. Pansin niya na nakasandong itim at jersey short ito.. "Anong oras ka nakauwi?" tanong niya rito. Inakbayan siya nito habang palabas na sila ng kwarto. "Mga seven. Tulog na tulog ka ng maabutan ko, 'yun pala ay nagtungo rito si My para turuan kang magluto." sabi nito na kinahiya niya. "Ah, oo. Mabuti at tinuruan niya ako. Napakabait pala ng Mom mo," sabi niya rito habang papasok na sila ng kusina. "maupo ka na. Ako na ang magsasandok ng pagkain." sabi niya rito. Kaya inalis na nito ang pagkakaakbay sa kanya at tinungo ang pinaka-dinning area ng pad nito at naupo sa isa sa mga upuan. Pinusod muna niya buhok niya at kumuha ng mga plato at nilapag sa harap ni Drake at sa tabi naman ng plato nito ay ang kanya. Bumalik siya at nagsandok naman ng rice at nilagay sa malaking rice plate. At pagkatapos mailapag ang rice ay 'yung adobo naman ang sinandok niya at nilapag na rin. Kumuha siya ng tubig at baso nila. Pagkatapos ay tsaka siya naupo sa tabi nito.. Pinagsandok niya si Drake na nangingiti kaya pinagtaasan niya ito ng kilay. "Bakit ka nangingiti d'yan?" usisa niya. "Wala. Masyado kasi akong natutuwa sa asawa ko." sabi nito kaya pabirong umirap siya kaya napangiti ito. "Tumigil ka na nga. Kumain na tayo dahil tiyak na gutom ka na." sabi niya rito at nagsandok naman para sa kanya. Humalakhak na lang ito bago ito kumuha ng ulam. Napailing siya at nagsalin ng tubig niya. "So, kamusta ang bonding niyo ni My?" tanong nito kaya nilunok muna niya ang kinakain. "Mabuti naman. At nag-enjoy ako dahil marami akong natutunan kay Mom." sabi niya na kinahinto nito sa pagsubo. "Mom? Nagpatawag siya sa 'yo ng Mom?" nakangiti nitong tanong kaya tumango siya. "Oo. Sabi niya kasi tawagin ko daw siyang Mom." sabi niya. "She likes you. Kaya gusto niya na tawagin mo siyang 'Mom'." wika nito na kinangiti niya. "Really? Akala ko kasi bad shot na ako dahil nakita niya na hindi ako perfect wife sa 'yo." sabi niya at sumubo muli pero napahinto siya ng may mapagtanto siya sa sinabi niya. "Talaga? Gusto mong maging perfect wife para sa akin?" Tanong nito kaya nag-iinit ang pisngi niya at hindi makatingin na tumango siya. "Good. Masaya ako na marinig 'yan." sambit nito at inusog ang upuan palapit sa kanya. "Hon, sit here." sabi nito at nagulat siya na hawakan siya sa braso para patayuin siya. Pinaupo siya nito sa kandungan nito na patagilid. Niyakap siya nito sa bewang at hinalikan siya sa pisngi saglit. "Thanks for the effort to be a perfect wife to me, Hon. Actually you don't have to do that. In my eyes, you are perfect." wika nito na kina-touch niya. Ngumiti siya at hinaplos ng gwapong mukha nito. "Hayaan muna ako. Gusto ko kasi na mag-work ang pagsasama natin. At sa pagiging asawa mo ay baka makabawi na ako sa kasalanang nagawa ko." sabi niya rito na kinaseryoso nito. "Stop bringing the past. Let's forget that. Ang mabuti pa ay gumawa nalang tayo nang magandang memory sa future." sabi nito kaya ngumiti siya at yumakap rito. "Thank you. At sana ay sinasabi mo iyan dahil gusto mo talagang mag-work ang relasyon natin at hindi dahil gumaganti ka sa akin.." sabi niya rito. Inalis nito ang yakap niya kaya magkaharap na sila at magkatinginan. "It's not a revenge anymore. I'm true to my word, Hon. Promise, no more revenge, but more happiness and love." Wika nito kaya napatango isya. May wini-wish sana niya ay sabihin nito sa kanya ang three words upang mas lalo niyang malaman kung totoo ito sa sinabi nito. Ngumiti sila at nagpatuloy nalang sa pagkain habang nagsusubuan sila. PAGKATAPOS kumain at magpababa ng kinain ay dumeretso na sila sa kwarto nila. Nagtungo siya sa banyo upang magsipilyo habang si Drake ay tila may kinuha sa walk in closet. Habang nagsisipilyo siya ay pumasok ito at nakita niya na may dala itong shave cream and shave. Pero sumabay din muna ito na magsipilyo at nang matapos siya ay nagpunas siya ng bibig. Nagmumog na rin ito at agad na nagpunas ng bibig bago siya hinarap. "Hon, ahitin mo nga ang mga tumubo na balbas ko." pasuyo nito kaya tumango siya at kinuha ang cream at shave nito. Pinahiran niya ang baba nito at sa pisngi nito ng shave cream. At kinuha niya ang pang-ahit nito. Habang dahan-dahan niyang inaahit ang balbas nito ay humawak ito sa magkabila niyang bewang habang nakasandal ito sa lababo habang siya ay nasa harap nito. Bigla siyang nailang dahil ang lagkit kung makatingin nito sa kanya. Pero hindi siya nagpahalata at nag-focus lang sa baba nito para hindi siya mapatingin sa mga mata nito. Nang subukan niya na tignan ito ay nakatingin na pala ito sa bandang dibdib niya. Wala naman kasi siyang suot na bra at malala pa ay naka-white spaghetti strap sando lang siya na ang short niya ay isang maikling cotton short. Wala na siyang gana na pumili pa ng isusuot dahil sa pagod niya. Tila tama nga ang sinabi ng kapatid nitong si Bettina. Manyak nga ang kuya nito. Tignan mo hindi man lang maalis ang mata sa dibdib niya. Kaya naman nang matapos siya na ahitin ang tumutubong maliit na buhok sa mukha nito ay pinaghilamos na niya ito. Niligpit niya ang mga pinaggamitan at nilagay sa taas na pinaka-kabinet kung saan nakalagay ang mga beauty product at mga wash body nila. Lumabas siya ng banyo at iniwan na ito doon. Nagpunta siya sa walk-in closet nila upang magsuot ng bra. Nakaluhod siya dahil nasa pinakaibaba ng closet yung panty at bra niya. At nang makakuha ay tumayo na siya at sinara ang closet. Pagtalikod niya sa closet ay napaatras siya ng bumangga siya sa isang matigas na bagay pero agad din siyang napaangat ng tingin dahil katawan iyon at walang iba kundi si Drake. Agad niyang tinago ang bra sa likod niya pero napangisi ito ng makita ang tinago niya. Sinandal siya nito sa closet at halos wala ng space sa pagitan ng katawan nila. Humawak ito sa magkabilang bewang niya at hinaplos-haplos na nagbigay ng kiliti at kuryente sa katawan niya. "Bakit magsusuot ka ngayon ng bra?" pilyong tanong nito. "H-Huh? Eh, sa gusto ko lang. Lumayo ka nga at lumabas." Kunwari ay inis siya pero ang totoo ay tinatablan na siya ng mga haplos nito. Tinulak niya ito ng mahina para makaalis siya pero hindi ito nagpatulak. Bagkus ay hinapit siya sa bewang at kinuha sa kanya ang bra. Hinatak siya nito para makaalis sa closet at binuksan nito ang closet niya at nilagay lang kung saan ang bra niya at sinara muli ang closet. Muli siyang sinandal nito at pinakatitigan. Tumingin ito sa bandang dibdib niya at halos mag-init siya ng gumapang ang daliri nito sa kaliwa niyang dibdib at pinaikot-ikot sa dibdib niya tila gustong makita na mas bumakat iyon. Habang ang isang kamay nito ay bumaba sa pang-upo niya at pinisil-pisil. Pinisil na rin nito ang dibdib niya na parang nagmamasa nang tinapay. Napakapit ang isa niyang kamay sa balikat nito dahil para siyang pangangatugan ng tuhod sa paghaplos nito. Tumingin muli ito sa mukha niya at sa labi niya. Nilapit nito ang mukha sa kanya at kusa naman niyang binuka ang labi upang salubungin ang paghalik nito. Nang maglapat ang labi nila ay agad dumaloy ang pananabik sa kanilang mga halik. Napahawak na siya sa buhok nito at napahaplos ang kamay niya doon. Tinigil nito ang pagpisil sa dibdib niya at pang-upo niya. Hinawakan siya nito sa parehong pang-upo at binuhat kaya kusang pumulupot ang mga binti niya sa bewang nito. Nagsimula na itong lumakad palabas ng walk-in closet habang hindi nila pinuputol ang halik nila. Mas lalong lumalim at halos magsipsipan sila ng labi sa sobrang paghahabol nila ng kanilang mga halik. French kiss to be exact. Naupo sila Drake sa kama habang nakakandong siya habang nakapulupot ang mga binti niya sa bewang nito. Umayos niya upo at hindi niya alam ang lumukob sa kanya basta kusang gumiling ang pang-upo niya-lalo na ng maramdaman ang bumubukol sa loob ng jersey ni Drake na nauupuan nya. Bumitaw sila ng halik habang patuloy sya sa dahan-dahang paggiling. Habang ito ay nakahawak sa pang-upo niya at pinipisil habang ginagabayan siya sa ginagawa niya. Bumaba ang mata nito sa dibdib niya at naramdaman niya ang pag-akat ng isa nitong kamay sa dibdib niya. Pinisil nito iyon at halos masabunutan niya ito habang tinitignan niya ang paghalik nito sa dibdib niya kahit suot pa niya ang sando. Pisil-pisil na nito ang pareho niyang dibdib habang halik-halik. Halos mabasa ng laway nito ang sando niya kaya bakat na bakat na ang dibdib niya. Huminto ito at binaba ang neckline ng sando niya upang lumitaw na mismo ang pareho niyang dibdib. Napadila ito habang nakatingin sa dibdib niya. Tumingin ito sa kanya na namumula na ang mukha at kita niya ang pagnanasa sa mga mata nito. Hawak niya sa mukha ito habang tinitignan ang paghalik muli nito sa dibdib niya na parang bata. Napatingala siya at mas hinapit niya ang mukha nito sa dibdib niya habang gumigiling siya. Iba na ang nararamdaman niya. Masyado na siyang nahahalinan sa mga haplos at halik nito sa buong katawan niya. Para bang kahit ano mang pigil niya ay bibigay parin siya at magugustuhan niya.. Pinahinto na niya ito at nagtataka ito na tumingin sa kanya kung bakit niya pinahinto. Kita niya na bitin na bitin ito pero nginitian niya lang ito ng mapang-akit. Siguro ngayon ay kailangan niya na pabaliwin naman ito sa haplos niya. Hindi pwedeng siya lang. Hinubad niya ang sando nito at pinahiga niya ito habang nakaupo parin siya sa kandungan nito. Napakagat-labi siya dahil halos napakatigas na nang kahandaan nito na nauupuan niya kahit pareho pa silang may short at paloob. Hinubad niya rin ang sando niya at kita niya ang pagkasabik nito sa mga dibdib niya. "Wag kang malikot, honey. Hayaan mong paligayahin kita." mapang-akit niyang sabi na kinalunok nito. Tumunghay siya rito at inumpisahan na halikan ito sa leeg na kinamura nito. Sinipsip niya ang leeg at ang adams apple nito na gumagalaw ng husto sa tindi ng paglunok nito. Bumaba pa ang labi niya sa balikat, dibdib at nagtagal ang halik niya sa n****e nito-dahil pinaglalaruan niya iyon gaya ng ginagawa nito sa dibdib niya. Napapamura sa ungol ito habang hinahalikan niya ang dibdib nito habang haplos-haplos niya ang mga abs nito na kay titigas. Bumaba pa siya at nasa abs na siya nito. Hinalik-halikan niya ang bawat guhit ng abs nito at nang nasa pusod na siya ay dinilaan niya ang pusod nito. Napahawak ito sa buhok niya pero hindi tipong masakit. Tila doon ito kumukuha ng lakas. Nang mapadako siya ng tingin sa jersey short nito ay kita na ang pagkaumbok ng short nito. Humawak siya sa garter ng short nito at dahan-dahan niyang binaba. At nang husto na niyang binaba ay kita niya na handang-handa na ito. Inalis na niya ang short nito sa katawan at hinawakan naman niya ang garter ng brief nito. Hindi niya alam saan siya nakakuha ng lakas ng loob upang magawa niya na tanggalin ang brief nito ng hindi naiilang. Hinawakan niya ang kahabaan nito kinamura nito ng husto. "s**t, Hon!" ungol nito ng mahawakan niya ang kahabaan nito. Napahinto pa siya dahil kakaibang experience iyon.. "Hey! Stop. Hindi mo kailangang gawin ito." sabi nito at inalis ang kamay niya sa kahabaan nito. Pero pinigil niya ito sa pagbangon at tinulak niya muli ito sa pagkakahiga. Hinawakan niya muli at hindi niya alam kung paano magsisimula. "Paano ba ginagawa mo rito?" pulang-pula ang mukha niya nang tanungin niya ito about doon. Hinawakan nito ang kamay niya na nakahawak sa kahandaan nito at ginuide siya kung paano. Kaya naman ng matuto ay siya na mismo ang nagpaligaya rito habang ito ay napapadaing habang nakatingin sa kanya. Napaisip siya sa dating sinabi ng mga liberated niyang mga kaibigan kuno. 'Joe, hindi mo mapapaligaya ang lalaki kung taas-baba ka lang ng kamay. Use your mouth and of course your tongue to lick the men's c*ck. Mas nakakapagbigay sa kanila iyon ng matinding sarap.' gwen said, one of her friends. Kaya naman ay kahit na medyo hindi pa niya alam ay sinunod niya ang sinabi ng mga ito. Ginawa niya pero agad naman siyang pinigil ni Drake at napaupo ito. "Bullshit! Saan mo natutunan 'yan, ha?" sabi nito na tila mangangain na. "Huh? Sinabi ng mga kaibigan ko noong nasa bar kami." sabi niya na kinatiim-bagang nito. "Ginawa mo ba ito sa iba bukod sa akin?" seryosong tanong nito. "Of course not. Ni hindi ko nga alam paano ba gagawin basta sinunod ko lang ang sinabi nila." Depensa niya.. "s**t! 'Wag na 'wag ka nang magpapakita sa mga iyon. Ayoko ng mga tinuturo nila sa'yo." sabi nito kaya ngumiti siya at hinawakan niya ito sa dibdib. Nabigla ito nang itulak niya muli ito pahiga. "Yes, Honey. Pero gusto kong gawin sa'yo kaya 'wag ka nang magalit dahil ikaw din naman makikinabang." mapang-akit niyang sabi at muling ginawa ang naudlot. Pinagpatuloy na niya at lihim siyang napapangiti dahil nasasarapan ito habang nakatingala at nakasabunot sa buhok niya tila hindi na makayanan ang pagpapaligaya niya rito. Pinigil na siya nito tila ayaw nito na dalhin agad sa rurok ng kaligayahan. Inangat siya nito para pagpantayin ang katawan nila at pinagpalit nito ang pwesto nila. Agad nitong inalis ang short at panty niya at pinagparte ang legs niya paangat habang hawak-hawak nito ang magkabila niyang hita. Sumubsob ito sa pagitan ng hita niya at napakagat-labi siya at halos umalon-alon ang tiyan niya sa sensasyon at kiliti hatid ng labi at halik nito. She's wet already. At halos napakalikot niya dahil hindi niya makayanan ang pagpapalasap nito sa kaangkinan niya. Pigil-pigil siya nito sa paggalaw habang wala itong humpay sa ginagawa nito. "Ohhh God!" ungol niya at napakagat siya sa daliri niya habang sabunot niya ang buhok nito upang kumuha doon ng lakas. Para siyang nanghihina at malalagutan ng hininga sa ginagawa nito. "HONEY! I'm coming! Ahh!" ungol niyang sabi at halos mapaangat ang pang-upo niya ng bigla siyang dalhin sa rurok ng kaligayahan. Hingal na hingal siya na tinignan ito nang umangat ito para pagpantayin ang mukha nila. Kusa niyang mas pinagparte ang mga binti para mas lalo pa itong pagbigyan. Pinulupot niya ang binti niya sa pang-upo nito kaya lumapat na ang kahabaan nito sa kanya. Nakatukod ang mga siko nito sa pagitan ng ulo niya habang makatitigan sila. Humawak siya sa bewang nito ng gumalaw ito sa ibabaw niya. Napakagat-labi siya dahil tuwing gagalaw ito ay napapaidtad siya. Huminto ito sa paggalaw at tumingin sa ibaba nila. Napakapit siya ng husto sa bewang nito at napatingala siya. Agad na dumiin ang katawan nito sa kanya kaya halos mapiga niya ang bewang nito at mapaatras siya nang mas pumailalim ito. At isang mariing galaw ay kinaungol nilang pareho. Huminto muna ito at pinatingin siya sa mukha nito. Gusto siyang halikan nito kaya tinugon niya ito. Habang nagpapalitan sila ng halik ay nagsimula na itong magtrabaho. Sumasabay siya at halos magkiskisan ang dibdib nila sa tindi ng bawat galaw nila. Yumakap siya rito habang tinangilid niya ang mukha upang mas mahalikan pa ito. Napapabitaw siya ng halik minsan dahil halos mapanganga siya sa tuwing hindi niya kakayanin ang bawat moves nito. Pero agad nitong hinahabol ang labi niya at susunggaban. . Makalipas siguro ang napakahabang oras ay nakailang beses sila at tila walang kapaguran sa pag-iisa bago siya nakarating sa rurok. Pero ayaw pa rin siyang tantanan nito tila hindi man lang napagod. Antok na antok na siya at nang mapatingin siya sa konting siwang ng kurtina ng bintana ay nakita niya tila mag-u-umaga na. "D-Drake, ayoko na. T-tulog na tayo." ungot niya rito at pinigil niya ito sa dibdib. Masakit na rin kasi ang kaangkinan niya at katulad nung pakiramdam ng makuha nito yung pagka-virgin niya ay ganun ang nararamdaman niya ngayon. Tiyak na latang-lata siya at mamaya ay hindi agad siya tiyak makakabango sa kama. "Sandali nalang, Hon. s**t! I'm not enough. I want you again and again." hinihingal na sabi nito habang mabilis sa paggalaw ito. Napapikit nalang siya at hinayaan nalang niya ito hanggang sa tangayin na siya ng antok. Antok na antok na kasi siya at gusto nalang niyang matulog. - TANGHALI na ng magising siya. Gumalaw siya pero may mabigat na bagay na nakadagan sa kanya. Pagdilat niya ay napahinga siya ng malalim dahil hindi man lang ito umalis sa ibabaw niya. Hinaplos niya ang buhok nito at tinignan ang mukha nito na nakasubsob sa leeg niya. "Drake.." gising niya rito. Umungot lang ito at niyakap siya ng mahigpit. Hindi niya alam kung anong oras sila nakatulog. Pero tila inumaga ito dahil hindi pa ito nakaalis sa ibabaw niya at doon na naabutan ng antok. "Napakahilig mo kasi. Gusto muna bang magkaanak tayo?" sabi niya rito habang hinahaplos ang buhok nito. Tinulak niya ito ng dahan-dahan sa kama upang maalis na ito sa ibabaw niya. Padapa itong nahiga kaya bumangon na siya. Kinumutan niya ang pang-upo nito na makinis dahil kitang-kita ito. Pinalo niya ng mahina dahil masyadong matambok ang pang-upo nito kesa sa kanya. Napailing siya at dahan-dahan na bumangon. Pero napaupo din siya agad dahil nanghihina ang tuhod niya at medyo masakit ang parte ng pagitan ng hita niya. Sabi na niya, e. Sa laki ba naman. Napailing nalang siya at pinulot ang mga damit nila. Dahan-dahan siyang naglakad habang nakahubo't-hubad. Nagtungo muna siya sa walking closet at nilagay sa marumi ang damit nila. Kumuha siya ng towel at lumabas. Nagtungo siya sa banyo para makapag-shower. Nang makababad siya sa bathtub ay parang naginhawahan ang katawan niya. Para siyang binugbog ng sampong beses. Napapangiwi pa siya dahil mahapdi nang mabasa ang kaangkinan niya. Pumikit siya at sumandal bago ninamnam ang tubig. Mabango ang sabon na amoy baby milk powder kaya naman ay enjoy na enjoy na rin siya sa pagbabad. Siguro mga isang oras lang ang tinagal niya ay umahon na siya at nagtungo sa shower para magbanlaw. Nagsabon siya ng buhok at katawan at tsaka siya nagbanlaw muli. Pagkatapos ay nagsuot na siya ng towel at nagsipilyo. Paglabas niya ay napatingin siya sa kama nang makita na bulagta parin si Drake. Napaisip siya kung meron kaya itong pasok? Kaya naman ay nagbihis muna siya ng loose shirt na white at leggings na itim bago lumabas ng walk-in closet. Naupo isya sa kama habang nagpupunas ng buhok. Binuksan niya ang drawer ng side table. Kinuha niya doon ang schedule notebook nito. At nakita niya na meron itong meeting ng hapon kaya naman ay bumaling siya rito. "Drake, gising na. Meron ka palang meeting ngayon." Gising niya rito. Umungot lang ito kaya niyugyog niya ito. "Drake, gising na. Baka ma-late ka pa." gising niyang muli. "Hmm.." ungot lang muli nito. Napabuntong hininga siya dahil antok na antok talaga ito. Binalik nalang niya muli ang schedule nito sa drawer at tumayo na. Tinungo niya ang tukador niya at naupo bago humarap sa salamin. Binuhay niya ang blower at blinower niya ang basa niyang buhok. Pagkatapos ay nagsuklay siya at nagpahid ng beauty cream sa mukha upang maging natural ang kutis ng balat ng mukha niya kahit wala siyang ano mang ilagay na make up. Tumayo na siya at niligpit ang make up kit niya at 'yung pinaggamitang blower. Baka mamaya ay bumisita ulit ang Mom ni Drake at sabihin na marumi ang tukador niya. Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kusina upang ipagluto si Drake. Napangiti siya dahil ngayon ay kahit papaano may natutunan na siya sa tinuro ng Mom ni Drake at kaya na niyang i-apply iyon ngayon. Nagluto siya ng pananghalian nila dahil ang breakfast ay magiging Brunch na.. Nagluto siya ng ginisang gulay na tinuro ng Mom ni Drake bukod sa adobong manok. Nang matapos siya ay tinikman niya at medyo naalat lang ng konti. Napabuntong-hininga siya dahil medyo palpak pa siya. Biglang tumunog ang doorbell nila kaya naman ay agad niyang nilapag ang sandok sa plato at lumabas ng kusina dahil baka Mom muli ni Drake ang nasa labas. Tinignan muna niya ang buong pad at napangiti siya dahil malinis parin kaya walang problema pag nakita nito. Pagbukas niya ay nakangiti siya at handa na sanang batiin ito ngunit nawala ang ngiti niya ng bumungad si Shanelle na nakangiti din pero agad nawala ang ngiti nito ng makita siya. Pinagtaasan siya nito ng kilay at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Tumingin din ito siya sa suot nito na mamahaling dress na isang dark blue na one side strap. At hanggang tuhod ang haba. Tapos naka-high heels din ito ng silver na mga three inches lang ang taas. "Where's Drake? And what are you doing to here?" mataray na tanong nito at walang modo na pumasok. Binangga pa siya sa balikat kaya napaatras siya. Napakuyom siya ng kamay dahil nakaka-bwisit na ang babae. "Hon!" tawag sa kanya ni Drake kaya napalingon siya. Inaantok pa ito habang nakapulupot lang ng towel ang ibabang parte ng katawan nito. Napatingin siya kay Shanelle na pinagnanasahan pa ata ang asawa niya. Kaya agad siyang lumapit kay Drake na napangiti ng makita siya. Nabigla siya ng halikan siya nito at agad na gumapang ang kamay sa dibdib niya. Agad niyang pinigil ito dahil kitang-kita niya ang pagkasama ng mukha ni Shanelle. "Why? Hmm." tanong nito habang inaamoy ang leeg niya. "Tumigil ka. Nakakahiya, may ibang taong nakakakita." mariin niyang bulong rito. "What? Sino naman?" tanong nito at napalingon ito kay Shanelle. "Oh, Shanelle, nandyan ka pala." sabi ni Drake na parang wala lang rito ang presensya nito. "Mamaya ka na magsalita. Magpalit ka nga ng damit." irita niyang utos rito. Humalakhak ito at hinalikan muna siya ng isang beses sa labi bago tumalikod. Nang makapasok ito ay natahimik sila at tumingin siya kay Shanelle na masamang nakatingin sa kanya. "Maupo ka muna. Ikukuha kita ng juice." Sabi niya rito at agad niyang tinungo ang kusina. Pagkatapos niyang magtimpla ay bitbit na niya iyon na nakalagay sa tray kasama ng isang slice ng strawberry cake. Nilapag niya sa harap nito at naupo siya. "Anong kailangan mo kay Drake?" tanong niya pagkaupo niya. Napatawa ito saglit at inilingan siya. "Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Tsaka kung makaasta ka ay akala mo girlfriend ka ni Drake. Baka nga bed warmer ka lang niya. Alam mo naman si Drake, mahilig sa kama." sabi nito. "Para sabihin ko sa'yo--" Natigil ang sasabihin niya ng makita na palabas na si Drake kaya tumigil na siya dahil baka ano pang masabi niya. Ibig niyang sabunutan ang babaeng ito. "Oh! Bakit ang tahimik n'yo?" tanong ni Drake pagkalapit at naupo sa isang sofa. Nakaupo kasi siya sa pang-isahan na sofa, kaya ng balak nitong maupo sa tabi niya ay hindi na natuloy ng makita na pang-isahan lang ang inuupuan niya. Si Shanelle kasi ay nakaupo sa mahabang sofa. Tumayo siya na kinatingin ni Drake sa kanya. "Maghahain lang ako nang makakain ka na." sabi niya rito at hindi na hinintay na magsalita ito at tumalikod na siya sa mga ito. Napabuntong hininga siya dahil grabe ang inis na inipon niya na wag lang patulan si Shanelle. Naghain nalang siya ng pagkain at siguro naman ay kakain ang babaeng iyon ng gulay. Nang makahain na siya ay lumabas na siya para puntahan ang mga ito. "Drake, kain na. Ikaw rin shanelle, halika na." tawag niya sa mga ito. Agad namang tumayo si Drake at naglakad palapit sa kanya. Inakbayan siya nito at inakay na papasok muli ng kusina. "Hmm.. Marunong ka na talagang magluto, Hon." sabi nito kaya napangiti siya. Pinaghila siya ng upuan kaya naupo siya. Pinaghila rin nito si Shanelle na kinangiti ng bruha. Naupo sa gitna si Drake kaya sasandukan niya sana ng maunahan siya ni Shanelle. At tsaka nagsandok ito ng para rito. Napatingin sa kanya si Drake pero wala siyang reaksyon at kunwari ay busy nalang siya sa pagkuha ng kanin para sa kanya. Nagsandok siya ng ulam ng makasandok na ang mga ito. Napatingin siya kay Shanelle ng iluwa nito ang kinaing gulay na niluto niya at binitawan ang kutsara't tinidor. "Ewww! Ang alat naman. God! Pag kinain ko 'yan baka magkasakit pa ako sa bato." komento nito kaya agad niyang tinikman at pati siya ay nailuwa ang gulay. Bakit ng tikman niya ay konting alat lang? Bakit ngayon ay umaalat ata ng sobra? Napatingin siya kay Drake ng isubo ang gulay kaya agad niyang pinigil ito. "Drake, wag mo nang kainin 'yan. Baka magkasakit ka sa bato." pigil niya rito. "It's okay, Hon. Hindi naman masyadong maalat. At alam ko na pinaghirapan mo ito kaya sayang lang kung hindi kakainin." sabi nito kaya naman ay parang natunaw ang puso niya at nawala ang pagkainis niya kay Shanelle dahil sampal sa mukha nito ang sinabi ni Drake. "Hay! Bahala ka, Drake. Magpapa-order ako ng food kesa kainin ito." sabi ni Shanelle at nilait pa ang luto niya. "Okay. You can leave now. Kumain ka labas kesa laitin mo ang luto ng asawa ko." mariing sabi rito ni Drake na kinagulat ni Shanelle. "W-What? She's your wife?" hindi nito makapaniwalang sabi. "Yeah. Anong problema doon?" tugon ni Drake. Hindi makasagot si Shanelle dahil tila napagtanto nito ang mga sinabi sa kanya nito kanina. Tinignan niya ito at nginisian. Ibig niyang belatan kung hindi lang siya magmumukhang bata. Ang Epal kasi! Ayan ang napapala ng bruha. Ibig niyang kiligin sa pagtatanggol sa kanya ni Drake pero pinigil niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD