"GOOD AFTERNOON, SIR!"
"Hi, Sir!"
Kabila-kabila ang bumabati kay Drake habang naglalakad siya papasok ng opisina. Tanging pagtango lamang ang ginawa niya at nagpatuloy sa paglalakad na may seryosong awra na mababakas sa kanyang mukha.
Pagdating sa office niya ay agad siyang pabagsak na naupo sa swilver chair niya at napahilot ng sentido. Hindi niya nais na pumasok at mas gugustuhin na lamang niya na magkulong sa pad niya kasama si Joe.
Napangiti siya dahil kagabi lang ata siya napagod at napuyat ng husto. Hindi niya kasi tinantanan kagabi ang asawa niya. Masyado siyang nahahalina na maangkin ito ng paulit-ulit. Kahit ubos ang enerhiya niya ay para naman siyang lalong lumalakas 'pag kapiling niya ito at kayakap sa kanyang bisig.
"Malalim ang iniisip natin, Dude." napabaling siya ng tingin sa pintuan ng magsalita si Robi at pumasok kasama ng mga kaibigan nila.
Napabuntong-hininga siya dahil tiyak na manggugulo lang ang mga ito sa kanya.
"Tiyak na iniisip lang n'yan ang gabi-gabi niyang pag-angkin sa asawa niya." ngising wika ni Jeff na kinailing niya dahil tama naman ito.
"Yeah right. Sa hilatsa ng ngiti niya tiyak na nag-i-imagine ng scene nila ng asawa niya." tugon ni Daniel.
"Stop talking about my private life. Why are you all here, assholes?" Pigil niya sa mga ito.
"Wala. Nais ka lang namin dalawin at ayain para maka-night out naman. Simula ng mag-asawa ka ay hindi ka na sumasama." Sabi ni Robi.
"No. Pass ako ngayon. Kayo na lang." tugon niya at pinaglaruan ang ballpeng hawak niya.
"f**k you, Dude! Hindi na naman? Sandali lang tayo." pamimilit ng mga ito.
Napahinga ng malalim si Drake dahil hindi talaga siya titigilan ng mga ito 'pag hindi siya pumayag, pero kailangan muna niyang magpaalam.
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Joe. Nag-ring lang ng ilang sandali bago siya napangiti ng sagutin na nito.
"Hello, Hon." bungad niya.
Napatingin siya sa mga kaibigan niya at nakita niya na mga nakangiting pang-asar ang mga ito at napailing.
"Hi, Honey. Bakit ka napatawag?" Sabi nito kaya lalo siyang napangiti dahil na-miss niya agad marinig ang boses nito.
"Itatanong ko lang kung anong ginagawa mo ngayon?" tanong niya na dapat ay hindi iyon ang sasabihin niya.
'Damn dude! Paligoy-ligoy pa ang loko.'
'Takot ata itong magpaalam.'
Bulungan ng mga kaibigan niya kaya tumayo siya at lumakad ng konti palayo sa mga ito. Nakatayo siya sa harap ng malaking glass window ng office niya habang hinihintay ang tugon sa kanya ni Joe.
"Ah, narito ako kela Papa. Bumisita na ako." sabi nito kaya napatango siya. Hinayaan na niyang lumabas-labas ito at hindi naman niya maaari na ikulong lang ito sa bahay, pero may pinasunod naman siyang tauhan rito kaya kampante siya na walang mangyayari rito.
"Ganun ba. I-kamusta mo na lang ako, Hon."
"Oo, nauunawaan naman si Papa kung bakit wala ka." sabi nito kaya napatango-tango siya.
'Dude, sabihin mo na.. Baka mapatayan ka ng hindi nagpapaalam.' Sabi ni Robi na natawa.
"Ano 'yun, Drake? May kasama ka ba?" tanong ni Joe.
"Oo, sila Robi. At Hon, nagyayaya lang ang mga ito na uminom. Baka gabihin lang ako ng konti." paalam niya ng alanganin.
"Okay lang. Basta 'wag masyadong magpapagabi at 'wag marami ang inumin mo baka ma-aksidente ka pa dahil sa kalasingan." Bilin nito kaya napangiti siya.
"Yes, boss." sabi niya kaya natawa ito na lalo niyang kinangiti.
Simula na nagkaayos sila ay parang bumabalik iyong dati na kung ano sila. Nung magkita sila ay halos hindi ito ngumingiti sa kanya. Alam naman niya na dahil sa malupit niyang pagtrato at pagbitaw niya masakit na salita rito.
"Okay. Sige na. . . Bye, Honey." sabi nito.
"Bye, Hon. I love you.." Sabi niya na halos nabulong na lang niya ang huli. Ewan niya kung narinig nito pero tila hindi dahil binaba na nito ang tawag. Napahinga siya ng malalim dahil bigla siyang nahihiya 'pag sinasabi niya iyon. Napailing siya at tsaka humarap sa mga kaibigan niya na mga prenteng nakaupo sa sofa nya.
Lumakad siya palapit sa table niya at naupo muli sa recliner chair niya.
"Ano, dude. Payag ba?" nakangising tanong ni Jeff.
"Yeah.." tugon niya at tumingin sa relo.
It's already three pm at malapit na ang meeting niya sa Herero group of company para mag-invest sa kanya para gawing franchise ang company niya sa ibang bansa. It's a big deal. Kailangan niyang mapa-oo ang CEO ng company ng HGC para mas lumawak pa ang agency company niya. Sa company niya kasi naka-base ang mga company na gustong kumuha ng empleyado na ayos na ang mga background at pwede nang isabak. At gusto niya na mag-expand pa ang company niya sa ibang bansa para kahit ang ibang bansa ay kumuha sa kanya na maaaring maging empleyado.
"Hintayin niyo na lang ako. Meron akong meeting sa CEO ng HGC." sabi niya sa mga kaibigan at tumayo.. Sinuot niya ang coat ng tuxedo niya at inayos.
"CEO Herera Group of company? Kilala mo na ba ang CEO, Dude?" tanong ni Ian na mas matino sa tatlo niyang kaibigan.
"Nope. Ngayon ko lang mami-meet. Why?" tugon niya.
"Wala. Nakakapagtaka na gustong makipagkita sa 'yo ng CEO ng HGC. Masyado din kasing pribado ang CEO na 'yon." tugon nito.
"Well, it's a good move for me. He wants to meet me in person and I think he want me to be his partner in business." sabi niya.
"How about the CEO of HGC is a girl? Ayos lang ba sa 'yo iyon?" pang-asar na sabi ni Jeff.
"It's okay. Business is Business." Tugon niya.
"Remember, Dude. Makakasama mo iyon palagi at baka 'pag nalaman ng misis mo ay magselos iyon." paniniguro sa kanya ni Robi.
"What? Bakit naman magseselos si Joe ng dahil doon? Tsaka wala naman akong gagawin para pagselosin siya. I'm very loyal to her and there's no reason to be jealous because I'll never ever cheat her." sabi niya at binitbit na ang business bag niya na naglalaman ng contract at ilang papeles niya para papirmahin ang HGC sa kanya.
Iniwan na niya ang mga ito at lumabas na ng company niya. Sa isang fine dinning restaurant sila magmi-meet gaya ng napagkasunduan. Sana naman ay agad na pumayag ito.
Pagdating sa sofitel restaurant kung saan sila magmi-meet, pumasok siya at nilibot ang tingin. May lumapit na waitres sa kanya ng makita siya.
"Yes, Sir? Table for what?" tanong nito.
"I have a reservation with Herera Group." sabi niya na kinatango nito.
"This way please.." sabi nito kaya sumunod siya.
Sa tabi ng bintana naka-reserve ang table nila. Nilapag niya sa tabing upuan ang bag at nilibot ang tingin. Tumingin siya sa oras at sakto lang ang dating niya sa oras na napag-usapang nila, pero wala pa ito.
Tumingin siya sa labas ng bintana ng biglang umulan. Mabuti at nakarating siya bago umulan.
"Hi." bati mula sa gilid niya kaya napalingon siya. Saglit siyang hindi nakaimik dahil bumungad lang naman sa kanya ang magandang babae. At super hot nito sa suot nitong pulang dress na kita ang clevage nito. Mapula ang labi dahil sa makapal na lipstick. And she has a brown eyes with long eye lashes. And her nose is a pointed. Her hair is short above her shoulder. "I'm Patricia Herera; CEO of HGC." pakilala nito at naglahad ng kamay. Agad siyang tumayo habang hindi matanggal ang tingin niya rito. Kinuha niya ang kamay nito na napakalambot.
"I'm Drake Ford." pakilala niya sa sarili at binitawan na ang kamay nito. Umalis siya ng upuan niya at pinaghila niya ito ng upuan.
"Thanks." pasalamat nito ng makaupo ito.
Naupo na rin siya at hindi niya maiwasan na mapatingin sa legs nito ng mag-cross legs ito. Mahaba at makinis ang legs nito. At tingin niya ay malambot ang balat nito.
Napailing siya dahil bakit tila siya naaakit. May asawa na siya at dito lang siya maaakit.
"Let's order first, before we discuss about my investment to you." mabining bigkas nito kaya tumango siya at tumawag ng waiter. Agad silang inabutan ng menu at tumingin siya sa menu.
Napatingin siya sa paa niya ng masanggi ni Patricia ang paa niya. Pero tila wala naman ito sa babae dahil patuloy lang ito sa pagtingin sa menu. Nilayo na lang niya ang paa dahil baka ano pa ang masanggi nito.
Sinabi niya ang order niya at binigay ang menu at ganun din si Patricia. Tumingin sa kanya ito at nagpalumbaba kaya mas kita niya ang clevage nito na kinawala niya sa concentration.
"Narinig ko na ang apelyido niyo sa Papa ko. At sabi nga ni Papa ay magaling at mapagkakatiwalaan daw ang mga ford. Kaya nga nagka-interest ako na alamin kung totoo nga." sabi nito.
"Well it's true, Ms. Herera. We are true to our words. Kailanman ay wala kaming niloko." sabi niya rito.
"Kung gano'n ay maganda.. Magkakasundo tayo," sabi nito at umayos ng upo. "pero matanong ko lang.. May girlfriend ka na ba? Sa kagaya mo kasi na walang tapon kabigin, tingin ko ay kahit sinong babae ay makikipagpatayan na makuha ka." tanong nito at tumitig sa mga mata niya. Napaayos siya ng upo dahil gumapang ang paa nito sa paa niya at hinaplos.
"Meron na akong asawa at wala akong balak na pagtaksilan siya para sa ibang babae." sabi niya at nilalayo ang paa.
Ngumiti ito ng mapang-akit sa naging reaksyon niya.
"Wala naman akong sinabi na magtataksil ka. Tinatanong ko lang kung may girlfriend ka na ba," sabi nito na kinahiya niya. Oo nga. Pero double meaning 'yung sinabi nito. Tila kasi siya inaakit nito. "anyway, kung may asawa ka na, where's your ring?" pagpapatuloy nito.
Napatingin siya sa kamay niya.. Wala nga pala silang wedding ring ni Joe. Actually meron siya, pero gusto niyang ibigay iyon oras na mag-propose siya at gusto niya na sa simbahan ito pakasalan.
Dumating ang waiter dala ang pagkain nila na pinapasalamat niya. Hindi niya pwedeng sabihin na naging civil lang ang kasal nila..
"Let's eat." aniya at hindi na pinansin ang ngiti nito na tila may halong pang-aasar.
Hindi siya makakain ng maayos dahil bigla siyang napatingin sa dibdib nito na natapunan ng sauce ng steak..
"'Yung.. 'Yung." sabi niya rito at tinuro niya ang dibdib nito.
"Huh?" naguguluhan nitong ani o nagpapanggap lang.
Kumuha siya ng tissue at inabot rito.
"Natapunan ka ng sauce sa dibdib mo." sabi niya at tumingin na lang muli sa pagkain niya.
"Oh, my bad! Hindi ko napansin." sabi nito kaya tumango na lang siya at uminom ng tubig.
Inubos na lang niya ang pagkain niya agad at nang matapos sila ay nag-concentrate na lang siya sa deal nila. Gusto na niyang tapusin dahil tila may dala itong balakid para magtaksil siya sa asawa niya, at iyon ang hindi niya hahayaang mangyari.
Nagkasundo sila at agad itong pumirma. Napatingin siya sa labas at nakita niya na medyo padilim na at malakas ang ulan. Tumingin siya sa oras at alas singko na pala. Natagal ang meeting nila ng hindi niya namamalayan.
"Tila may bagyo pa ata. Wala pa naman akong dalang car." sabi nito kaya napalingon siya sa babae.
"Huh? Pero paano ka nakapunta rito?" Tanong niya.
"Sumabay lang ako kay Dad patungo rito. At nag-text ako sa driver namin at ang sabi ay hindi daw makakaalis ang sasakyan dahil masyado daw mataas na ang tubig at hindi rin daw makakaalis ang sasakyan dahil malakas ang ulan." sabi nito.
Iniisip niya kung baha ay paano siya makakaalis? Kinapa niya ang cellphone at halos mapamura siya ng maalala na naiwan niya sa table niya sa office ang cellphone niya. Tiyak na tatawag si Joe at baka mag-alala iyon.
"Bakit?" usisa sa kanya ni Patricia.
"Wala, naiwan ko lang ang cellphone ko." sabi niya.
"Use my phone. May pantawag naman ako." sabi nito na inilingan niya.
"Hindi na.. Siguro naman ay titila ang ulan." aniya.
"Okay, ikaw ang bahala. Pero nilalamig na kasi ako. Pwede ba na mag-check in muna tayo?"
"Huh?" tila ata nabinggi siya sa sinabi nito.
"Ano ka ba. Magche-check in lang tayo dahil masyado akong hawain ng sakit 'pag nilalamig.." nakangiti nitong sabi at tumayo. "Tara na. Giniginaw na talaga ako." aya nito at hinawakan siya sa kamay.
Nag-iwan ito ng pera at hinatak siya. Nagpatanggay siya dahil masyado itong nakahawak sa kanya. Napansin niya na backless pala ang suot nito kaya siguro nilalamig.
"Wait." pigil niya at hinubad ang coat niya. "Wear this, para hindi ka lamigin." sabi pa niya.
"Naku, salamat. Nanginginig na nga ako at tiyak na maiinitan na ako dahil sa 'yo ito galing." sabi nito na tila may kahulugan pa ang sinabi nito.
Hindi na lang niya pinansin at tinungo nila ng hotel ng sofitel. Magpo-protesta sana siya kung bakit isang room lang, pero sabi nito ay saglit lang naman sila kaya bakit dalawa pa raw. May point naman ito.
Pagpasok nila ay agad itong naupo sa kama at nagkumot. Habang siya ay tumanaw sa bintana. Malakas parin ang ulan at kinakabahan siya ng hindi niya mawari.
"Ouch!" Napalingon siya kay Patricia ng umaray ito. Agad siyang lumapit ng makita niya na nasasaktan ito habang nakahawak sa paa nito.
"Bakit?" tanong niya.
"Pinulikat ata ang paa ko." sabi nito kaya agad siyang lumuhod at hinawakan ang binti nito. Hindi siya makatingin ng maaayos dahil harap-harapan niyang nakikita ang panty nito na itim.
"'Yan.. Sige.. D'yan nga." sabi nito.
"Okay na ba?" tanong niya at tumingin rito.
Nagulat siya ng hawakan siya nito sa batok at halikan sa labi. Hinatak siya nito sa kama at pinahiga. Hindi siya agad nakahuma sa pagkabigla. Nasa ibabaw niya ito habang hinahalikan siya. Bigla siyang nag-init at napahawak siya sa bewang nito. Nakikita niya si Joe kaya hindi niya mapigilan na tumugon.
"Drake, help me!"
Bigla niyang naitulak si Patricia na kinaalis nito sa ibabaw niya. Naupo siya at biglang kinabahan ng marinig ang tinig ng asawa niya.
"Why?" tanong nito at naupo sa kandungan niya. "Hindi mo ba nagustuhan?" tanong nito na may pang-aakit.
Inalis niya ito sa kandungan niya at tumayo siya.
"Pasensya na pero hindi mo dapat ako hinalikan." Malamig niyang anas.
"Tumugon ka naman at alam ko na kanina mo pa pinagnanasahan ang katawan ko." sabi nito.
"Dahil ang asawa ko ang nakikita ko nang halikan mo ako. And look to your dress, you look like a slut and ready to f*ck!" bulyaw niya rito.
Nagagalit siya dahil isang pagtataksil ang nagawa niya.
"Hindi ko na kasalanan iyon kung naakit ka. Ikaw na ang may sabi na mukha akong slut pero tila gusto mo naman na makipa-s*x. Wanna try?" pang-asar nito.
"Hindi rin. Dahil ang asawa ko lang gusto ko. Walang sino mang lalake na hindi ka mamanyakin kung ganyan ka magsuot. Halos ipakita mo ang dibdib at panty mo. Remember this: I don't want to see your face. At pinuputol ko na kung ano mang deal natin." banta niya rito.
"Bakit mo puputulin dahil nagtaksil ka, huh?" sabi nito at tumayo. "Nagkapirmahan na tayo, Mr. Ford. At hindi mo maaaring putulin ang ugnayan natin." sabi nito at lumapit sa kanya at humawak sa dibdib niya.
Hinawakan niya ito sa kamay ng mariin at malamig na tinignan ito.
"Wala pang bisa ang contract dahil nasa akin pa at wala ka pang kopya. Remember: isang pagkakasundo palang iyon at wala pang perang involve. Kaya 'pag sinabi kong wala nang bisa, wala na." malamig niyang sabi at binitawan ang kamay nito.
Tinalikuran niya ito at kinuha niya ang bag sa sofa. Agad siyang lumabas ng room habang inaayos ang suot niyang damit na nagusot. Pinahid niya ang labi dahil tila nag-iwan pa ng marka ng lipstick sa kanya si Patricia. Panay ang mura niya sa sarili dahil muntik na siyang matanggay sa tukso. Kung hindi pa niya narinig ang boses ni Joe na humihingi ng tulong ay baka ano na ang kahantungan nila ni Patricia.
Pero ang lubos niyang kinakaba ay kung bakit nanghihingi ng tulong sa kanya si Joe? Nahihibang lang ba siya?
Agad siyang lumabas ng hotel kahit malakas ang buhos ng ulan. Tinungo niya ang sasakyan sa parking lot at basang-basa siya na sumakay. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan upang magtungo sa bahay ng Papa nito.
Mga ilang oras rin ang tinanggal ng huminto siya sa harap ng bahay ng Papa nito. Bumusina siya at agad na may lumabas na katulong.
Binaba niya ang bintana upang makilala siya. Agad nitong binuksan ang gate at nang mabuksan ay pinapasok siya.
Pagbaba niya ay sinalubong siya nito ng payong at sumilong sila ng makalapit sa main door ng bahay ng byenan niya.
"Si Joe? Nand'yan pa ba?" tanong niya sa katulong.
"Oh, Drake Hijo? Bakit ka napasugod?" pukaw sa kanya ni Tita Edith ni Joe. Tulak-tulak nito ang wheelchair ng Papa ni Joe.
Agad siyang lumapit at bumeso sa Tita ni Joe at nagmano sa Papa na rin niya.
"Si Joe po. Susunduin ko po sana." sabi niya na hindi naman iyon dapat ang itatanong niya.
"Pero kanina pa umalis si Joe rito. Sabi niya ay may pupuntahan lang siya.. Naiwan niya nga iyong address." sabi nito na kinakaba niya.
"Pwede ko po bang mahingi ang address?" sabi niya.
Pakiramdam niya ay tila may nangyaring hindi maganda sa asawa niya na 'wag naman sana.
Binigay agad ni Edith ang card na sinasabi nito. At nakita niya na isang agency ng modeling. At halos malukot niya ang card dahil isang illegal modeling agency ang pinuntahan ng asawa niya. Agad siyang nagpaalam at mabilis na sumakay ng sasakyan. Halos mapamura siya at manginig sa kaba dahil hindi niya mapapatawad ang nag-alok sa asawa niya ng modeling oras na may mangyari rito.
Wala siyang pakialam kung sobrang bilis ng takbo ng sasakyan niya at halos singitan niya ang mga sasakyan. Kailangan niyang makarating agad kay Joe.
Hindi niya maisip kung bakit pa nito pinatulan iyon. Sinabi na niya hindi niya nais na magtrabaho ito. Tila nagkamali siya ng bigyan niya ito ng kalayaan.
Pagdating sa address na tinutukoy sa card ay sa isang building na nakalagay ay 'Nude and Sexy Studio' ang pangalan na nakalagay. Pero ang nakalagay lang sa card ay N&S Studio kaya hindi naghinala ang asawa niya. Bago bumaba ay kinuha niya ang baril sa tool box sa gilid niya. Tinanggal niya ang pag-tuck-in ng polo niya at sinuksok ang baril sa slacks niya. Bumaba siya agad at pumasok.
Walang bantay kaya nakapasok siya. Binuksan niya ang bawat pinto na makita niya. Pero hindi niya makita si Joe doon sa bawat pinto.
"'Wag! 'Wag! Tulong! Bitawan niyo ako! Drake!!" sigaw at umiiyak na si Joe na nanggaling sa pinakahuling pinto.
Agad niyang tinakbo iyon at pinihit ang pinto pero naka-lock. Galit na tinadyakan niya ang pinto kaya nasira at bumagsak agad ito. At pagtingin niya sa loob ay nakita niya na hawak-hawak ng tatlong lalaki ang asawa niya habang suot ang sexy na damit na parang isang kuneho dahil sa suot nitong headband.
Inilang hakbang niya ang mga ito at agad niyang hinawakan sa kwelyo at sinapak. Tinadyakan niya ang susugod sana sa kanya pero natumba ito sa lakas ng sipa niya na kinawala nito ng malay. Binugbog niya lahat ng lalakeng nakita niya na nasa loob.
"F*ck you!" nanggagalaiti niyang sigaw sa galit at sinikmuraan ang isa na nakita niya na balak hawakan ang legs ni Joe. Nilabas niya ang baril at tinutok sa cameraman na nagbi-video kanina sa asawa niya. "Akin na ng camera mo!" maawtoridad niyang utos rito. Agad itong lumapit at inabot ang camera. Pinukpok niya ito ng baril sa batok kaya nawalan ito ng malay. Tinanggal niya ang memory card sa camera at pinutol niya. Napatingin siya sa isa na tila nag-aayos ng mga damit ng mabibiktima nila.
"Tumawag ka ng pulis ngayon na!" bulyaw niya rito.
Takot na nagmadaling kinuha nito ang cellphone at tumawag. Tumingin siya sa asawa niya na umiiyak habang yakap-yakap ang sarili. Lumapit siya sa damitan at kinuha ang nakita niyang jacket at lumapit siya kay Joe. Sinuot niya rito ang jacket na walang ka-emo-emosyon at binuhat ito. Sumubsob ang mukha nito sa dibdib niya habang umiiyak.
"Lagi mo na lang akong pinagagalit." sabi niya rito.