PAGLABAS NI JOE sa banyo dahil nagbihis siya ng pantulog. Napatingin siya kay Drake na may binabasang aklat. Napatingin ito sa kanya tila napukaw ang pansin nito dahil sa pagsara niya ng pinto. Binalik muli nito ang paningin sa libro na kinalungkot niya. Alam niya na galit parin ito sa ginawa niya. Nang dahil sa katangahan niya ay muntik na siyang reypin ng mga hayop na lalake. Akala niya talaga ay legal na modeling agency iyon. 'Yun pala ay mga illegal na recruiters at ang mga babaeng nabibiktima nila ay pinagsusuot ng sexy na damit upang kuhanan ng litrato at ibebenta sa mga parakyano. Hindi niya talaga alam ang gagawin kung hindi dumating si Drake. Mabuti nalang at naiwan niya yung card.
At ang nangyari doon sa photographer na nag-alok sa kanya at sa ibang kasama nito ay pinakulong ni Drake.. Halos magka-trauma siya at hanggang ngayon kinikilabutan pa siya.
Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa kama. Naupo siya at tumingin kay Drake. Tutok na tutok lang ito sa libro at tila wala talagang balak na pansinin siya nito.. Kinuha niya ang unan niya at tumayo. Aalis na sana siya ng pigilan siya nito sa braso kaya napatingin siya rito.
"Where are you going?" tanong nito.
"Doon nalang ako sa sofa matutulog." mahinang sabi niya at napayuko.
"Tsk." asik nito at hinatak siya. Naupo siyang muli sa kama habang magkaharap sila. "Bakit naman doon ka pa matutulog?" tanong nito.
Napanguso siya at inirapan ito.
"Hindi mo naman kasi ako pinapansin. Tapos parang galit pa." sabi niya rito. Hinawakan siya nito sa baba at pinatingin sa mukha nito.
"Nagagalit lang ako dahil hindi ka nagsasabi kung may gusto kang puntahan. Tapos hindi mo man lang inaalam kung safe ba yung pupuntahan mo bago ka tumuloy. Tignan mo ang nangyari. Mabuti nalang at naiwan mo ang card kung hindi ay baka ano na ang nagawa sayo ng mga iyon." seryosong sabi nito.
Hinawakan niya ang kamay nito at inalis sa mukha niya. Napayuko siya habang nakatingin sa kamay nito na hawak niya.
"Alam ko naman 'yun. Gusto ko lang kasi subukan na magkatrabaho para hindi naman ako umaasa sa'yo." sabi niya rito.
"Bakit ayaw mo ba na dito ka lang at ako ang trabahuin mo. Pagod ka pa nga.." birong sabi nito kaya hinampas niya ito sa braso na kinahalakhak nito.
"Nakakainis ka! Seryoso ang usapan, tapos magbibiro ka pa." sabi niya rito.
Pinigil siya nito sa paghampas at hinatak siya palapit rito. Nahiga ito at inaya siya na mahiga. Inunan niya ang braso nito at yumakap siya sa bewang nito.
"Totoo naman kasi ang sinabi ko. Ayaw mo ba na dito ka lang at ako lang ang aasikasuhin mo. Hindi naman kita ginugutom dahil sobra-sobra pa nga." sabi nito.
"Kasi naman nakakabagot din ang mag-isa rito. Tapos wala namang paglilibangan. Gusto ko rin naman na may iba pang ginagawa." tugon niya.
"Hmmm.. Sabagay." Ani nito at tila may iniisip. Tumingin siya rito at pinatong ang baba niya sa dibdib nito. "May naisip ako para hindi ka na mabagot at para hindi muna maisip na ulitin pa ang ginawa mo." pagpapatuloy nito.
Bumangon siya at nag-indian seat paharap rito.
"Ano naman 'yun?" tanong niya.
"Kung sumama ka nalang sa office ko. Atleast doon mababantay kita." sabi nito kaya pinisil niya ang ilong nito na kinatawa nito.
"Anong ako? Baka ikaw. Sige, sasama na ako sa office mo. At babantayan kita baka may umaahas na sa'yo doon." sabi niya rito.
Naupo din ito at napatili siya ng bigla siyang kilitiin nito.
"Nagseselos ang asawa ko." pang-aasar nito at patuloy na kinikiliti siya. Tawa siya ng tawa habang pilit pinapatigil ito.
"Ano ba! A-Ayoko na!" natatawang pigil niya rito pero hindi parin ito tumigil.
"Tama na! D-Drake!" napahinga siya ng malalim ng huminto ito. Sinapak niya ang tiyan nito na kinatawa nito.
"Nakakainis ka. Sumakit ang tiyan ko kakatawa." sabi niya muli rito habang hinihingal.
"Pinapatawa lang kita. Ano, sa makalawa ay sasama ka na?" tanong nito.
"Huh? Bakit sa makalawa pa? Wala ka bang pasok bukas?" balik niyang tanong rito.
Nahiga ito at hinatak siya nito pahiga. Pareho silang nakatagilid habang magkaharap.
"Hindi muna ako papasok dahil gusto kong maka-date ka. Valentines na sa susunod na araw at gusto ko bukas palang ay umpisahan na natin. Saan mo ba gustong pumunta?"
Napaisip naman siya at biglang napangiti.
"Alam ko na. Gusto kong makita ang lugar kung saan nakatira ang pamilya mo. Doon nalang tayo magpunta." excited niyang sabi rito kinailing at ngiti nito. Umayos ito ng higa at niyakap siya. Yumakap naman siya sa bewang nito at sa bintana siya napatingin.
"Okay. Tutal ay gusto ni My na makapunta ka doon. Tiyak na matutuwa iyon pag nalaman no'n." sabi nito kaya napangiti siya.
"Excited na ako." aniya at pumikit.
"Halata nga." sabi nito at naramdaman niya na hinalikan siya nito sa ulo.
Nagpapasalamat siya at nawala na ang galit nito sa ginawa niya. Napakalaki ng kasalanan niya rito at ni minsan ay hindi man lang siya makabawi. Pero babawi siya rito. Magiging mabuti siyang asawa rito. At gusto niya na maramdaman nito kung gaano niya kamahal ito tulad ng pinaparamdaman nito sa kanya. Kahit hindi man nito sabihin kung gaano siya nito kamahal ay nararamdaman niya iyon dahil sa ipinapakita nito. Totoo nga yung kasabihan na 'Action speaks louder than words' kaya mas nakakakilig sa tuwing pinapakita nito ang pagmamahal nito kesa sa sasabihin lang.
PUMIKIT siya at dinipa ang mga kamay habang dinadama ang sarap ng hangin na tumatama sa kanya. Nililipad ang buhok niya at ang floral dress na suot niya. Dinig niya ang lagusgos ng tubig at ang mga huni ng ibon na nasa himpapawid.
"You like it, Hon?" tanong ni Drake sa kanya kaya nadilat siya at binaba ang kamay. Napangiti siya at napahawak sa kamay nito na pumulupot sa bewang niya. Lumingon siya rito at napakagwapo nito sa suot na yellow green polo at board short na puti. Nakasumbrero ito na pang-summer na puti na lalong kinakitaan ng karangyaan nito. Habang ang rayban shades nitong itim ay nakasabit sa polo nito.
"Super. Nasa dagat palang tayo pero napakaganda na agad ng nakikita ko." tugon niya rito at sumandal siya sa dibdib nito. Nasa riles sila habang nakatayo na nakatanaw sa karagatang asul na asul.
"At tinitiyak ko sa'yo na mas magagandahan ka oras na nasa amin na tayo." sabi nito kaya bumaling siya rito.
Nagkatinginan sila at ngumuso siya upang tanggapin ang paghalik nito. Bumitaw sila at hinaplos niya ang pisngi nito habang pareho silang nakangiti. Tumanaw sila muli sa dagat na kita ang pagkislap dahil sa pagtama ng araw. Hinawi ni Drake ang buhok niya at nilagay sa kabila. Pinatong nito ang baba at napapaiwas siya ng halik-halikan nito ng leeg niya.
"Ano ba! Nakakahiya baka makita tayo ni manong." pigil niya at tinapak ang bibig nito upang tumigil sa paghalik. Hinarap siya nito kaya napasandal siya sa riles. Nakahawak ito sa bewang niya kaya napahawak siya sa magkabilang balikat nito.
"Wala akong pakialam kung makita niya tayo. Hahalikan kita kahit sa harap pa ng maraming tao. Gano'n kita kamahal." sabi nito na halos magpalundag ng puso niya dahil sa biglang pagkabog dahil sa sinabi nito.
"M-Mahal mo ako?" nangingiti at alanganin niyang paniniguro kung tama ba ang nadinig nya.
"Oo naman. Mahal na mahal." seryosong sabi nito at inipit ang buhok niya sa tenga niya para hindi sumabog sa mukha niya. "At alam ko na hindi ko nasasabi iyon sa'yo. Pero pinapakita ko naman iyon sa mga kilos ko. Hindi mo ba ramdam, hmm?" pagpapatuloy nito at malambing siyang tinanong.
"Oo naman. Nararamdaman ko iyon kaya nga hindi ko na tinatanong sa'yo. At alam mo na mahal na mahal din kita noon pa man hanggang mapa-hanggang ngayon." sabi niya rito na kinangiti nito.
"Really? Pero bakit dati nung makipag-break ka ay sabi mo hindi muna ako mahal at may iba kang mahal."
Tumingkayad siya at hinalikan niya ito sa ilong. Tumingin siya muli sa mata nito pagkatapos.
"Hindi naman totoo iyon. Sinabi ko lang iyon kasi.."
"Kasi?" Tanong nito at tila nabitin.
"Hindi wala! Wala! Basta hindi totoo na may iba ako. Kasi, hindi talaga ako nagmahal ng iba bukod sa'yo. Ikaw lang ang minahal ko." sabi niya rito. Napatawa siya ng buhatin siya nito at napahampas siya sa balikat nito dahil baka mahulog siya. Inikot siya nito ng ilang beses at huminto. Nakatingala ito habang siya ay nakatingin sa mukha nito.
"Hindi mo alam kung gaano natanggal ang balakid sa puso ko ng sabihin mo na wala kang ibang minahal kundi ako lang." tuwang-tuwang sabi nito kaya napangiti siya.
"Ibaba mo nga ako." sabi niya rito. Binaba naman siya nito pero nakahawak parin ito sa bewang niya. Hinawakan niya ang mukha nito at hinaplos.
"Walang sino man ang papalit sa'yo sa puso ko. Remember that. You will always in my heart at sana ay ikaw rin." sabi niya rito.
"Don't dare me. Mas mahal kita at ikaw lang ang laman ng puso ko. Kahit dukutin mo pa." sabi nito at bumitaw saglit sa bewang niya at binuksan ang polo nito upang ipakita lang ang dibdib nito. Pinalo niya ito at napailing na napapangiti siya habang ito ay ngumingiti rin.
"Oo na. Mahal na natin ang isa't-isa. At pangako hindi ako papayag na makuha ka ng kung sino man." sabi niya rito.
"Sabi mo 'yan, ha?" Paniniguro nito kaya tumango siya. Ngumiti muli ito at niyakap siya. "God. Gusto kong makita kung gaano ka ka-possessive sa akin. Parang nakakakilig pag ikaw." sabi pa nito.
"Ewan ko sa'yo." sabi niya rito at muling humarap sa karagatan.
PAGKATAPOS nilang mag-yatch ay sumakay pa muna sila Chopper na pagmamay-ari ng pamilya nito. Sabi sa kanya ni Drake ay meron daw ang pamilya ng mga ito na apat na chopper. Seriously? Apat talaga na halos magpanganga sa kanya. Ang mahal ng bawat isang chopper. Sila nga wala, tapos ang mga ford ay may apat na chopper. At sabi baka daw magdagdag pa daw kasi mas dumadami raw ang pamilya nila.
Nasa himpapawid palang sila ay kita na ang ganda ng isla na sinasabi ni Drake sa kanya na pagmamay-ari pa daw iyon ng magulang nito. Ang laki ng isla at kita niya kung gaano kalihis.. Ang dagat ay asul na asul at tingin niya ay puting-puti rin ang mga buhangin. Meron ding mga establisyamento na nakatayo. At ang nakatawag pansin sa paningin nya ay ang malaking trendmark ng isla. 'BF Island' ang nakalagay.
"Anong ibig sabihin nung BF?" tanong niya kay Drake.
"It's Beatrice Ford. Pinangalan ni Dy kay My ang isla bilang regalo rito." tugon nito na kinamangha niya.
Napaka-sweet at mapagmahal pala ng sobra ng Daddy nito sa Mommy nito.
"Ang sweet ng Daddy mo. Talagang mahal na mahal niya ang Mommy mo dahil pinangalan pa nito ang isla sa pangalan niya." sabi niya rito at humilig sa dibdib nito.
Humawak siya sa kamay nito ng umakbay ito sa kanya. Pinagsiklop nila ang kamay habang nakatingin sila sa isla.
"Yeah. Si Dad kaya ang iniidolo naming magkakapatid pagdating sa pagpapakilig sa babaeng mahal namin." sabi nito sa kanya kaya umalis siya sa pagkakasandal rito at hinarap ito.
"At sino naman ang babaeng mahal mo na pinapakilig mo, ha?" naniningkit ang matang paniniguro niya rito. Ngumiti ito at pinisil nito ang pisngi niya kaya napanguso siya.
"Tinatanong pa ba 'yan?" sabi nito at hinatak siya kaya napasubsob siya sa dibdib nito. Yumakap siya sa bewang nito at ngumiti dahil sa sinabi nito. "Syempre ikaw ang babaeng mahal ko. Bakit, hindi ka ba kinikilig sa akin?"
"Kinikilig." tugon niya rito at tumingala siya rito.
Napangiti ito at pinisil siya sa ilong niya.
"Good answer." ani nito.
"Sir Drake, pababa na po tayo." anunsyo ng assistant nung nagmamaneho na piloto.
"Okay. Sa rooftop nalang ng bahay nila Mom." tugon ni Drake rito.
Umalis siya sa pagkakayakap kay Drake at sumilip siya sa bintana ng chopper. May nakita siyang bahay na kitang-kita rito ang lawak at haba ng bahay. All white na para sa kanya ay isang mansyon sa tabi ng dagat.
Bumaba na ang chopper na sinasakyan nila sa rooftop. At nang huminto na ay bumukas na ang pinto.
"Ako muna, Hon." sabi sa kanya ni Drake na naunang bumaba.
Naglahad ito ng kamay kaya inabot niya. Binuhat siya pababa at inakay siya palayo sa chopper para hindi tumama ang hangin sa kanila, lalo na at nakapalda pa siya.
"Sige. Salamat, George." sabi ni Drake sa piloto na tumango at pinaandar na paalis ang chopper sa rooftop. Inayos niya ang buhok niya dahil parang nagulo sa lakas ng hangin. "Let's go, Hon. Tiyak na magugulat sila Mom oras na makita tayo." Aya nito kaya ngumiti siya at tumango.
Tinulungan siya nitong ayusin ang buhok niya bago siya hinawakan sa bewang at inakay na para bumaba sa hagdan.
Tumingin siya sa baba at tingin niya parang ito yung pinakalikod ng bahay. Kita niya rin ang mga nakaparadang mga kotse na iba-iba ang brand na puro mamahalin. Meron ring playground sa paligid at pinakagarden.
Pagbaba nila ay nakita nila si Benj na naglalaro ng kotse-kotsehang laruan nito habang nakaupo sa pinto.
"Baby Bro!" tawag ni Drake rito.
Napaangat ito ng tingin at tuwang-tuwa na tumayo nang makita sila. Tumakbo ito at nabigla siya ng yumakap ito sa legs niya.
"Hey! Hey! Imbes na ako ang yakapin mo, mas gusto mo pang yakapin ang Ate Joe mo." sabi ni Drake rito at binuhat.
"I don't want! Let me go!" sagot naman nito at pilit kumakawala sa Kuya nito. Natawa si Joe dahil ang cute ng dalawa.
"Baby, come here." tawag niya rito.
Agad itong nagpakuha sa kanya kaya kinilik niya. Kumapit ito sa leeg niya at kiniss siya sa pisngi na kinagulat niya.
"Gusto mo maging girlfriend ko?" Inosenteng tanong nito..
Nagkatinginan sila ni Drake at sabay na natawa. Ginulo ni Drake ang buhok nito.
"Ikaw talaga. Bakit sabi mo noon si Ate Nestle mo ang girlfriend mo?" tanong nito sa kapatid.
"Inagaw siya ni Kuya sa akin, kaya siya na ang bagong girlfriend ko." sabi nito at bumaling sa kanya.
Pinisil niya ang pisngi nito dahil napaka-cute nito lalo na pag nagsalita. Ang gwapong bata pa.
"No, No, No, Baby bro. She's my wife.. Find your own girlfriend, okay." pagpatol ni Drake rito at inagaw na sa kanya. "Tell me, where's Mom and Dad?" tanong nito sa kapatid.
Napaisip ito at tila inaalala pa kung nasaan ang parents nito.
"Sabi ni Dad ay bibigyan nila ako ng playmate pag behave lang ako rito.." sabi nito at tinuro ang kinauupuan nito kanina.
"Si Dad talaga, oh. Kaya ka pala naiwan mag-isa rito. Pero nasaan ang Ate Bettina mo?" sabi ni Drake rito habang buhat-buhat na ito habang papasok sila.
Napapangiti siya dahil napaka-cute tignan kung paano magturingan ang magkapatid. Naiingit siya dahil wala naman siyang kapatid. Naiintriga tuloy siya kung ilan ba ang kapatid ni Drake? Nakalimutan niyang itanong iyon. Basta ang alam niya na mga kapatid nito ay si Bettina, Benj, yung isang kapatid nitong lalake na hindi pa niya alam ang pangalan.
"Si Ate Bettina lumayas." sabi nito.
"Baby, anong lumayas?" Tanong rito ni Drake.
"Sabi ni Mom, magwo-work daw si Ate kela Kuya Xenon. 'Di ba tamad si Ate? Ang arte pa." sabi nito na kinatawa nila.
"Baby, alam mo naman na only princess lang 'yun. Kaya ganun 'yun. Pero love mo ba ang Ate Bettina mo?"
"Hmm. Yes." sagot nito kaya napangiti sila.
Ginulo ni Drake ang buhok nito at tumingin sa kanya. Kinuha ni Drake ang isa niyang kamay at pinagsiklop sa kamay nito.
"Tara sa loob. Sa sala nalang natin hintayin sila Mom." aya nito kaya tumango siya at nagpatangay.
Tumitingin siya sa paligid at una niyang nakita ang kusina at dinning area na may mahabang lamesa at maraming upuan. At meron ding bar counter na maraming mamahaling alak at mga cocktail glass.
Malalaki ang mga Flower vase na nakatayo sa bawat sulok ng bahay. At kahit sobrang dami ng gamit ay sobrang luwang parin ng bahay. May mga paintings na ang gaganda na nakasabit sa mga dingding. Kahit hindi niya alam ang ibig sabihin ay nagagandahan parin siya. Nang makarating sila sa living room ay napaangat siya ng tingin sa mga dingding at doon ay may malaking picture frame nung kasal ng parents ni Drake. Napaka-perpekto at kita niya na napakasaya ng mga ito. Meron din nung nag-kiss, yung nasa yatch, at ibang lugar pa.
Nang dadako na sana ang mata niya sa mga litrato ni Drake kasama ng mga kapatid nito ay bigla siyang napukaw ng may marinig siyang yapak pababa sa hagdan. Pero bago maupo sa sofa ay nilingon muna niya ang mga larawan at nagtataka siya kung bakit tatlo ang litrato ni Drake. Iba-iba lang ng style ng buhok at porma..
"Ano ba, Dimitri! Pinagbigyan na kita. Tapos iniwan mo lang si Benj sa labas. Naku, oras na lumabas iyon, yari ka sa akin!" dinig nila ang boses ng Mom ni Drake at dinig na nila ang yapak nito na bumababa sa hagdan.
Paikot kasi ng hagdan at may mga pader din kaya hindi pa kita yung bumababa pag wala pa sa dulo.
"Misis, sige na. One round pa. Gusto na nga ng anak mo ng kalaro, hindi mo ba pagbibigyan?" dinig nilang hirit ng Dad ni Drake.
"Titigil-tigilan mo ako sa dahilan mo. Ginamit mo pa ang anak mo, pero ang totoo ay ikaw naman talaga ang may gusto.. Jusko! Hindi ka pa ba solve sa walong anak?" sermon ng Mom ni Drake.
Pero tila nabingi siya sa sinabi nito kung ilan ang anak nito.
Tama ba ang dinig niya? Walo?
Napatingin siya sa mga picture frame at binilang niya pero anim lang ang bilang niya pwera sa dalawa dahil si Drake din iyon. Kung gano'n... bakit walang litrato ang dalawa pa nitong anak?
"Oh! Kanina pa ba kayo nandyan?" gulat na sabi ng Mom ni Drake ng makita sila.
"Yes, My." tugon ni Drake rito habang prenteng nakaupo sa tabi niya.
"N-Narinig n'yo ba yung sinabi ko?" nahihiya nitong tanong.
"Rinig na rinig, My." pilyong sabi ni Drake sa mom nito kaya pinalo niya ito sa hita dahil halata namang nahihiya ang Mom nito tapos inaasar pa nitong asawa niya.
"Oh, narito pala kayo, Son." sabi naman ng dad nito na kasunod ng Mom ni Drake. Tumayo siya at bumeso sa mga ito bilang pagbati.
"Dad, dinig kong kinukulit n'yo si Mom.. Gusto n'yo ulit na maka-home base?"
"Syempre kailangan agarin habang hindi pa kami nagkaka-edad masyado. Itong Mom mo ay pakipot pa." sabi ng Dad nito kaya nakatanggap tuloy ng siko sa Mom ni Drake.
"Excuse me! Hindi ako nagpapakipot. Masyado ng marami ang anak natin pero ikaw gusto mo pa. Palibhasa hindi ikaw ang magbubuntis at manganganak." mataray na sabi ng mom ni Drake at lumapit sa kanya.
"Bibigay ka rin. Alam ko naman hindi mo ako matatanggihan." tugon ng Dad ni Drake at nakipag-apiran kay Drake na pinaningkitan niya ng mata.
"Heh! Halika nga, Joe. Iwan na nating ang mga lalakeng 'yan!" Inis na sabi nito sa asawa nito at hinatak na siya. Dinig nila ang halakhak ng mga ito habang palayo sila.
"Naku! Puputi agad ang buhok ko sa asawa kong iyon." ani nito kaya napangiti siya.
Ang sarap panoorin ng mga ito at alam naman niya na kahit nagtatalo ang mga ito ay kita parin ang kilig sa mga ito. Hinihiling niya na sana ganun din sila ni Drake habang tumatagal.