UNTI-UNTING IDINILAT ni Joe ang kanyang mga mata. Pero napapikit siyang muli dahil sa nakakasilaw na ilaw. Nang dumilat siya ay nilibot niya ang tingin. At napansin niya na narito siya sa dati niyang kwarto sa bahay ng Papa niya. Nang sumagi sa isip niya ang Papa niya ay agad siyang napaupo pero napahawak din sa ulo ng biglang sumakit iyon. "Hon, finally, nagising ka rin." sabi ni Drake kaya napaangat siya ng tingin sa bagong pasok na si Drake na buhat si Cj. "Anong nangyari? Si Papa? Kailangan ko siyang puntahan." sabi niya at inalis ang kumot at bumaba ng kama. "Mahiga ka lang muna, Hon. Hindi ka pa maayos buhat ng mahimatay ka." pigil sa kanya ni Drake na lumapit sa kanya. "Maayos na ako. Kailangan ko lang mapuntahan si Papa." sabi niyang muli at maglalakad na sana siya ng harangan

