MATAPOS ANG ILANG araw na pagluluksa sa pagkamatay ng Papa ni Joe ay bumalik na sila sa pad. Kahit paano ay nakakapag-adjust na si Joe. "Honey, hindi ka ba muna mag-a-almusal? Baka gutumin ka sa board meeting n'yo?" tanong niya kay Drake na nagmamadaling magsuot ng sapatos. Tinanghali kasi ito dahil tila hindi rin nakatulog ng magising ng madaling araw si Cj at ito ang nakabangon. Tulog na tulog siya no'n kaya hindi niya nalaman na nagising ang anak nila. "Sorry, Hon. Nagmamadali ako. Magpapa-deliver nalang ako ng coffee or anything na makakain." sabi nito at tumayo habang bitbit ang cellphone. Lumapit ito sa kanila ni Cj. Buhat niya kasi si Cj. "I have to go, Hon." paalam nito at humalik sa labi niya at kay Cj. Agad itong lumakad palabas kaya napabuntong hininga siya dahil tila magig

