BUHAT-BUHAT NI Drake si Baby Chastity habang palabas sila ng elevator. Narito na sila sa condo unit nila. Na-discharge na si Joe kaya naman ay excited na silang umuwi.
"Nandito na tayo, baby." sabi ni Drake habang binubuksan ni Joe ang pinto. Niluwagan ni Joe ang pinto kaya pumasok na sila.
"Magpapalit lang muna ako ng damit." sabi ni Joe sa kanya kaya tinanguan niya ito. Naupo siya sa sofa habang buhat-buhat parin ang baby nila. Gusto niya na palaging nasa bisig niya ito dahil ang sarap sa pakiramdam na hawak-hawak na niya ang anak nila.
Tulog ito kaya hindi pumapalakaw ng iyak. Hindi katulad nung nasa hospital sila ay iyak ng iyak.
Nag-ring ang cellphone niya kaya agad niyang kinapa ito sa bulsa ng pants niya.
"Yes, hello?" Mahinang sabi niya dahil baka magising si Chastity.
"Ah Sir, si Carding po ito. Natapos na po namin magawa yung bahay niyo. Kung gusto niyo po ay tignan niyo po ngayon para maayos namin kung meron kayong ipababago." sabi ng isang engineer na kinuha niya para sa pinagagawa niyang bahay.
"Okay. Maya-maya. Dadaan ako d'yan." tugon niya at napatingin siya kay Chastity ng maghikab ito at nag-unat ng kamay. Napangiti siya dahil tila magigising na ito. Pinatay na niya ang tawag at binaba sa tabi ang cellphone. Maya-maya pa ay umiyak na ito.
"Naku, umiiyak na ang baby ko." sabi niya rito at tumayo. Mahina niya itong inugoy upang tumigil.
"Akin na, honey. Baka gutom na siya." biglang sabi ni Joe kaya napalingon siya rito. Nakaputing t-shirt niya ito at panjama nito habang nagpupusod ng buhok. Nang makalapit ito ay maingat niyang inabot kay Joe ang anak nila. Inalalayan niyang maupo si Joe at tsaka siya naupo din sa tabi nito. Napalunok siya ng biglang ilabas ni Joe ang isang dibdib nito at agad namang sinubo ng anak niya kaya natahimik ito at tumigil sa pag-iyak.
"Damn!" mahinang daing niya na umabot sa pandinig ni Joe kaya tumingin ito sa kanya.
"Ano na naman? Naku, Drake, tigil-tigilan mo ako. Magbihis ka na nga." saway nito kaya napahalakhak siya at niyakap ito.
"'Pag okay ka na, ha." sabi niya at kumikindat-kindat dito. Hinawi siya ng balikat nito kaya lalo siyang napahalakhak.
"Tumigil ka nga. Hangga't hindi pa ako sure na hindi na uulit ang sakit ko dati ay hindi muna pwede 'yang iniisip mo. Tsaka siguro pag malaking-malaki na si CJ." sabi nito.
"Bakit ba lagi mong binabalikan iyon? Hindi na uulit ang dati mong sakit dahil hindi ako papayag, okay? Tsaka gusto ko na magkaroon naman tayo kahit limang anak." sabi niya na kinataas ng kilay nito. "Okay... Kahit apat." nakataas parin ang kilay nito kaya napabuntong hininga siya. "Okay, kahit dalawa." walang magawa niyang sabi rito.
"Sige na, magbihis ka na." sabi nito at tumingin sa anak nila.
"Hindi na muna ako magpapalit. May pupuntahan lang ako saglit." sabi niya rito na kinatingin nito muli sa kanya.
"Huh? Saan ka naman pupunta?" tanong nito.
"Di ba nga may pinagawa na akong bahay natin. Tapos na nila kaya titignan ko kung meron pa silang dapat iayos." sabi niya at hinaplos ang mukha ni Chastity ng matigil na ito sa pagdede. Hinalikan niya ito sa noo at tsaka siya tumingin kay Joe. "Anong gusto mong pasalubong pag-uwi ko?" tanong niya rito.
Napaisip naman ito at biglang napangiti. "Donut nalang." sabi nito kaya napangiti siya. Hinalikan niya ito sa labi at tsaka siya tumayo na.
"Sige, aalis na ako. 'Wag kayong lalabas ng walang kasamang body guard, ha." bilin niya rito.
"Huh? Bakit naman kailangan pa ng bodyguard? Tsaka safe naman rito." naguguluhang ani nito.
Napabuntong hininga siya. "Basta. Mabuti ng nag-iingat parin, okay?" sabi nalang niya.
Tumango ito kaya nakahinga siya ng maluwag at napangiti.
"Alright, I have to go. Bye, anak." sabi niya at muling hinalikan ang anak nila sa noo at si Joe.
Lumakad na siya palabas ng pad nila at nilabas ang cellphone.
"Hello. Magbantay kayo ngayon rito sa Mam n'yo. 'Pag lumabas ay susundan n'yo." sabi niya sa mga bodyguard niya at tsaka niya binaba ang tawag. Gusto lang niya na palaging protektado ang mag-ina niya. Mahirap na, lalo pa't alam niya na merong gustong pabagsakin siya. Dahil mula ng mas maraming company ang kumukuha sa kanyang ahensya ay marami ng nalugi ng dahil sa kanya. Hindi naman niya kasalanan kung mas magaling siyang magpatakbo ng kompanya kesa sa iba. Kaya pasensyahan nalang.
PAGDATING sa lugar kung saan siya nagpatayo ng bahay ay agad siyang pumasok. Isang saradong lugar ang pinatayuan niya. Private property na niya at gusto niya na medyo malayo sa ibang tao. At ilang distansya lang ang layo nito sa company niya kaya madali siya makakauwi sa mag-ina niya kung sakali.
Isang up and down ang pinagawa niya na mahaba ang sukat. White at black ang theme, habang ang kalahating dingding ay gawa sa makapal na salamin. Napatingin siya sa garden at sa katabing pool na gawa din sa salamin ang pinakadingding ng pool. Wala pang tubig gaya ng utos inya. Tinungo niya ang loob at napapatango siya dahil tamang-tama ang pagkakagawa gaya ng utos niya.
Maluwang ang sala at maaari ng makatakbo si Chastity oras na lumaki na ito.
"Sir, nandyan na po pala kayo." pukaw sa kanya ni Carding. Tumingin siya rito na galing sa taas. "Inayos ko na Sir yung pinto sa taas. Gusto n'yo na po bang makita ang mga kwarto?" sabi nito.
"Mamaya na, titignan ko muna ang kitchen at dinning area." sabi niya rito, kaya tumango ito at tinungo nila ang dinning area.
Malawak ang dinning area at merong bar area para sa mga beverage na gusto niya. Tinungo nila ang kusina at nakakabit na rin ang mga ilang gamit at cabinet na lalagyan ng mga plato o ano pa man. Naka-tiles na black at white ang dingding. Habang ang lutuan ay naka-fix sa isang counter kaya hindi halata ang lutuan. Gusto niya ng ganito para hindi maaabot ng bata ang gas stove.
Napapatango siya dahil maaayos lahat. Meron ring pinto patungo sa labas kung saan naman ang pinakalikod ng bahay.
Pagkatapos sa kusina ay yung kwarto naman ang pinuntahan nila. Merong pitong guest room at tatlong room na para sa kanila ni Joe at yung dalawa ay para sa anak nila kung sakaling magkaroon pa sila ng anak. Lumapit siya sa glass wall ng pinaka-hallway ng mga room. Kitang-kita niya ang company niya rito kaya lalo siyang napangiti dahil abot tanaw lang.
Bumaling siya kay Carding at tinapik ito sa balikat.
"Good job, Carding." ani niya at kinuha ang wallet sa likod ng bulsa ng pants niya. Kumuha siya ng sampung libo at inabot rito.
"Naku, Sir, para saan po ito?" gulat nitong tanong.
"Tip ko 'yan dahil nagawa mo ang nais ko sa bahay na gusto ko. Alam ko rin na kailangan ng anak mo ngayon ng gamot kaya sana ay makadagdag iyon. At don't worry nakausap ko na ang kaibigan ko. Doctor siya sa hospital kung saan na-confine ang anak mo. Bibigyan niya ng special treatment ang anak mo. Wala na kayong babayaran sa hospital na iyan, basta ipakita mo itong card kay Andrew." sabi niya rito na kinatuwa nito.
"Naku, Sir. Maraming salamat po. Napakalaking tulong nito lalo na po't walang-wala talaga ako ngayon. Salamat talaga, Sir." sabi nito at hindi mapigilan na mapaiyak. Ngumiti siya at tinapik-tapik ang balikat nito.
"Walang anuman. Dahil katulad mo, meron na rin akong anak na babae. Kaya naiintindihan ko kung bakit minsan ay na-delay ang pagkakagawa n'yo rito sa bahay upang puntahan ang anak mo." nakangiti niyang sabi rito.
Binitawan niya ang balikat nito at nakapamulsa na humarap muli sa glass wall. Kita na rin niya ang nagkukulay kahel na kalangitan na tumatama sa mga building na napakaganda ipinta kung meron lang siyang gamit ngayon. Isang napakagandang larawan na nagpapakita na merong liwanag na nakaubli lang sa mataas na gusali at lilitaw upang magbigay ng pag-asa. Kaya niya napili itong lugar dahil mula sa opisina niya ay nakita niya rito ang magandang paglubog ng araw. Yung araw na merong sakit noon si Joe. At mula rito ay nakita niya ang liwanag na iyon kaya nagkaroon siya ng lakas upang maging matatag para kay Joe.
Napahinga siya ng malalim at inaya na si Carding upang umuwi. Maggagabi na at may bibilhin pa siya.
HABANG nasa byahe ay napatingin siya sa isang laruang duck na kulay dilaw. Napangiti siya at kinuha iyon sa dash board. Naiwan siguro ni Joe ng bumaba sila. Pinindot niya at natuwa siya dahil tumutunog iyon sa tono ng isang bibe. Laruan ni Chastity ito na 'pag nilagay sa tubig ay tuloy-tuloy ang pagtunog. Ihinto niya ang sasakyan sa isang donut shop upang ibili si Joe ng pasalubong. Ewan ba niya kung bakit na-tripan nito ang donut. Kakapanganak palang ay gusto na agad ng matamis. Well, siguro baka dahil hindi ito nakaranas ng paglilihi nung magbuntis ito kay Chastity.
"Good Evening, Sir. Welcome to Happy house." bati ng mga empleyado kaya tumango siya at ngumiti. Lumapit siya sa counter at umorder ng isang box ng donuts.
Nang matapos ay nagbayad na siya at agad na lumabas ng donut shop.
"Drake?"
Pasakay na sana siya ng kotse ng may biglang tumawag sa kanya. Kaya napalingon siya sa likod niya at nakita niya ang isang babae. Napakunot-noo siya ng hindi makilala kung sino itong babae? Maganda naman at sexy, kaso hindi niya alam bakit siya kilala nito at tinatawag?
Nakangiting lumapit ito sa kanya habang iniipit ang buhok sa tenga tila nahihiya.
"Drake, ikaw pala y'an." sabi nito.
"Who are you?" takang niyang tanong.
"Ah.. Ako si Lea.. Yung dating nabu-bully na niligtas mo nung college tayo." sabi nito.
Napaisip siya pero hindi naman niya maalala. Napatango nalang siya para matapos na.
"Ah ganun ba.." aniya.
"Pauwi ka na ba? Pwede bang magkape lang tayo saglit." tanong at pakiusap nito.
Napatingin siya sa relo at nakita niya na pasado alas sais na at tiyak na naghihintay na si Joe sa kanya.
"Sorry but I need to go.. My wife is waiting for me." aniya na kinagulat nito.
"M-may asawa ka na?" tanong nito na tila gulat at hindi makapaniwala.
"Yeah.. Sige, mauna na ako." aniya.
Tumango nalang ito kaya sumakay na siya.
Habang lulan ng sasakyan at iniisip niya kung sino nga ba iyon? Lea daw na dating binubully. Bigla ay nag-flashback sa kanya ang isang matabang babae na binubully noon nila Joe. Hindi siya makapaniwala na ang Lea na mataba ay isa ng maganda at sexy na babae.
Pero sabagay, meron din namang karapatan ang isang tao na magbago. Hiling lang niya na sana wala itong sama ng loob kay Joe.
Pagdating sa pad ay tahimik ang buong pad kaya tinungo muna niya ang kusina upang ilagay sa ref ang donut. Pagkatapos ay dumeretso na siya sa kwarto nila. Pagbukas ng pinto ay bumungad agad ang kanilang king size bed kung saan nakahiga ang mag-ina niya na mahimbing na natutulog.
Maingat niyang sinara ang pinto at dahan-dahang lumapit sa mag-ina niya. Naupo siya sa kama kung saan ang side ni baby Chastity. May unan na nakalagay sa gilid nito kaya hindi ito mahuhulog. Napangiti siya dahil pareho pa ang ayos ng pagkakahiga ng mga ito. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at pinicturan ang mga ito.
Napangiti siya habang tinitignan ang napakagandang litrato sa cellphone niya.
Lalo siyang napangiti dahil pareho ang pagbuka ng bibig ng mga ito 'pag natutulog. Ginawa niyang wallpaper ng cellphone niya upang parati niyang tititigan 'pag nasa work siya.
Tumayo siya upang magbihis na at nang makapagluto dahil baka hindi pa kumakain si Joe.
Nang makapagbihis ay lumabas na siya ng kwarto at dumeretso sa kusina. Kailangan niyang magluto ng masabaw dahil nagbe-breastfeed si Joe sa anak nila. Nilagang baboy nalang dahil baka hindi pa siya pwede sa tinolang manok dahil malansa.
Makalipas ng ilang minuto ay tinikman na niya ang niluto niya kung ayos na ba ang lasa. Napatango siya kaya pinatay na niya ang stove.
Inalis niya ang apron at naghugas ng kamay. Napalingon siya ng makarinig ng yapak kaya nagpunas siya ng kamay at lumabas ng kusina. Nakita niya na si Joe iyon na kakalabas lang ng kwarto nila.
"Oh, nariyan ka na pala. Anong oras ka nakauwi?" tanong nito habang lumalapit sa kanya.
"Mahigit alas sais na siguro." aniya at humawak sa magkabilang bewang nito. "Gutom ka na ba? Nakapagluto na ako ng nilaga." tanong niya habang hinahapit ito palapit sa kanya.
"Hindi pa naman. Maya-maya na siguro." tugon nito habang nakahawak sa balikat niya.
Napangiti siya at nilapit ang mukha rito. Dinampian niya ito ng halik sa labi na wala namang pagtutol rito. Ang padampi-damping halik ay mas tumagal at lumalim. Niyakap ng isang kamay niya ang likod nito habang ang isa ay sa batok nito upang hindi ito bumitaw sa kanilang halik. Sabik na sabik siya sa labi nito kaya halos makagat niya ang ibabang nitong labi. Lumalakad sila palapit sa dingding habang hindi pinuputol ang halik. Nang maisandal niya ito sa pader ay binitawan niya ang batok nito at gumapang ang kamay niya sa pang-upo nito habang hindi parin napuputol ang kanilang halik. Halos mapaungol ito sa bibig niya ng pigain niya ang pang-upo nito. Mas lalo siyang nanggigil dahil ramdam na niya ang init na lumulukob sa kanya at ang bagay sa ibaba ng hita niya na galit na galit na. Binitawan niya ang labi nito na kinahingal nila. Bumaba agad ang labi niya sa panga nito at ang sunod ay sa tenga nito na kinakagat-kagat niya. Nang magsawa ay sa leeg naman nito na halos sipsipin niya ang balat. Napasabunot ito sa buhok niya pero hindi niya ininda dahil mas nakapagpabigay iyon ng pananabik sa kanya. Binitawan niya ang pang-upo nito at gumapang kamay niya sa bewang nito ng dahan-dahan. Umakyat sa mayaman nitong hinaharap ang kamay niya. Binaba niya ang neckline ng tshirt niya na suot nito. Kaya lumabas ang dalawa nitong dibdib na mas lumaki simula ng manganak ito at magpa-breast feed sa anak nila. Agad niyang hinalikan ang isang dibdib nito na may lumabas pang gatas kaya napadiin ang pagsipsip niya.
"Hmm... Hon" halinghing ni Joe at ibig na pigilin siya dahil nga tumutulo na agad ang gatas sa dibdib nito. Natikman niya ang lasa na iniinom ng anak nila. Hindi matamis pero malinamnam. Halinlinan niya hinalikan ang dibdib nito na parang wala ng bukas...
Bigla namang umiyak si Chastity na umalingawngaw sa buong pad.
Agad siyang pinigil ni Joe ng marinig nila ang iyak ni Chastity. Ayaw pa sana niyang tumigil ngunit hinawakan na siya sa mukha ni Joe kaya napabitaw siya.
"Ang sakit na ng dibdib ko." reklamo sa kanya ni Joe na inaayos ang suot na tshirt niya. Iniwan siya nito upang puntahan ang anak nila. Napamura siya at napahawak sa pader dahil bitin na bitin siya.
Tila mahihirapan siya lalo na masolo si Joe dahil meron na silang anak na tila naramdaman na inuubos niya ang pagkain nito. Napatawa siya at napailing sa iniisip.
What a life...