KABANATA 18 - BABY

2907 Words
BUHAT-BUHAT NI Drake si Joe habang papasok sila ng Pad nila. Natawa siya ng ibaba niya ito sa sofa. "Ang bigat mo talaga." natatawa niyang sabi habang hinihilot pa ang kanyang mga braso. Pinagpapalo-palo siya nito kaya napaiwas siya habang tawa siya ng tawa. "Sabi ko 'wag muna akong buhatin, pero binuhat mo parin ako! Tapos ngayon ay sasabihin mo na mabigat ako, nakakainis ka!" inis nitong sabi kaya inakbayan niya ito. "Joke lang, hindi ka naman mabiro. Pakiss nga." ngiting-ngiti niyang sabi rito at hinalikan ito sa pisngi habang inaamoy. Agad naman nitong iniiwas ang mukha at kinurot siya. "Ano ba!" sabi nito at pilit iniiwas ang mukha. "Drake, isa!" suway nito kaya tumigil na siya. "Okay, hihinto na ako. Tara na at maglinis ka na para makatulog ka na. Alam kong pagod ka na." sabi niya rito at tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa. "Mabuti pa nga. Hay! Ang bigat ng gown ko, ang bigat pa ng tiyan ko. Ang hirap talaga maging babae." lintaya nito habang nauuna ito sa kanya na maglakad. Napailing siya at napangiti. "Ganun talaga, Hon." sabi niya rito habang hawak-hawak ang dulo ng gown nito upang makalakad ito ng maayos. Mahirap na, baka matalisod pa ito. Pagdating sa kwarto ay agad itong lumapit sa kama at nahiga. "Nanlalata na ako. Gusto ko ng matulog." sabi nito kaya agad niyang pinigil ito. "Wait, Hon. Magbihis at maghilamos ka muna bago mahiga. Mahihirapan ka n'yan." sabi niya rito at naupo siya sa kama upang itayo ito. "Ayoko, bukas nalang. Inaantok na talaga ako." sabi nito. "Okay, tumalikod ka nalang at nang mahubad ko ang gown mo." sabi nalang niya. Nanlalata na naupo ito at tumalikod sa kanya. Hinawakan niya ang zipper ng gown nito at binaba. Napalunok siya pero pinigil nalang ang sarili dahil hindi na pwede. Pinatayo niya ito at binaba ang gown. Pilit siyang umiiwas ng tingin at napahinga siya ng malalim ng maalis na niya ang gown nito sa katawan. "Mahiga ka na at bibihisan nalang kita." sabi pa niya rito. Binitbit niya ang gown nito at dinala niya sa walk in closet. Inilapag nalang niya muna ito sa isang upuan at kumuha siya ng damit nito. Paglabas ay nilapitan niya ito at binihisan. Pagod na pagod siguro talaga ito dahil nakatulog na agad ito at hindi man lang naalimpungatan habang binibihisan niya ito. Tumayo siya at tinungo ang banyo para basain ang towel. Lumabas siyang muli at lumapit rito. Naupo siya sa tabi nito at hinaplos ang mukha nito. Napangiti siya at dinampian ang mukha nito ng basang towel na hawak niya upang alisin ang make-up nito. Dahan-dahan lang siya upang hindi na ito magising. Napangiti siya ng matapos din. Tumayo na siya upang magbihis na rin. Ginawa na niya ang paglilinis ng katawan at nagsuot lang siya ng boxer short at tshirt na white nya na may print na fucker! Tumabi siya kay Joe at inayos niya ang kumot nito. "Good night, hon. Dream of me." Sabi niya at hinalikan niya muna ito sa labi bago ito hinapit upang mayakap niya. Hinahaplos-haplos niya ang tiyan nito na napakalaki na rin kaya hindi na makatagilid ng higa. Nananabik na siyang manganak ito. Ilang buwan nalang at masisilayan na nila ang kanilang baby. Hinihiling nga niya na sana sa kanya magmana ang anak nila. Mahirap kasi 'pag dalawang Joe. Baka mabaliw siya sa katigasan ng ulo. Pumikit na siya upang matulog. Halos hindi siya nakatulog nung mga nakaraang araw. Pero ngayon tiyak na mahimbing ang kanyang tulog dahil katabi na niya ito muli. - Two months later.... BUSY sa pagpirma si Drake ng papeles habang narito siya sa living room nila. Hindi na siya pumapasok muna sa opisina dahil kabuwanan na ni Joe, at gusto niya na narito lang siya sa tabi nito. Tumingin siya rito at nakita niya na busy ito sa panonood habang nagtitiklop ng kanilang damit. Sinabi na niya na siya na mamaya ang gagawa no'n pero mapilit ito. Nag-aalala lang naman siya dahil baka mapagod ito. Pero sabi nito, ano naman daw ang nakakapagod sa pagtitiklop. Ang dali nga lang daw. Napailing nalang siya at pinagpatuloy ang pagpirma ng papeles.. Ngunit napatingin siyang muli rito ng tumayo ito. "Where are you going?" taka niyang tanong. "Sa banyo. Para kasing maiihi ako na ewan. Ouch!" sabi nito at biglang napaaray. Napatingin siya sa hita nito at nanlaki ang mata niya ng makita na may tumutulong tubig sa hita nito. Bigla siyang napatayo at agad na nilapitan ito. "s**t! Manganganak ka na." taranta niyang sabi at walang anu-anu ay pinangko na niya ito at mabilis na tinungo ang pinto. Binilisan niya ang paglalakad habang narito na sila sa lobby. Nakita niya ang My at Dad niya na nakita din sila at agad na lumapit. "What happen?" tanong ng Dad niya. "Manganganak na ata siya. Pumutok na ang panubigan niya." nag-aalala niyang wika habang mabilis na naglalakad. "Come here, Son." aya ng Dad niya sa sasakyan nito kaya doon siya lumapit. Napatingin siya kay Joe na umuungol sa sakit habang humihinga ng malalim. "Relax, Hon. Sandali lang at tiyak na makakapunta agad tayo sa hospital." Pagpapagaang niya sa loob nito habang nasa backseat sila at nakasandal ito sa kanya. Hinahaplos-haplos niya ang tiyan nito upang kahit paano ay mabawasan ang sakit, kahit hindi niya alam kung makakatulong ba 'yun. Mabilis na nagmaneho ang Dad niya. Habang nasa frontseat ang My niya na nakatingin sa kanila. "Mabuti at naisipan namin na magpunta sa inyo ngayon. Yung gamit nga pala niya, wala tayong dala?" sabi nito na lihim niyang kinamura. Oo nga, nakalimutan niya. "Si Bettina po ba nasaan?" tanong niya habang pinupunasan ng pawis ang noo ni Joe. "Wala, naglakwatsa. Ewan ko kung saan na naman nagsuot iyon." sabi nito kaya napahinga siya ng malalim. "We're here." anunsyo ng Dad niya kaya naging alisto siya. Paghinto ng sasakyan ay agad na binuksan niya ang pinto at bumaba siya. Pinangko niya muli si Joe at mabilis na lumakad papuntang entrance. Mabuti at agad silang sinalubong ng mga nurse. "Bilisan niyo! Manganganak na ang asawa ko." utos niya sa mga ito na agad namang nagsi-kilos. Hawak niya ang kamay ni Joe. Muli ay may naalala siya sa eksenang ganito. Pero ngayon ay hindi dahil may sakit ito, kundi dahil manganganak na ito. Mabilis na pinasok si Joe sa Emergency room. Pinagbawalan muna sila habang hindi sila nagsusuot ng lab gown at hairnet sa ulo. Dahil daw baka may bacterya sila at mahawa ang batang isisilang at ang ina. Kaya sumunod siya. Siya lang ang pumasok at ayos lang daw iyon sa magulang niya. Agad siyang lumapit kay Joe na nagsisigaw sa sakit. "Hon, kaya mo 'yan. Narito lang ako." wika niya habang hawak ang kamay nito at hinahalikan ang likod ng palad nito. "Ihhh! Masakit na! Lalabas na ata!" hiyaw nito. Agad siyang napatingin kay Doctora na sumilip na sa pagitan ng hita ni Joe. "Okay, Misis. Nakikita ko na agad ang ulo. Umire ka ng malakas. 'Wag mong pipigilan, dere-deretso lang." ani ni doctora. Gaya ng sabi ni Doctora ay umire si Joe. Maging siya ay napapabuga ng hangin dahil sa tensyon. "Ire pa. Sige pa, misis." Umire pa nga si Joe at halos mapapikit siya dahil halos hindi niya makayanan. Nakakapit soya sa kamay nito at paulit-ulit na hinahalikan upang maibsan ang sakit na nararamdaman nito. Napadilat siya ng matigil ng umire si Joe. Napatingin siya kay Doctora at halos lumundag sa tuwa ang puso niya ng makita na ang baby nila. Hawak ito ng nurse sa paa habang nakabaliktad. At ilang segundo lang ay umiyak na ito na tila musika sa kanyang tenga. Pinalo-palo ito sa pang-upo ni Doctora para umiyak pa. Pagkatapos ay dinala sa isang baby bathtub upang linisin para maalis ang dugo nito. Napatingin siya kay Joe na nakapikit na. "Hon, are you okay?" tanong niya rito. "Hmm.." umungol lang ito kaya nakahinga siya ng maluwag. NASA isang V.I.P room na sila kung saan naka-room si Joe. Nakaupo siya sa tabi ni Joe habang pinagmamasdan ito habang natutulog. "Anak, pinapunta ko na ang mga kuya mo rito. Sila na ang magdadala ng gamit niyo." sabi ng My niya. "Okay, Mom. Thank you po." sabi niya rito habang hinahaplos ang mukha ni Joe. Napakunot-noo ito at ilang saglit lang ay nagising na. Napangiti siya ng magising na ito. "Mabuti at gising ka na, Hon, nagugutom ka ba? May binili akong soup dahil 'yun daw muna ang dapat mong kainin." sabi niya rito. "Mamaya na. Pahingi nalang ako ng tubig." Sabi nito kaya agad siyang tumayo at lumapit sa water dispenser. Pagkakuha ay muli siyang lumapit kay Joe. Binaba muna niya ang baso ng tubig sa table at inalalayan niya ito na maupo. Nang ayos na ay inabot niya rito ang tubig. Napalingon sila ng bumukas ang pinto. Pumasok doon ang nurse na bumati muna at lumapit sa kanila. "Sir, Mam, kukunin ko sana ang name ng magiging anak niyo bago siya dalhin rito. May naisip na po ba kayo?" Nagkatinginan sila ni Joe dahil iyon ang hindi pa nila napagkakasunduan. Paano ang gustong ipangalan ni Joe ay Joey Lin para kasunod ng pangalan nito. Ang kaso tunog panlalaki. Ang gusto niya ay Chastity Jolie. "Joey Lin, Nurse." sabi ni Joe. "No, Chastisty Jolie nga. Napag-usapan na natin na ako ang magpapangalan." giit niya. "Bakit pumayag na ba ako? Hoy Mister! Hindi naman ikaw ang nanganak no. Kaya ako ang magpapangalan. Masyadong girly naman ng Chastity Jolie. Maganda ang Joey Lin, katunog ng pangalan ko at astig pa." giit din nito. "Miss, 'wag niyong pansinin ang sinabi niya. Chastity Jolie ang pangalan ng baby namin." pagtatapos niya sa usapan. "Bahala ka. Nakakainis ka! Sabi ko Joey Lin nalang. Napakademanding mo talaga." Inis nitong sabi at tinalikuran siya. "Ano ba kayong dalawa? Nag-aaway pa kayo dahil sa pangalan. Bakit hindi niyo nalang pagsamahin ang first name parang mas bagay pa iyon?" sermon sa kanila ng My niya. Napaisip naman sya. Chastity Joey. Pwede nga. "Joey Chastity." "Chastity Joey." sabay nilang sabi. "Hay! Ano ba kayong dalawa. Magdesisyon na nga kayo at naiinip na ang nurse. Gusto ko na rin makita ang apo ko, kayo magdesisyon na kayo." sermon muli sa kanila ng My niya. "Hon, Chastity Joey na kasi." pilit niya rito. Napahinga ito ng malalim at napipilitang tumango kaya napangiti siya. "Chastity Joey Ford." sabi niya na agad ng sinulat nung nurse. Nagpaalam na ito pagkatapos kaya bumaling siya kay Joe. "Thanks, Hon." sabi niya rito. Lihim itong napairap kaya napangiti siya lalo. "Don't worry, sa susunod ikaw na ang magpapangalan." Aniya. "Wala ng susunod. Ayoko na." sabi nito na kinawala ng ngiti niya. "Bakit naman? Maganda kahit dalawa ay magkaanak tayo. Malay mo, lalake na." sabi niya rito. "Wala namang problema sa akin kung lalake o babae. Ang pinoproblema ko ay baka umulit na naman ang sakit ko at mapahamak pa kung sakali 'pag nabuntis akong muli." sabi nito. "Don't say that. Hindi na mauulit iyon. Hindi ko na hahayaan na mangyari muli o bumalik muli ang sakit mo." seryosong sabi niya rito. Napahinga ito ng malalim at tumango kaya nakahinga siya ng maluwag. Hindi na muli niyang hahayaan na bumalik muli ang sakit nito. Kung kailangan na araw-araw niya itong tatanungin sa nararamdaman nito ay gagawin niya. Gusto niya na maging alerto, upang hindi mangyari ang tulad ng dati. Napalingon sila sa pinto ng bumukas muli iyon. Nakita nila ang Kuya Duke niya at ang asawa nitong si Ate Nestle niya. "Kamusta, Bro. Nasaan na ang pamangkin ko?" tanong ng Kuya niya. Nakipag-man to man hug siya rito bago niya ito sinagot. "Wala pa nga, e. Pero dadalhin na. Yung pamangkin ko, tila hindi niyo kasama." sabi niya. "Ah, iniwan muna namin kay Magnolia sa bahay. Baka kasi mahawa ng sakit 'pag dinala namin rito." sabi nito kaya napatango siya. "Kamusta na, Joe. Hindi ka ba masyadong nahirapan manganak?" dinig niyang pagtatanong ng Ate Nestle niya kay Joe. "Hindi naman masyado. Dahil pagdating namin rito sa hospital ay halos palabas na ang anak ko. Kaya masasabi ko na ginhawa ko siyang inilabas." Sabi ni Joe. "Bro, wala ba kayong balak na magpatayo ng bahay? Di ba iisa lang ang kwarto sa pad mo? Baka paglaki ng anak niyo ay hindi na kayo kasya... Tsaka baka mawalan kayo ng quality time ni Joe." tanong ng Kuya niya at halos ibulong ang huli. Napangisi siya at napailing. "Naisip ko na 'yan. Meron na akong pinagawa malapit sa opisina, para naman ay madali lang ako makakapunta at makakauwi galing opisina." tugon niya rito na kinatango nito bago naupo sa sofa. Bumukas muli ang pinto kaya napalingon sila. Bigla siyang napatayo ng tuwid ng makita nila ang nurse na buhat-buhat ang kanilang anak. Agad siyang lumapit habang nakangiti na napatingin sa mukha ng kanilang baby girl. Binigay ito ng nurse sa kanya kaya agad niyang nilagay sa bisig niya. Nahirapan pa siya dahil hindi niya alam kung paano bubuhatin. Para itong bag na napagaang at napakaliit. Feeling niya ay mapipisa niya ito o mahuhulog sa gaang. "Ganito, Anak. Yung ulo niya ay ilagay mo sa isang braso mo habang nakaalalay ang isang mong kamay sa likod at pang-upo niya." muwestra sa kanya My. Napatango siya habang nangingiti na pinagmasdan ang kanyang anak. "Ang cute-cute at ang ganda ng apo ko." Sabi pa ng My niya habang pinagmamasdan nila ang anak niya. Napapahikab ito habang pikit na pikit ang mga mata. Kumukunot rin ang pagkurbang manipis na kilay nito. Ang ilong ay kahit maliit pa ay tila nagmana sa kanya tangos ng ilong. Habang ang labi ay mapula na manipis gaya ng labi ni Joe. Moreno ito gaya niya kaya halos sa kanya nakuha ang itsura nito. Hinalikan niya ito sa noo at bumaling siya kaya Joe at lumapit. "Look, Hon. Kamukhang-kamukha ko." tuwang-tuwang sabi niya rito. Tinignan nito ang baby nila at nagsalubong ang kilay nito. "Ang daya naman. Bakit wala man lang nakuha sa akin maliban sa labi?" reklamo nito kaya natawa siya. "Alam niyo kung bakit?" sabi bigla ng Dad niya kaya napalingon sila rito na nakaupo sa sofa habang nakadekwatro. "Bakit, Dad?" tanong niya. "Kasi tila mas nag-enjoy ka habang ginagawa niyo ang apo ko." nakangisi nitong sabi kaya napangisi siya. Bumaling siya kay Joe na namumula na ang mukha. "Hahaha.. Tama ka, Dad." sabi niya kaya tinignan siya ng masama ni Joe pero kinindatan lang niya ito. Lalo siyang napangiti at muling tinignan ang baby nila na si Chastity Joey. "Anak, baka naman pwede mong ipabuhat sa akin ang apo ko." ungot ng My niya kaya napatango siya at maingat na pinakilik rito. "Ang cute-cute talaga ng apo ko. Meron na akong isang lalake at babaeng apo. Nakakatuwa naman." wika ng My niya habang hinehele ang anak niya na tila nagustuhan din ang pagkakakilik ng My niya kaya hindi man lang umiyak. Naupo siya sa tabi ni Joe at tinignan ito na nakatingin sa baby nila. "Salamat sa paglalabas sa kanya ng maayos." sabi niya rito at inakbayan niya. Hinalikan niya ito sa noo at niyakap. "Gagawin ko ang lahat upang maalagaan kayong dalawa." sabi pa niya rito. "Ano ka ba. Kung hindi rin naman dahil sa'yo ay hindi magiging maayos ang lahat. Salamat rin at pangako na aalagaan kita. Ikaw at si baby Chastity." sabi nito. Nagkatinginan sila at nilapit niya ang labi upang halikan ito. "Ahem! Bago kayo magsipsipan ng labi d'yan, padededehin mo muna ang apo ko, Joe." pukaw sa kanila ng My niya kaya agad na lumayo sa kanya si Joe. Nakalimutan niya na hindi nga lang pala sila ang tao sa loob ng room. Inabot ng My niya kay Joe si Chastity at ng mabuhat ni Joe ay tsaka siya piningot sa tenga ng My niya na kinangiwi niya. "Talagang ikaw na bata ka. Balak mo ata sundan agad ang anak n'yo.. Pagpahingahin mo muna ang asawa mo at mas pagtuunan n'yo muna si Chastity." Payo nito at tsaka binitawan ang tenga. "Yes, My. s**t! Ang sakit n'yo talagang mamingot." tugon niya. "Haha Naranasan mo rin, Bro. Mas masakit ang akin." sabi ng Kuya Duke niya. "Ano 'yun, Duke?" naniningkit ang matang sabi ng My nila. "Wala. Ang sabi ko, ganyan talaga kayo magmahal. Hindi na kayo mabiro, Mom." ngiti-ngiting sabi ng Kuya niya. "Heh! Tigilan mo nga ako sa pang-uuto mong bata ka. Manang-mana kayo sa ama n'yo." sabi ng My nila kaya natawa sila at napatingin sa Dad nila na agad na nag-react. "Nasama na naman ako, Misis ko. Talagang hindi lumilipas ang araw na ito ng hindi mo ako isasama sa mga sinasabi mo, ha?" sabi ng Dad nila na yumakap sa likod ng Mom nila at nagnakaw ng halik na kinabusangot ng mukha ng My nila. Natawa sila at napailing dahil para parin itong mga teenager kung magsuyuan. Napatingin siya kay Joe at agad na napatutok ang mata niya sa anak niya na dumedede na pala. Parang nagbara agad ang lalamunan niya at napalunok siya dahil parang bigla siyang nainggit. Napangiwi siya ng may biglang pumingot sa tenga niya kaya nagbalik sya sa sarili. "Minamanyak mo na naman ang dibdib ko." sabi ni Joe at tinakpan ang dibdib nito ng bimpo. Napailing nalang siya at sumandal sa higaan ni Joe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD