PAGLABAS NI DRAKE sa kwarto ay nakita niya na tawang-tawa si Bettina habang nakatutok sa tablet nito. Tila merong nabasa na nakakatawa.
Narito ang pamilya niya sa maynila upang tulungan siya sa isang bagay na dapat matagal na niyang ginawa. Gusto na niya na maging totoo ang lahat. Ayaw niya na may masayang pang oras dahil napagtanto niya na baka sa huli ay magsisi siya dahil huli na ang lahat.
Napadako ang tingin ni Bettina at Magnolia sa kanya na parehong humahagikgik.
"What's funny, ha?" tanong niya.
"Look, Kuya. Nag-post si Ate Joe sa f*******: account niya." sabi nito kaya lumapit siya at kinuha ang tablet pad ni Bettina. Tinignan niya at binasa ang sinasabi nito. Napangiti siya dahil tila nagseselos ito. "Selos na selos si Ate. Akala niya may iba kang papakasalan." pagpapatuloy ni Bettina na napahagikgik na naman.
Binalik na niya rito ang tablet pad nito dahil iyon lang naman ang post ni Joe. Nakabihis na sila Bettina at Magnolia na light pink off shoulder gown habang may nakapalibot sa mga ulo nito na bulaklak na puti.
"Sila My, nasaan na ba?" tanong niya sa mga ito habang nakaupo sa sofa at sinusuot ang sapatos.
Naka-dark blue siya na tuxedo na may ribbon na black sa kwelyo. Habang naka-wax na rin ang kanyang buhok.
"Pinuntahan si Ate Joe." tugon ni Bettina na kinaangat niya ng tingin.
"What?! Bakit nila pinuntahan? Baka masira ang plano ko?"
"Ano ka ba, Kuya! Alam mo naman na 'pag Mommy ang gagawa ay tiyak na hindi iyon magpapahalata. Basta relax ka lang. Masyado kang halata na nate-tense ka." sabi nito.
"Tsk." 'yun nalang ang na-react niya at tumayo na. Tumingin siya sa pamisig na relo at malapit ng mag three thirty. It's two twenty five.
"Let's go." aya niya sa dalawa pero napahinto siya ng maalala ang iba niyang kapatid.
"Anyway, where's your brothers?" tanong niya kay Bettina.
"Sila Kuya Deo, Diesel, Seige, Samuel ay nasa church na. At sila Kuya Duke and Ate nestle ay naroon na din kasama si Baby Racer." sabi nito.
'Merong kulang. Where's Benjamin?' Ani ng isip niya.
"Kasama nila Mommy. Gusto daw niyang makita ang crush niya."
Tila nabasa ni Bettina ang isip niya kaya ito na ang sumagot. Napakunot-noo siya sa sinabi nito.
"Crush? Sino?"
"E, sino pa ba? Maliban kay Ate Nestle, si Ate Joe na sinunod no'n. Naku, nagbibinata na agad."
Napailing siya at niyaya na ang dalawa.
-
SAMANTALA, nakaharap sa salamin si Joe habang inaayusan siya. Hindi niya alam kung bakit siya pina-a-ayusan ng Mom ni Drake. Nakaupo ito sa kama niya habang binabantay siya upang 'wag ng magreklamo. Hindi ba nito alam na wala na sila ng anak nito? Hindi ba nito alam na ikakasal na sa iba ang anak nito at hindi sa kanya?
"Mom, bakit n'yo ba ako pinapaayusan?"
Sa wakas nakapagtanong na rin siya.
"Wala. Ngayon ang kasal ng Anak ko at gusto ko na dumalo ka para masaksihan mo." sabi nito na kinasama ng loob niya. Wala ba itong pakialam sa mararamdaman niya? Sino namang babaeng iniwan ang manonood ng kasal ng kanyang minamahal? Mga gusto lang saktan ang sarili ang makakagawa no'n.
"Pero Mom, gusto niyong makita ko ang anak niyo na ikasal sa iba? Hindi ko naman po kaya iyon. Mabuti pa po ay umalis na po kayo dahil hindi po ako sasama." Sabi niya rito at ambang tatayo siya ng tumingin ito sa kanya at binaba sa kandungan nito ang tinitignang magazine.
"Huwag ng maraming tanong, hija. Sasama ka sa akin. Ayaw mo naman siguro na magalit ako?" sabi nito kaya bumalik siya ng upo at napasimangot. "Ngumiti ka baka maging nguso pa ang itsura ng apo ko." sabi pa nito kaya pilit siyang ngumiti.
Pagkatapos siyang make-up-han ay buhok naman ang sinunod sa kanya na ayusan. Lalong nabunyag ang mga mata't labi niya dahil sa make up na ginamit. Tapos ang ginawa sa buhok niya ay naka-fix na papusod habang pabulaklak ang pagkakaipit sa likod. Nang matapos ay nilagyan siya ng diamond clip sa ibabaw nung pagkakaipit.
"Madam, tapos ko na siyang ayusan." sabi nung babae na make-up artist kay Beatrice.
"Alright, Chona. Bihisan niyo na siya." utos ni Beatrice sa fashion designer. Inalalayan si Joe ng dalawang fashion designer.
Sa walking closet ay piniringan siya at utos daw iyon ng Mom ni Drake kaya hindi na siya nakapagreklamo.
Naramdaman niya na hinubaran siya ng suot niyang dress. At naramdaman niya na sinuotan siya ng isang gown? Napahawak siya sa tela. Hindi niya alam kung ano ang sinusuot sa kanya. Pero alam niya na long gown na pabaloon kaya hindi naiipit ang tiyan niya. Pa-off shoulder din na hanggang pulso niya ang tela na nakakonektado sa off shoulder. Ziniper ang likod niya pagkatapos. May naramdaman pa siyang kinabit sa ulo niya na tila isang tela.
Pagkatapos ng lahat ay inalalayan na siya palabas ng walk-in closet.
"Madam, tapos na." sabi nung isang nagbihis sa kanya.
"Very good, Chona." dinig niyang tugon ni Beatrice.
"Hija, gusto kong isuot mo itong kwintas. Isa ito sa nabili ko kaya ibibigay ko na sa'yo, kasama ng mga earrings at bracelet." sabi sa kanya nito.
"Ho? Pero bakit niyo pa ako bibigyan?" Tanong niya.
"Basta. Tsaka kulang ang ayos mo 'pag wala man lang kolorete." sabi nito.
Naramdaman niya na may nagsuot na sa kanya ng kwintas at hikaw. At huli ay yung bracelet.
"Ayan. Okay na. Ang huli ay sapatos. May binili akong doll shoes, iyon nalang upang hindi ka mapahamak dahil baka matipalok ka pa pag high heels." sabi nito at sinuot sa kanya yung doll shoes.
Hindi niya alam kung ano ba ang mga pinasusuot sa kanya? Kaya agad siyang kinabahan na hindi niya malaman.
Huminga siya ng malalim at sinawalang bahala nalang ang kaba. Dahil tiyak na iiyak lang siya sa sobrang sakit na mararamdaman niya 'pag nasaksihan niya ang pagpapakasal ni Drake sa iba.
Inalalayan siya na lumabas ng kwarto hanggang sa labas ata ng bahay nila. Hindi niya alam kung bakit ayaw pa tanggalin ang piring niya? Ayaw naman siya sagutin ni Beatrice kung bakit.
Isinakay siya sa tingin niya ay kotse. Narinig niya ang pagsara ng pinto at maya't-maya ay pag-andar ng sasakyan.
"Saan niyo po ako dadalhin?" tanong niya kung sino man ang kasama niya.
"Sa simbahan, Mam. Magsisimula na po kasi ang kasal." sabi ng isang boses ng lalaki na malat. Tingin niya ay yung driver.
Napapisil siya ng daliri dahil alam niya na ang kasal ni Drake ang tinutukoy nito. Ibig niyang umiyak ngunit nakapiring siya. Nahihirapan din siyang huminga dahil sa kaba at sakit ng nararamdaman.
"Manong, pwede ko na po bang alisin ang piring sa mata ko?" pagtatanong niya.
"Naku! Hindi pa ho puwede, Mam. Malalagot po ako kay Miss Beatrice 'pag tinanggal niyo ang piring bago tayo makapunta ng simbahan." sabi nito kaya napabuntong-hininga siya.
Ramdam niya ang pangamba nito na baka tanggalin sa trabaho kaya hindi nalang niya aalisin dahil baka matanggal pa nga ito sa trabaho.
Matagal-tagal ang naging byahe bago huminto ang sasakyan. Pinatay na ni Manong ang sasakyan at narinig niya ang pagbukas ng pinto sa side niya.
"Joe hija.." dinig niya na boses ng Tita Edit niya.
"Tita?" paniniguro niya habang kinakapa kung nasaan ito. Hinawakan siya nito sa kamay kaya napahigpit ang hawak niya. "Tita, bakit po kayo nandito din?" pagtatanong niya.
"Inimbita din ako. Kaya halika na. Kahit naman hiwalay kayo ni Drake ay kailangan mo paring dumalo sa kasal niya." sabi nito. Hindi siya makapaniwala rito kaya binitawan niya ang kamay nito.
"Tita, bakit niyo ginagawa ito sa akin? Gusto niyo ba akong masaktan? Kasal ito ni Drake at ang masakit hindi siya sa akin ikakasal. Tapos gusto niyo na makita ko kung paano siya ikasal sa iba?" nasasaktan niyang sabi rito.
"'Wag ka ngang mag-drama diyan, Bata ka. Wala ng oras at magsisimula na ang kasal." sabi lang nito at hinawakan siya sa kamay upang alalayan na bumaba.
"Tita, uuwi na ako. Ayokong makita ang kasal ni Drake." sabi niya rito at pilit kumakawala rito.
"Ayaw mo ba no'n? Mapipigilan mo ang kasal niya. At malay mo 'pag nakita ka niya ay ikaw na ang pakasalan niya." sabi nito kaya napatigil siya sa pagpupumiglas.
"Ano? Sige, umuwi ka na. Ikaw rin naman ang magsisisi dahil hindi mo pinigil ang kasal." sabi ng Tita niya at aalisin na sana nito ang kamay sa kanya ay hinigpitan niya ang hawak rito.
"Sige po, Tita. Pipigilin ko po ang kasal. Pero puwede ko na po bang alisin itong piring? Sayang ang make up ko kung nakaganito din naman ako." sabi niya rito at ambang aalisin ang piring ng pigilan siya nito.
"'Wag! Mamaya na pagpasok natin." pigil nito sa kanya. "Tara na." aya nito sa kanya kaya nagpatiunod nalang siya.
Dinig niya ang pagbukas ng pinto at nagtataka siya kung bakit siya binitawan ng Tita niya.
"Tita!" tawag niya rito. Hindi ito sumagot kaya napilitan na siyang alisin ang piring.
Pag-alis niya ay napapikit muna siya at napadilat muli upang maka-adjust ang paningin niya. Nang maayos na ang paningin niya ay nabitawan niya ang panyo at hindi makapaniwala na napatingin sa paligid. Maraming tao sa loob ng simbahan na namamangha na nakatingin sa kanya. May mga bulaklak sa gilid ng aisle na may red carpet na puno ng bulaklak.
"Oh my god!" bulalas niya at napaiyak ng makita ang Papa niya na hawak ang baston nitong tungkod at nakasuot ng black tuxedo suit habang nakangiting lumalapit sa kanya. Napatakip siya ng bibig habang umiiyak.
"Anak.." nahihirapan pa nitong sabi.
"Papa, bakit kayo narito? Ano pong ibig sabihin nito?" naguguluhan niyang tanong rito.
"Tsaka mo malalaman, Anak. Sa ngayon ay kailangan mong ayusin ang sarili mo bago kita ihatid sa altar." nakangiti nitong sabi habang pinupunasan ang luha niya.
"Papa naman, Eh!" sabi niya rito.
"Patawad anak sa lahat ng nagawa kong pagpapabaya sa'yo. Pero palagi mong tatandaan na mahal ka ni Papa. Lahat ng pagsubok sa buhay mo ay asahan mong narito lang ako." sabi nito kaya napatango siya. "Tahan na. Baka maalis pa ang make-up mo. Ang ganda-ganda mo pa naman. Kamukhang-kamukha mo ang Mama mo nung kasal namin." sabi nito at kinuha ang kamay niya upang ipahawak sa braso nito. Nagpahid sya ng luha habang dahan-dahan silang lumakad. Tumunog ang kantang pangkasal ng magsimula silang maglakad.
Kinakabahan siya dahil hindi niya alam itong mangyayari. Kaya pala kakaiba ang kinikilos ng mga taong nasa paligid niya.
Nahihiya siya dahil nakatingin sa kanila ang mga taong nasa simbahan. Napatingin siya sa suot niya at napailing siya dahil suot niya ang isang magarang wedding gown na hindi man lang nahalata ang tiyan niya dahil pa-balloon gown ito at pa-off shoulder pero may tela ng gown sa mga braso niya. At punong-puno ng diamond na tila totoong diamond dahil kumikislap.
Napaangat siya ng tingin at nakita na niya ang pamilya nila Drake. At napatingin siya kay Drake na nakatingin sa kanya. Nakita niya na pasimple itong napaiyak kaya natawa siya.
Pero napahawak siya sa tiyan ng makaramdam ng kakaiba sa pantog niya.
"Anong problema, anak?" tanong ng Papa niya.
"Wala po." sabi niya at tiniis muna ang nararamdaman. Dahil sayang ang moment...
Naglakad muli sila dahil malapit na rin sila kay Drake. Pero hindi na talaga niya kaya. Kaya naman ay bumitaw siya sa Papa niya at mabilis na lumapit sa dereksyon ni Drake na nagtataka kung bakit niya iniwan ang Papa niya at mabilis siyang naglakad habang hawak ang dulo ng gown niya.
"Hon, bakit--" hindi na ito natapos sa pagsasalita dahil nilagpasan niya ito. Umakyat siya ng hagdan at lumapit kay Father.
"Father.." aniya rito at nagmano. "Pasensya na po sa nakakahiyang sitwasyon, pero saan po ba ang banyo? Please, lalabas na siya." sabi niya rito.
Napatanga naman si Father at tinuro ang gawing C.R. Kaya dali-dali siyang lumakad doon sa dulo ng gawing simbahan kung saan may brown siyang pintong nakita.
Agad namang napasunod si Drake kay Joe dahil bakit nagmamadali itong nagpunta kung saan. Napailing siya dahil kakaiba talaga ito. Nandoon na, e. Akala niya ay atat na atat lang ito sa kanya kaya nagmamadaling lumakad palapit sa kanya, pero 'yun pala ay hindi. Tapos iniwan pa nito ang Papa nito sa aisle.
Binuksan niya ang pinto at nakita niya na C.R pala ang pinuntahan nito. May tatlong pinto kaya lumapit siya.
"Hon, where are you?" tawag niya rito.
"Ano ba, Drake! 'Wag mo muna akong istorbohin. Bumalik ka na nga doon at entertaining mo muna ang mga bisita." sabi nito sa kanya.
"Ano bang ginagawa mo? Baka madulas ka, yari ka sa akin." sabi niya rito.
"Whoo.. Nakaraos din." dinig niyang sabi nito na kinakunot ng noo niya. Narinig niya ang pag-flush ng toilet at maya-maya ay bumukas na ang pinto. Lumapit ito sa faucet upang maghugas ng kamay at magsabon. Pagkatapos ay kumuha ito ng tissue habang inaayos ang buhok nito. Napatayo siya ng tuwid ng tumingin ito ng masama sa kanya at lumapit.
Hinawakan siya nito sa dibdib at inayos ang ribbon niya sa kwelyo.
"Sino ang sabi mong yari sa'yo, ha?" tanong nito.
"Tsk. Mamaya na tayo mag-usap. Naudlot ang seremonya dahil umalis ka sa aisle. Halika na." Sabi niya rito at inaya na ito. Pero pinigil siya nito kaya napatingin sya rito.
Hinawakan siya nito sa mukha at nabigla siya ng tumingkayad ito upang halikan siya. Lihim siyang napamura pero agad na sinungaban nkya ito dahil talagang namiss niya ito.
Nabitin siya ng bumitaw na ito ng halik at pinahid ang labi niya.
"Tara na, baka mainip na sila." sabi nito at naunang lumakad ito. Pero pinigil niya at hinarap niya ito sa kanya. Binuhat nya ito upang hindi na ito mahirapan.
"Argh. Ang bigat mo na." Sabi niya dahil nangawit siya agad pero kaya naman niya.
"So pinapalabas mo na mataba na ako, ganun? Ibaba mo nga ako." mataray nitong sabi at pilit na bumaba sa kanya.
"s**t! 'Wag kang malikot, baka mahulog ka. Mabigat ka dahil nasa loob mo si Baby, okay?" Palusot na sabi niya rito.
Napatingin sa kanila ang pamilya niya at pamilya ni Joe. Maging ang mga bisita na inimbita inya na galing sa kaibigan ng pamilya nila at ka-business niya.
Napabuga siya ng hangin ng maibaba niya si Joe sa harap ng pamilya niya.
"Hija, bakit ka ba nagtungo doon? Akala ko ay tatakbuhan mo ang anak ko." sabi ng My niya.
"Kayo naman po kasi ang may kasalanan. Hindi niyo muna ako pinaihi bago magpunta dito. Tapos nabigla pa ako dahil kasal ko pala ito." sagot ni Joe kaya agad niyang tinakpan ang bibig nito.
"Naku, My. 'Wag niyo na nga pansinin si Joe." paumanhin niya sa My nya at tumingin sa papa ni Joe. "Pa, kukunin ko na po ang basbas niyo. Wala na pong bawian. Akin na itong anak nyo." sabi niya rito na kinangiti nito.
"Oo. Basta pagpasensyahan muna ang anak ko. Tila may topak ngayon." sabi nito kaya napangiti siya. Napangiwi siya ng kagatin ni Joe ang kamay niya. Binitawan na niya ang bibig nito at hinapit na niya ito sa bewang.
"Papa, bakit ganyan kayo? Anak niyo ako pero nilalaglag niyo ako sa mga tao rito. Mas may topak pa si Drake kesa sa akin." Sabi ni Joe.
"Sige na, Hijo. Baka mainip pa si Father at hindi pa kayo ikasal." sabi muli ng Papa nito sa kanya kaya tumango siya at hinatak na si Joe.
"Joe, 'wag kang malikot. Pag natipalok ka pa." suway niya rito na pilit inaalis nito ang kamay niya.
Umirap ito at tumigil sa pagpumiglas sa kanya. Humarap sila sa Pare na tumikim at ngumiti sa kanila.
"Magsisimula na ba tayo?" tanong nito.
"Opo, Father." tugon niya. Tumango ito at sinimulan na nito ang seremonya.
Habang nagsasalita si Father ay napatingin siya kay Joe. Nakikinig ito kay Father at tumatango-tango pa. Napangiti siya dahil sa wakas narito na sila sa simbahan. Kahit naman anong gawin nito ay hindi mababago na mas baliw siya rito. Hindi rin naman niya makayanan na malayo ito sa kanya. Nung ilang araw itong malayo sa kanya ay halos hindi niya makayanan. Kaya naman pagtulog na ito ay tsaka siya tutungo sa bahay nito upang makita ito. At sa madaling araw siya aalis. Pero ngayon ay tapos na. Dahil ginawa lang niya iyon upang hindi masira ang plano niya. Ang surpresang kasal nila na hindi niya talaga pinaalam rito.
Nang matapos ang lahat. Nagpalitan sila ng pangako, singsing at I Do. Sa wakas, kasal na sila ng tuluyan. Sa harap ng lahat at sa harap ng diyos. Magkaharap sila habang tinataas niya ang veil nito. Hinaplos niya ang mukha nito at binaba niya ang kanyang mukha upang hagkan ng halik ang labi nito na kanyang laging hinahanap-hanap.
Kasabay ng paggalaw ng labi nila ay ang lakas ng palakpakan at kampana ng simbahan ang kanyang naririnig. Bumitaw sila ng halik at pinagdikit ang kanilang noo.
"I love you, Hon." sabi niya rito.
"I love you too, Honey." sabi rin nito kaya napangiti siya.
-
RECEPTION. Binabati nila ang mga bisitang dumalo sa kanilang kasal habang nakaupo ang mga ito sa kanya-kanyang upuan..
Lumapit si Joe sa Kuya ni Drake na si Duke at asawa nitong si Nestle na kilik-kilik ang three months old na anak ng mga ito.
"Hi Kuya Duke, Ate nestle. Iyan na ba 'yung baby niyo?"
Ngumiti 'yung Nestle habang 'yung Kuya ni Drake ay may kausap na kakilala nito kaya tumango nalang ito sa kanya.
"Oo. Mabuti nga at walang sumpong." sagot ni Nestle.
"Naku, ang gwapong bata naman. Sana kasing gwapo rin ng anak mo ang anak ko." sabi inya habang nakatitig sa anak nito na pikit na pikit ang mata habang subo ang daliri nito habang natutulog.
"Huh? Lalake ba ang anak niyo?" naguguluhan nitong tanong.
Napahimas naman siya sa tiyan niya at napahinga ng malalim.
"Hindi ko pa nga alam. Hindi pa sinasabi ni Drake. Pero sana lalake." sabi niya.
"Ayaw mo ba sa girl? Mahirap din 'pag lalake, baka lumaking katulad ng tatay. Eto, baka matulad pa sa ama nito." sabi nito na halos pabulong ang huli kaya natawa siya.
"Hey, anong pinag-uusapan niyo?" biglang sulpot ni Drake.
"Wala. Kinakamusta ko lang sila." sabi niya rito at tumingin muli sa baby na sinisipsip ang daliri dahil akala dumedede kay Nestle. Ang cute talaga 'pag baby pa. 'Pag malaki na ay tiyak sakit na sa ulo.
"Drake.." tawag ng isang tinig kaya napalingon sila.
Nagsalubong ang kilay niya ng makita ang medyo tisay at balangkinitang babae na may masasabi din naman ang itsura. Dahil maganda at desente manamit.
Tumingin siya kay Drake na napalingon sa kanya. Binigyan inya ito ng babala kaya napangisi ito.
'Aba! Nagawa pa akong ngisihan ng lalakeng ito?' ani ng isip niya.
Humarap siya sa babae habang nasa likod niya si Drake.
"Hoy! Kita mong kakasal lang namin, ngayon mo pa napiling umeksena. Alam mo ba na lahat ng lumalandi kay Drake ay hindi na nagpapakita." mataray niyang sabi rito. Pansin niya na nagtitinginan na ang mga bisita pero wala siyang pakialam. Ayos 'yun, para mapahiya man ito upang hindi na ahasin ang asawa niya. "At sexy ka nga ngayon sa akin, pero oras na manganak ako, tignan mo, mas sexy na ako sa'yo. At god, ang bata mo pa para patulan ang asawa ko. Ilang taon ka na ba? 19?" sabi pa niya.
"Drake..." tawag muli ng babae na tila hindi man lang pinansin ang sinabi niya. Umuusok ang ilong niya dahil tila kakaiba ang babaeng ito. Ngumiti pa sa kanya.
"Yes, Tita Chloe?" sabi ni Drake na kinalaki ng mata niya. "Tita? What the hell?!" gulat na sabi ng isip niya.
(@_@) mukha ni joe.
Ang mukhang bata pa kay Drake na ito ay Tita nito?
"Ang tapang pala ng asawa mo. Tsaka 'wag mo nga akong tawaging Tita. Chloe na lang, nagmumukha akong matanda." nakangiti parin nitong sabi tila hindi man lang sumisimangot.
Shit! Lamunin na siya ng lupa. Bakit kasi ang daldal niya?
"Hahaha! Ang galing ko. Acting ko lang 'yun, Tita Chloe. Hahaha!" sabi niya upang pagtakpan lang ang pagkapahiya niya. Hinapit niya si Drake na ngiti ng ngiti tila tuwang-tuwa pa na napahiya siya. "Naman, Drake! Bakit hindi mo agad sinabi?" Nafufustrate na bulong niya rito.
"Malay ko ba na sasabihin mo 'yun." sabi nito at hinawakan siya sa bewang. "Don't worry, wala lang kay Tita iyon. 'Pag nakilala mo 'yan, mas gusto mo nalang na magtulog-tulugan kesa kulitin ka niya." sabi pa ni Drake.
"Anong pinagbubulungan niyo?" tanong ng 5ita nito kaya napaayos sila ng tayo at ngumiti rito.
"Naku, wala iyon, Tita chloe." sabi niya.
"Hindi, meron, eh. Ano nga 'yun?" tanong muli nito.
"It's nothing, Tita. It's a private thing you know." sabi ni Drake rito.
"Oh Really? I'm interested. Wala akong alam sa ganun, kaya please share niyo naman. Si Mommy kasi, lagi nalang ako nilalayo sa ganung bagay. Pinag-aral sa girls school. At 'pag uuwi sa amin, bahay lang ako. Gusto kong malaman dali na." pangungulit nito.
"Anong sabi ko sa'yo." Mabilis na bulong ni Drake sa kanya.
"Hi, Tita chloe!" biglang sulpot ni Bettina kaya doon napaling ang paningin ni chloe na kinahinga ng maluwag ng dalawa. Sinenyasan sila ni Bettina kaya dali-dali siyang inakay ni Drake palayo doon.
"Hay, grabe! Ano bang meron sa pamilya niyo at ang we-weird niyo?" sabi ni Joe ng makaupo sila sa table nila.
"What? Kami ay weird? Bakit mo ako nagustuhan kung weird ako, ha? Ha?" sabi sa kanya ni Drake at inakbayan siya.
"Syempre..."
"Syempre, ano?" pag-uulit ni Drake na binulong sa tenga niya.
"Dahil mahal kita." sagot niya na kinangiti nito.
"Good answer." nakangiti nitong sabi at hinalikan siya sa pisngi. Hinawakan ng isa nitong kamay ang tiyan niya. "Excited na ako na lumabas si baby." ani nito habang hinahaplos-haplos ang tiyan niya. Nagulat ito ng sumipa ang nasa loob ng tiyan niya kaya napangiti siya. "Oh, I think she's excited also." sabi nito at umayos ng upo upang ibaba ang mukha sa tiyan nya.
Tama ba narinig niya? She?
"Hi, baby, I'm your daddy. I'm excited to see you." sabi ni Drake rito at naramdaman na naman niya ang pagsipa nito. "Tila malakas sumipa paglaki si baby, ah." ani ni Drake at umayos ng upo.
"Babae pala ang anak natin." sabi niya rito kaya napangiti ito.
"Yeah. Ayoko nga sana dahil baka lumaking katulad mo." sabi nito na kinasalubong ng kilay niya.
"Bakit ayaw mo maging katulad ko ang magiging anak natin, ha?" naniningkit ang mata na tinanong ito. Napakamot ito ng ulo tila nag-aalangan na sabihin.
"Baka palaging may topak." sagot nito at agad na tumayo sa upuan ng ambang hahampasin niya ito.
Agad itong lumapit sa magulang nito na may mga kausap na mga bisita. Kaya naman nagpapadyak siya sa inis.
Napahinga siya ng malalim at tinignan si Drake na nakikipagtawanan sa Mommy nito tila kinikwento siya rito. Lihim siyang napangiti dahil para siyang nakahinga ng maluwag nang sa wakas ay nakasal na sila sa church bago pa man lumabas ang baby nila. Akala niya ay ipagpapalit na siya ni Drake sa iba, nakakamali lang pala siya.
At simula ng araw na ito ay tiyak na mas magbabago ang buhay nila sa pagsilang ng kanilang munting anghel.