KABANATA 16 - BITTER JOE

2276 Words
TINITIGNAN NI JOE si Drake na kanina pa may kausap sa cellphone habang nakaupo sa sofa rito sa hospital. Halos dalawang araw na siyang hindi man lang tinitignan at iniimikan nito. Iimikan man kung magtatanong lang ito kung okay na ba ang pakiramdaman niya o 'di kaya ay kung anong gusto niyang kainin.. Hindi pa siya maaaring makalabas, lalo pa't kakagising lang niya sa mahabang pagkakatulog. At nanghihina din ang mga binti niya kaya kailangan pang hilutin upang magising ang mga ugat niya. Kunot ang noo ni Drake tila naiinis ito sa kausap. Isabay pa ang pagkasalubong ng kilay nito at pag-igting ng panga nito. "Honey.." lumingon ito sa kanya na salubong ang kilay. "What?!" He's mad. "Gusto ko sanang magbanyo." sabi niya rito. Agad naman itong nagpaalam sa kausap at binulsa ang cellphone at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Naka-board short at white polo ito habang bukas ang tatlong butones nito, kaya medyo lantad ang dibdib nito na gustong-gusto niya na nahahawakan. Tinubuan na rin ito ng balbas na hanggang sa patilya nito. Tila napabayaan nito ang sarili dahil hindi na ito nag-aahit ng balbas at humaba na rin ang buhok nito. Pero sa totoo lang mas lalong naging manly at nag-build ang kakisigan nito. Mas naging strong awra nito na para kang masisindak. Lalo pa't tila napakainit ng ulo nito. Lumapit ito sa kanya at inalis ang kumot niya. Hinawakan siya sa likod at sa binti bago binuhat. Napahawak siya sa leeg nito habang nakatingin sa seryosong mukha nito. "Drake, sorry na. Hindi--" "Pagkatapos mong magbanyo ay lalabas lang ako saglit para bumili ng pagkain mo." Sabi nito na hindi man lang siya hinayaang makatapos sa sasabihin niya. Itinayo siya nito at binaba ang panty niya bago siya alalayan na maupo. "Lumabas ka na, kaya ko naman na, e." sabi niya rito. Hindi ito sumagot kundi kumuha lang ito ng tissue at pumunit bago inabot sa kanya. Pagkatapos niya ay agad na siya nitong inalalayan na tumayo at sinuot ang panty niya. Binuhat siya nitong muli pagkatapos at paglapit sa kama ay hiniga siyang muli. Kinumutan siya at agad itong lumapit sa side table para kunin ang wallet nito. Bubuka sana ang bibig niya upang magsalita ngunit nabitin din dahil agad itong tumalikod para lumabas. Paglabas nito ay siyang pasok ng mga tauhan nito upang bantayan siya. Napabuga siya ng hangin at napahimas ng tiyan. "Baby, tila hindi ako papansin ng Daddy mo sa buong linggo. Alam ko naman ang nagawa kong kasalanan, pero talaga bang hindi niya ako iimikan? Napakasungit pa niya at laging nakasigaw, parang may red flag." Ani niya habang kinakausap ang baby na nasa sinapupunan niya. Sumipa ito sa loob ng tiyan niya na kinalaki ng mata niya. Pero agad siyang napangiti dahil ibig sabihin lang no'n ay nakikinig ito sa kanya. Si Drake, alam na kung ano ang magiging baby nila. Pero siya ay hindi pa dahil nga hindi pa nito sinasabi. Tumingin siya sa bintana at nakita niya na napakaaliwalas ng panahon. Napakasarap sigurong lumabas. Kung sana ay kaya lang niyang maglakad. Nababagok na siya sa kakahiga lang. Television lang sa loob ng room niya ang tanging libangan niya. Lumingon siya sa pinto ng marinig ang pagbukas nito. Nakita niya ang isang lalaking nurse na may itsura at nakangiti na tumingin sa kanya. "Mam, iche-check ko lang po ang IV niyo." sabi nito kaya tumango siya. Habang chini-check nito ang IV fluid niya ay napabuntong hininga siya. Bumukas muli ang pinto kaya napalingon siya. Bigla ay nagliwanag ang mukha niya nang makita si Leo. "Hi, Bes!" bati nito sa kanya. Naglakad ito palapit ngunit ng mapatingin ito sa nurse na busy sa pagtingin sa IV Fluid niya ay napahawi pa ito ng buhok kahit napakaikli naman ng buhok nito. Napasimangot siya dahil imbes na lumapit ito sa kanya ay sa nurse pa ito lumapit. "Hi pogi. I'm Lea." kinikilig nitong pakilala na iniba pa ang pangalan. "Hi po, Sir." sabi lang ng nurse at bumaling sa kanya. "Sige po, Mam." paalam nito kaya tumango siya. Napatawa siya dahil hindi man lang pinansin si Leo nung nurse. Ang mukha tuloy ng kaibigan niya ay parang nalugi. "Hahaha! Lea ka pa, ha!" pang-aasar niya rito. "Heh! Napakasuplado naman. Ang ganda-ganda ko, inisnab lang." pagrereklamo nito bago ito naupo sa tabi ng higaan niya. "Oh, ikaw, musta na? Tila magaling ka na dahil lakas munang mang-asar." sabi nito na nakairap pa. "Oo, ayos na ako. Kaso hindi parin ako pinapansin ni Drake." sabi niya rito. "Ikaw kasi ang may kasalanan kaya dapat kang magdusa. Na-operahan ka lang, naging loka-loka ka na." sermon nito. "Alam ko naman iyon. Kung alam ko lang na magagalit siya ay sana pinigilan ko na ang sinabi ko. Hays! 'Wag muna nga akong sermunan. Tulungan mo nalang akong makaisip ng paraan para pansinin niya." sabi niya rito. "Oo na. Naku! Kung hindi lang kita bff ay nilambitin na kita patiwarik." sabi nito at tumayo. "Ano ba ang kahinaan ng asawa mo?" maya-maya't tanong nito. "Ako lang naman kahinaan niya." proud niyang sabi. "Ang landi. Oo, ikaw na. Pero bakit hindi ka parin niya pinapansin?" Natahimik naman siya at napabuntong hininga. Napatingin siya sa tiyan niya at sa katawan niya.. Lalo siyang nanlumo dahil pakiramdam niya ay ang taba na niya. "Mataba na ba ako, Leo? Baka kaya hindi ako agad pinapatawad ni Drake dahil sawa na siya sa akin. Apat na buwan din akong nakacoma, baka nagsawa na rin siya." "Ay! Lukaret talaga! Magbabantay ba 'yun dito kung sawa na iyon sa alindog mo? Aha! Bakit kaya hindi mo akitin?" Napaisip naman siya at tinignan ito ng masama dahil tila nang-aasar pa. "Tingin mo maaakit pa 'yun dahil ang laki na ng tiyan ko tapos ang taba ko na? Mag-isip ka nga ng iba." banas niyang sabi rito. "Ewan ko kung anong opera ang ginawa nila sa'yo, pero tingin ko naalisan ka ng katinuan kaya kung ano-ano ang nasasabi o nakikita mo. Anyway, may naisip ako." sabi nito kaya naging interesado siya. "Ano naman 'yun?" tanong niya. May binulong ito kaya napapatango siya.. Napangiti siya sa plano nito. "Ano? Okay sa'yo?" Tanong nito. "Oo. Galing mo talaga, Leonardo." sabi niya na kinaasim ng mukha nito. "Eww! Ayoko nga sa Leo, tapos binuo mo pa ang pangalan ko. It's okay to me if you call me Lea. Lea Balagtas." sabi nito kaya napailing nalang siya. Maya-maya ay nakarinig na sila ng pagpihit ng pinto kaya nagkatinginan sila. Dali-dali silang umayos dahil alam nila na si Drake iyon. Nagpanggap siya na nakatulala habang nakatingin sa labas ng bintana ng hospital. "Hi, Papa Drake!" dinig niyang bati ni Leo. Hindi naman niya narinig na nagsalita si Drake. Narinig niya lang ang tunog ng plastick at paglapag nito. "Bumili na ako ng pagkain mo. Kumain ka na." Seryosong sabi nito na talagang pinaninindigan na 'wag siyang kausapin ng casual na tulad ng dati. At hindi na rin siya nito tinatawag na 'Hon' na kinasimangot niya. "Ayokong kumain. Busog pa ako." tugon niya at napakagat ng labi. "Damn it! Kakain ka sa ayaw o gusto mo. Hindi lang ikaw ang kakain kundi ang baby natin." galit nitong sabi. Humarap siya rito at matapang na hinarap ito. "Bakit ba naninigaw ka? E, sa ayoko ko pa nga." Napatiim bagang ito at nakipagtagisan ng tingin sa kanya. Tumalikod siya at napaiyak. "Alam ko naman ang naging kasalanan ko sa'yo. Pero hindi naman dahilan iyon para sigawan mo ako." umiiyak niyang sabi at napapahikbi pa siya. "Siguro ay sawa ka na sa akin. Mabuti pa siguro... maghiwalay na tayo." sabi niya at napa-cross finger siya dahil kota-kota na siya sa kasalanan niya. Pero kailangan niya itong gawin baka sakaling bumigay ito at mapatawad siya. "Okay." sabi nito na kinalaki ng mata niya. Bumaling siya rito at nakita niya na seryoso ito. Napabuka-sara ang bibig niya dahil hindi siya makapaniwala na makikipaghiwalay na ito. Napalunok siya at pinigil na mapaluha ng tuluyan. "O-Okay?" "Yes, it's okay to me. Let's break the contract of our marriage." sabi nito na kinabasag ng puso niya.. Napatingin siya kay Leo na napatakip ng bibig. Tila nag-backfire ang plano nila. Dahil may malupit pa pala itong plano kesa sa kanya. Naninikip ang dibdib niya dahil nais na nitong putulin ng kasal nila. Agad siyang tumalikod rito upang hindi nito makita ang pagluha niya. "S-Sige. Ibigay mo nalang 'pag nakapirma ka na. At iwanan mo na ako, dahil ayoko ng makita ka." sabi niya rito. . Hindi na ito nagsalita at lalo siyang napaiyak ng marinig niya ang yapak nito. At tuluyan siyang napahagulgol ng bumukas-sara na ang pinto. "Bff, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Leo sa kanya. "Tignan mo nga. Sabi ko sa'yo ay sawa na siya sa akin.. Gusto na niyang wakasan ang kasal namin. Hindi ko alam kung nakabuti ba yung sinabi ko. Pero sa huli ay ako rin pala ang masasaktan." sabi niya. Napahinga ng malalim si Leo at lumapit sa kanya. "Bes, alam kong nasasaktan ka ngayon. Pero alalahanin mo na may bata sa tiyan mo. Baka maapektuhan sa pagiging emosyonal mo. Kung 'yun talaga ang gusto niya ay wala na tayong magagawa. Ang mabuti pa ay kumain ka na." sabi ni Leo sa kanya. "Ayokong kumain. Wala akong gana." sabi niya at nagtalukbong ng kumot. "Ay! 'Wag mo akong artihan, Joe Lin. 'Pag napano si baby, sasabunutan talaga kita." Banta nito. Humarap siya rito habang nagpupunas ng luha. "Ang harsh mo talaga, Leonardo. Bakit kaya kita naging bestfriend." sabi niya rito at dahan-dahan na naupo. "Oo nga. Bakit ko kaya naging bestfriend ang katulad mo? Napakatigas ng ulo, maarte, at hindi marunong sa mga gawaing bahay. Mabuti nalang at maganda't sexy ka. Doon siguro tayo nagkasundo." sabi nito na kinatawa niya. "Bakit, sexy ka ba? At tignan mo ang mukha mo.. Mas lalaking-lalaki pa ang itsura mo para maging babae. Kaya siguro lagi tayong napagkakamalan na magkasintahan." "Eww! 'Wag mong ipaalala ang word na 'kasintahan' kung sa'yo din naman ili-link. Tsaka sexy ako at maganda. Para akong si Angelina Jolie, kung hindi mo alam." Napailing siya dahil nag-pose pose pa ito na ala-Angelina Jolie. Napabuntong hininga siya dahil kahit paano ay nawala ang dinaramdaman niya. - One week later... PITONG BUWAN AT DALAWANG LINGGO na ang pinagbubuntis niya. Nakauwi na rin siya at sa bahay na nang Papa niya. Tinotoo ni Drake ang sinabi nito sa kanya. Hindi na ito nagpakita sa hospital na kinalungkot niya. Ganun nalang ba talaga ang mangyayari sa kanila? Mabilis nalang ba itong nagsawa sa kanya? Paano na sila ng anak niya? Napatingin siya sa Tita Edit niya na may katawagan na naman sa phone. Panay ang bulong nito 'pag nasa malapit siya.. At nagtataka din siya dahil lahat ng gusto niya ay agad na binibigay nito. Tapos ng ikinu-kwento niya ang nangyari sa kanila ni Drake ay parang wala lang rito. Tapos 'pag nasa kahimbingan siya ng tulog ay pakiramdam niya ay palaging merong nakatabi sa kanya at humahalik sa kanya. Pero nang magising naman siya kinabukasan ay wala naman siyang katabi. Nawe-weirduhan talaga siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Nakaupo siya sa sofa habang nanonood ng palabas sa T.V.. At hindi sinasadya ay nalipat niya sa isang balita kung saan ay tampok si Drake. "Mr. Ford, balita namin ay may isang surprise wedding kayo sa inyong papakasalan na anak ng isang businessman. Maaari ba naming malaman kung sino siya?" sabi ng isang reporter. Napahigpit ang hawak niya sa bowl na hawak-hawak niya habang kumakain ng ice cream. "Yes. But I want a private wedding and I don't like to share who is my bride." seryosong sabi ni Drake.. Napaluha siya dahil hindi naman siya yung tinutukoy ni Drake. Kung ganun ay iyon ang dahilan kaya nakipaghiwalay sa kanya si Drake? Dahil nakahanap na ito ng iba at papakasal pa sa mismong simbahan.. Binaba niya ang bowl sa lamesa at dahan-dahan na tumayo.. Nakakapaglakad na siya dahil tinulungan siya ng Tiya niya at ni Leo na mag-exercise. At masaya siya dahil nakakalakad na siya. Umakyat siya ng kwarto niya at lumapit sa kama niya. Nahiga siya at napayakap sa unan. Napahagulgol siya dahil nasasaktan siya. Hindi niya matanggap na may iba na itong pakakasalan at mamahalin. Nagpahid siya ng luha at kinuha ang cellphone niya. Nagbukas siya ng f*******: at tinignan ang mga post ng kapatid nito. Kay Bettina ang nakita niya na naka-post ang litrato ni Drake. At ang caption ay 'soon to be groom..' Napahikbi siya dahil maging ang pamilya ni Drake ay boto sa papakasalan ni Drake.. Agad niyang nilapag ang cellphone niya at umiyak-iyak lang siya. Pero saglit lang din at muli niyang hinawakan ang cellphone. "Pagkatapos nito, ayoko ng umiyak.. Magpakasal kayo, wala akong pakialam! Tiyak naman na pangit ang papakasalan niya! Akala niya may makikita pa siyang babae na katulad ko?! Magsisisi siya! Oras na manganak ako, tiyak na balik na ang sexy kong katawan.. Tsaka, ang sungit-sungit ni Drake. Tiyak na hihiwalayan lang siya ng babaeng iyon. At panis ang laway ni Drake. Ang baho-baho pa!" gigil niyang post sa f*******:. Napahinga pa siya ng malalim at napapikit. Nang maunawaan niya ang ginawa niya ay napadilat siya. Agad niyang kinuha muli ang cellphone at tinignan ang post niya. Nanlaki ang mata niya na agad-agad siyang binaha ng comment at angry emoticon. "Hindi ako bitter, mga froglet!" sigaw niya sa cellphone at hinagis iyon sa kama bago nahiga muli. "Arghh!! Nakakainis!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD