NAKATULALA SI DRAKE habang nakaupo sa sahig ng hospital. Hinihintay nalang ng mga doctor ang desisyon niya kung ooperahan si Joe. Nais niya naman ngunit may tendency daw na hindi maging one hundred percent na magiging successful ang operasyon kung ang katawan ni Joe ang bibigay. Lalo pa't maselang daw na bahagi ng katawan ang o-operahan.
"Anak!"
Napalingon siya ng marinig ang tinig ng kanyang ina. Agad siyang napatayo at hinintay ang paglapit ng mga ito kasama ang Dad niya. Nagkasabay rin ng mga ito ang Tita ni Joe.
Agad siyang napayakap sa My niya at doon ay napaluha siyang muli.
"Anak, anong nangyari kay Joe? Bakit siya na hospital?" tanong ni Beatrice na hinahagod ang likod ng anak upang pakalmahin.
"M-My, may b-brain cancer po siya. At kailangan na daw pong operahan sa lalong madaling panahon." tugon ni Drake sa ina niya at kumalas ng yakap.
"Diyos ko!" nasabi nalang ng My niya habang ang Dad niya ay lumapit sa kanya at hinawakan siya sa balikat.
"Kaya pala panay ang tanong sa akin ni Joe sa sakit ng Mama niya. 'Yun pala ay meron din siya." nag-aalalang sabi ng Tiya Edit ni Joe.
"Son, inooperahan na ba ang asawa mo?" tanong ng Daddy niya. Umiling siya.
"Dad, My, Tita, ano po ba ang gagawin ko? Kung ang asawa ko at ang magiging baby namin ang nasa panganib? At wala pong kasiguraduhan kung magiging successful ang operation." nanlalata at halos puno ng takot ang tono niya.
Natahimik ang tatlo sa kanyang sinabi. Mga gulat na gulat at naawa na tinignan siya.
"Anak.." naluluhang bigkas ni Beatrice sa anak. Kita niya ang mugtong mata nito. Humawak siya sa kamay nito upang bigyan ng lakas. "Anak, manalangin ka sa diyos. Alam ko na pag bukal sa puso mo ang panalangin mo ay matutulungan ka niya. Hilingin mo sa kanya na mailigtas ang mag-ina mo. Alam ko na hindi ka niya bibiguin." payo nito.
Bubuka sana ang bibig niya ng biglang bumukas ang pinto ng ER kaya napalingon sila. Lumabas si Andrew na nangangasiwa ngayon kay Joe.
"Drake, nakapagdesisyon ka na ba?" tanong nito pagkaalis ng mask sa bibig nito.
Napahinga siya ng malalim at pumikit. Natatakot siya pero kung hindi mao-operahan si Joe ay baka mas lalong lumala ito. Dumilat siya at tumingin kay Andrew.
"Sige, gawin n'yo na. Pero siguraduhin mo na 'wag mong ipapahamak ang mag-ina ko. Ipangako mo." sabi niya rito.
Humawak ito sa balikat niya at tinapik.
"I'll do my best, Dre. At sana ay 'wag kang panghina ng loob. Sige, gagawin na namin." sabi nito at tinapik pa ng ilang beses ang balikat niya bago ito pumasok muli sa loob.
Napayakap siya sa kanyang ina dahil mas lalo siyang kinabahan. Hinaplos-haplos nito ang likod niya upang pagaanin ang nararamdaman niya.
KANINA PA sila nakatayo at kanina pa palakad-lakad si Drake pero hanggang ngayon ay wala paring lumalabas na doctor sa ER. Mas lalo siyang kinakabahan dahil baka ano na ang nangyari kay Joe at sa baby nila.
"Bakit napakatagal naman, My?" kinakabahan niyang tanong sa My niya na nakaupo habang nakatabi ang Daddy niya at Tita edit ni Joe.
"Anak, baka sinisiguro lang nila kung maayos na ang lagay nila Joe. Masyadong maselang ang operasyon kaya tiyak na tinitignan nila kung maayos na ba at walang magiging komplikasyon." pagpapanatag sa kanya ni Beatrice.
Napahinga ng malalim si Drake at tumango.
Sana nga.. Dahil hindi niya makakaya oras na may mangyari sa mag-ina niya.
Napapikit siya at napasandal sa pader. Kanina pa siya nagdadasal na sana maging maayos ang kalagayan nila Joe. At sana ay maalis na ng tuluyan ang sakit nito.
Dinig niyang bumukas ang pinto kaya agad siyang napadilat at napaalis sa pagkakasandal sa pader..
Lumabas si Andrew kaya agad niyang nilapitan ito.
"Ano? Ayos na ba ang mag-ina ko? Naalis n'yo na ba ang sakit niya? Can I see her now?" sunod-sunod niyang tanong rito.
Inalis ni Andrew ang mask at tinapik ang balikat niya.
"Naging maayos ang operasyon sa pagtanggal ng cancer sa utak niya. At ligtas na rin ang baby n'yo. Pero..." sabi nito.
"Pero ano?" nabibitin niyang tanong rito.
Huminga ito ng malalim at binitawan ang balikat niya.
"Hindi ko alam kung kelan magigising ang asawa mo, Drake. She's in coma right now dahil na rin sa operation." sabi nito na kinatulala niya. Napakuyom siya ng kamao dahil sa panginginig. "Nasa kanya iyon kung nais niyang gumising mula sa pagkakatulog." pagpapatuloy na sabi pa nito.
Hinaklit niya ang kwelo nito dahil nangako ito na magiging maayos ang lagay ng mag-ina niya.
"Damn it! Nangako ka! Sabi mo magiging maayos ang mag-ina ko?! Bakit ngayon ay nasa coma siya?! Nangako ka, Drew!" bulyaw niya rito at niyugyog.
"Anak, stop! Ginawa niya ang nagawa niya. Ang tanging magagawa mo ngayon ay palagi mong ipadama kay Joe na nasa tabi ka niya." suway sa kanya ni Beatrice.
"Your mom is right, Son. Malay mo ay saglit lang siya makatulog dahil nga sa operasyon. Hindi naman sinabi na hindi na siya muli pang gigising. Pero nasa asawa mo daw ang desisyon kung gusto pa niyang magising. Look at your self now, tingin mo nang dahil sa asal mo ay makakatulong 'yan para magising si Joe? Baka 'pag narinig ka niya ay baka piliin no'n na 'wag nang magising. Gusto mo ba 'yon, Son?" sermon sa kanya ng Dad niya.
Nabitawan niya ang kwelyo ni Andrew at napayuko siya. Tumulo ang luha niya pero agad niyang pinunasan.
"Can I see her now?" pakiusap niya kay Andrew.
"Oo naman. Pero ililipat muna namin siya sa ICU. Dahil kailangan din ng baby n'yo ng machine at maging ligtas parin ito sa sinapupunan ng asawa mo para mabuhay ito hangga't hindi pa nagigising ang asawa mo." sabi nito sa kanya kaya tumango siya.
Pumasok muli si Andrew sa emergency room habang siya ay tila nanghihina sa nangyayari. Hindi siya makatingin sa parents niya dahil alam niya na naging magaspang ang asal niya.
"Son, 'wag kang panghihina ng loob. Alam ko na malakas si Joe at hindi siya susuko para sa'yo at sa magiging anak n'yo." wika sa kanya ng My niya.
Tumingin siya sa mga ito at niyakap. Mabuti at narito ang mga ito. Nagpapasalamat siya sa mga ito.
Bumukas muli ang pinto kaya napabitaw sila ng yakap. Tumingin sila sa pinto na mabilis na tinutulak ang higaan ni Joe habang may nakakabit sa katawan nito. May benda na rin ang ulo nito at maputla ito.
Agad silang napasunod sa paglipat nito sa ICU. Hindi muna agad sila pinapasok dahil chinecheck pa at nilalagyan ng machine ang anak nila.
Nang okay na ay pinagsuot sila ng lab gown at hair net. Nauna siyang pumasok at agad na nilapitan si Joe. Hinawakan niya agad ang kamay nito at hinalikan. Napapikit siya at napaiyak muli.
"Please, Hon, gising na. Narito na ako. Please, gumising ka kaagad." hiling niya rito at dumilat siya.
Napalingon siya sa machine kung saan dinig na dinig niya ang tunog ng heartbeat. At doon merong dalawa na tumutunog. Isa kay Joe at isa sa baby nila.
Parang dinudurog ang puso niya na sa machine na ring ito nakasalalay ang mag-ina niya. Hindi ito ang gusto niya. Gusto niya na gising si Joe at 'pag nagpa-check up sila para sa baby nila ay heartbeat nito na nasa maayos ang lagay. Hindi sa walang kasiguraduhang lagay.
Naupo siya sa tabi ni Joe at niyakap ito. Umiyak siya sa leeg nito habang panay ang bulong niya na gumising na ito.
Naawa namang nakatingin si Beatrice, Dimitri at Tita Edit ni Joe kay Drake. Ngayon lamang nakita ni Beatrice ang anak sa ganitong sitwasyon. At ni minsan ay kahit tahimik at seryoso ito ay hindi nila alam na malalim ito kung magmahal. Kitang-kita nila kung paano nito alagaan at ituring na prinsesa si Joe nung araw na nasa isla ang mga ito. Natutuwa nga siya na pagmasdan ang mga ito lalo na ng sabihin sa kanila na nagpropose ito at handa ng magpakasal sa simbahan. Pero tila sinusubok sila ngayon ng pagsubok sa pagsasama nila, at hiling niya na sana makayanan ng mga ito. Dahil ayaw niyang nakikita na nakakaganito ang anak nila.
SA ISANG madilim na lugar ay tila hindi alam ni Joe kung nasaan siya? Wala siyang anumang makita kundi puro kadiliman.
"Drake! Nasan ka! Drake!" tawag niya kay Drake pero hindi ito sumasagot.
Natatakot siya at hindi alam kung saan pupunta. Naglakad-lakad siya kahit na wala siyang makita. Pero napalingon siya sa kaliwa ng makakita ng kaunting liwanag. Kaya naman ay nagkaroon siya ng lakas ng loob at agad na tinakbo iyon. Hindi niya alam kung bakit parang napakatagal bago siya makarating sa liwanag na iyon? Para bang kahit anong takbo niya ay hindi siya makarating-rating doon.
"Hon, narito lang ako. Gumising ka na, please..."
Napalingon-lingon siya ng marinig ang tinig ni Drake.
"Drake? Drake!" sigaw niya ng makumpirma na si Drake nga iyon.
"Hon, ang tagal na. Bakit hindi ka parin nagigising? Please, 'wag mo kaming iiwan ng anak mo." Umiiyak na sabi muli nito.
Napaiyak siya dahil hindi niya alam kung saan nanggagaling ang boses. At hindi niya alam kung saan ang daan para makaalis siya.
Napaupo siya at napahagulgol. Bakit puro kadiliman? Ayaw niya sa madilim. Gusto na niyang makapiling si Drake at ang magiging baby nila.
"Anak..."
Mula sa pagkakayuko ay napaangat siya ng tingin. Napamaang siya dahil hindi na madilim ang paligid. Maliwanag at nakakasilaw na. At meron siyang babae na nakita ngunit malabo pa. Unti-unti itong lumapit kaya naging malinaw na sa kanya ang lahat.
Napatayo siya sa tuwa ng makita ang kanyang Mama.
"Mama!" masayang sabi niya at tinakbo ang distansya nila. Pagkalapit niya ay agad niya itong niyakap. "Mama, kayo nga!" natutuwa niyang sabi habang mahigpit na nakayakap rito.
"Namiss mo ba si Mama?" tanong nito kaya napatango siya at napangiti.
"Opo. Miss na miss ko na po kayo. Pero paano po tayo nagkita?" tanong niya rito.
"Hindi na mahalaga iyon, anak. Hindi ka na malulungkot dahil narito na ako. At aalagaan kita rito hindi tulad ng Papa mo na hindi ka inaalagaan. Sumama ka na sa akin para makasama muna si Mama." sabi nito.
"Ho? Pero mabait na po si Papa ngayon. Pero meron lang po suyang sakit ngayon." sabi niya rito.
"Ayaw mo bang makasama si Mama? Dito ay masaya, wala kang anumang iisipin. At walang taong mananakit sa'yo rito." sabi nito.
Kaya napalingon siya sa paligid. Ngayon ay naiba na muli ang paligid. Isang napakaganda at tila paraiso. May lawa at mga punong hiwa-hiwalay ang pagkakatayo. May napakalawak na lupa tila walang hangganan.
Napakunot-noo siya ng mapansin na walang anino ang mga taong naglalakad tila may mga sariling mundo. Nasisikatan kasi sila ng kulay kahel na liwanag kaya dapat ay kita ang anino ng tao.
Napatingin siya sa mama niya na nakangiti sa kanya. Napatingin siya sa reflection nito at nakita niya na wala rin itong anino. Kaya naman ay napatingin siya sa paa niya at doon nakita niya na meron pa siyang anino.
Lumayo siya sa mama niya na kinataka nito. Umiling-iling siya rito at napaiyak.
Muntik na!
"Anak, anong problema?" pagtatanong nito.
"Hindi po ako sasama, Mama. Bakit n'yo po ako inaaya kung meron pa akong anino at maaari pa akong mabuhay?" hinanakit niyang sabi rito. Hindi ito nakaimik sa sinabi niya. "Patawad po at mamimiss ko po kayo, Mama. Pero may naghihintay pa po sa akin at marami pa akong gustong gawin sa sarili ko at sa magiging pamilya ko." sabi niya rito. Lumapit siya rito at niyakap ito.
"Natutuwa ako at hindi ka nagpatalo sa iyong pagsubok, Anak. Pasensya na kung sinubok kita. Sabihin mo sa Papa at Tita mo na salamat. At 'wag kang mag-alala, parati akong nakamasid lang rito sa taas, Anak. Gagabayan kita at ang magiging apo ko." sabi nito kaya napangiti siya.
Nagbitaw sila ng yakap at pinagkatitigan niya ang mukha ng kanyang ina. Bumitaw ito sa kanya at lumayo. Ngumiti ito bago tumalikod. Nawala ito sa liwanag. Kaya napalingon siya ng may biglang liwanag na tumama sa kanya. Napapikit siya at napatakip ng mata.
Four months later....
KAHIT NA ANTOK NA ANTOK na ang mata ni Drake ay nanatili parin siyang nakatitig kay Joe. Hinahaplos niya ang tiyan nito na magpipitong buwan na. Malaki na ang tiyan ni Joe pero hindi parin ito nagigising. Halos hindi na siya pumapasok ng opisina upang mabantayan lang ang mag-ina niya. Dinadalaw siya ng mga kapatid niya at ang parents niya ang laging niyang kasama rito at minsan ay ang tita ni Joe.
Hinalikan niya ang noo nito at tiyan nito. Inayos niya ang kumot at hinaplos niya ang mukha nito.
Umalis siya sa higaan kung saan ito nakahiga. Lumapit siya sa upuan na may sandalan ang kanyang paa upang mas maayos naman siyang makakatulog kahit paano.
"Hmm.."
Mauupo palang siya ng makarinig ng ungol. Napalingon siya kay Joe at lumapit muli rito. Nagtataka na pinagmasdan niya ito kung ito nga ba ang umungol?
Napatingin siya sa daliri nito ng biglang gumalaw. Agad siyang taranta hindi sa takot kundi sa tuwa ng tuluyang gumalaw ang daliri nito.
"My! Dad! Gising na siya! Hon! Hon! Gising na dali!" tuwang-tuwa niyang sigaw.
Napabalikwas ng bangon sila Beatrice at Dimitri ng sumigaw si Drake.
"Anak, bakit ka sumisigaw?" inaantok na tanong ni Beatrice.
"My, magigising na siya! Tawagin n'yo po si Andrew, My." tuwang-tuwa tugon ni Drake habang nakatitig kay Joe at hinihintay na dumilat.
Agad namang tinawag ni Dimitri ang doctor habang si Beatrice ay lumapit sa anak.
Hinihintay ni Drake ang pagbukas ng mata ni Joe. Hawak niya ang kamay nito at paulit-ulit na hinalikan sa sobrang tuwa.
Lalo siyang nanabik ng gumalaw na ang kilay nito na kumukunot.
"Hon, gising na. Naririnig mo ba ako?" sabi niya rito.
Mula sa pagkakakunot ng noo ay ang paggalaw naman ng mata nito ang gumalaw. Napangiti siya at napaluha dahil sa wakas ay nagigising na ito.
Unti-unti na itong dumilat kaya lalo siyang natuwa. Sa pagbukas ng pilik mata nito ay nasilayan na niya ang itim at bilugan nitong mata.
"Hon, thanks god! Ano, nakikilala mo ba ako? May masakit ba sa'yo? Ano?" sunod-sunod niyang tanong na hindi mapigilan dahil sa labis niyang pagkasabik at kasiyahan. Niyakap niya ito at napaiyak siya sa leeg nito. "Sa wakas, natupad din ang kahilingan ko. Hindi mo ako iniwan." umiiyak niyang ani rito.
"S-Sino ka?" sambit nito na kinatigil niya sa pag-iyak. Umalis siya ng pagkakayakap at tinignan ito na nagtataka.
"Hon.." sambit niya.
"Sino ka sabi?" tanong nitong muli.
"Ako ito si Drake.. Asawa mo." tugon niya rito.
Napatingin siya sa magulang niya at Tita Edit nito. Maging kay Andrew na kakarating lang ay nagtataka rin.
"Bakit hindi niya ako nakikilala?" tanong niya kay Andrew na may takot at sakit na nararamdaman dahil bakit hindi siya kilala ni Joe?
"Baka dahil sa pagkakaopera niya. Kailangan ko siyang icheck-up upang makasiguro ako." tugon ni Andrew.
Tumingin siyang muli kay Joe at nakita niya na nakatitig ito sa kanya. Hinawakan niya ang pareho nitong kamay at pinahawak sa mukha nya.
"Hon, ako ito si Drake. Hindi mo ba ako nakikilala? Please, don't do this to me." pagmamakaawa niya rito na kilalanin siya.
"Pwede ba akong mag-joke?" sabi nito na kinaguluhan niya.
"Huh?" naguguluhan niyang sabi.
Ngumiti ito at doon ay unti-unti na niyang naunawaan ang sinabi nito. Sumeryoso siya dahil hindi niya nagustuhan ang biro nito.
Binitawan niya ng dahan-dahan ang kamay nito at umayos siya ng tayo bago tumingin kay Andrew.
"Tignan mo kung ayos na siya, lalabas lang ako." seryoso niyang sabi at agad na tumalikod.
Bigla namang nakonsensya si Joe habang nakatingin sa pintong pinaglabasan ni Drake. Tatayo sana siya pero agad siyang pinigilan ng Tita niya.
"Ikaw na bata ka! Bakit mo ginawa sa asawa mo iyon? Kita mong alalang-alala sa'yo tapos ikaw ay bibiruin mo pa." sermon sa kanya nito at kukurutin sana siya pero hindi na nito tinuloy.
Natahimik siya at napatingin sa tiyan niya. Nagulat siya ng makita na malaki na ang tiyan niya.
"I-Ilang araw na akong tulog?"
Alam niya na nakakatanga ang tanong niya. Dahil halata naman sa tiyan niya na matagal siyang nakatulog.
"Apat na buwan na, Hija. At nauunawaan ko kung bakit nagalit sa'yo ang anak ko. Hindi biro ang ginawa mo dahil kanina ay kita ko ang tuwa niya ng magising siya. Hindi siya nawalan ng pag-asa na magising ka. Kaya sana ay hindi mo iyon ginawa." si beatrice ang sumagot ng katanungan niya.
"Sorry po, Tita. Sinubukan ko lang ho kasi yung nakikita ko sa palabas sa television." mahina niyang sabi na kinabuntong-hininga ng mga ito.
"Sige na, Andrew hijo. Tignan mo na ang lagay ni Joe. Pero sa tingin ko ay maayos na dahil nakagawa na ng kalokohan sa anak ko." pagpaparinig sa kanya ni Beatrice kaya lalo siyang napayuko ng baba at nakatingin sa kuko niya na kanina pa niya kinukutkot dahil sa hiya.