KABANATA 14 - SHE'S SICK

2970 Words
GABI NANG MATAPOS sa meeting si Drake. Hindi na niya tinawagan si Joe dahil tiyak na nandoon ito sa bahay ng papa nito. Lulan na siya ng sasakyan ng mapatingin siya sa isang cake shop. Kaya naman ay tinabi niya ang sasakyan sa parking lot at bumaba upang bumili ng pasalubong sa Papa at Tiya nito. "Good Evening, Sir." bati ng guard kaya tumango siya rito. Pinagbuksan siya kaya pumasok na siya. Marami din ang costumer na ibig na kumain sa mismong cake shop. Pumila siya kahit na ayaw niya. Napangiti siya dahil naaalala niya kung paano siya pagsabihan noon ni Joe tungkol sa pagpila. "Dali! Dito tayo." excited na hatak sa kanya ni Joe kaya napailing siya at nagpahatak papasok sa isang fastfood chain. "Grabe! Dami palang tao." Sabi nito ng makaupo sila. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Napatulala siya habang nakatingin sa ngiti nito. "Pila ka na. Gusto ko yung chicken with rice and fries." Hinahangin ang buhok nito at natatamaan ng liwanag ang mukha nito habang nakangiting nakatitig sa kanya. "Uy! Naririnig mo ba ako?" Pinitik nito ang daliri sa harap niya kaya napabalik siya sa sarili. "Huh?" Napailing ito at napanguso tanda na naiinis na ito. "Hindi mo naman ako pinapakinggan.. Salita ako ng salita, pero 'yun pala nakatulala ka lang." sabi nito at nagdadabog na tumayo. Agad siyang napatayo at hinawakan ang pulso nito para pigilan. "Wait! Pasensya na may iniisip lang ako. Nagtatampo ka naman agad." sabi niya rito at pinaupo ito. Ginulo niya ang buhok nito at tinungo niya ang counter kahit may nakapila. Magsasabi pa lang isya ng o-orderin niya ng may humatak sa kanya sa braso kaya napalingon siya. "Ano ka ba! Kitang may nakapila, tapos sumingit ka pa. Dapat pumila ka rin para hindi magalit sa'yo ang mga naunang pumila." sabi nito at pinila siya sa likod. "Ayan. Dito ka pumila, okay?" Napailing siya at napangiti dahil sa alaalang iyon. "Hi, Kuyang Handsome. Gusto mong mauna?" biglang sabi ng mga kinikilig na high school student na mga babae sa kanya. Nasa unahan niya ang mga ito at gusto na paunahin siya. "I'm okay here.. Thanks for the offer." sabi nalang niya at tumingin sa menu board kung saan nakapaskil ang mga cake. "Grabe. Ang bango, Bes, at ang yummy." dinig niyang bulong ng mga babae. "Oo nga, ang gwapo-gwapo pa. Grabe tiyak na mas yummy pa 'pag walang damit." napahagikgik ang mga ito na kinailing niya. Matapos ang mga ito na bumili ay nagtungo lang ito sa gilid niya tila walang balak na mag-alisan. Hindi na niya pinansin at umorder siya ng chocolate cake. "830 pesos po lahat, Sir." nakangiting sabi ng cashier na namumula pa ang mukha. Kinuha niya ang wallet sa coat niya at kumuha ng pera. "Ay! May girlfriend na pala. Ang ganda, Bes. Wala na tayong pag-asa." dinig niyang bulungan ng mga high school girls na hindi parin umaalis sa gilid niya. Napatingin siya sa wallet niya at nakita niya ang larawan ni Joe na nilagay niya talaga sa wallet niya para mapagmasdan pag namimiss niya ito. Ito yung dati pa niyang nakaw na litrato nito nung kolehiyo sila at magkasintahan palang sila. Napangiti siya at sinara na ang wallet at inabot ang isang libo sa cashier. "Keep the change." ani niya at kinuha na niya ang box ng chocolate. "Naku! Thank you po, Sir!" Sabi ng cashier kaya tinaas lang niya ang kamay bilang pagtango. Lumabas na siya na bitbit ang cake. At sakto naman na may isang flower shop sa tabi kaya pagkalagay niya sa front seat nung cake ay tinungo naman niya ang flower shop para bumili ng bulaklak para kay Joe. Pumili siya ng bulaklak na pinakamaganda. Pagkatapos ay pina-arrange na niya. Nagbigay siya ng credit card para mabayaran na.. "Thank you, Sir." nakangiting sabi ng mga employee sa flower shop kaya tumango siya at ngumiti bago lumabas na bitbit ang bouquet. - Ramos Residence BUMUSINA SIYA ng makarating siya sa harap ng bahay ng papa ni Joe. Agad naman siyang pinagbuksan ng katulong kaya pinasok na niya ang kotse. Malaki rin ang bahay ng Papa ni Joe. At meron ring malawak na lupain na nakapaligid na nahaharangan ng mga pader. Pinatay na niya ang makina at nag-alis ng seatbelt. Kinuha niya ang cake at bouquet bago bumaba. "Si Mam Joe mo ba nasa loob?" tanong niya sa isang katulong. "Hindi ko ho napansin, Sir. Kakapasok ko lang din ngayon." sabi nito kaya napatango siya. Pumasok na siya at tumingin sa loob ng bahay. "Oh hijo, mabuti at naparito ka. Kasama mo ba si Joe?" Napatingin siya sa hagdan ng bumababa doon ang Tiya ni Joe. "Good Evening, Tita. Nagpunta po ako dahil akala ko ho narito si Joe. Wala po ba siya rito?" tugon niya rito na may pagtataka. "Wala, Hijo. Hinihintay ko nga dahil sabi niya ay dadalaw siya sa Papa nito." sabi nito na kinaalala niya. Agad niyang kinapa ang cellphone bulsa ng pants niya at kinuha. Dinial niya ang numero ni Joe pero ring lang ito ng ring. 's**t. Baka may nangyari na naman sa kanya.' aniya sa isip at binulsa na ang cellphone dahil hindi nito sinasagot. "Tita, iwan ko na po itong cake sa inyo. Pasensya na po kung aalis na ako agad. Hahanapin ko lang po si Joe at baka napahamak na naman." sabi niya rito. "Sige, ayos lang. Mag-iingat ka, hijo. At pakitawagan mo sana ako 'pag nakita muna si Joe. Nag-aalala ako at baka napano na naman ang batang iyon." ani nito kaya tumango siya. Agad siyang lumabas ng bahay at dali-daling lumapit sa sasakyan niya. Agad din siyang sumakay. Puno ng pag-aalala ang isip at puso niya para kay Joe. Baka napahamak na naman ito gaya ng huli niyang pagpunta rito. Pero ngayon ay hindi niya alam kung saan ito nagpunta. At isa lang ang alam niya kung nasaan ito. - DALI-DALI SIYANG lumabas ng elevator ng pad niya habang bitbit ang flower. Pagdating sa tapat ng pad ay agad niyang pinindot ang password at binuksan ang pinto. "Hon!" tawag niya at lumakad papasok. Napalibot suya ng tingin at napadako ang tingin niya sa sofa sa living room. Napahinga siya ng malalim dahil para siyang nabunutan ng tinik ng makita ito na nakahiga sa sofa. Lumakad siya palapit rito at nang makalapit ay nilapag niya ang flower at bag na bitbit sa table. Naupo siya sa kaunting space ng upuan na hinihigaan nito. Hinawi niya ang buhok nitong tumatabing sa maamo at magandang mukha nito. Tila nagiging antukin ata ito at tila nangangayayat? Naalimpungatan ito at dumilat. Nang mapatingin sa kanya ay naupo ito. "Kanina ka pa ba dumating?" paos ang boses na pagtatanong nito. "Hindi, kakarating ko lang. Nagpunta ako sa bahay ng Papa mo pero wala ka pala roon at nandito ka. Akala ko ay may nangyari naman na hindi maganda sa'yo." tugon niya. "Oo nga pala, nakalimutan ko." Sabi nito at napabuntong-hininga. "Baka lalong magtampo sa akin si Papa dahil nangako ako na pupunta pero nakalimutan ko naman." pagpapatuloy nito. "Okay lang iyon, Hon. Bukas nalang at sabay na tayo, okay?" Tumango ito at tumingi sa kanya. Napangiti siya at nilapit niya ang mukha rito. Hinawakan niya ito sa batok at hinalikan sa labi. Nabigla ito pero agad din siyang tinugunan. Hinawakan niya ito sa bewang at hinapit palapit sa katawan niya. Mas naging malalim ang kanilang halik na puno ng pananabik. Inihiga niya ito nang hindi pinuputol ang halik. Kinubabawan niya ito at doon ay mas naging mapusok siya. Sa isang mahabang araw na hindi inya ito nakita ay parang katumbas iyon ng ilang taon niyang pangungulila rito. Kaya nga natuwa siya ng sabihin nito na ibig nitong sumama sa opisina niya. Hindi man ito nakasama sa kanya ngayon ay bukas tiyak na sasama na ito. Naglalaro ang kanilang mga dila habang ang kanyang kamay ay humahaplos sa legs nito na malaya niyang nahahaplos. Nakasuot kasi ito ng dress na umangat kaya expose na expose ang legs nito. Huminto sila ng halik at nagkatinginan. Umalis siya sa pagkakakubabaw rito at hinapit niya ito sa bewang upang makaupo mula sa pagkakahiga. Binuhat niya ito habang mahigpit na nakapulupot ang kanyang mga braso sa bewang nito. Agad naman nitong pinulupot ang mga binti sa kanyang bewang. "Drake..." wika nito sa pangalan niya tila may nais na sabihin. "Yes, Hon?" tanong niya habang lumalakad siya at buhat ito patungo sa kwarto nila. Umiling ito at napayakap sa kanya. Binuksan niya ang pinto at pumasok sila. Gamit ang paa ay sinara niya ang pinto. Binaba niya ito sa kama habang siya ay umayos ng tayo at inalis ang coat, kurbata at mabilis na inalis ang sapatos. Agad siyang sumampa ng kama at ginapang ito na nakatingin sa kisame tila malalim ang iniisip. Nahiga siya sa tabi nito at hinawakan ito sa mukha upang ipatingin sa kanya. "Mamaya muna isipin ang nais mong sabihin." sabi niya rito habang nakatingin sa mga mata nito. Tumango ito kaya napangiti siya. Inilapit niya muli ang mukha nito sa kanya at hinalikan ito sa labi. Humawak siya sa legs nito at hinaplos-haplos. Humawak naman siya sa bewang nito at hinapit palapit sa kanya habang nakayakap ang isa niyang kamay sa batok nito upang mas mailapit sa kanya. Naglilikot ang kaliwa niyang kamay at humahaplos na sa pang-upo nito. Piniga niya na kinasinghap nito. Hinatak niya ito at nahiga siya habang ito ay nasa ibabaw niya. Habang patuloy sa paghalik ay patuloy na humahaplos ang pareho niyang kamay sa pang-upo nito. Inangat nya ang palda nito upang mas lalo niyang madama ang pang-upo nito. Nagbitaw sila ng halik kaya naupo siya habang nakakandong ito. Muli niyang hinalikan ito at lalo itong hinapit upang mas madama nito ang kanyang kahadaan na galit na galit na. Umakyat ang mga kamay niya at hinaplos nya ang mayamang korona nito na sa kanya lamang. Bumitaw siya ng halik at bumaba ang halik niya sa leeg nito. "Alam mo ba na masyado mo akong pinapanabik sa'yo. Halos gusto ko ng bumilis ang oras para makauwi na agad sa'yo." sabi niya rito habang hinahalik-halikan ang leeg nito. "Ayokong bumilis ang oras. Tsaka paano kung mamatay ako, edi mas lalo mo akong mamimiss." Natigil siya sa paghalik dahil sa sinabi nito. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. "Don't say that, hon." mariin niyang banta rito. "Sinasabi ko lang naman. Paano nga kung mamatay ako, paano ka? Dapat siguro maghanap ka na ng ibang--" Agad niyang sinakop ang labi nito upang tumigil. Hiniga niya agad ito at kinubabawan niya na hindi pinuputol ang mapagparusa niyang halik. Bullshit! Hindi niya gusto ang lumalabas sa bibig nito. Nagagalit siya dahil gusto siyang ibigay nito sa iba. Tinutulak siya nito sa dibdib tila hindi nagustuhan ang paghalik niya. Humawak siya sa dress nito at agad na sinira. "Drake, ano ba! Bakit mo sinira?!" galit nitong sabi ng bitawan niya ang labi nito. Hindi niya pinansin ito at agad niyang hinawakan ang parehong korona nito. Nilamukos niya na napakadiin tila doon binubuhos ang inis niya rito. "Dapat kang maparusahan dahil sa sinabi mo. Hindi ikaw ang magdedesisyon at hindi mo ako pwede na ipamigay sa ng basta-basta! Nagagalit ako sa'yo dahil kung makapagsalita ka ay parang mamatay ka na!" galit niyang bulyaw rito at napasuntok siya gilid ng mukha nito na kinagulat nito. Nakita niya ang pagluha nito na agad niyang kinataranta. "Wait.. Sorry, Hon. Hindi ko gustong sigawan ka." masuyong sabi niya rito sa tonong mababa at nakokonsensya. Agad niyang pinunasan ang luha nito. Umiling ito at pinahinto siya sa pagpunas. Mas lalo itong umiyak na kinamura niya sa sarili. "Hon..." "May... May sakit ako, Drake." sabi nito na kinatulala niya. Umiling-iling siya sa sinabi nito. "Anong sakit? Lagnat ba? Sipon? Ubo? Hindi naman siguro mas malala pa doon." sabi niya at pinunasan ang luha nito. Mas lalo itong umiyak sa tiyempong napapahagulgol na ito. Agad niyang niyakap ito at pinatahan. "Drake, may brain cancer ako." pag-aamin nito na kinahinto niya sa paghaplos sa likod nito. Umalis siya sa pagkakayakap rito at tumingin sa mukha nito na puno ng luha. Napaupo siya at napapailing. Hindi. Hindi totoo ang sinabi nito. Nabibingi lang siya. "Hon, wag kang magbiro. Hindi isang joke iyon. Ayoko ng sinasabi mo." sabi niya rito at umiiling-iling siya. "Hindi ako nagbibiro, Drake. Meron na akong stage 2 brain cancer." sabi nito at naupo rin. Napahawak ito sa ulo kaya agad siyang nataranta. "Hey, anong nangyayari sa'yo?" natataranta niyang tanong at hinawakan ito sa mukha. "Masakit ang ulo ko. Ouch!" Lalo siyang nag-alala sa sinabi nito. Agad niyang binalot ang katawan nito nung coat niya upang matakpan ang dibdib nito. Pagkatapos ay agad niyang binuhat ito at dali-dali silang bumaba ng kama. "Ouch! A-Ang sakit!" hiyaw nito sa sakit kaya lalo siyang nataranta. "Saglit lang, Hon. Dadalhin kita sa hospital." natataranta niyang sabi. Halos sigawan niya ang taong makakasalubong niya sa lobby ng condo. Mga paharang-harang pa kitang nagmamadali sila. "Boss, ano pong nangyayari?" tanong ng bodyguard niya. "Buhayin mo dali ang kotse!" Utos niya rito. Agad naman siyang pinagbuksan ng isa pa niyang tauhan kaya nakasakay siya agad. Inakbayan niya si Joe at pinasandal sa balikat niya. Hinaplos-haplos niya ang mukha nito para kumalma. Dahil maging siya ay natataranta. Natatakot siya sa tuwing sisigaw ito sa sakit. Damn! Bakit ngayon niya lang nalaman? Bakit hindi niya napansin ang pagbabago ng katawan nito? Ang maputlang labi nito. Ang pagiging antukin at pagkahilo nito ay senyales din ba? Ang daming tanong na namumuo sa isip niya at ang puso niya. At may takot at sakit sa tuwing umaaray ito na hindi naman niya maagapan.. Dahil sa mabilis na nagmaneho ang tauhan niya ay agad silang nakarating ng hospital. Pagbukas ng tauhan niya ng pinto ay agad niyang binuhat si Joe. Nasa entrance palang sila ay sinalubong na sila ng mga nurse na may dalang stretcher. "Sir, ihiga n'yo po rito si Mam." sabi ng mga ito kaya maingat niyang inihiga si Joe at pagkahiga ay agad niyang hinawakan ang kamay nito habang tulak-tulak ang stretcher. Nawalan na ito ng malay na kinabahala niya. "Hon, gising. Please, 'wag mo akong iiwan." sabi niya rito. "Don't worry, Sir. Tila nakatulog lang siya." sabi ng nurse. Napahinga siya ng malalim at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito. Pagdating sa emergency room ay pinaiwan na siya sa labas. Ayaw niya sana pero bawal daw pumasok kaya naiwan siyang mag-isa sa harap ng emergency room. Napahagod siya ng buhok habang hindi mapakali na palakad-lakad. Nag-aalala siya at natatakot. "Drake!" napalingon siya ng may tumawag sa kanya. Nakita niya si Andrew, ang kaibigan niya na doctor. Nakalimutan niya na dito nga pala ito nagtatrabaho. "Si Joe ba yung nasugod mo?" tanong nito. "Alam mo? Alam mo ba ang sakit niya?" mariin niyang tanong rito. "Oo. Ako ang tumingin sa kanya." tugon nito kaya hinaklit nyia ang kwelyo nito. "Alam mo pero hindi mo sinabi sa akin agad!" galit niyang bulyaw rito. "Gusto ko man sabihin sa'yo ay ang asawa mo naman ang may ayaw. Gusto niya na siya ang magsabi sa'yo. Tsaka kanina lang din naman siya nagpacheck up, at nakita ko nga na meron siyang stage 2 brain cancer." sabi nito kaya nabitawan niya ang kwelyo nito. Napasipa siya sa pader na kinadaing din naman niya. Pero hindi niya ininda iyon at patuloy niyang binubuhos ang inis sa pader. "Drake, kailangan niyang operahan sa lalong madaling panahon. Kailangan nang maalis ang virus cells na kumakalat sa ulo niya. Pero kailangan mong maghanda dahil baka merong maapektuhan." sabi nito na kinatigil niya sa pagsipa. Humarap siya rito na puno ng luha ang kanyang mukha na kinagulat nito. "Anong ibig mong sabihin?" pagtatanong niya. "Buntis ang asawa mo. Three weeks pregnant." sabi nito na kinatulala niya. Napabuka-sara ang bibig niya dahil hindi niya alam iyon. Para siyang nanghihina sa natuklasan. Magkaka-baby na pala sila pero may sakit naman ang asawa niya. "Hindi siya maaaring painumin ng anumang gamot o sasaksakan ng gamot dahil baka magkakomplikasyon iyon sa bata. Kaya ang naisip ko nalang ay operahan na siya agad para hindi lalong kumalat ang cancer niya." sabi pa nito. Napaupo siya at napasabunot ng buhok habang umiiyak. Hindi niya alam ang gagawin. Para siyang masisiraan ng ulo sa nangyari kay Joe. Sana ay sa kanya nalang. Mas gugustuhin pa niya iyon kesa mapahamak si Joe at ang baby nila. "Sige, iwan muna kita. Susuriin ko lang ang kalagayan ng asawa mo." paalam nito at tinapik siya sa balikat bago ito pumasok ng emergency room. Sa pagbukas ng pinto ng emergency room ay nakita niya pa ang nakahigang si Joe habang may nakakabit sa ulo nito. Nang unti-unti nang sumara ang pinto ay lalo siyang napaiyak. Hindi siya iyaking tao pero ngayon lang siya napaiyak ng todo. . Kinapa niya ang cellphone at nanginginig ang kamay na dinial niya ang number ng My niya. "Yes, anak? Napatawag ka sa dis oras ng gabi?" "My.... Please, punta po kayo rito ngayon sa hospital." umiiyak niyang pakiusap rito. "Anak, anong nangyari? Sinong nasa hospital?" natataranta nitong tanong. "Si Joe po. Please, pumunta na po kayo ngayon. Hindi ko po kaya." "Okay-okay. Pupunta na agad kami d'yan. Itext mo ang hospital at pupunta kami agad. Sige na." sabi nito at agad ng binaba tila nagmamadali na. Napapikit siya at sinandal ang ulo sa pader. Para siyang pinanghihinaan ng loob at hindi alam kung ano ang gagawin. Sana ay panaginip lang lahat ng ito. Sana ay nakatulog siya sa opisina at magigising siya na mali ang lahat ng kanyang nalaman. Pero kahit inumpog niya ang ulo niya ay gising na gising siya at totoo ang lahat ng nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD