KABANATA 13 - SICK

2728 Words
DALAWANG ARAW DIN namalagi sila Joe sa isla ng magulang ni Drake. At sa dalawang araw na iyon ay tiniis niya ang sakit ng ulo at iba pang nararamdaman niya upang 'wag lang makahalata ang kanyang asawa at ang pamilya nito. Ngayon ay iginagayak niya ang mga damit ni Drake para sa pagpasok nito sa opisina. Sinabi niya na hindi muna siya sasama sa opisina nito at nag dahilan siya na magpapahinga muna. Nagpapasalamat siya na hindi nahahalata ni Drake ang dinaramdam niya. Ayaw muna niya sabihin hangga't hindi kumpirmado kung ano nga ba ang sakit niya. Gusto muna niya na sarilinin ang lahat bago siya makakuha ng lakas ng loob para sabihin rito. Napatingin siya sa gawing banyo ng bumukas ang pinto. Lumabas si Drake na naka-towel lang ang ibabang bahagi ng katawan nito habang nagpupunas ng basang buhok at katawan. "Honey, ito na yung isusuot mo." sabi niya rito at nilapag ang kurbata nito sa kama. Napaidtad siya ng yumakap ito sa kanya kaya napahawak siya sa kamay nito na nakapulupot na sa bewang niya. "Hindi ka ba talaga sasama?" pang-ilang ulit na nitong tinatanong iyon kaya napailing at napangiti siya. "Tsaka nalang. Magpapahinga nalang muna ako at mamaya ay dadalawin ko rin si Papa dahil nagtatampo na." sabi niya rito at inalis ang kamay nito. Kinuha niya ang polo nitong itim at pinasuot niya rito. "Kung gano'n ay sabay na tayong magpunta sa Papa mo. Aagahan ko nalang ang uwi." "'Wag na. Tapusin mo ang work at tsaka ka nalang sumunod, okay?" bilin niya rito habang binubutones ang polo nito. "Okay. Alam mo namang malakas ka sa akin." sabi nito kaya napangiti siya at inayos ang kwelyo nito. "Mabuti naman." sabi niya at kinuha naman niya ang brief at slock pants nito. "Oh! Isuot muna at ipagtitimpla lang kita ng kape." sabi pa niya. Pagkatapos niya bilinan ito ay lumabas na siya at napasandal sa pader. Napahawak siya sa ulo ng makaramdam ng kirot at hilo. Pumikit siya at pinakalma ang sarili upang mawala ang sakit. Umiling-iling siya at dumilat. Umiling siyang muli ng makaramdam ng panlalabo ng mata. Nang maramdaman na ayos na ay naglakad na siya papasok sa kusina. Napaiyak siya habang nagtitimpla ng kape. Habang lumilipas ang araw ay parang palala ng palala ang nararamdaman niya. Napakabilis at natatakot siya na baka pag nalaman niya ay huli na--at baka malala na pala ang lagay niya at baka hindi na siya malunasan pa. Agad siyang nagpahid ng luha at inayos ang sarili ng marinig ang yapak ni Drake na papunta sa kusina. "Hon, buhayin mo ang heater, ha! Malamig at baka lamigin ka." bilin nito na tingin niya ay naupo na sa lamesa. Huminga siya ng malalim at tumikim upang umayos ang boses niya. "Okay." tugon niya at binitbit na ang kape at lumapit rito. "Magdala ka ng jacket. Baka malamig din sa opisina n'yo. At pagbabaunan kita ng makakain mo, ha? Para hindi ka na magpa-deliver." sabi niya rito na humihigop na ng kape. Binaba nito ang tasa sa lamesa at humawak sa bewang niya. Inalalayan siya nitong maupo sa kandungan nito kaya napayakap ang kanan niyang braso sa leeg nito habang nakatagilid siyang nakaupo rito. "Yes, Mam." tugon nito kaya piningot niya ang tenga nito na kinahalakhak nito. Napangiti siya at inayos ang buhok nito. "Ikaw din. 'Wag na 'wag kang magpapagutom. At initin mo ang lutong pagkain na nilagay ko sa ref kagabi. At baka mamaya ay may laman na ito, dapat ay hindi ka nagugutom." Sabi nito at hinaplos ang tiyan niya. Ibig niyang mapaluha pero pinigil niya. Ngumiti siya rito at tumango. "Bakit kaya hindi tayo magpacheck-up na? Malay natin meron na tayong baby." suhesyon nito. "Tsaka na. Wala pa naman akong nararamdaman na senyales at mag-i-ingat nalang ako kung sakali." sabi niya rito. Napahinga ito ng malalim at natawa. "Tila kulang ang performance ko kaya napakabagal bago magkaroon ng laman itong tiyan mo." natatawa nitong sabi na kinangiti niya. "Gusto muna ba talaga ng baby? Paano kung hindi kita mabigyan?" tanong niya rito. "Okay lang naman kung matagalan o hindi mo ako mabigyan. Ang mahalaga ay ikaw muna ang baby ko." sabi nito kaya lalo siyang napangiti. Hinaplos niya ang mukha nito na gusto niyang kabisaduhin. "Ang sweet talaga ng asawa ko." sabi nya rito. "Syempre sa'yo lang naman ako ganito." tugon nito habang hinahalik-halikan ang clevage niya. Pinisil niya ang pisngi nito upang tumigil. "Ubusin muna nga ang kape mo. Pero ayaw mo ba talagang mag-almusal?" Tumigil ito at hinahaplos-haplos nalang ang bewang niya at legs. "Hindi na. Busog pa naman ako." sabi nito at kinuha ang kape. Inalis niya kamay nito sa bewang niya at tumayo siya na kinatingin nito. "Baka magusot ang damit mo, bagong plantsa ko pa naman." sabi niya rito at pinagpag ang polo nito. Napatingin siya ng ilapag na nito ang kape at tumayo. Hinawakan siya nito sa bewang kaya napahawak din siya sa bewang nito. "Wala ba akong good bye kiss bago umalis?" pilyong sabi nito kaya napangiti siya at piningot ang ilong nito. "Syempre meron." sabi niya at tumingkayad siya para maabot ang labi nito. Agad nitong sinunggaban ang labi niya. Tinagilid niya ang mukha upang mas mahalikan ito. Nagpalitan sila ng halik habang nakapikit siya. Dumilat siya kaya nakita niya ang pikit nitong mga mata habang humahalik sa kanya. Napakalakas ng tunog ng labi nila ng maghiwalay sila ng halik. "Sarap." ani nito kaya napangiti siya. "Oo na. Lumakad ka na at baka ma-late ka pa sa meeting mo." sabi niya rito. Inakbayan siya nito at inakay na siyang lumabas ng kusina. Bumitaw siya rito at lumapit sa sofa upang kunin ang bag at coat ng business suit nito. Ibinigay niya ito rito at sabay nilang tinungo ang pinto. "Ingat ka sa byahe, Honey. Focus sa pagda-drive, ha?" bilin niya rito habang nasa labas sila ng pad nito. "Yes, I will." tugon nito at humalik pa ng isang malalim na halik sa kanya bago ito kumindat at tumalikod na may ngiti sa labi. Napangiti siya at pinanood ang paglalakad nito palapit sa elevator. Kumaway siya ng tumingin ito bago pumasok. Napahinga siya ng malalim at tulalang pumasok ng pad. Lumapit siya sa sofa at naupo. Napahawak siya sa bibig ng makaramdam ng pagsusuka. Agad siyang napatakbo sa kusina at tumapat sa lababo. Napasuka siya kaya napahawak siya sa dibdib habang sumusuka. Binuhay niya ang faucet at napahawak sa lababo. Hingal na hingal siya at napahawak sa tiyan. Nagmumog siya at napasandal sa lababo. Para siyang hindi makahinga habang nagsusuka. Huminga siya muli ng malalim at pinakalma ang sarili. Lumapit suya sa upuan at naupo habang nakasapo ang kamay sa mukha at napahagulgol. "Please... I hope this is the sign that I'm pregnant. Gusto ko ibigay kay Drake ang gusto niya at kung sakali na malala na ako ay may maiwan ako na mag-aalaga at mag-aalala sa kanya." pipi niyang hiling. Napahid siya ng luha at napahinga ng malalim. Tumayo na siya upang magbihis para pumunta ng hospital. Kakayanin niya kahit mag-isa. NAPAKUYOM NG KAMAY si Joe habang nakatingin sa kisame ng isang operating room kung saan nakahiga siya upang isalang sa CT Scan upang malaman kung ano nga ba ang sakit niya. May alam na ang doctor base sa pagtatanong nito sa kanya kung ano ang nararamdaman niya pero gusto pa nitong makasiguro bago nito sabihin ang nakikita nito. Kinakabahan siya pero tinatagan ang loob habang pinapasok na siya. Tumutunog ang lazer ng matapat sa ulo niya. Napapikit siya at nanalangin na sana ay hindi siya malala. Dahil ayaw pa niyang mawala. Kung kelan kuntento na siya sa buhay na kapiling si Drake ay tsaka naman ng dahil sa nararamdaman niya ay maging mas mahirap para sa kanya. Matapos ang test ay pinagpalit na siya ng damit niya at pagkatapos ay pinapunta siya sa opisina nito. Kumatok siya at sumagot ito kaya pumasok na siya. Pumasok siya at nakita na binabasa na ni Doc ang result niya. Gwapong binata ang doc at tingin niya ay kaedaran ni Drake. Nagtataka nga siya kung bakit para itong gulat ng makita siya. His name is Andrew. Doc Andrew. "Please sit down, Mrs. Ford." sabi nito kaya naupo siya sa harap ng table nito. Napahinga ito ng malalim at hinubad ang salamin. "Where's your husband, Mrs. Ford? Kailangan itong malaman ng asawa mo." sabi nito. "Huh? N-Nasa opisina siya, Doc. Kaya ako muna ang nagtungo rito." Sabi niya kaya tumango ito at napailing. "Ano po ang kondisyon ko?" tanong na niya habang naka-cross finger. "This is a serious case, Mrs. Ford. You have a brain cancer stage 2. At pag lalong lumala ito ay baka hindi na maagapan. Mabilis lang kumalat ang cancer sa utak mo kaya maaari kang..." Napaiyak siya dahil alam na niya. Napatakip siya ng mukha at napahagulgol. "Mrs. Ford, dapat nung panahon na nakaramdam ka ng pananakit ng ulo ay kinunsulta muna. Lalo pa at may history pala ang mother mo sa sakit na brain cancer." sabi pa nito. Inalis niya ang kamay mula sa pagkakatakip sa mukha at pinalis ang luha bago binalingan ito. "Doc, tulungan n'yo po ako. Please, ayoko pang mamatay. Gusto ko na maagapan agad." pakiusap niya rito habang umiiyak. "Don't worry I'll do my best. Pero kailangan mo nang sumalang sa operation sa lalong madaling panahon." sabi nito.. "Hindi po ba maaagapan ng gamot?" "Iyon nga ang problema natin, Mrs. Ford. Kaya nga kailangan na narito ang husband mo para may makaalalay sa'yo." sabi nito na kinaguluhan niya. "Bakit, Doc? Anong ibig n'yong sabihin?" "Hindi naman ako ob-gyne doctor pero nang tanungin ko sa kasamahan kong doctor na ob-gyn ay napag-alaman ko na three weeks pregnant ka na, Mrs. Ford. Hindi maaari sa'yo ang uminom ng gamot. Dahil baka magka-complication ang bata na nasa sinapupunan mo." Para siyang pinagbagsakan ng tubig sa sinabi nito. Napatingin siya sa tiyan niya at napahaplos. Lalo siyang napaiyak dahil meron na palang baby sa sinapupunan niya. Ano na ang gagawin niya? Tumayo siya at napahawak sa lamesa ng makaramdam ng hilo. "Hey, maupo ka muna. s**t! Kailangan malaman ito ni Drake." dinig niyang sabi nito. "'Wag muna, please. 'Wag muna." pigil niya rito. Hindi niya alam kung bakit kilala nito ang asawa niya pero hindi na niya pinansin iyon at humiling rito na 'wag munang sabihin kay Drake.. "Pero kailangan niyang malaman ito, Mrs. Ford. At ako ang malalagot oras na malaman niya ito sa iba pa. Kailangan mo siya sa tabi mo dahil hindi nalang ikaw ang may hawak ng katawan mo ngayon. May baby kayo at alam ko na mas magiging matatag ka 'pag nandyan siya." sabi nito ng maiupo siya nito. "Bakit ba tila kilala mo ang asawa ko?" tanong niya rito at tumayo ngunit umiikot muli ang paningin niya. Inupo siya nito muli. "Dahil kaibigan niya ako. At hindi pwede na ilihim mo sa kanya ang kalagayan mo." sabi nito kaya napangiti siya. "Salamat bilang mabuting kaibigan ng asawa ko. Pero pakiusap, hayaan mong ako ang magsabi sa kanya. Gusto ko munang kumuha ng lakas ng loob para sabihin sa kanya." pakiusap niya rito. Napahinga ito ng malalim at lumakad palapit sa mineral water. Kinuha siya nito ng tubig at inabot sa kanya. "Salamat." sabi niya at uminom ng tubig. "Sana ay sabihin mo agad sa kanya. Dahil hindi lang ikaw ang magsu-suffer pati si Drake at magiging baby n'yo." payo nito. Napahinga siya ng malalim at napakapit ng mahigpit sa baso bago niya nilapag iyon sa lamesa. Tumayo siya na kinaagap nito pero pinigil niya. "Kaya ko na, Doc. Salamat sa payo at pagtingin sa kalagayan ko. Pagkabayad ko ay aalis na ako. Pakiusap ko lang sana ay 'wag mo munang sasabihin kay Drake. Kailangan ko lang ng sapat na lakas para sabihin sa kanya." sabi niya rito. "Okay, naiintindihan ko. Mag-i-ingat ka at 'wag ka nang magbayad bilang isang matalik na kaibigan ko naman si Drake." sabi nito kaya nagpasalamat siya at lumabas na. Lutang siyang naglalakad palabas ng hospital. Sumakay siya ng taxi at nagpahatid nalang sa pad upang magpahinga. HABANG wala siyang gana na lumabas ng elevator ng pad ay napaangat siya ng tingin ng may isang sexy na babae sa harap ng pad nila. Kaya naman habang lumalapit rito ay kinikilala niya dahil baka kilala niya. Pero hindi niya makilala ito. "Miss, sinong hanap mo?" tanong niya rito. Lumingon ito at nakita niya na isang magandang babae na halos kita ang cleavage sa lalim ng neckline ng dress na suot nito. "You are his wife, right?" nakangiti pero plastick na ngiti habang tinatanong siya nito. "Sino ba ang tinutukoy mo?" tanong niya. Alam niya na si Drake, dahil sila lang naman ang nag-o-okupa ng buong floor pero gusto parin niya na makumpirma. "The one and only hot bachelor businessman, Drake Ford." Sabi nito kaya napatango siya. "Ako nga. Anong kailangan mo?" tugon niya at nagtataka na tinanong ito. Nilahad nito ang dalang paper bag sa harap niya. "By the way, I'm Patricia Herera. He left this nang mag check-in kami sa isang hotel." nakangisi nitong sabi kaya inabot niya. Tinignan niya ang laman ng paper bag at nakita niya ang coat na nawawala ni Drake. "Okay, thanks for bringing this here." sabi niya rito at yumukod bago humakbang palapit sa pinto. "Hindi ka ba magtatanong kung bakit kami nakacheck-in sa hotel at naiwan niya iyan?" Napatigil siya sa pagpindot sa password ng pad dahil sa sinabi nito. Humarap siya rito at nakita niya na may ngiti ito na hindi kaaya-aya. Parang sa telenobelang napapanood niya. Isang babaeng nais na sirain ang relasyon ng mga bidang nagmamahalan. "Oh, sige, ano bang ginawa n'yo sa hotel?" walang gana niyang tanong. Ngumisi ito at napahawak sa labi. "Well, isa lang naman na napakasarap na halik ang pinagsaluhan namin. At napakagaling niya sa kama. Gusto mo ba ikwento ko pa kung gaano kasarap at kaligaya ang init ng aming pagtatalik?" nakangisi nitong ani. "Okay, ikwento mo. Actually gumagawa ako ng novel tungkol sa erotic na tagpo. Baka maisulat ko at magustuhan ng readers ko. Dali, kwento muna at marami akong oras na pakinggan ka." nauuyam niyang sabi rito na kinawala ng ngisi nito. "Oh, ano? Bakit hindi mo ituloy?" tanong niya pagkaraan rito. "Sa susunod kung gusto mong maging kontrabida sa amin, galingan mo ang kwento mo. At dapat uunahan mo si Drake na magsabi sa akin para siya ang gyinera ko." pagpapatuloy niya. "What do you mean?" parang tangang tanong nito. "Alam ko na kasi ang nangyari sa inyo. At hinalikan mo lang naman siya at hanggang doon lang, right? Hindi naman iyon reason para maghiwalay kami. Unless siya ang humalik sayo? Kaya kung ayaw mong matikman itong kamao ko, mabuti pang umalis ka na sa harap ko bago masira ang retoke mo sa mukha." "W-What!? Hindi retoke ang ilong at mata ko--" "Oh! Defensive ka? Wala namang akong sinabi kung saan ang retoke mo. Tsupi! Umalis ka na nga sa harap ko baka tuluyan kita." Sabi niya rito na tila natakot at agad na tumalikod. Hinintay muna niyang makapasok ito ng elevator bago siya pumasok ng pad. Naupo siya sa sofa at muling natulala. Sa dami ng iniisip niya ay hindi na mahalaga sa kanya ang pagpunta ng babaeng iyon. Mas marami pang bagay sa kanya ang importante at isipin kesa pag-aksayahan niya ng oras ang babaeng iyon. Ang isang bagay na nagpapatibay ng pagmamahal niya lalo kay Drake ay yung nagsabi ito ng totoo sa kanya. Sinabi nito ang nangyari nung araw na hinalikan nga daw siya ng babaeng iyon at 'yun din yung araw na muntik na siyang ma-rape. Kaya wala siyang ano mang reaksyon sa sinabi ng retokadang babaeng iyon. Napahinga siya ng malalim at napahawak sa tiyan niya. "Baby, sorry kung may sakit si Mommy. Sana ay maging mabuti ka habang nasa loob ka ng sinapupunan ko. At sana bigyan mo ako ng sapat na lakas para masabi ko kay Drake ang kalagayan ko. Ayaw kong ilihim dahil unfair para sa kanya. Kaya bigyan mo ng lakas ng loob si Mommy para masabi ko ang lahat sa daddy mo." Napabuga siya ng hangin at nahiga sa sofa. Hihintayin nalang niya rito si Drake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD