NAGISING SI DRAKE dahil sa sikat ng araw. Napakusot siya ng mata at tumingin sa tabi niya. Napangiti siya ng makita na tulog na tulog pa ito. Hinalikan niya ang labi ni Joe at hinawi ang buhok nito upang mas matitigan niya ang mukha nito. Dahan-dahan niyang inalis ang braso sa ulo nito upang hindi magising. Nang maalis niya ay tinaas niya ang kumot dahil nakikita niya ang mayaman nitong dibdib. Mahirap na. Baka imbes na bumangon ay magtagal pa siya sa kama. Hinalik-halikan muna niya ang balikat at leeg nito bago siya bumangon sa kama. Binitbit niya ang pinaghubaran nila at tinungo niya ang damitan nila. Nilagay niya sa marumi kung saan nito nilalagay ang pinagbihisan nila. Kumuha siya ng towel at tinungo ang banyo upang makapag-refresh. Pagkatapos ng seremonya niya sa banyo ay lumabas na siya habang nagpupunas ng buhok. Napailing siya dahil hindi parin ito nagigising.
Sinabit niya ang towel sa sabitan at lumapit siya sa side table upang kunin ang cellphone niya. Kinuhanan niya ito ng larawan ang asawa at napakagat-labi siya dahil para itong dyosa na natutulog kahit magulo ang buhok. Sinet niya sa private ang larawan dahil gusto niya na siya lang ang makakakita.
Nilapag niya muli ang cellphone sa side table at tinungo ang walk-in closet para magbihis. Board short na white at black shirt ang sinuot niya. Sinuot niya ang tsinelas at lumabas na ng walk-in closet. Balak niya na ipagluto ng breakfast ito dahil tila hindi ito makakasabay sa kanila. Maingat niyang sinara ang pinto at lumakad na pababa.
Pero napahinto siya sa isang guest room na alam niyang naging kwarto ni Magnolia. Bukas kasi ang pinto kaya isasara sana niya ng makita niya sa loob si Seige. Napangisi siya dahil tila ginagapang ng loko ang dalaga. Napailing siya at dahan-dahang sinara ang pinto.
Hinayaan nalang niya dahil mukhang desperadong-desperado ang utol niya. Pagbaba niya ay nakita niya si Samuel na may katawagan. Habang nasa tabi nito si Benj na naglalaro ng kotse-kotsehan nito.
"Good morning, Bro. Baby." bati niya kay samuel na tumango bilang tugon. Ginulo niya ang buhok ni Benj na bumusangot ang mukha. Pinisil muna niya ang pisngi nito bago umalis ng living room para magpunta sa kitchen. Sa dinning area ay nandoon ang Dad niya na humihigop ng kape habang may binabasang files. Napaangat ito ng tingin ng marinig siguro ang yapak niya.
"Good morning, Dad." bati niya rito na tumango.
"Good morning too, Son. Where's your wife?" pagtatanong nito at binalik muli ang mata sa files.
"Nasa kama pa. Napagod ng husto." tugon niya na kinangisi nito.
"Good job, Son. Manang-mana ka rin sa akin. Hindi pa ba buntis?" sabi at tanong nito.
"Hindi ko pa alam, Dad. Pero hindi pa naman siya nagsasabi kung may nararamdaman siya." tugon niya at humawak sa upuan.
"Baka naman mahina ka. Tignan mo ang kuya mo. Kaka-honeymoon palang ay may laman na agad sa tiyan ni Nestle. Gusto mo ba ng vitamins ko?"
Napailing siya at napangisi sa sinabi nito.
"Huwag na, Dad. Hindi naman po ako nagmamadali. Kung kelan kami biyayaan ay maghihintay ako. Ang importante naman ay sa akin si Joe." sabi niya rito.
"Sabagay. Pero bilis-bilisan n'yo baka maunahan pa kita." nakangising makahulugang sabi nito.
"Bakit, Dad? May balak pa kayo?"
"Oo naman. Bumigay din naman ang Mom mo at tinago ko na ang pills niya para sure. Mas maganda na marami ang pamilya hanggang hindi pa kami u-ugod-ugod." pilyong sabi nito na kinangisi niya.
"Hanga talaga ako sa determinasyon niyo. Sige, Dad. Magluluto lang ako ng breakfast ni Joe. Baka mamaya pa iyon bumangon."
Tumango ito kaya umalis na siya at tinungo ang kusina. Nakita niya na nagluluto ang Mom niya na katulong ang dalawa na si Deo at Diesel.
"Himala at tumulong kayong dalawa?" Bungad niyang sabi na kinalingon ng mga ito.
"Syempre. Ayaw naming mahirapan si Mom." tugon ni Deo at kiniss pa ang Mom nila sa pisngi na kinangisi niya. May kailangan ang loko kaya inuuto ang Mom nila.
"At alam mo naman na ayaw naming napapagod si Mom. Alam mo naman na may date pa sila ni Dad mamaya." sabi naman ni Diesel.
"Tigilan niyo nga ako sa pang-uuto niyo. May kailangan kayo, kaya ang aga niyo akong inuuto. Sige, sabihin niyo na para hindi niyo na ako maistorbo." sabi ng Mom nila kaya napahalakhak siya.
Umiling siya at tinungo ang ref. Kumuha siya ng tubig at nagsalin sa baso. Uminom siya at binalik ang pitsel sa ref. Sumandal siya sa ref bago nag-isip ng maaaring iluto niya para kay Joe. Naisip niya na dapat may sabaw dahil malamig naman ngayong umaga.
"Oh, Anak. Ikaw, may kailangan ka rin ba?" pukaw sa kanya ng My niya.
Napatingin siya sa dalawa na bitbit na ang mga ulam habang palabas ng kusina. Hindi niya namalayan ang pag-alis ng mga ito dahil masyado siyang okupado na mag-isip ng iluluto.
"Wala, Mom. Ipagluluto ko po kasi si Joe. Baka hindi makasabay sa atin dahil tulog pa." tugon niya at binaba ang baso sa lababo.
"Huwag ka ng mag-abala, Anak. Marami naman akong niluto. Pagkakain mo ay dalhan mo nalang ang asawa mo." sabi nito kaya wala siyang nagawa kundi tumango. Mukhang tama naman ito. Marami nga ang niluto. "Anak, wala ka bang balak na pakasalan ang asawa mo sa church? Para naman masaksihan din namin. At pansin ko bakit wala man lang kayong singsing?" Pag-uusisa nito.
"Syempre naman po may balak akong pakasalan siya sa simbahan, My. Pinaghahandaan ko na po ang kasal namin. May surprise nga po ako sa kanya mamaya." tugon niya at ngumiti.
Ngumiti din ito dahil sa sinabi niya.
"Mabuti naman. Dapat lang na sa simbahan para may basbas ng diyos. At para din mas mapagtibay ang relasyon niyo. At alam ko na nag-iisip din ang asawa mo kung bakit hindi mo siya pinapakasalan sa simbahan. Baka mamaya ay magsawa iyon sa'yo at ipagpalit ka, sige ka."
Napailing siya sa pananakot nito.
"Hindi mangyayari iyon, My. Hindi naman ako papayag na iwanan muli ni Joe. Matagal ko nang pinaghandaan ang lahat para sa amin. At sinisiguro ko na hindi siya magsasawa sa akin." paniniguro niya.
"Bakit? Iniwan ka na ba niya dati?" curious na tanong nito.
"Dati pa iyon at bata pa kami." tugon niya na kinatango nito.
"Mabuti naman at nagkaayos na kayo. Gusto ko ang asawa mo para sa'yo. Napaka-swerte mo anak at nakatagpo ka ng kagaya niya. Minsan lang dumating sa buhay natin ang pagkakataon na makatagpo ng perfect partner sa buhay natin, kaya habang kapiling mo pa siya ay iparamdam mo sa kanya parati kung gaano mo siya kamahal. Huwag na huwag mo siyang sasaktan sa ano mang aspekto. Naiintindihan mo ba, anak?" pangaral nito kaya napangiti siya at lumapit rito. Niyakap niya ito dahil lagi siyang binibigyan nito ng payo.
"Yes, My. I understand. Don't worry, hinding-hindi ko siya sasaktan. I love her so much. She's my everything that I want to take care forever."
Pinalo siya ng mahina sa likod ng My niya tila pinapahiwatig na sang-ayon ito sa sinabi niya. Bumitaw sila at sinabihan na siya nito na ilabas niya ang mga inumin at dalhin sa dinning area para makakain na sila.
PAGKAUPO niya sa upuan ay napatingin siya sa dumating na sina Seige at Magnolia. Hindi niya alam kung ano bang meron sa dalawang ito. Pero kung makakapit ang kapatid niya ay akala mo palaging mawawala sa paningin nito si Magnolia. Tila naman wala lang sa dalaga ang paghawak nito.
"Oh, Hija, Baby Seige, maupo na kayo at makakain na." aya ng My niya sa mga ito.
Naupo sa isang pagitan ng upuan niya si Magnolia at naupo sa tabi nito si Seige na katabi niya.
"Bro, kayo na ba ni magnolia?" bulong na tanong niya.
"Hindi pa." tugon nito.
"Oh, bakit parang boyfriend ka niya kung makakapit ka? At nahuli kita kanina na nakakatitig habang tulog siya."
"Hindi niya kasi ako sineseryoso. Akala niya laro lang para sa akin ang lahat. Kung alam lang niya na halos bakuran ko siya sa university na pinapasukan niya para walang makaagaw sa kanya mula sa akin." sabi nito.
"Puro ka kasi kalokohan. Syempre iisipin niya na hindi ka seryoso, Bro. Dapat kasi magbigay ka ng something na pangyayari na hindi niya makakalimutan at tatak sa isip niya na mahal mo siya." payo niya rito.
"Naks. Love guro ka na ngayon." tugon nito kaya napangisi sila at napailing.
PAGKATAPOS niyang kumain ay umakyat na siya sa taas habang bitbit ang tray na naglalaman ng breakfast ni Joe. Gatas, toasted bread, egg, hotdog, ham, at syempre rose na kinuha niya sa hardin ng My niya.
Gamit ang isang kamay ay binuksan niya ang pinto at ginamit nalang ang paa na pantulak. Pagpasok niya ay napatingin siya kay Joe na gising na pala at nakapaligo't nakapagbihis na habang nakaupo sa kama. Tila malalim ang iniisip nito kaya hindi nito namalayan ang pagpasok niya.
"Hon, are you okay?" tanong niya rito.
May tinago ito sa bulsa nito at ngumiti sa kanya.
"Oo. Wow! Para sa akin ba 'yan?" nakangiting bulalas nito ng makita ang dala niya kaya napangiti siya.
Nilapag niya sa bed ang tray na may stand. Naupo siya habang magkaharap sila ni Joe at nakapagitnan ang tray.
"Oo, para sa'yo." tugon niya at kinuha ang rose. "Flowers for you, Hon. Happy Valentine's day." bati niya at nilahad ang rose. Kinuha nito iyon at napangiti.
"Happy Valentine's Day din, Honey." balik nitong bati at nilapit ang mukha nito sa mukha niya at hinalikan siya na agad niyang tinugon. Bumitaw sila ng halik matapos ang ilang segundo at ngumiti sa isa't-isa.
"Kumain ka na." sabi niya rito at inayos ang pagkain nito. .
Pinanood niya ito na kumain at napansin niya na parang maputla ito.
"Hon, ayos lang ba talaga ang pakiramdam mo?" tanong niya rito.
Lumunok muna ito at nag-thumbs up pa sa kanya.
"Oo naman. Malakas na malakas." nakangiting sabi nito na kinahinga niya ng maluwag.
"Mabuti naman. Baka kasi meron kang dinaramdam, hindi mo lang sinasabi." sabi niya rito.
NAPAYUKO si Joe at kumagat ng tinapay. Tama ito. Meron siyang nararamdaman sa katawan niya. At hindi muna niya sasabihin rito hangga't hindi siya nagpapacheck-up. Kailangan muna niyang makumpirmado bago niya sabihin.
Kahit na walang gana ay kinain niya ang hinanda nito. Sayang naman at ayaw niya na masayang effort nito.
Nang maubos niya ay niligpit nito at nilapag muna sa sahig ang tray. Hinawakan siya nito sa kamay kaya napatingin siya sa kamay nila.
"Hon." napaangat siya ng tingin sa mukha nito. "Magbihis ka at mamaya susunduin kita. Aalis lang ako saglit." sabi nito.
"Huh? Para saan naman? At saan ka pupunta?" tanong niya rito dahil hindi niya maunawaan kung bakit nito sinasabi iyon.
"Secret muna. Basta magbihis ka muna ng dress mo. Ngayon ay magpahinga ka muna at mamaya ay magbihis ka na, okay?" bilin nito kaya tumango nalang siya. Hinawakan siya nito sa mukha at hinalikan siya sa noo. "Good. Sige, ilalabas ko muna itong pinagkainan mo." sabi pa nito at hinalikan muna siya sa labi bago ito tumayo at binitbit ang tray.
Nang maisara na nito ang pinto ay napahawak siya sa ulo ng makaramdam na naman ng sakit. Humiga siya at napakapit sa kumot upang kumuha ng lakas.
Huminga siya ng malalim upang mawala ang sakit. Pero napaiyak nalang siya dahil natatakot siya. Natatakot siya dahil pakiramdam niya ay iba na ang nararamdaman niya.
Dahan-dahan siyang naupo at nanginginig ang kamay na kinuha ang cellphone niya.
Dinial niya ang numero ng Tita edit niya. At ilang pag-ring ng phone nito ay agad din nitong sinagot ang tawag niya.
"Oh, Joe, napatawag ka? Kamusta ka na nga pala? Hinahanap ka ng asawa mo sa akin nung isang gabi." sabi nito.
"Okay lang po ako, Tita. Huwag niyo na po akong alalahanin. Kaya nga po pala ako napatawag dahil may itatanong po sana ako." tugon niya rito.
"Ano 'yun?"
Huminga siya ng malalim at napakuyom ng kamay.
"Ano po ba yung naging sakit noon ni Mama kaya po siya namatay?" tanong niya rito.
"Bakit mo naman tinatanong? 'Wag mong sabihin--"
"Hindi po, Tita. Curious lang po ako kung ano ang sakit noon ni Mama. Dati kasi ayokong malaman dahil sa galit na dulot ng sakit ni Mama kaya iniwan niya kami agad." pagputol niya sa sasabihin nito.
Dinig niya ang paghinga nito ng malalim tila nakahinga ng maluwag.
"Mabuti naman. Akala ko ay namana mo ang sakit ng Mama mo." sabi nito. Napakagat siya ng labi at napahawak sa noo para hilutin. "Ang sakit ng Mama mo noon ay brain cancer. Nilihim niya sa amin ang sakit niya kaya ng lumala na ay wala na kaming nagawa kundi ang panoorin ang pagwawala niya sa sakit ng ulo. Hanggang sa hindi niya makayanan ay doon na siya bumigay. Kaya ikaw, kung meron kang dinaramdam ay huwag na huwag mong itatago. Yari ka sa akin." Pagpapatuloy nito.
Napatakip siya ng bibig at napaiyak. Agad niyang pinunasan ang luha ng makarinig siya ng pagpihit ng pinto.
"Opo, tiya." sabi nalang niya sa normal na tono. Pilit niyang huwag pumiyok dahil ayaw niyang makahalata ang Tita niya.
"Mabuti. Oo nga pala, nasaan ka ba ngayon? Namimiss ka na ng Papa mo."
Nag-angat siya ng tingin ng pumasok si Drake.
"Narito po kami ni Drake sa bahay ng magulang niya. Sabihin n'yo po kay Papa na pag-uwi po namin ay agad kaming de-deretso diyan." sabi niya rito.
Napalingon siya kay Drake na nagtungo sa walk-in closet at lumabas din makalipas ng ilang minuto. Nagpalit pala ito ng damit. Sinenyasan siya nito na aalis na kaya tumango siya.
"Ganun ba. Sige, sasabihin ko nalang sa Papa mo. Naiinip lang din kasi iyon at namimiss ka na. Lagi nalang tulala pag mag-isa."
Bigla naman siya nag-alala sa ama.
"Tiya, sabihin n'yo po kay Papa na magpagaling. Huwag po siyang mag-isip ng mag-isip. Baka po kung ano pang mangyari sa kanya." pakiusap niya rito.
"Sinabihan ko nga. Pero hayaan mo. Siguro ay nasasaktan pa siya ngayon dahil naloko siya ng babaeng gold digger na 'yun. Pero pag naisip niya na walang kwenta ang babaeng iyon ay babalik din ito sa sarili. Basta dumalaw ka rito at ipatindi mo sa Papa mo ng magising."
Napatango siya at napahinga ng malalim.
Pagkatapos ng tawag ay nahiga siya at naisip na magpahinga muna. Para siyang nanlalata at kada tatayo siya ay nakakaramdam siya ng hilo at sakit ng ulo.
NAGISING lang siya ng gisingin siya ni Drake. Nahiya siya rito dahil hindi pa siya nakakabihis. Kaya naman ay mabilis siyang naligo at nagbihis ng floral dress.
Pinatiyo niya ang buhok gamit ang blower at nagpahid lang siya ng light make-up sa mukha. At nag-red lipstick siya upang matakpan ang pamumutla ng labi niya.
Pagkatapos ay bumaba na siya dahil hinihintay siya sa baba ni Drake. Napahawak siya sa hawakan ng hagdan dahil parang nanlabo ng mata niya. Napailing siya ng ulo at nang tumingin muli sa hagdan ay ayos na ang paningin niya.
Pagbaba niya ay nakita niya ito na nakaupo habang pinapaikot-ikot ang celphone sa kamay. Nang marinig siguro nito ang yapak niya ay napaangat ito ng tingin at napangiti ng tumayo. Walang tao sa bahay dahil tila may mga pinuntahan.
"Akala ko ay hindi ka na bababa." sabi nito kaya napangiti siya.
"Pasensya na dahil hindi agad ako nakapagbihis." paumanhin niya rito.
Lumapit ito sa kanya at inakbayan siya.
"Ayos lang. Marami pa namang oras. Ang mahalaga ay matutuloy ang surprise ko sa'yo." sabi nito at inakay na siya palabas.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong niya rito.
"Secret nga. Basta, pagkatapos ng araw na ito ay mas lalo kang mai-inlove sa akin." sabi nito kaya hinampas niya ng mahina ang tiyan nito na kinahalakhak nito.
SUMAKAY pa sila ng kotse at hindi niya alam kung saan sila pupunta dahil naka-blind fold siya. Pero nakaramdam din siya ng excitement at kaba kung saan talaga siya dadalhin ni Drake.
Naramdaman niya na huminto na ang sasakyan. Bumukas-sara ang pinto at naramdaman niya na bumukas rin ang pinto sa side niya.
"Hon, hawak ka sa akin." sabi sa kanya ni Drake at hinawakan siya sa kamay. Napakapit siya sa braso nito habang bumababa.
"Iyan. Dahan-dahan lang." sabi nito.
"Ikaw, ha! May pa-blind fold. Blind fold ka pang nalalaman." sabi niya rito.
"Ofcourse. Para hindi mo malaman ang surprise ko." tugon nito kaya napangiti siya.
Maya-maya pa ay huminto sila. Naramdaman niya ang pagpunta ni Drake sa likod niya.
"Tatanggalin ko ang blind fold pero 'wag ka munang didilat, okay?" sabi nito.
"Okay." nakangiti niyang tugon.
Naramdaman niya na inalis na nito ang blind fold niya.
"Okay. Now, Hon, open your eyes." sabi nito kaya unti-unti siyang dumilat. Sa pagdilat niya ay napatakip siya ng bibig sa pagkabigla.
Napaiyak siya habang nakatingin kay Drake na nakatayo habang may nakalagay na karatula sa likod nito na nakasulat sa malaking puso ang word na 'Will You Marry Me'.
Nasa isang bangin sila kung saan ay kitang-kita ang dagat at ang kabundukan na napakalapit. Maraming lobo at bulaklak sa paligid at meron ding round table at two chair.
Lumapit sa kanya si Drake habang may hawak na bouquet at isang pulang maliit na box. Panay ang luha niya at napahikbi siya dahil hindi niya inaasahan ito.
Inabot nito ang bulaklak na kinuha naman niya. Pagkatapos ay lumuhod ito at kinuha ang singsing.
"Hon, sorry dahil ngayon ko lang ibibigay sa'yo ito. Sorry dahil alam kong pinilit kita na pakasalan ako. Pero kasi, mahal na mahal kita kahit na iniwan mo ako noon. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nung nakasal tayo. Tapos ikaw ay galit at umiiyak dahil pinilit kita. Iniisip ko noon na kung tama ba yung ginawa ko na pilitin ka? Paano kung hindi mo na ako mahal? Pero pasensyahan tayo dahil mas nanaig ang pagmamahal ko sa'yo. Ayoko lang kasi na mawala ka muli. Sobra akong nasaktan ng sabihin mo na may mahal kang iba. Halos hindi na ako pumapasok noon sa school dahil sa tuwing naaalala ko na may pinagpalit ka noon sa akin. Pero naisip ko na kailangan ko muna sigurong magpalakas at 'pag alam ko na kaya na kitang kuhanin ay kukunin kita. At ngayon nga, nakuha na kita. Pero mas gusto ko na makita ng lahat at malaman nila na ikaw ang asawa ko. Ikaw ang babaeng nagmamay-ari ng puso ko. Ngayon pa na panatag na ako na ako lang pala ang lalaki sa buhay mo. At ngayon gusto kong tanungin ka kung talagang mahal mo ako ay sasagot ka ng Oo." mahabang lintaya nito na kinatawa niya. Napahid siya ng luha habang nakatingin rito. "Hon, will you marry me.. Again? At gusto ko sa church naman."
Tumango siya at ngumiti rito. "Yes! I will marry you again." sagot niya na kinangiti nito at agad-agad nitong sinuot ang singsing sa daliri niya na kinatawa niya. Tumayo ito at hinawakan siya sa mukha. Pinunasan nito ang luha niya at agad siyang sinunggaban ng halik sa labi. Tumugon siya habang nakapikit.
Bumitaw sila at nagkatinginan sa mata ng isa't-isa. .
"I love you..." sabay nilang sabi na lalo nilang kinangiti.
"God. I'm so happy." sambit nito at niyakap siya.
Yumakap siya rito at napapikit ng makaramdam muli ng kirot sa ulo.
Bumitaw ito ng yakap kaya tiniis niya ang kirot at nakangiting humarap rito.
"Tara. Gusto kong matikman mo ang masarap na pagkain na hinanda ko habang tanaw natin ang ganda ng paligid." sabi nito kaya napangiti siya at kumapit sa braso nito.
Ayaw niyang sirain ang araw na ito. Kung ano man itong nararamdaman niya ay itatago niya muna. Ayaw man niyang maglihim pero kasi ay pati siya ay natatakot para sa sarili niya. Ang dami pa niyang gustong gawin. Marami pa siyang planong gawin para sa kanila ni Drake.