ZEPHYRINE'S POV
Tama sya. Magpanggap muna kami habang hindi pa namin nakikita ang hinahanap namin. Siya, sa kaniyang mahal at ako, sa aking mamahalin.
Nasa byahe na ako nang tawagan ko si Gaia.
Ring... Ring... Ring...
Ang tagal naman nitong sagutin, busy pa ata sa pagsho-shopping eh.
"Hey, Zephy! Where are you? We are already done shopping--" di ko pa pinatapos si Gaia sa pagsasalita.
"Huwag kang maingay sa iba," nakakaloko kong sabi, "pagtripan natin sila," natatawa kong sabi, "kunyari ay lilipat na ako sa ibang eskwelahan tapos kuhanan mo ng litrato mga mukha nila ah?" Tawang tawa kong pagdedemand kay Gaia.
"What are you trying to say? Seriously? How comeeee?!" Medyo tumaas ang boses ni Gaia sa kabilang linya hudyat na sumasang-ayon sya sa plano ko.
"Sa bahay ba nila Eira?" Tanong ko pero di na nya ako sinagot baka siguro ay mahalata sya ng iba.
"Okay. Okay. I'll tell them then." Ika nya na pakunware pa ay seryoso. Minsan lang sumabay sa biruan si Gaia kaya naman hindi mahahalata ng iba ang biro ko sa kanila.
Ibinaba ko na ang tawag at pinatungo si kuya Lito sa bahay nila Eira.
Naghintay lang ako ng ilang sandali at nagsend na nga si Gaia ng larawan ng lahat na nakakatawa.
"Langya! Yung mukha ni Fajra, hindi maipinta!" Humagalpak na ako dahil sa mga hitsura nila.
"Mag send din ako na overwhelmed ako dahil mahal nila ako at ayaw nila akong mawala." Wika ko sa sarili ko habang nakatingin sa litrato na pinasa ni Gaia.
Sending to: AMITY
'Hi guys! Thank you for these lovely photos. I really appreciate it. -XOXO'
Message sent!
Hindi pa man ako makaget-over sa picture ay bigla namang nagsalita si kuya Lito...
"Uy, Zephy, anak, para ka naman ng baliw diyan. Pangiti ngiti tapos biglang tatawa." Aniya.
"Kuya Lito, tignan mo oh!" Sabay pakita ko mg litrato nila, "nakakatawa yung mga mukha e." Tawang-tawa talaga ako at si kuya naman ay patagong ngumisi bilang tugon sa aking tinuran.
"Oh sya iha, andito na tayo." Hininto na ni kuya ang makina at agad akong bumaba sa sasakyan.
"Kuya, meryenda ka na po ha? Mukhang mga three hours ka po ulit maghihintay e. Bumili ka na po ng makakain mo." Paalala ko pa kay kuya bago tuluyang isara ang pinto ng kotse.
Nagdoorbell na ako at bumungad ang kanilang kasambahay.
"Saan sila?" Bungad ko. Feeling boss ako eh.
"Nasa sala po," sagot nya sa akin saka ako iniwan sa pinto.
Ay bastos ka te ha. Ayaw tumanggap ng salamat?
"Ay sige, salamat po!" Pahabol sa kasamabahay nang sakto lang sa lakas para hindi marinig ng mga kaibigan ko na naroon na ako.
Agad akong pumunta sa sala at nakita ko silang kumakain.
"Did you see your faces guys?!" Masaya kong bati sa kanila na may nakakalokong ngiti.
"No." Walang emosyon na sagot ni Brylle na halatang naiinis pa.
"Baliw ka," dugtong pa ni Czarina, "sa susunod, sasambunutan na kita." Dagdag pa nya.
Q
"Zephyyyy! Akala ko talaga aalis ka na." Paiyak na wika ni Fajra palapit sa akin, "pero siraulo ka!" Sabay kurot sa akin.
"Galing mo magbiro, kinasabwat mo pa si Gaia," saad ni Eira na sinang-ayonan namn ni Gwyneth sa pamamagitan ng pagtango.
"Ganon talaga mga bes!" Sagot ko sa kanilang lahat.
"Kumain ka na ba?" Pagtatanong sa akin ni Eira.
"Yep! Super busog pa ako!" Magiliw kong tugon kay Eira.
CZARINA HANELLE'S POV
Siraulong Zephy 'yon! Naisahan na naman kami. Yung mga hitsura namin sa litrato nakakatawa. Baka magviral pa kami dahil sa kalokohan ng babae na yon! Pero okay na yon kesa naman talagang iwanan na nya kami at lumipat kung saan na lupalop pa.
"Teka nga, bakit di ka sumama sa amin?" Mataray kong tanong.
"Oo nga, bakit nga ba?" Dagdag pa ni Eira sa katanungan ko.
"Siguro may bago na namang pinakilala na soon to be husband sayo, no?" Pangangantyaw ni Fajra.
Hindi nakaimik si Zephy. Ibig sabihin lang ay—
"Guilty ka 'no?" Wika ko.
"H-hi-hindi ah!" Nauutal nyang pagdepensa na may halong pawagiswas pa ng dalawang kamay kaya lalo syang nahalata.
"In denial pa. Halata naman." Singit naman ni Brylle.
Di na sya nakaimik, na corner na namin sya.
"Oo na!" Pasigaw nyang sabi, "nakipagkita nga ako sa soon to be husband ko. Happy na?!" Bulyaw pa nya na halatang inis dahil di alam ang sasabihin sa amin.
"Ohh, pasado o dehado?" Tanong ni Amira na nakangiti ng napakalaki.
"Pogi ba?" Dagdag pa ni Fajra na nangi-ngislap pa ang mga mata.
Nakatingin lang ako kay Zephy nang biglang magsalita si Gaia.
"Ayaw magsalita, means pogi at pasado sa taste nya—," sabay tingin ni Gaia sa kanya, "ikakasal ka na?" Dugtong pa nito.
Mukhang hindi rin alam ni Gaia na nakipagkita si Zephy kaya hindi nakasama sa amin.
"Nako! Pati kay Gaia, di mo sinabi?" Gatong ko sa sinabi ni Gaia.
"H-hi-hindi naman sa ayaw ko sabihin kaso lang kasi nahihiya ako kasi sa ating pito ako lang yung laging pinipilit ng parents sa fixed marriage e," malungkot na sagot ni Zephy.
Totoo naman, siya lang ang may issue patungkol sa fixed marriage o sa tawag namin ay pagpapayaman. Well, except na lang kay Amira na tanggap na yung lalaki na pinakilala sa kanya dahil kababata nya.
"Okay lang yan Zephy!" Sabay tapik ni Fajra sa likod ni Zephy.
"Kaibigan mo kami, hindi ka dapat mahiya." Dagdag pa ni Eira.
"Dapat sinabi mo na para masamahan ka namin tapos gawa tayo eksena," nakangising wika ni Bryllee.
"Loko ka sis," wika ni Gaia tapos binatukan ang kanyang kapatid na si Bryllee, "eksena talaga? Muntik na tayo mapahamak dahil sa eksena na ginawa mo." Napailing na lang si Gaia habang naaalala ang nanyari.
Tama, yung sa pangatlong lalaki na ipinakilala ay gumawa ng napakalaking eksena si Bryllee, di ko makakalimutan yon. Muntik na kami makulong that time.
"Ang tindi 'non, Bryllee. Kaso wag na tayo uulit, muntik na tayo makulong eh." Wika ni Amira.
"Nandito lang kami lagi," ayun na lang ang nasabi ko kay Zephy, saka ako lumapit at niyakap sya. Nakiyakap na din si Fajra at ang iba pa.
"Salamat dahil kaibigan ko kayo." Maluha-luhang sabi ni Zephy sa aming lahat, "pero guys, gusto nyo bang makilala yung soon to be husband ko?" Tanong nya sa amin kaya agad kaming humiwalay sa pagkakayakap.
"Pumasa sya sayo?!" Gulat na pagkakasambit ni Bryllee.
"Dalaga ka na." Nakangiting sambit ni Amira.
"No— actually," di pa man tapos sa sinasabi nya ay sumabat naman si Gaia.
"Kailan naman ng makilatis na namin sya." Nakangising sambit ni Gaia.
Mukhang may kalokohan na nasa isip si Gaia. Kung pumasa kay Zephy yon ibig sabihin naramdaman ni Zephy na totoong tao at nagmamahal yon. Pero, imposible naman na mahal agad kaka-kita pa lang nilang dalawa. I smell something fishy.
"Tell me, Zephy," nakangiti kong sabi, "may something kaya pumasa sya sayo, 'no?" Tanong ko na nakakaloko sa pandinig ng iba.
"Ayy- wala!" Diretso nyang sagot sa akin. Hindi na sya nauutal hindi gaya kanina na pautal-utal kung sumagot.
"Bakit ka naman pumayag?" Hindi maipaliwanag na tanong ni Gaia.
"Wala lang. Nagsasawa lang ako na may idedate na panibagong tao," ani nya, "well lets say na mag-focused muna ako sa pang-lima." Nakangiti pa nyang sabi.
"Describe him." Kinikilig na boses ni Fajra na akala mo sya ang makikipagdate.
"Hm, how do I described him?" Sabay lagay ng daliri sa labi, "he's such a good looking man." Maaninang mo sa kaniyang mata na gusto niya yung lalaki. "Oh, and he's thoughtful. True and faithful." With matching pagpikit ng mga mata nito.
Confirmed, pumaso sa taste niya ang lalaki.
"Huwag na tayo magtanong pa, halatang dindescribed niya ang ideal man niya." Pagbibiro ni Eira.
SEREIA ZEPHYRINE'S POV
Hays. Kaloka naman ng mga kaibigan ko pigaan talaga ng impormasyon eh.
"Anong oras ba tayo magkikita bukas?" Pag-iiba ko sa usapan, 'at magsasabay-sabay ba tayo?" Dagdag ko pa.
"Tomorrow will be our first day of our last school year. So excited na!" Magiliw na sambit ni Fajra na may kasamang konting pagkembot.
"Lagi kang excited, remember?" Inis na sambit nu Bryllee.
Lagi na lang talagang nagkokontrahan ang dalawa na ito, kung magkakasundo saglit lang wala pang limang minuto magkasagutan na ulit e.
"Inggit ka lang dahil cute ako." Proud na winika ni Fajra sa harapan ni Bryllee na agad nitong kinainis lalo.
"Cute? Saan banda?!" Sabay hawak sa mukha at wari ay may hinahanap, "wag ka na mag-assume, masasaktan ka lang." Natatawa nitong sambit sabay bitaw sa mukha ni Fajra.
"Ay lakas te! Paramihan na lang ng makikitang boys bukas. Ano palag?" Pag-aaya nito kaya napatawa kaming lahat.
Walang pagbabago, puro boys nasa isip pero never nakipagrelasyon si Fajra. Wala kasing sumasakto sa tipo niya.
"Eh anong oras nga tayo?" Pag-ulit ko sa aking tanong para matigil na ang sagutan ng dalawa.
"7:30 am start ng ceremony. So, mga 7 nasa school na tayo." Sagot ni Czarina na laging maaga sa eskwelahan dahil presidente ng student council. Good role model sa aming paaralan.
"Ok. So, we need to have beauty rest na." Pagbibiro ni Gwyneth dahil kahit mapuyat ay maganda pa rin dahil mestiza.
"Sana lahat." Sabay sabay naming sambit na nagjng dahilan para magtawanan kami.
Isang oras din ang lumipas ay napagpasyahan na namin magsi-uwi para maghanda na para bukas. Nagpaalam na kami sa isa't isa at nagsipagsakayan na sa sasakyan nila.
——
Nakauwi na ako sa aming mansyon at gaya ni Czarina ay kinabisado ko na ang aking ginawang speech para sa pagbubukas ng klase bukas. Syempre ako rin no, member din ako well, lahat kami ay member. Si Czarina as President, Eira as Vice President, Gwyneth as Secretary, Fajra as Treasurer, Bryllee as Sgt. Of Arms, Gaia and I were the members of board of committee.
So basically, we seven, are all role models of our school. Need to prepare na and rest na para maganda kapag humarap sa ibang mga estudyante.