CHAPTER TWO

2919 Words
SEREIA ZEPHYRINE'S POV "Kailangan ko na maghanda para sa pagshoshopping namin. Hm, ano kaya magandang suotin?" Para naman akong baliw kinakausap yung sarili "ito kaya?" Pointing to a blue dress, "ah ayaaaaw, masyadong litaw hubog ng katawan ko," sabay balik ko sa dress. Nakakailang damit na ko na pinagpipilian pero di ko pa rin maperfect ang ootd ko hays. Ilang sandali pa.... "Got you!" Sabay kuha sa isang crop top sa loob ng cabinet at isang skinny jeans na nakalagay na sa kama dahil di ko bet na iparehas sa tshirt. Isusukat ko na sana ng biglang kumatok ang aming kasambahay. "Miss, pinasabi po ng daddy nyo na magtungo ho kayo sa kaniyang office, may importante po syang sasabihin," wika nito habang naghihintay ng respond ko sa labas aking kwarto. Ano kaya sasabihin ni daddy? Huwag naman sana na blind date ulit. "Ah sige ate, magbibihis lang ako. Salamat!" Tugon ko at isinoot na ang aking napiling jeans at crop top. Nagtungo ako agad sa opisina ng aking daddy para alamin ang ibig nitong sabihin. "Dad?" Patanong na sabi ko habang kumakatok sa pinto ng kaniyang office. "Pasok ka, anak," tugon nya sa akin. "Bakit po?" Malumanay kong tanong dahil baka masampal pa ako kapag sobrang lakas ng boses e akalain nya palengkera na ako. "Aalis ka ba ngayon?" Aniya habang nakatingin sa aking kasuotan. Uh-oh! Io na nga ba sinasabi ko e! Alam ko na talaga mangyayari. Pipigilan ako umalis at may ibang papapuntahan. Pang limang beses na ito kung sakaling tama ang aking hinala. "Ahm, opo, daddy. Pupunta po kami sa mall ng mga kaibigan ko," direkta kong sagot sa kanya. "Cancel it, iha. And also, change your clothes." Dikta nya sakin. "Pero dad--" di pa ko tapos magsalita pero pinutol agad ni daddy. "No buts, Sereia Zephyrine Laviña." Madiin na pagkakasabi ni daddy. I'm dead, how am I supposed to be in two places in the same time?! Puntahan ko na lang muna tapos habol ako sa mall. Ganon na nga! "Sige po." Ayun na lang ang nasagot ko kay daddy, ayaw ko makipagtalo pa. "Magtungo ka dito," sabay abot sakin ng papel na may nakalagay na pangalan ng restaurant at kung anong pangalan ng kikitain ko. 'King Cecellion 5 Star Hotel and Restaurant, Mr. Lizada' Naks. 5 star yayamanin ha. Pero paano na sila Gaia? Hays. Ano sasabihin ko? Baka humagalpak sila kapag nalaman nila na may blind date chuchu na naman na binigay si daddy para sakin. Makabalik na nga sa kwarto para makapagpalit na ng makaalis na din agad. "Hm, dress na lang kaya? Para presentable," sabay kuha ng blue dress na nasa ibabaw ng kama. "Looks perfect," habang nakatingin ako sa salamin, "maisuot na nga." Sabay hubad ng aking suot para ipalit na ang dress na napili ko. *Ring~ ring~ ring~ "Sino naman yon? Baka sila Gaia na," wika ko kahit di ko pa tinitignan ang aking cellphone. Ilang sandali pa ay nasuot ko na ang dress at tuloy pa rin sa pagtunog ang cellphone. Si Gaia nga, hinahanap na siguro ako nila. "Hello, Gaia?" Bungad ko pagkasagot ko sa tawag nya. "On the way na kami sa mall, sila Czarina nandoon na. Papunta ka na ba?" Wika ni Gaia mula sa kabilang linya at maririnig na pinapaandar pa lamang ang kanilang sasakyan. "Di ako makakapunta, Gaia. Sorry, pasabi sa iba ha?" Malungkot na tugon ko sa kanya dahil nakakalungkot naman talaga. Bonding na sana naming magkakaibigan. "Ha? Bakit naman?" Pagtatanong nya na halatang nagulat. "May pinapakuha si daddy sa office nya e." Pagsisinungaling ko para hindi na mangulit at magtanong pa. "Yun lang! Sige, sabihin ko na lang sa kanila. Ingat ka." Sabay baba ng tawag ni Gaia. Hays, maya ko na lang sasabihin ang totoo kapag nagkita na kami para ramdam ko pagtawa nila sakin. 5 minutes later... "I'm done with myself. Ganda ko! Hahaha. Self confidence is real." Papuri ko sa sarili ko. Pasakay na ako sa mercedes ng nagtext si Gaia. One message received from Gaia. 'We're here na sa mall. I just updated you incase na sumunod ka dito.' Aww. So sweet of her. Replying to Gaia, 'So sweet of you. Thanks for the reminder. I'll call or text you kapag on the way ako dyan.' Message sent! Napangiti ako. Napakabuting kaibigan talaga ni Gaia. "Um, miss, saan po tayo pupunta?" Wika ng aming driver na kinagulat ko. "Kuya Lito naman! Nakakagulat ka," wika ko habang nakahawak sa aking dibdib, "ito kuya, sa lugar na ito," sabay abot ko ng papel na ibinigay ni daddy. "Ah, 30 minutes lang mula dito sa atin," aniya habang iniistart ang sasakyan. Habang nasa byahe ay iniisip ko kung ano itsura at ugali ng lalaki na iyon. "Miss, nandito na tayo," wika nya sabay turo sa tapat Di ko namalayan na nakarating na kami, grabe tagal ko din palang inisip ang mangyayari kung sakali. "Ang bilis," natawa ako ng bahagya, "salamat, kuya." Bumaba na ako at nagtungo sa restaurant. "Good afternoon, ma'am! Any reservations or you're with someone?" Masayang bati ng attendant sa akin. "I'm with—" sabay tingin sa papel, "Mr. Lizada." Nakangiti kong sabi sa attendant. "Oh." Medyo nagulat ang attendant, "this way ma'am." Mahinahon nyang wika sabay lakad. Nakakagulat ba ang pangalan na iyon? Baka sikat? Artista? Ay ewan. "Here we are ma'am," habang nakaturo sa private room. Napataas ang kilay ko nang makita ang kwarto. Like seriously? Private room? Eh dalawa lang kami. Manyak siguro yung tao na yon. Tsk. "Dito ba talaga?" Tanong ko baka sakaling nagkamali lang ang attendant. "Yes ma'am!" Nakangiti pa rin ang attendant, "enjoy the ambiance ma'am." Aniya sabay alis. Nakakakaba naman, knowing na dalawa lang kami. Bibigwasan ko talaga ito kapag kinupal ako. Inhale. Exhale. Kumatok na ako. "Come in." Wika ng lalaki sa loob ng kwarto. Okay, this is it pansit. Pinihit ko na ang door knob at pumasok sa loob ng biglang nagsalita ang lalaki. "Now you're here, Ms. Laviña." Bungad ng lalaki na nakangisi ng nakakaloko. LEANDRO'S POV First time kong makipagkita sa aking soon to be wife, kaso may iba akong gusto kaya dapat ma-settle na ang dapat isettle. Papunta na ako sa aming restaurant, ang King Cecillion 5 Star Hotel and Restaurant. Actually, sa isip ko talaga ay kailangan kong mapapayag yung babae which is yung kaisa-isang anak ni Don Sergio. Sana mapaki-usapan ko ng maayos para tapos na ang problema. Nang makarating ako sa restaurant ay agad akong nagpareserba ng VIP Room. "Miss, kindly reserved one of our VIP rooms," Saad ko sa receptionist na agad naman nitong kinagulat. "For whom sir?" Tanong ng isa naming empleyeda habang nagsusulat sa log book ng aking reservation. "For me and my fiancée," nakangiti ko pang sabi, "oh and her name is Ms. Laviña." Sabay alis sa tapat ng receptions area kahit hindi pa nagrerespond ang receptionist sa akin. Agad akong nagtungo saglit sa aking opisina upang magpahinga at isipin na mabuti ang aking sasabihin at plano para mamaya. Ilang sandali pa ay nakaisip na ako ng magandang ideya kaya bumalik ako sa receptionist upang itanong kung anong room nya kami nireserba. "Hi. What room number did you reserves us?" Bungad ko ng nakangiti pa rin pero shocked pa rin si ate na receptionist kapag nakikita ako, siguro napopogian sa akin. "Vip room number 2, sir." Nakangiti nyang sagot sa akin. "Thank you." Nakangiti rin ako bilang tugon sa kaniyang ngiti sa akin at nagtungo na sa nakasaad na kwarto. Pagkabukas ko pa lamang ay pina-ayos ko na ang kwarto para di masyadong intimidating ang dating sa kanya. Naghintay pa ako ng ilang sandali at tumawag na sa akin ang aking papa. "Anak, on the way na ang anak ng kumpadre ko. Ingatan mo sana," sabi ni papa akin. "Okay papa." Walang emosyon kong sagot saka ko binaba ang telepono. Wala rin naman akong ibang sasabihin kundi; oo, sige po, okay, masusunod po, at marami pang iba. Never naman nakinig ang aking papa sa gusto ko. Ang gusto nya sya lamang ang nasusunod. Mga trenta minutos din akong naghintay sa babaeng iyon kaya nung kumatok na ito sa may pintuan ay napangisi ako. ZEPHYRINE'S POV "Bakit ka naman nakangisi?" Mataray kong tanong sa lalaki na nakaupo sa mesa. "Wala, ang ganda mo pala," nakangisi pa rin ito, "ganda mo sa personal." At sabay tumayo at inilahad ang kanyang kamay. "Tss," reaksyon ko sa kanyang tinuran at inilahad din ang aking kamay bilang pag-galang, "I'm Sereia Zephyrine Laviña." Sabay bitaw sa kamay nya. "Leandro Lizada," nakangisi pa rin ang loko, "have a seat, and let's order our food." Wika pa nito. "Thanks." Sabay upo ko at tumingin sa menu. Pareho kaming di nagsasalita habang nakatingin sa menu. Hindi ko alam kung naghihintayan lang kami kung sino ang unang mag-a-approach o talagang tahimik lang ang lalaki na ito. Nang matapos na akong mamili ng makakain ay napatingin ako sa paligid ng kwarto. Sa totoo lang ay maganda ito, hindi malaswa tignan gaya ng nasa isipan ko kanina. Kaaya aya at komportableng titigan. Maganda ang taste ng may-ari sa mga kagamitan at kulay. "Tapos ka na ba mamili?" Tanong nya na syang kinabigla ko. "A—oo. Ikaw ba?" Nauutal pa ako sa pagsagot dahil sa pagkabigla. "Oo sandali ha? Tatawag lang ako para magawa na ang order natin." Nakangiti nyang sabi at nagtungo sa lamesa na maliit sa gilid ng kama, "hello, its from Vip room 2. We'd like to order—" sabay senyas sa akin ng kung anong oorderin ko. "Beef steak and salad," mahina kong sagot na sakto lang para hindi marinig sa kabilang linya. "One salad, two beef steak, well cook and one vintage wine." Ani nya sabay baba sa telepono at bumalik sa lamesa. "Para saan ang wine?" Nakataas na ang kilay ko para ramdam nya na di ako komportable sa kanya though yung ambiance ng place is super relaxing. "It's a date, right? Perfect ang wine sa date," wika nya, "saka di ka na naman na minor." Nakangisi pa nyang sabi. Nakakagigil ka na ha. Konti pa. "Maiba na tayo, about sa kasal kasal na yan, isa lang sasabihin ko, ayaw ko." Madiin kong sabi para tapos na ang lahat. "Naks. We both want to cut the rope that our dad's tied up." Saad nito na halata naman na masaya ng marinig na ayaw kong magpakasal sa kanya. "May mahal?" Nakangisi kong tanong dahil ganon naman lagi gaya sa napapanood ko sa mga soap operas e. "Yes. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon para ligawan sya." Nakangiti na sya na napakaganda, "actually, di pa kami ulit nagkikitang dalawa kasi nag-aral ako sa America." Dagdag pa nito habang nakangiti pa rin. "Sige, magkwento ka." Saad ko and he started to tell the short story then. "We grow up sa iisang subdivision, ahead ako ng 2 years sa kanya. Napakaiyakin nya sa totoo lang, lagi syang tinutukso ng mga kamag-aral nya na kesyo anak lang sya ng isang katulong na isang gold digger ang mama nya at marami pa na pag-iinsulto ang naranasan nya sa iba. Ako yung naging protector nya hanggang sa mag-aaral na ako ng high school, napagpasyahan mg magulang ko actually daddy ko lang ang nagpasya na doon ako mag-aral sa amerika e," natatawa nyang sabi, "kaya bago ako umalis ay nangako ako na babalik ako at sa pagbababalik ko ay liligawan ko sya." Habang kinukwento nya yon ay ramdam ko na totoo sya, totoong nagmamahal sa isang babae na kahit di ko pa nararanasan magmahal ay naramdaman ko ang pagmamahal na iyon. Ilang minuto ay kumatok na ang may dala ng aming kakanin. "Thank you." Sabi ko sa waiter. "Enjoy your foods, ma'am and sir." Giliw na wika ng waiter sa akin at agad itong lumabas ng kwarto. Binuksan naman ni Leandro ang wine at sinalinan ang aking baso. "Itutuloy ko pa ba ang aking kwento?" Natatawa nyang tanong, "o ikaw naman kaya ang magkwento kung bakit ayaw mong magpakasal sa akin." At siya'y umupo na para maumpisahan ang pagkain. "Ayaw ko magpakasal sa taong di ko mahal." Maiksi kong sagot habang hinihiwa ang steak, "gusto ko kung magpapakasal ako sa taong mahal ko at mas higit ang pagmamahal sa akin." Dagdag ko pa bago ko sinubo ang hinati kong steak . "Ah, akala ko naman may boyfriend ka." Matipid din nitong sagot sa akin. Ilan sandaling katahimikan, oras para namnamin namin ang pagkain. "So, paano na gagawin natin? Pang lima kita na i-de-declined ha?" Pagbibiro ko pero totoo naman talaga. "Mag-panggap na lang muna tayo. Hindi ko na rin kasi gusto na makipag-date pa sa kung sino-sino." Ani nya na napaka-seryoso na halatang sawa na rin gaya ko. "Serious mo naman." Nata-tawa kong sabi, "hanggang kailan naman?" Dugtong ko. "Hanggan sa makita na natin ang hina-hanap natin. Hindi naman siguro tayo ipakakasal agad agad." Sabay subo ulit ng steak sa kaniyang bibig. "So, Mr. Soon to be husband ko," nakangisi kong sabi, "ano plano?" Dugtong ko pa saka ko kinain ang salad na napaka-sarap ng pagkaka-gawa. "One to two months, okay na ba yon?" Wika nya pa at saka ininom ang wine. "Hm, pwede na. Makakapagpahinga na ako sa dalawang buwan na walang pino-problema." Pa-ngiti-ngiti ko pang sabi dahil sa sobrang sarap ng pagkain. I will recommend this restaurant sa mga friends ko. "So, its settled," inilahad na nya ang kamay nya, "kailangan bang sweet tayo kapag mag-kasama sa harap ng parents natin?" Pa-habol nyang tanong. "It's settled." Inilapat ko rin ng aking kamay sa knyang kamay bilang pagsang-ayon sa kaniya, "siguro? Depende na lang sa sitwasyon. Bawal lang kiss. Reserved yun para sa the one ko." Giit ko. "As if naman na gusto kitang ikiss." Ani nya na parang nadidiri. "Ang kapal ha?" Kapwa kami napatawa sa nangyari. Natapos na naman ang usapan at pagkain. Kapwa kami naging masaya sa nangyari. Busog na plus no problem na rin. So its settled na, no fixed marriage na for two months! Yay! Oo nga pala nakalimutan ko na ang aking mga butihing kaibigan. I need to go na, its 4 pm na din, baka tapos na sila mag mall. "Uy, need to go. 2 hours na din tayong magkasama baka maumay na tayo sa isa't isa." Pabiro kong sabi kaya naman tumawa sya ng malakas. Hala, Baliw lang kuya? "Yeah sure. See you soon." Magiliw nyang wika saka ako pinagbuksan ng pinto. Habang naglalakad kami palabas ay nakatingin lahat ng empleyado sa amin— ay sa akin pala. Bakit? Baka may sauce ako ng steak o salad sa mukha? Nakakahiya naman. "Oh bakit?" Pagtataka nya ng bigla kong niyuko ang aking ulo, "heads up, okay?" Giit nya. "May sauce ata sa mukha ko eh," naiiyak kong sabi dahil sa kahihiyahan. Hinawakan nya ang mukha ko at tinignan na maigi kung may naiwang sauce sa aking mukha. "Wala naman. Bakit ba?" Pagtataka pa rin nya. "Lahat kasi ng empleyado dito nakatingin sa akin. Nahihiya na ako." Pagsusumbong ko. Medyo natawa sya sa aking sinabi at ngumiti sa akin. "Nakatingin sila kasi ikaw ang fiancée ko." Medyo napalakas na sabi nya na parang proud pa ito. "Connect 'non?" Tanong ko, "di naman nila ako kilala o kaya ikaw e." Dugtong ko pa. "Kilala kaya ako." Proud nyang sabi. Di ko sya maintindihan sa kaniyang sinasabi nang bilang lumapit ang isang janitor.... "Hi, sir! Thank you po kasi naisugod ko po sa ospital ang anak ko. Ngayon po ay naoperahan na at kasalukuyang nagpapagaling na. Maraming salamat po!" Magiliw na ipinabatid ng janitor ito kay Leandro. "Walang anuman po, ang isang mabuting presidente ng kumpanya dapat maging isang responsable at mabuti sa kanyang mga empleyado," nakangiti nitong tugon sa janitor, "dapat may konsiderasyon din po ang presidente." Dagdag pa nya kaya naman lalong natuwa ang janitor. So, kung nagpasalamat ang janitor, ibig sabihin sa kanila itong restaurant?! Wow. "So, ikaw—?" Di ko pa man natatapos ay tumango na ito kaya naman ay medyo namula ako dahil hindi ko man lang nai-background check ang aking fiancee. "Saan banda nakapark yung sasakyan mo?" Tanong nya sa akin, "tara elevator na tayo." Sabay hila sa akin patungo sa elevator. "Teka," sabay agaw ko sa braso ko, "magtetext pa ako sa driver. Sa tapat kasi ako bumaba kanina e." Kinuha ko ang cellphoneat nagtext na kay kuya Lito na driver namin. Agad naman itong nagreply bago pa man kami makapasok sa loob ng elevator. "Sa basement 2 daw sya nakaparada." Wika ko. Tumango lamang ito at pinindot ang B2. Habang nasa loob kami ay naisipan kong itanong kung sino ang head chef nila. "Ang sarap ng pagkain dito, sino head chef nyo?" Diretso kong tanong sa kaniya. "At bakit mo naman naitanong, aber?" Seryoso nyang tanong, "balak mo sigurong agawin sa amin, no? Mag aalok ka ng malaking halaga bilang sweldo nya para umalis sya dito?" Dagdag pa nya. "Grabe ka! Masarap kasi yong pagkain. Makasabi naman na aagawin kala mo kaagaw agaw e." Pagdepensa ko. "Huli ka! Defensive ka masyado," natawa na lang sya sa aking reaksyon, "so here we are, saan banda rito?" Tanong nya habang patingin tingin sa mga nakaparadang sasakyan. "Ayun oh!" Turo ko sa pang limang sasakyan mula sa amin sa kanan na bahagi ng paradahan. "Wait, give me your phone," saad nya, "I'll put my mobile number in case of emergency." Kumindat pa ito sa akin. Iniabot ko na ang aking cellphone para makapunta na ako kila Gaia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD