Nasa isang sikat na mall ang anim na magkakaibigan bago ang pasukan upang bumili ng mga gamit na gagamitin nila sa pag-aaral. Ilang oras din silang nagpaikot-ikot sa loob ng nasabing mall na pag mamay-ari ng pamilya nila Bryllee at Gaia na kanila namang mga kaibigan. Matapos na nilang mabili ang lahat ng kanilang kailangan ay halata sa kanilang mukha na hupang hupa sa kakaikot.
"Tara uwi na tayo ? napapagod na ko e." Suhestyon ni Fajra na halatang napagod talaga sa pamimili.
Siya si Fajra Marzena Saldua anak ng isang kilalang doctor sa Makati. Ang pinakabibo at madaldal sa kanilang magkakaibigan.
"Oh sige. Kaninong place tayo tatambay ngayon?" Tanong ni Gwyneth habang nagbabasa ng Manga.
Siya naman si Gwyneth Amira Veniegas na anak ng may-ari ng pinakasikat na pagawaan ng alak at wine Pilipinas at nag eexport din sa ibang bansa.
"Sa inyo na lang tayo, Eira. Mas malapit place nyo dito e," wika ni Czarina.
Siya si Czarina Hanelle Casiple anak ng isang masipag na janitor na ngayon ay milyonaro at may-ari ng kilalang brand na damit.
"Tara sa amin na lang." Pag sang-ayon naman ni Eira sa kaibigan.
Siya si Mirela Eira Porcales ang pinakamahinhin sa aming lahat na kahit hindi parating nakakasama ang magulang dahil sa abroad based ang work ng mga ito ay lumaking mala- mariang clara sa totoong buhay.
—
Nang makarating sila sa mansyon nila Eira ay bumungad ang isang kasambahay para ipaalam na umalis na ulit ang parents nya papuntang ibang bansa para magtrabaho.
"Miss, umalis na po sila. Baka after a month daw sila makakauwi," saad ng kasambahay na paramg hindi kumbinsido dahil parating hindi natutupad ang mga pangako nila.
"Ah... Ganon po ba? Sige ate, salamat." Mahinang tugon nito sa kasambahay nila at naging cue para dumiretso na sila sa sala para magpahinga.
Halatang nalungkot si Eira na wala na naman syang ibang kasama sa bahay kundi mga kasambahay lang. Isang linggo ang pinakamatagal na nakasama nya ang kaniyang magulang sa bahay kaya kapag nandito sa Pinas ay sinusulit nyang talaga ang bawat oras.
Para maibsan ang lungkot ng kaibigan ay naisipan bigla ni Fajra na ibahin ang usapan.
FAJRA MARZENA'S POV
Ang lungkot na namn ni Eira hays. Isang buwan daw bago umuwi parents nya yun pala tatlong buwan mahigit na naman hays. Ano kaya pwede kong gawin? Hm....
Oo nga! Pasukan na nga pla bukas. Sige, ipakita ko na lang na excited ako para maiba ang ihip ng hangin.
"Excited na ko para bukas girls!" Malakas na pagkasabi ko.
"Like seriously, Fajra? You're always excited as if there's gonna be something new to our campus." Hirit naman ni Bryllee na noon ay naka-upo na sa sofa, "wag ka ngang ngumuso nguso pa dyan! Di bagay sayo," dagdag pa nito.
Agad akong kumapit sa braso ni Gaia para kampihan ako.
"Gaia oh! Inaaway na naman ako ni Bryllee," pabebe kong sabi kay Gaia.
"Ano ka ba Bryllee, hayaan mo na si Fajra. Alam mo naman na di sa pag-aaral nananabik yan, kundi sa mga transferee, di ba?" Nakangiting gatong ni Gaia.
Yay! May kakampi na ko hehehe. Teka, uyyyy! Galing ko hehehe. Naka-ngiti na ngayon si Eira.
"Jusko! Lalaki na naman ba iyang nasa isip mo Fajra?!" Singit ni Czarina habang tinitignan ang mga pangalan at larawan ng mga estudyante sa kanyang laptop.
"Oo, bakit? May transferee ba na cute? Patingin naman!" Excited ko pang sabi. Eh sa totoo naman na mahilig ako sa mga cute boys.
"Wala pa. Hindi pa nilalabas ng admin yung lists of transferred students e," ani nya.
"Ahhhh sigeeeee, tignan ko later yan Czar haaa?" Pagpapakyut ko as always kahit cute naman talaga ako.
"Ahh guys, punta muna ako sa kusina, maghahanda ako ng makakain natin." Singit ni Eira sa usapan at agad itong nagtungo sa kanilang kusina.
Hays, umiwas na naman si Eira. Pasasayahin na lang namin sya para maibsan lungkot na kanyang nadarama. Matignan na nga lang yung lists of students baka nilabas na yung mga transferee hehehe.
"Teka, maiba ako. Saan naman lupalop naroon si Sereia? Hindi sya sumama sa atin mag mall, isang malaking himala yon." Sabay tingin ni Gwyneth kay Gaia "Ano ba sabi sayo, Gaia? Bakit di nakapunta yon?" Dugtong pa niya.
Oo nga no, nakalimutan ko din palang itanong yon kay Gaia. Why Zephy didn't come with us. I wonder whyyyyyy. Si Zephy pa naman lagi nag-aaya sa amin na pumunta sa mall.
Pasagot na sana si Gaia nang biglang lumabas si Eira na may dalang makakain kasama ang isang kasambahay.
"Oh kain na muna tayo," pag-aalok niya sa amin.
"Ang sarap talaga sa tainga ang boses mo, sana ganyan din ang akin." Paawang sabi ni Amira "Kasi naman bakit parang megaphone boses ko e!" Dugtong pa nya.
Napahalakhak na lang kami sa tinuran ni Amira dahil totoo naman na malakas ang boses nya. Mas malakas pa kaysa kay Brylle.
Umupo na kami para pagpyestahan ang hinanda ni Eira, nakalimutan na rin ni Gaia sagutin ang tinatanong ni Amira sa kanya kanina at habang kumakain kami ay biglang nag-ring ang cellphone ni Gaia.
"Its Zephy, excuse me." Sabay tayo nito at lumipat sa bandang bintana para masagot ang tawag, "Hey, Zephy! Where are you? We are already done shopping--" Gaia didn't finished what she's saying and changed her facial expressions while listening to Zephy in the other line. "What are you trying to say? Seriously? How comeeee?!" Gaia's voice get high.
What happened? Omoooooo! Why Gaia's looked so serious? Hindi naman lagi nag-tataas ng boses si Gaia e.
"Okay. Okay. I'll tell them then." Gaia's tone and face didn't change as the call ended. She started facing us.
"What happened to Zephy?" Eira asks.
"Yeah, what happened?" Czarina asks pero mukha namang walang paki ang datingan ng pagkakasabi.
"Zephy will transfer to another school." Gaia said with a sad tone.
None of us talk. A second of silence then....
*Camera flashes*
Nabigla kami ng biglang kinuhaan kami ng litrato ni Gaia.
"OMG!" Napahiyaw si Czarina.
"The nerves of you!!" Bulyaw naman ni Bryllee.
"Nice shots, Gaia." Bati ni Amira ng naka thumbs up pa.
"Bakit may pagkuha ng di nagsasabi?" Napataas ang kilay ko, "dapat nagpasabi muna para makapagpaganda ako," dugtong ko.
Napailing na lang ang lahat sa sinabi ko 'bakit mali ba sinabi ko?' maliban kay Gaia na noon ay nagpipigil ng tawa.
"Bakit? Eh di ako nakapaghanda sa pagpicture e," ani ko
"Anyways, these stolen shots will be send to Zephy. I know when she see these pictures will lighten up her chest." Pagkumbinsi ni Gaia sa amin.
"Whatever. Do whatever you or Zephy wants. Tss." Nakairap na sabi ni Czarina kay Gaia.
Si Gaia naman habang nagsesend ng pictures ay parang natatawa pa porket wala sya doon sa stolen pictures, pangiti-ngiti pa hays.
"Seryoso ba na lilipat si Zephy?" tanong ni Czarina hindi naniniwala.
"Oo nga, bakit ngayon pa kung kailan magbubukas na ang klase bukas?" Tanong ko na medyo nagugulihan din sa nangyayari.
"True. kung kailan naman last year na natin sa school," dagdag pa ni Amira
"Kung totoo man yon, bakit naman biglaan?" Tanong ni Eira
"Hindi ko alam," tanging tatlong salita at pag-angat ng balikat ang naisagot ni Gaia sa tanong ni Eira.
Habang nagtataka at nag-iisip ang bawat isa sa amin kung bakit biglang lilipat sa ibang eskuwelahan si Zephy ay napansin naman ni Bryllee na nagpipigil ng tawa ang kanyang kapatid.
"Teka nga sis, bakit natatawa ka?" Singit ni Bryllee na nagtataka na.
"Oh God." Amira said then turn back to what she eats.
Hala! Bakit? Ano meron?
"Oy bakit ba guys?" Pagtataka ko. Wala talaga akong alam sa nangyayari.
"Ang slow na naman, Fajra. Talaga lang ha." Inis na sabi ni Bryllee
"You'll see it later." Czarina answer then rolled her eyes towards Gaia.
"Oh. Stop it na," pagpapatigil ni Eira, "pupunta ba dito si Zephy?" Sabay tingin kay Gaia.
"Uhm, hindi ko alam e." Sagot ni Gaia sabay taas ng balikat.
'Slow ko na naman haaa, ano ba nangyayari? Bad kayo sa akin.' ayan lang nasa isip ko.
Two minutes later after sending off the photos, all our cellphone rangs.
"Uy guys nagtext si Zephy," wika ko
"Yeah. We do have phones too." Pagtataray ni Czarina sa akin.
Taray te ah. Mabasa na nga text ni Zephy.
-One message received from Zephy.
'Hi guys! Thank you for these lovely photos. I really appreciate it. -XOXO''
"Tawang tawa siguro iyon nang makita litrato natin," inis na sabi ni Bryllee
"Malamang!" Giit pa ni Czarina
"Jusko naman." Napa face palm naman si Amira
"Nagoyo na naman tayo." Dagdag pa ni Eira
"Di ko pa rin gets!" Nagtataka kong sabi
"Ewan ko sa iyo, Fajra." Sabay ng pagkakasabi ay kumain na ulit si Bryllee.
Hays. Baaakit baaaa?! Ano ba meron? Is this a kind of a joke?! Tekaaaaa–
"Joke lang ba yon?" Pangungulit ko nang marealized na nagbibiro lang sina Zephy at Gaia.
"Naks. You got it na!" Pahiyaw na sabi ni Bryllee sakin
"Huwag ka na mag-isip pa. Magugulumihanan ka lang," ani pa ni Amira.
"Ang bad nyo sa akin." Pakunwaring iiyak na ako.
Hay na ko Zephy, lakas mo talaga mantrip pati si Gaia kinasabwat mo pa. Kurot ka talaga sakin kapag nagkita tayo.
Pinagpatuloy na lang namin ang naudlot na pagkain. Ang sarap ng pizza. Ang lamig na...
5 minutes later, nang malapit na kaming matapos kumain ng snacks ay biglaaaang–
"Did you see your faces guys?!" Bungad ni Zephy sa amin ng may malaking ngiti sa kaniyang mukha.