Chapter 44 Claw’s Pov NAKAUWI na kami ng girlfriend ko sa bahay kung saan kami naka-stay. Hindi pa rin mapuknit ang ngiti ko sa labi dahil sa wakas, may relasyon na kami ng baby ko. Magpapakitang gilas talaga ako palagi sa kanya para mabilis akong ma-promote bilang asawa. Tangina, kahit hindi pa maduming damit, lalabhan ko na agad para lang malaman niya kung gaano ako kagaling maglaba at hindi na siya maghanap pa ng iba. Ipinark ko lang ang sasakyan ko at agad na pinatay ang makina. Tumingin pa ako Diane na panay ang tingin sa picture namin dalawa. Halos punuin ko ng pagmumukha niya ang phone ko. Nagpalit na din ako ng wallpaper, mukha na niya ang nandito. Pati sa phone niya ay may picture din kami. Pinilit ko din siyang i-wallpaper ang picture namin. Dapat lang malaman ng ibang lal

