Chapter 45 Claw’s Pov AYAW umuwi ng mga ungas kong kaibigan. Balak daw nilang dito matulog kaya nagkayayaan kami na mag inuman. Pumayag naman si Diane na dumito muna ang mga kaibigan ko. Pero hindi ko siya pinayagan na uminom ng alak. Syempre, ayaw ko siyang makatulog mamaya. Magbebembang pa kami eh. Kaya dapat lang na hindi siya malasing. Nagluluto ako ng hapunan namin. Mamaya pa kasi kami maglalasing. Tinulungan naman ako ni Nolan magluto. Si Thiel naman ay daldal ng daldal dahil nakainom na siya ng beer. Si Raj, nasa terrace yata. Gusto daw niyang mapag-isa kaya hinayaan na muna namin. Lagi naman talagang lonely ang kumag na ‘yun. “Kailan balik mong gago ka?” tanong sa akin ni Nolan. “Hanggang sa matapos ang sembreak ng baby ko,” sagot ko naman. “Hoy! Seryoso na ba talaga ‘ya

