Chapter 21 Diane’s Pov NAGISING ako na wala na si Claw sa tabi ko. Hindi ko siya namalayan na lumabas ng kwarto ko dahil siguro sa himbing ng tulog ko. Paano ba naman kasi madaling araw na ako nakatulog habang siya ay ang sarap ng tulog niya. May kasama pang mahinang hilik kaya alam na alam kong nakatulog siya ng maayos. Kaya hindi ko na siguro siya namalayan pa dahil sa himbing ng tulog ko. Agad akong bumangon dahil maaga pa akong pasok ko. Malamang ay ihahatid na naman niya ako sa school. Kahit anong sabi ko sa kanya na wag na niya akong ihatid ay gagawin pa rin niya. Mabilis akong kumilos at agad na nag asikaso dahil magluluto pa ako ng almusal. Kailangan kong magpalit ng damit bago ako lumabas ng kwarto. Habang nagbibihis ako ay naalala ko kung paano hawakan ni Claw ang isa kon

