Chapter 20 Diane’s Pov HINDI ako mapakali habang nagluluto ako dito sa kusina. Nakauwi na kami ni Claw matapos niya akong halikan. Naguguluhan na talaga ako kung bakit niya ako hinahalikan. Akala ko ba inis na inis siya sa akin, bakit panay ang halik niya. Nakakainis na! Nang makarating kami kanina sa bahay ay agad akong bumaba. Hindi ko na siya nilingon pa. Halos tumabingi na nga ang mukha ko dahil nakatingin lang ako sa bintana buong biyahe. Nagluluto pa ako para sa dinner nila ate Cat at sir Remus. Pagkatapos nito ay pupunta ako sa kwarto ko at hahayaan kong kumain ang mag-asawa. Lalabas nalang ako kapag tapos na silang kumain para hugasan ko ang pinagkainan nila. Tinikman ko na muna ang niluto ko kung tama na ba ang timpla. Baka makalimutan kong lagyan ng pampalasa. Wala pa na

