Chapter 24 Diane’s Pov NAKAINOM na ako ng tubig pero mas lalo lang yatang uminit ang katawan ko. Panay tuloy ang kuha ni Claw ng tubig sa kusina dahil panay ang hinigi ko. Hindi naman siya nagreklamo sa utos ko. Nakakapagtaka talaga na hindi na siya reklamador eh, alam ko naman kung gaano siya kainis sa akin. Magkatabi pa talaga kami ni Claw, kausap niya sa phone si sir Remus kaya hindi ako gumagawa ng ingay. Kinakabahan ako na baka magalit ang asawa ni ate Cataleen dahil sobrang late na talaga. “Sige, Boss. Areglado!” dinig kong sabi ni Claw saka niya ibinaba ang phone. “Okay na, alam na ni Boss Remus na magkasama tayo.” sabi niya sa akin. “Eh anong sabi niya? Nagalit ba?” Tanong ko sa kanya. Kabado ako sa sagot niya dahil ayaw kong magalit si Sir Remus. Nakakatakot pa naman si

