Chapter 25 Diane’s Pov WALA na akong nagawa nang sabihin ni Claw na hindi ako maihahatid sa bahay nila Ate Cataleen. Labag man sa kalooban ko ay hindi na ako nagreklamo. Sabi kasi niya flat ang gulong ng sasakyan. “Saan ako matutulog ngayon?” Tanong ko kay Claw. “Sa kwarto ko.” sagot niya agad. “Ha? Eh do’n ka matutulog sa kwarto mo. May tatlo ka pa namang kwarto sa taas, doon nalang ako.” sabi ko. “Sa guest room nalang ako.” dagdag ko pang sabi. “Ahm.. hindi pa maayos ang tatlong kwarto, kulot. Yung isa kasi ginawa kong bodega, kailangan ko pang linisan. Alam mo na.. masyado akong focus sa underground kaya wala akong oras maglinis ng bahay ko.” Paliwanag niya kaya natahimik ako at napabuntong hininga. Ang laki-laki ng bahay niya tapos may apat na kwarto, pero isa lang ang pwe

