Chapter 52 Diane’s Pov MABILIS ANG mga buwan na nakalipas at palaki ng palaki ang tiyan ni ate Cataleen. Tuwang tuwa talaga ako kapag nakikita kong masaya silang dalawang mag-asawa. Kami naman ni Claw ay masaya sa buhay bilang mag jowa na nagbebembangan na may proteksyon. Sa paglipas ng buwan ay nalaman ko na mahal ko na pala talaga yung lalaking kinaiinisan ko dati. Inlove na inlove na nga yata ako sa kanya at pati din naman siya ay mahal na mahal ako. Tuloy pa rin ang patagong pagpasok nya sa kwarto ko at magkatabi kaming natutulog. Walang gabi na hindi niya ako inaangkin pero syempre may suot ang junjun niya para hindi ako mabuntis. Sigurado ako na alam ni Sir Remus na sa kwarto ko natutulog si Claw dahil may mga cctv. Pero hindi lang siguro niya kwinekwento kay Ate Cataleen.

