Chapter 53 Diane’s Pov ISANG nakakapanghinang balita ang nakarating sa akin mula kay Claw tungkol sa sinapit ni ate Cataleen. Nagkakagulo ang lahat ng mga tauhan ni Sir Remus dahil nawawala ang asawa niya. May kumuha daw kay Ate kaya ngayon ay panay ang labas ng mga tauhan ni sir Remus. Ako naman ay walang magawa kundi ang tumayo sa labas ng gate at maghintay ng balita kung nahanap ba nila si ate Cataleen. Ngayong araw siya nanganak pero bigla nalang daw may kumuha sa kanya. Mabuti na nga lang at hindi din nakuha ang baby nila dahil nahuli agad ni Sir Remus. Kaya ang boyfriend ko ngayon ay hinahabol ang kumuha kay ate Cat. Gusto ko sanang tawagan si Claw para makibalita kung nahanap na ba nila. Pero alam kung busy siya sa mga oras na ‘to. Kabado ako at halos manlamig ang kamay ko sa

