Chapter 54 Diane’s Pov MALUNGKOT ang bahay at tanging ang iyak lang ng sanggol na anak ni Ate Cataleen at Sir Remus ang maririnig sa bahay. Nababalot na ng lungkot ang dating masayang bahay ni Sir Remus dahil sa pagkawala ng asawa niya. Hindi kasi nagtagumpay sila Claw na mahanap si Ate Cataleen. Kaya ang nag-aalaga sa sanggol ay ako o di kaya ay si sir Hadeon na kapatid ni sir Remus. Wala sa sariling si sir kaya hindi niya maalagaan ng maayos si Baby Caerus. Yun ang pangalan ng anak nila ni Ate Cataleen. Minsan ay nagpupuyat ako para lang bantayan ang baby. Wala kasing magbabantay na babae. Minsan naman ay masama ko si Claw lalo na sa gabi. Palitan kaming nagbabantay. Para nga naming anak si Caerus dahil kami na ang nagpupuyat upang ipagtimpla ng gatas ang baby o di kaya ay isayaw-s

