Chapter 55 Diane’s Pov LUMIPAS pa ang mga buwan hanggang sa naging taon ay hindi pa rin nahahanap si Ate Cataleen. Pero kahit hindi pa nahahanap si Ate Cat ay nakikita ko namang matatag si sir Remus. Ang cute pa naman ng anak niya at sobrang bibo. Natutuwa na lang din ako dahil ang cute ng anak niya. Nabinyagan na nga din siya at isa ako sa ninang at si Claw naman ay ninong. Hindi na kami masyadong hirap kasi na dyan si sir Remus na nag-aalaga sa anak niya. Siguro ay narealize na lang niya na dapat siya ang magbantay sa anak niya. Pero ayos lang naman sa akin kung sa amin niya ipabantay. Wala namang problema yun dahil natutuwa din naman kami ni Claw na magkaroon ng baby. Nandito ako ngayon sa isang restaurant. Galing ako sa school at hindi ako nasundo ni Claw dahil sabi niya ay ma

